Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LIHAM

Magandang araw sa lahat, ako po si Mailyn P. Andar na nais magsulat ng liham


saaking mga minamahal na mga kaibigan. Ang pagkakaroon ng kaibigang tunay ang
pinakamasarap na bahagi ng buhay. Kaibigang tunay na palaging nandyan at
kaibigang tunay na nagbibigay lakas loob sa atin.

Para sa mga kaibigan ko, una sa lahat ay nais kong sabihin sa inyo na higit pa sa
salitang salamat ang aking saya simula ng makilala ko kayo. Kayo ang mga kaibigan
ko ngayon, bukas at magpakailanman. Bilang kayo ang kaibigan ko, sana sa
paparating na mga araw kayo pa rin at kayo pa rin hanggang dulo.

Sa inyo aking minamahal na kaibigan, hindi niyo ba alam na sa tuwing nag-iisa


ako at nagmumuni-muni, ang palagi kung dasal sa may-kapal (Allah) ay sana hindi
magbago ang mga tunay kong kaibigan dahil subrang saya ko sa kanila.

Kaya, nais kong magpasalamat sa inyo mga kaibigan ko at ibig ko rin malaman
niyo na mahal na mahal ko kayo. Sana marami pang darating na oras na malakas tayo
upang sa ganun makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay. Sana kahit pumuti
man ang buhok natin ay manatiling tayo parin.

Nagmamahal,

Mailyn P. Andar

You might also like