Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

NPA

Ang " NPA o No Permanent Area" ay isang kalagayan kung saan ang mga nagtitinda
ng gulay ay walang permanenteng lokasyon para sa kanilang negosyo. Ito ay isang
hamon para sa kanila dahil hindi nila masiguro kung saan sila magbebenta ng kanilang
mga produkto sa pangmatagalang panahon. Kadalasan, ang pagiging walang
permanenteng lugar ay nagdudulot ng labis na stress at pagod sa mga nagtitinda dahil
kailangan nilang patuloy na maghanap ng maaaring maging tamang lokasyon para sa
kanilang negosyo. Ito ay maaaring humantong sa hindi pagkakaroon ng regular na
customer base o kawalan ng mga regular na suki.
Ang perang inaasahang pang-gastos sa pang-araw-araw at pangkabuhayan ay
nauuwi na lamang sa bayad sa upa ng pwesto, ayon sa kanila. Mas mahirap pa kung
sila ay magpapatuloy sa pag-uupa, subalit mas nakararamdam sila ng kahirapan kapag
kinakailangang lumisan sa dating pwesto upang hanapin ang bago (Aquino 2024). Ang
ilan sa mga hamon ng mga nagtitinda ng gulay sa palengke, ayon kay Aquino (2024):

Pinaka pinaka malaking hamon, syempre ano kahit ayaw mo papaalisin ka, wala kang

puwesto paalisin ka, minsan palipat lipat ng puwesto lumilipat ka kasi walang puwesto

ganon.

Nangangahulugan na ang ganitong kalagayan ay nagdudulot ng hindi tiyak sa


kanilang kabuhayan. Ito ay isang malubhang isyung patuloy na kinakaharap ng mga
vendor ng gulay sa palengke; maihahahalintulad na lang sa sitwasyon ni Concepcion
Aquino (2024).
Sa pang-araw-araw na buhay sa kalsada, madalas marinig ang mga hinaing ng mga
nagtitinda sa bangketa na pinagsasabihan na itigil ang kanilang hanapbuhay. Kahit na
nagmamakaawa sila, patuloy pa rin ang pag-sita ng mga awtoridad na bawal ang
pagtitinda sa lugar na iyon. Hindi ito simpleng isyu bagkus ito ay isang patuloy na laban
para sa kanilang kabuhayan at karapatan. Sa gitna ng kanilang kawalan ng pag-asa,
hindi nila maiiwasang ipahayag ang kanilang pangamba at pagkadismaya sa isang
sistemang tila hindi nakatutugon sa kanilang mga pangangailangan. (Street vendors of
Manila, SUEUAA 2018)

TUMAL

Malaking problema ng bawat nag-nenegosyo ang matumal na benta hindi lamang ng


mga nagtitinda ng gulay, nariyan ang pagkabulok ng kanilang paninda dahil sa tumal ng
benta at pagkawalan ng kita. Ang salitang "matumal" o "tumal" na ang ibig sabihin ay
hindi mabilis o kakaunti ang pagdating ng mga kostumer, benta, o pangyayari, lalo na
sa usapin ng negosyo.

Matumal, as in Matumal grabe ang init ‘yung mga paninda namin madaling malata.

‘Yung tumal, minsan matumal eh, ano hindi nakakaubos, lugi.

Ayon sa mga kinapanayam na sina Arquiza (2024) at Giliego (2024) na mayroon


talagang mga araw na matumal ang kanilang paninda at nagdudulot ito ng pagkalanta
ng kanilang paninda at pagkalugi nila. Naging matumal ang bentahan sa mga palengke
bunsod ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at kawalan ng perang pambili ng
mga Pinoy (N.R. Andal, 2006). Sa salaysay ni Roxas (2006), malaking problema ito ng
mga negosyante dahil malaki ang epekto nito sa kanila at sa kanilang paninda ngunit
hindi maiiwasan ang ganitong sitwasyon marahil na ito ay indikasyon lang umano na
marami pa rin sa mga Pinoy ang naghihirap ngayon kahit na gumaganda ang takbo ng
ekonomiya.

PRESYONG MASA
Ang temang “presyong masa” ay mula sa salitang “presyo” na tumutukoy sa halaga
o cost ng isang bagay samantala ang salitang “masa” naman ay tumutukoy sa isang
malaking bilang ng mga tao. Presyong masa ay temang tumutukoy sa abot-kaya at
swaks na presyo ng mga serbisyo o bilihin na para sa karaniwang mamamayang
mamimili. Ito ay karaniwang ginagamit sa konteksto ng ekonomiya at pamilihan.
Ayon kay Giliego (2024) nang siya ay nakapanayam tungkol sa mga hamon o
pagsubok na kaniyang kinakaharap sa tuwing may pagtaas at pagbaba ng mga presyo
para sa kanilang mga paninda:

Wala pagka-bumaba ‘yung paninda bababaan din namin, ‘pag tumaas ‘yung

‘yung puhunan, ‘di ba ganon.

Oo, tataas din ng konti gano'n ‘di naman kailangan malaki ang taas kase ang mga

customer a-angal kahit na siguro alam naman nila na mataas puhunan syempre

babanggitin nila i-cocompare nila yan.

Para sa kanila, nakakaranas ng hamon ang patuloy na pagtaas at pagbaba ng


presyo, ngunit mas malaking hamon para sa kanila ang mga karaingan ng bawat
mamimili na waring hindi sapat para sa kanilang naipon na badyet, habang mayroon pa
silang pagnanais na makabili ng sariwa at de-kalidad na mga gulay. Sa datos mula sa
PSA (2024), ang pagtaas ng inflation noong Pebrero 2024 ay dulot ng pagtaas ng 4.6
sa pagkain at hindi alkohol mula sa 3.5% noong nakaraang buwan. Sa Marso 2024, ang
pagpapabilis ng inflasyon sa pagkain ay dulot ng pagbagal sa pagbaba ng halaga ng
mga gulay, tubers, saging na lutuin, at mga pulses mula sa 11.0% noong nakaraang
buwan hanggang 2.5%. Bagama't tumaas ang presyo ng mga gulay, maaaring hindi
mapigilan ng mga nagtitinda ang pagtaas ng presyo, at kahit mayroong pagtanggi mula
sa mga mamimili, mayroon pa ring mga hadlang sa pagbaba ng kanilang presyo.
Sa Pula, Sa Puti

Ang pagnenegosyo ay maikukumpara sa sugal dahil tila ba walang kasiguruhan ang


pagpasok dito, kung saan maaring manalo, pero maari rin na matalo, sa pagnenegosyo
naman ay maaring maging mabenta at maaari rin na malugi, maaaring maging sapat sa
kanila ang kinikita sa pang-araw-araw, maaari rin naman na hindi. Ang pagnenegosyo
ay hindi biro, dapat alam mo ang ginagawa mo kung hindi ay ikaw ang malulugi. Dapat
alam mo kung ano ang kailangan o gusto ng tao at dapat alam mo rin kung paano
gawin ang produkto na magkakaroon ka ng kita (Oyeman 2020).

Minsan kinukulang din.. minsan kinukulang minsan naman okay lang, minsan kumikita

minsan hindi gano'n, pagmatumal syempre sapat ‘yon pambayad sa gulay syempre

konti lang ang sosobra ang pinipitas ang kulang.. ganon lang. Minsan kulang minsan

naman e nasapat gano'n pagmatumal syempre konti lang ang ano mo.. benta,

pagmabili at nakaubos syempre na sasambot mo yung puhunan may sosobra sayo

kahit pambili ng bigas, pambili mo ng ano at nang iba pa.

Mahihinuha sa kasagutan ng mga nakapanayam na minsan ay hindi sumasapat ang


pagtitinda lang ng gulay dahil may mga araw na sumasapat sa pampuhunan at pambili
at pambayad ng iba pang gastusin at may araw rin na kinukulang pa ang kanilang mga
kita na sumasapat lang sa pampuhunan kinabukasan. Ang pagpasok sa pagnenegosyo
ay nangangailangan ng mataas na antas ng pagdedesisyon dahil napakaraming salik
ang nakakaapekto rito. Kahit pa mahirap at delikado ang pagnenegosyo (Rivera 2011).

MONEY PAKYAW
Ito ay terminilohiya na ang ibig sabihin ay pangkalahatan o isang malaking bahagi na
kayang mabili o bilhin ng mga konsyumer. Ang pakyawan ay isang kalakaran kung saan
ang mga magtitinda ay binibili ang ani ng mga magsasaka sa malaking dami upang
hindi na nila ito kailangang ipamili nang isa-isa. Sa ganitong paraan, nababawasan ang
oras at pagod na ginugugol sa pagtinda ngunit kadalasang ang kapalit nito ay ang
pagbenta sa mababang halaga (EPP 5).
San ka man magpunta o tumungo, makakasalamuha tayo ng mga taong namimili o
mamimili ng mga produkto, na ang pagbili nila ay hindi tingi tingi lang, kung hindi pang
malakihan o maramihan, ito ang tinatawag na "money pakyaw" o "pakyawan".

Ano ‘to bagong pitas ‘to, dito lang to sa Cruses pinapakyaw namin ‘to sa puno.. mismo

sa puno namin pinapakyaw (Aquino 2024).

Maaaring ang ilan sa mga bumibili ng mga produkto sa pamamagitan ng pakyawan


ay nagagawa ito dahil sa pangyayaring "ang mga magsasaka sa Benguet ay
napipilitang itapon ang kanilang mga ani na gulay dahil hindi mabenta o ang presyo ay
labis na bumababa" (Pakyawan sa 'agri smuggling' 2022), sa pagbanggit nila na mas
mabilis umanong mabenta ang mga gulay na inangkat mula sa ibang bansa.
Nakakabahala ang ganitong kalakaran, at marapat na bigyang-pansin ng pamahalaan
ang mga hinaing ng sektor ng agrikultura upang makabuo ng mas maliwanag na
plataporma at magbigay ng mas mataas na seguridad sa kanilang mga kabuhayan. Sa
ganitong paraan, matitiyak na hindi naaagrabyado ang mga magsasaka at iba pang
sektor ng lipunan.

PATAWARIN MO AKO!
Sa sobrang hirap kumita ng pera sa panahon natin ngayon, nagiging natural lamang
ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil nagmamahal din ang kinakailangang
puhunan ng mga nagtitinda. Kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at
paninda ay ang mga mamimiling humihiling na ibaba ang presyo ng mga Ito, dahil hindi
sapat ang kanilang budget. Ang salitang "tawad" ay naging sikat na termino para sa
mga mamimili dahil ang kahulugan nito ay paghingi ng kaunting bawas sa presyo ng
kanilang mga bilihin.
Maaaring ituring na karaniwan pa rin ang pagbanggit ng "150 na lang, ate oh" mula
sa orihinal na presyo. Gayunpaman, kailangan nating isaalang-alang na ang malalaking
diskwento mula sa orihinal na presyo ay maaaring magdulot ng malaking kawalan sa
kita ng mga nagtitinda. Ang ganitong hamon ay maaaring maging isang malaking
balakid sa kanilang hanapbuhay at kabuhayan.

Wala akong suki syempre tatawad. Gusto mo maubos syempre ibigay mo ‘yun sa

kumuha para maubos na gano’n. ‘Pag tumawad sila o kailangan maubos ibigay mo

kahit anong tubo mo limang piso lang (Aquino 2024).

Noon pa man ay mataas na ang presyo ng mga bilihin, hindi lamang mga normal na
mamamayan ang naaapektuhan nito. Mayroon ding ilang artista na sobra sobra kung
tumawad. Totoong mahirap kumita ng pera, ngunit dapat lamang na ilagay natin sa
wasto ang pagtawad natin sa mga presyo ng ating bilihin. Kwento ng isang miron
"Sobra naman kasing makapambarat ang babaeng ‘yun! Wala na talaga sa puhunan!
Sa presyong isandaan, tatawaran n’ya ng sobrang baba, 30 pesos na lang daw!"
(Fermin 2014).

NAGBABAGSAKAN DITO
Ang pagbagsak ng presyo ng mga gulay ay madalas na dulot ng sobrang suplay o
dami ng produkto sa merkado. Kapag napakaraming gulay ang available, nagkakaroon
ng kompetisyon sa pagitan ng mga nagbebenta, na nagpapababa ng presyo upang
maibenta ang kanilang mga produkto. Ito ay maaaring resulta ng magandang panahon
na nagdulot ng mataas na ani o sobrang produksyon ng mga magsasaka. Kaya ay
kailangan nilang maghanap ng mga paraan upang mapanatili ang kanilang kita sa
kabila ng mababang presyo. Isa lamang ito sa mga hamong kinakaharap ng mga nag
nenegosyo.

Ano, kinabukasan uli ititinda mo ulit, kaya lang bagsak presyo. (Giliego 2024)

Ayon sa kwento ng mga nakapanayam namin na minsan nadating sila sa punto na


kailangan nilang mag bagsak-presyo para maubos kaagad ang mga paninda nilang
gulay. Ayon kay Jeoffrey Tomas (2024) "Para sa akin lang kasi, last July - August
hanggang September, mataas kasi ‘yung presyo ng mga gulay noon. Kaya parang na-
engganyo ‘yung mga tao, lahat na nagtanim. Pagdating doon sa drained post,
nagkasalo-salo kaya marami kung minsan. Ma'am, dito nasubukan ko ng magbenta ng
dalawang piso, ayaw pa ring bilihin. E, kesa naman itapon mo, ipamigay mo na lang."
Ang pagbagsak ng presyo ng mga gulay ay malaking problema para sa mga
magsasaka at nagbebenta dahil maaaring hindi na nila makuha ang inaasahang kita,
lalo na at napilitan silang magbaba ng presyo para maubos ang kanilang paninda.

You might also like