Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

CONTENT:

- LESSON 4.1: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

NOLI ME TANGERE
- Pag-aalipin, pangangamkam ng mga salita at mga lupain, pagsasamantala sa mga mahihina at
sa mga kababaihan; pagpataw ng napakataas na buwis, pagpaparusa at pagpatay, di pantay-
pantay na pagtingin ng simbahan at pamahalaan sa mga nasasakupan at marami pang
katiwalian na noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay siyang kinikilalang batas ng
buhay.

MGA TAUHAN
1. Maria Clara: Leonora Ibarra
2. Ibarra at Elias: hinugot ni Rizal sa kaniyang sarili.
3. Pilosopo Tasio: hinango mula sa nakatatandang kapatid na si Paciano.
4. Padre Salvi: hinango mula sa katauhan ni Padre Antonio Piernalrela, isang kinamumuhiang
paring Agustino sa Cavite na napatay ng mga katipunero noong panahon ng himagsikan.
5. Kapitan Tiago: Kapitan Huilario Junico ng San Nicolas
6. Donya Victorina: Donya Agustina Medel
7. Basilio at Crispin: magkapatid na Crisostomo sa Hagonoy.
8. Padre Damaso: isang karaniwang dominanteng pari noong kapanahunan ni Rizal. Siya ay
nakilala sa kaniyag katangiang arogante, immoral, at may mababang pagtingin sa Pilipino.

EL FILIBUSTERISMO
1. Limang taon ang lumipas pagkasulat ni Rizal ng Noli Me Tangere bago niya nasimulan ang
pagsulat ng El Filibusterismo noong 1890.
2. Haloos ganoon pa rin ang kalagayan ng Pilipinas bagamat nababanaag na ang bahagyang
pagkamulat ng mga mamamayan sa kanilang paghihirap at unti-unti nang sumisilakbo ang
mainit nilang damdaming Makabayan.
3. Ipinakita ni Rizal sa mata ng mga mambabasa ang imahe ng mga taong bumubuo sa lipunang
Pilipino noong panahong iyon.
- Kabataang dahop sa napag-aralan na nag-uukol nng panahon sa pagsusulat ng
magagara ngunit kakatwang pananamit.
- Mga babaeng pilit na ginagaya ang pag-uugali at pananamit ng mga kanluranin.
- Mga lalaking dahop sa pinag-aralan na nagpipilit mamuno.
4. Ibinunyag din ni Rizal ang mataas na paniningil ng buwis at kapag walang masingil ay
kinakamkam ang lupain ng mga magsasaka.
5. Noong nag-aaral pa lamang sa Ust si Rizal, may namayaning di pagkakaunawaan sa pagitan ng
paaralang Dominikano at paaralang Heswita.
- Ang paglalabanan ng dalawang orden na ito ay lubhang kapuna-puna.
- UST: kontrolado ng mga Dominiko kaya higit na pinapaboran ng mga administrador ng
paaralan ang mga mag-aaral na nagmula sa mga paaralang kontrolado rin ng mga
Dominikano katulad ng San Juan de Letran.
- Si Rizal ay nagmula sa paaralan ng Heswita kaya hindi siya gaano pinansin ng mga prayleng
propesor na Dominikano.
6. Hindi malimot ni Rizal ang kaniyang pagkapahiya mula sa kaniyang mga propesor na
Dominiko kaya ibinunyag niya ang damdaming ito sa pagkatao ni Placido Penitente.
7. Nang isinulat ni Rizal ang El Filibusterismo, nagtatalo sa isip niya ang dalawang puwersa.
- Handang makipaglaban para sa Kalayaan ng bansa.
- Mapayapa at legal na pamamaraan.
- Lakas at dahas.
8. Si Rizal ay isang katoliko, namatay siyang katoliko.
9. Ang nobelang El Filibusterismo ay inialay ni Dr. Jose Rizal sa mga paring sina Don Mariano
Gomez (84 taon), Don Jose Burgos (35 taon), at Don Jacinto Zamora (37 taon). Sila ay binitay
sa Bagumbayan noong ika-17 ng Pebrero 1872, at nakilala sa taguring GOMBURZA.

LAYUNIN NG EL FILIBUSTERISMO
1. Gisingin ang damdamin at isipan ng mga Pilipino tungkol sa ginawang pang-aabuso, pang-
aapi, at pang-alipusta ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
2. Ipabatid sa mga mamamayan ang tunay na layunin ng mga prayle sa pagtuturo nila ng mga
huwad ng paniniwala at pananampalataya.
3. Magkaroon ng sapat na edukasyon ang mga Pilipino upang hindi sila ituring na mangmang ng
mga dayuhan.
4. Ipabatid sa lahat ng mga Pilipino ang tunay na kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol.
5. Hikayatin ang mga Pilipino na kumilos at gumawa ng paraan para sa pagbabago.
GAWAIN 4.1
A. Magbigay ng (10) mahahalagang detalye ng aralin.
B. Paano nakatulong ang mga obra maestrang Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa
pagpapalaya ng ating bansa?
CONTENT:
- LESSON 4.2: PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay isang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon o kaalaman.


- Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman
(past research studies).
- Matatamo ang kadaragdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala
(teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng
mga nakikita o obserbasyon, isang prosesong mapanuri, sistematiko o maparaan, organisado,
nakaayos, at walang kinikilingan (obhektibo)
- Isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o
suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga
aklatan at iba pang mapagkukunan ng impormasyon, tulad ng internet, babasahin at panoorin

MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK


- Ito ay makakatulong sa paghahanda ng makabuluhang research paper.

1. SISTEMATIK: Mayroon itong proseso o magkakasunod na mga hakbang na dapat sundin tungo
sa pagtuklas ng kasagutan sa kung anuman ang layunin ng pananaliksik.
2. KONTROLADO: May mga baryabol na isinasaalang -alang sa pagsusuri, lalo na sa mga
pananaliksik na tipong eksperimental. Sa kontroladong pananaliksik, hindi dapat binabago ang
mga baryabol sapagkat anumang pagbabagong magaganap ay maaaring makaapekto sa resulta ng
pananaliksik.
3. EMPIRIKAL: Dapat na tiyaking katanggap- tanggap ang mga pamamaraan at baryabol na
gagamitin sa pananaliksik, gayundin ang mga datos o impormasyong makakalap.
- Hindi dapat na maging teorya o gawa-gawa lamang ang research paper. Ito ay nararapat na
maging katotohanan na sasang-ayunan ng nakararami. Dapat din itong may kalakip na
basehan ng mga karanasan o resulta ng obserbasyon.
4. MAPANURI: Dapat suriing mabuti ang mga datos upang hindii magkamali sa pagbibigay-
kahulugan sa resulta ng pananaliksik. Madalas ding ginagamitan ng istatistika ang pagsusuri
upang masabing analitikal ang ginawang pag- aaral.
5. OBHEKTIBO, LOHIKAL, AT WALANG PAGKILING: Anuman ang lumabas na resulta sa
pananaliksik ay hindi dapat mabago o mabahiran ng personal na saloobin ng mananaliksik.
6. MAPARAAN: Ang pananaliksik ay gumagamit ng pamamaraang quantitative o istatistikal.
Nakalahad sa numerikal na pamamaraan ang mga impormasyon at ginagamitan ng istatistika
upang maging mas tumpak ang resulta. Madalas na ginagamit ang porsyento, ratio, at
distribusyon sa paglalahad ng mga impormasyong numerikal.
7. ORIHINAL NA AKDA: Ang pananaliksik ay naglalaman ng mga datos na nakalap ng isang
mananaliksik na nagmula mismo sa kaniyang pansariling paghahanap at pagtuklas. Maaari
lamang bumanggit ng ilang kaalamangn nanggaling sa pag- aaral ng ibang mga mananaliksik,
subalit hindi maaaring kopyahin nang buo ang papel- pananaliksik na ginawa ng iba.
8. HINDI MINAMADALI: Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik
upang mapanatili ang kawastuan ng mga impormasyong makakalap, kasama na rin ang magiging
result anito. Pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at ibayong pag- iingat, dahil kung hindi ay
hindi magiging matagumpay ang pananaliksik at hindi magiging matibay ang mga resuta at
konklusyon.
9. NANGANGAILANGAN NG TAPANG: Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tappang
sapagkat hindi maiiwasang umani ng mga kritisismo at pagpula habang ginagawa ang
pananaliksik. May mga pagkakataon ding hindi sumasang- ayon ang lipunan sa resulta ng pag-
aaral, o kaya naman ay nagkakaroon ng iba pang mga balakid sa pagsasagawa ng pagsasaliksik.
10. ACCURACY O KATUMPAKAN NG PAGSUSURI: Ang pananaliksik ay isang accurate na
imbestigasyon, obserbasyon, at deskkripsyon. Bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik ay dapat
maisagawa nang tama upang maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na ang konklusyon
sa isang pag-aaral ay may kalakip na matibay na mga ebidensyang sumusuporta rito.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
May mga ipinahayag na kahalagahan ang pananaliksik, tulad ng sumusunod:
1. upang makadiskubre ng bagong ][kaalaman;
2. upang makahanap ng solusyon sa suliranin;
3. upang mapaunlad ang sariling kamalayan sa pali- paligid;
4. upang makita ang umiiral na kabisaan ng isang pamamaraan;
5. upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral; at
6. upang maipakita ang tumpak at hindi tumpak sa mga paksang nangangailangan ng pag-aaral.
Gawain 4.2
A. Magbigay ng 10 mahahalagang detalye ng aralin.
B. Tukuyin kung aling katangian ng pananaliksik ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot
sa patlang.
_________1. Tama ang mga datos. Tama rin ang interpretasyon ng istatistikang ginawa.
_________2. Sapat ang mga baryabol na ginamit upang maging makatotohanan ang pananaliksik.
_________3. May proseso o mga hakbang na sinusunod ang isang gumagawa ng pagsasaliksik.
_________4. Maaaring maging matagal ang proseso ng pagsasaliksik. Maaaring ito’y bumilang ng
ilang buwan, o ilang taon bago makita ang resulta ng pag-aaral na ginawa.
_________5. Dapat suriing mabuti ang resulta ng ginawang eksperimento upang makatiyak na
tama ang resulta ng pag-aaral.
CONTENT:
- LESSON 4.3: EL FILIBUSTERISMO (KABANATA 1 - 7)

KABANATA 1: SA KUBYERTA
KUBYERTA: bahagi ng barko sa kinallunan ng mga pasahero.
Nahahati sa dalawang palapag;
a. Ibabaw ng kubyerta: lulan ng mga taong nabibilang sa matataas na antas ng Lipunan, tulad
ng mga prayle, mga de alta sosyedad, mga pinuno ng pamahalaan, at mga pinuno ng military.
b. Ilalim ng kubyerta: nakasakay ang pangkaraniwang mamamayan tulad ng mangangalakal
na intsik, mga mag-aaral, at ilang indiyo. Kabilang samga lulan ng pang-ibabang kubyerta si
Padre Florentino at ang magbkaibigang Isagani at Basilio.

DONYA VICTORINA: yamot na yamot sa napakabagal nap ag-usad ng barko. Siya ay tiyahin ni
Paulita Gomez.
- Napangasawa niya ang isang pilay at may pagkakubang Espanyol na si Don Tiburcio.
- Mahigipit niyang niyayakap ang pagiging dayuhan sa sariling bayan at hamakin ng sariling
kababayan.

BAPOR TABO: luma na at kinulapulan lamang ng putting pintura upang mag-anyo itong malinis sa
mata ng mga tao.
- Ang mabagal nitong pag-usad ay maihahalintulad sa inabagal nap ag-unlad ng pamahalaan.

KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA


SIMOUN: mula sa ibabaw ng kubyerta, naisip niyang bumaba sa ilalim. Agad siyang sinalubong ni
Kap. Basilio at Padre Florentino.

ISAGANI AT BASILIO: inalok ng serbesa ni Simoun.

PADRE FLORENTINO: tiyuhin ni Isagani. Siya ay tahimik at magalang.

KABANATA 3: ANG MGA ALAMAT


KAPITAN: nagsimulang magkuwento ng Alamat.
1. Kuwento ni San Nicolas
2. Kasaysayan ni Donya Geronima
3. Alamat ng malapad na bato

KABANATA 4: KABESANG TALES


KABESANG TALES: ang tunay na pangalan niya ay Telesforo, anak siya ni Tata Selo na siya
naming kumupkop kay Basilio noong matagpuan niya io na sugatan sa loob ng kagubatan.
- Siya ay mabait at ayaw ng gulo. Nilinis niya ang isang bahagi ng kabundukan upang
magtanim.
- Namatay ang kaniyang ina at panganay na anak dahil sa hirap na kanilang pinagdaanan bago
nila napakinabangan ang lupa. Nang aanihin na ang unang tanim, inangkin ang lupa ng isang
korporasyon ng mga prale na may pag-aari sa kalapit baya.
- Hinayaan na ng mga ito pag-anihan ang lupa t kapalit ang taunang buwis.
- Habang gumaganda ang buhay ni Tales, Nahalal siya bilang kabesa ng barangay (Kabesang
Tales). Naatasan siyang mangolekta ng buwis, at upang maiwas makaalitan ang kura at iba
pang pinuno ng pamahalaang lokall, madalas siyang mag-abono para sa buwis ng
mamamayang lumilipat sa ibang lugar o iyong mga namatay na.
- Nasagad ang kaniyang pasensiya ng umabot sa 200 pesos ang buwis para sa kaniyang lupain.
Itinulog niya ang kaniyang kaso sa hukuman at siya ay natalo.
- Nabihag siya ng tulisan at kailangan tubusin ng 500 piso.
- Walang pera si Tata Selo at Huli kaya napilitang ibenta ng dalaga ang kaniyang alahas
maliban na lamang sa relikaryong laket na may brilyanteng emerald na ibinigay sa kaniya ni
Basilio. (Ito ay ibinigay kay Basilio ng isang ketonin na kaniyang ginamot. Ito rin ay laket na
nanggaling kay Maria Clara na ipinagkaloob niya sa ketongin noong araw ng pista ng San
Diego.
- Inipon ni Huli ang lahat ng perang pinagbilhan ngunit kulang pa din kaya namasukan siyang
katulong.

KABANATA 5: ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO


SINONG: kutsero
- Nasita ng guwardiya sibil dail walang sindi ang ilaw ng kaniyang kalesa.
- Walang maipakitang sedula kaya siya dinakip at kinulong.

BASILIO: sakay ng kales ani Sinong, umuwi siya sa bahay ni Kap. Tiago upang magpasko.
KABANATA 6: SI BASILIO
BASILIO: palihim na nagtungo sa gubat ng mga Ibarra upang dalawin ang puntod ng kaniyang ina.
- Naging lagalag si Basilio hanggang sa makita niya si Kap Tiago at Tiya Isabel, nakiusap siyang
mamasukan rito at pinayagan naman siya ng Kapitan at magsilbing walang kabayaran.
- Dahil sa nakitang kasipagan, pinayagan siya ng Kapitan na mag-aral.
- Nakaranas siya ng diskriminasyon.
- Nagsumikap siya mag-aral at nakakuha n award.

KABANATA 7: SI SIMOUN
- Natuklasan ni Basilio na si Simoun ang tumulong sa kaniya upang ilibing ang bangkay ng
kaniyang ina.
- Si Simoun din ang nagbigay sa kaniya ng kaunting salapi bago siya itaboy palayo.

GAWAIN 4.3
A. Magbigay ng (10) mahahalagang detalye ng aralin.
B. Ipaliwanang ang ibig-sabiin ng ilang matatalinagang pahayag na nabanggit sa akda.
1. “Walang alam inumin ang mga tagalalawigan kundi tubig.”
2. “Kung ang tubig ay pagsasama-samahi, maaari itong gumunaw ng sangkatauhan.”
3. Madalas na pinangangaral ni Tata Selo kay Kabesang Tales;
a. “Tiisin mo na. ipagpalagay mo na lamang na nahulog ang iyong pera sa ilog at kinain ng
buwaya.”
b. “Tiisin mo na. Isipin mo na lamang na lumaki ang mga buwaya.
c. “Magtiis ka pa. ipagpalagay mo na dumating ang mga kamag-anak ng buwaya.”
4. Sabi ni Kabesang Tales, “Ako ang nagtanim, nagbayo, at nagsaing, ngunit iba ang kakain.”
CONTENT:
- LESSON 4.4: EL FILIBUSTERISMO (KABANATA 8 - 15)
-

KABANATA 8: MALIGAYANG PASKO

BARYO SAGPANG- matatagpuan sa dulo ng San Diego, dito nakatayo ang bahay na ipinagawa ni
kabesang Tales.

ARAW NG PASKO
- Maagang gumising si Huli dahil iyon ang araw ng pagpasok niya sa kaniyang amo.
Nagpasalamat siya sa Poong Maykapal at sinilip ang inipit niyang dalawang daan at
limampung piso sa ilalim ng rebulto ng Mahal na Birhen, umaasang may mangyayaring
himala at madodoble ang halaga nito. Ngunit walang himalang nangyari.

Tandang Selo
- Nakaupo sa bintana habang pinagmamasdan ang mga taong nagkakasiyahan patungo sa
simbahan.
- Sa tuwing araw ng pasko nakaugalian na ng mga tao na magtungo muna sa simbahan bago
dumalaw sa bahay ng mga kamag- anak, ninong at ninang para mamasko.
- Hindi na makapagsalita siTata Selo at tila siya ay nabingi na.

KABANATA 9: SI PILATO
1. Kumalat sa buong bayan ang balitang dinukot ng mga tulisan si Kabesang Tales.
2. Ayon ka Padre Clemente na isa sa namamahala sa simbahan, tama lang daw ang nangyari kay
Kabesang Tales
3. Sabi naman ng ilang mapanghusga, dapat lamang daw ang gayong nangyari kay Tandang Selo
at sa kanyang apong si Huli dahil kailangan nilang pagbayaran ang ginawa ni Kabesang Tales
na isang masamang tao.
4. Hermana Penchang- maituturing na mapanghusga at nagsa –Pilato, Hindi raw marunong
magturo ng mabuting pagdarasal sa apo si Tandang Selo kaya siya nagkaganon. Hindi raw
marunong magdasal si Huli at kailangan siyang turuan ng tamang paraan ng pananalangin.
5. Basilio- Nakarating sa kanya ang nangyari sa kasintahan kaya agad na lumuwas sa Maynila
upang kunin ang kuwaltang naipon at maibigay kay Huli bilang karagdagang pantubos.
6. Nagdiwang naman ang mga prayle dahil sa pagkapanalo nila sa lupang hinawan ni Kabesang
Tales.

KABANATA 10: KAYAMANAN AT KARALITAAN


1. Simoun- Nakipanuluyan siya sa bahay ni Kabesang Tales upang doon magbenta ng mga
alahas.
2. Ipinakita ni Simoun ang dala niyang rebolber lumusob man ang mga tulisan may panlaban
sila.
3. Tinanong ni Simoun kay KabesangTales kung mayroon siyang maipagbibili. Hinanap niya ang
relikya ni Maria Clara na inihandog ni Basilio kay Huli.
4. Naibigan ni Simoun ang kuwintas at sinabing handa siyang bilhin sa halagang limandaang
piso.
5. Hindi pumayag si Kabesa na ipagbili ito at sinabi itatanong muna niya kay Huli kung papaya
ito.
6. Kinabukasan maagang nagising si Simoun wala na si kabesang Tales subalit may iniwan itong
sulat kalakip nito ang paghingi ng tawad sa kanyang kapangahasan nang kunin niya ang baril
ni Simoun kapalit ang laket ni Maria Clara na gusting bilhin nito.

KABANATA 11: LOS BANOS


1. Nagtungo ang Kapitan Heneral sa kabundukan ng Boso- boso, maingay dahil sa musiko.
2. Hindi nakahuli ng anumang hayop ang Kapitan heneral
3. Nagkataon naroon si Simoun kaya nagyaya siyang makipagsugal. Niyaya niya maglaro ang mga
pari pagkatapos maglaro ng bilyar kasama si Ben Zayb
4. Sa pakikipagsugal sa mga pari, iba ang hamon ni Simoun. Ipinusta niya ang kanyang mga
alahas laban sa mga salita at pangako ng mga prayle na kanilang gagawin.
5. Dito din sila nagpupulong upang para itaguyod ang Akademya ng Wikang Espanyol.
6. Si Sandoval, isang kawani mula sa Espanya na nagpapatuloy ng pag- aaral dito sa Pilipinas ay
may masidhing layuning matuto ng wikang Espanyol ang kapwa niya mag- aaral.
7. Kasama niya sa pagpupulong si Pecson, Isagani, at iba pang mag- aaral na Pilipino
8. Inulat ni Makaraig na pinag- usapan na sa Los Banos ang kanilang panukala at nagkaroon pa
ng pagtatalo ang mga prayle, kawani ng pamahalaan na si Don Custodio, Kapitan Heneral,
kasama si Ben Zayb at Simoun.

KABANATA 15: SI GINOONG PASTA


1. Nagtungo si Isagani kay Ginoong Pasta, magalang na ipinaliwanag ni Isagani ang kaniyang
pakay, Nais niyang humingi ng tulong para sa balak nilang pagtatatag ng Akademya ng Wikang
Espanyol.
2. Napagpasyahan ng abogado na huwag makialam sa bagay na iyon
3. Pinayuhan ng abogado na isantabi na ni Isagani ang kanyang layunin dahil ito mapanganib.

Gawain 4.4
A. Magbigay ng 10 mahahalagang detalye ng aralin.
B. 1. Suriin ang sistema ng edukasyon noong Panahon ng mga Espanyol. Isa-isahin ang mga
problemang inilahad sa akda tungkol dito. Ano ang realidad ng pagtuturo at pag-aaral noong
mga panahong iyon? Magbigay ng tiyak na mga kakulangan.
1.1__________________________________________________________
1.2__________________________________________________________
1.3__________________________________________________________

2. Suriin ang hustisya noong Panahon ng mga Espanyol. Ano ang kalagayan ng mga karapatang
pantao noong araw? Magbigay ng tiyak na mga problema ng bayan.
2.1__________________________________________________________
2.2__________________________________________________________
2.3__________________________________________________________
CONTENT:
- LESSON 4.5: EL FILIBUSTERISMO (KABANATA 16 - 23)

KABANATA 16: ANG MGA KAPIGHATIAN NG ISANG INTSIK


1. QUIROGA- nais niyang makapagpatayo ng isang konsulado ng intsik sa Maynila kaya
naghahanda siya ng masaganang hapunan.
2. Maraming panauhin ang dumalo, kabilang ang mga prayleng sina Padre Camorra, Padre Irene,
at Padre Salvi.
3. Naroon din ang ilang mga kawani ng pamahalaan tulad ni Don Custodio at ang pinakahihintay
ni Quiroga, ang Kapitan Heneral na magpapahintulot ng pagpapatayo ng konsulado.
4. May mangangalakal din tulad ni Simoun, Don Timoteo Pelaez, at ilan pang mangangalakal na
Instik.
5. Nagkaroon ng pagkakataon si Simoun na singilin sa kanyang pagkakautang si Quiroga sa
halagang siyam na libong piso na halaga ng pulseras na ibinigay ng intsik sa isang senyora.
6. Nakiusap si Quiroga, nalulugi na raw siya at walang maibabayad kay Simoun.
7. Nagbigay ng mungkahi si Simoun, Hindi nito kaagad sisingilin ang utang ni Quiroga, at
gagawin na lamang niyang pitong libo ang utang nito. Kung papayag ang intsik na sa kanyang
tindahan itago ang mga armas na lihim na iniipon ni Simoun. Walang nagawa ang intsik kung
hindi pumayag.

KABANATA 17: ANG PERYA SA QUIAPO


1. Nagkakayayahan pumunta sa perya ang mga panauhin ni Quiroga
2. Naganyak sila ng kuwento ni Juanito Pelaez tungkol sa napanood nitong pugot na ulo sa kubol
ni Mr. Leeds. Sinabi naman ni Ben Zayb na huhulihin niya ang daya ng amerikano.
3. Masigla ang anyo ng liwasan sa Quiapo. Napakaraming tao na nais maglibang
4. Masaya ang mga grupo ng prayle, lalong lalo na si Padre Camorra na tuwang- tuwa sa
nakikitang mga naggagandahang dalaga.
5. Hangang- hanga si Padre Camorra kay Paulita, at halos hindi na nito hiwalayan ng tingin ang
dalaga.

KABANATA 18: MGA KADAYAAN


1. Nagtanong si Ben Zayb kay Mr. Leeds kung maaaring ipakita ng ginoo ang mga salamin na
itinuturing na daya ayon sa manunulat.
2. Nagsimula ang pagtatanghal sa paglabas ni Mr. Leeds sa tanghalan dala ang isang kahong
natagpuan niya sa piramide ni Khufu, ikaapat na lipi ng mga paraon.

KABANATA 19: ANG MITSA


1. Mula sa klase sa pisika ay galit na galit na naglakad nang walang patutunguhan si Placido
Penitente.
2. Sa paghihimagsik ng kanyang damdamin ay nais niyang awayin ang lahat ng mga nakikita niya
sa daan.
3. Hanggang sa nakarating siya sa kanyang tinutuluyan at hindi siya makapaniwala na naroon
ang kanyang ina na si Kabesang Andang.
4. Nakarating siya sa pier, pagkakita sa barko ninais niya na magpunta sa Hongkong dahil sang-
ayon sa kanya na mas mainam ang buhay roon.
5. Naglibot siya at naghanap ng kakilala at Nakita niya si Simoun at pinasakay siya sa karawahe.
6. Isinama siya ni Simoun sa isang maliit na kubo at doon kinausap ng mag- aalahas ang
artilyero. Nagtaka si Placido hindi niya maunawaan. Ipinakilala niya ang artilyero, dating guro
ng paaralan sa San Diego na naparatangan ng panggugulo sapagkat naging kaibigan niya ang
isang nagngangalang Ibarra.
7. Sa kanilang usapan narinig ni Placido na nagmamadali si Simoun ng paggawa ng mga armas
dahil kung ipagpapaliban pa mamatay si Maria Clara.

KABANATA 20: ANG NAGPAPASYA


1. Si Don Custodio ay binansagang opisyal na tagapayo ng mga prayle at ng mga nakatataas sa
pamahalaan.
2. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ay tinagurian din ni Ben Zayb na “
Buena Tinta.”
3. Binansagan din na walang kapaguran, bantog, bihasa at mayaman. Ayon din sa manunulat,
ipinalilipas ni Don Custodio ang kaniyang maghapon sa pagbabasa ng mga kasulatan, at
pagdating ng kinabukasan ay gayon muli ang kaniyang ginagawa.
4. Nakapag- asawa siya ng isang mayamang mestisa kaya naluklok at nakilala sa iba’ t ibang
katungkulan.
5. Siya ay sinasangguni ng mga prayle at ng iba pang matataas na pinuno kapag mayroon silang
dapat pagpasyahan.
6. Sa kanya bumagsak ang panukala ng mga mag- aaral kaugnay sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Espanyol. Ang kanyang pasya ay sasabihin niya sa mga prayle na sa lahat ng
pagkakataon, ang mga prayle lamang ang dapat na masunod. Kung kaya wala siyang pasyang
ibibigay nang naaayon sa kaniyang kuro- kuro. Lahat ng mga pagpapasya ay naaayon sa mga
desisyon ng mga paring Espanyol.

KABANATA 21: MGA AYOS NG – MAYNILA


1. Pinanabikan ng mga taga- Maynila ang pagpapalabas sa Dulaang Variedades, itatanghal ng
Samahang Operatang Pranses ni Mr. Jouy ang Les Cloches de Corneville.
2. Mabilis na naubos ang tiket sa palabas na magtatanghal ng magagandang mananayaw at
mang- await.

KABANATA 22: ANG PALABAS


1. Maingay sa dulaan, naiinip ang mga manonood
2. Mag –iikasiyam na ng gabi ngunit hindi pa nagsisimula ang palabas na dapat ay sa ikawalo pa
nagsimula.
3. Wala pa kasi ang Kapitan Heneral kaya hindi pa sila makapag- umpisa.
4. Dumating si Don Primitivo at umupo sa isang luklukang hindi naman sa kanya. Dumating ang
may- ari at nagmatigas siya na hindi tumayo.
5. Sumunod ay dumating ang Kapitan Heneral, sinalubong ng marcha real. Ang lahat ay tumayo
at nagpugay.
6. Dumating din si Pepay na mananayaw, hinandugan siya ng tiket ni Makaraig para lamang
makadalo sa palabas. Lubhang malapit si Pepay kay Don Custodio at ito ang kanilang paraan
upang mapaboran ng opisyal na tagapayo ang kanilang kahilingan para sa pagtatayo ng
Akademya ng Wikang Espanyol.
7. Nakita naman ni Isagani ang kasintahang si Paulita na kasama si Juanito Pelaez at
naghinampo ang binata.
8. Nagmagaling si Juanito Pelaez na kunwari ay naiintindihan niya ang sinasabi ng artista sa
dulaan Pranses dahil dito humanga si Donya Victorina at hinangad siya pakasalan pag
namatay ang kanyang asawa.
9. Napansin ni Tadeo ang nagbabalat kayo si Padre Irene. Ipinag espiya ni Padre Salvi ang
seserdote upang alamin kung masama o hindi ang palabas ng mga Pranses.
10. Napansin din ang di pagsipot ni Simoun sa kabila ng napabalitang naghandog ito ng isang
palamuting kuwintas sa isa sa mga artistang babae.
11. Ibinalita ni Makaraig na sinang- ayunan ni Padre Irene ang panukala ngunit dahil sa pag- alala
sa dami ng Gawain ng mga mag- aaral, inatas nila na ipaubaya ang pamamahala ng Akademia
sa isang relihiyosong orden.
12. Dahil sa kabiguan, tumayo at nagsialis ang mga mag- aaral sa ikalawang bahagi ng palabas.

KABANATA 23: ISANG BANGKAY


1. Ang mag- aalahas ay may iba’ t ibang kasama sa araw na iyon
2. Nakita siya ni Makaraig nang mag- iikawalo sa daang ospital, malapit sa kumbento ni Maria
Clara
3. Nakita rin siya ni Camaroncocido sa may dulaan mag- ikakasiyam na may kausap na tila
estudyante.
4. Hindi nanood ng palabas si Basilio dahil kailangan niyang magrepaso para sa kanyang pag-
aaral.
5. Pinag- aaralan niyang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiago na noon ay lalong lumalala
ang sakit at lalong nagiging mahirap pakibagayan. Palagi itong bugnutin. Nanghihina kapag
nagkukulang sa apyan na pilit binabawasan at pinakakaunti ni Basilio.
6. Si Simoun ay walang tinatagubilin kay Basilio kung hindi pagalingin si Kapitan Tiago.
7. Tinugtog ng orasan ang ikasampu ng gabi, Sinabi ni Simoun na ang himagsikan ay sisiklab sa
loob ng isang oras at ang lahat ay dapat makiisa.
8. Nais ni Simoun na sa pagputok ng himagsikan nais niyang pumunta ito sa kumbento ng Sta
Clara at iligtas ang isang nilalang na siya lamang, Si Kapitan Tiago, at Si Simoun ang
nakakakilala.
9. Nahulaan ni Basilio na si Maria Clara ang tinutukoy ni Simoun ngunit namatay na si Maria
Clara noong ika- anim na hapon.
10. Hindi makapaniwala si Simoun at litong- litong patakbo siyang nanaog sa bahay.
11. Nawala sa pag- aaral ang isip ni Basilio at naglaro na lamang sa isip niya ang kahabag- habag
na buhay ni Maria Clara at Ibarra.

GAWAIN 4.5
A. Magbigay ng 10 mahahalagang detalye ng aralin.
B. Ang sumusunod na mga talasalitaan ay hango sa mga dayuhang wika. Hanapin ang kahulugan
nito mula sa isang diksyunaryo, at isulat sa patlang. Gamitin ito pagkatapos sa makabuluhang
pangungusap.

1. Konsulado_____________________________________________
Pangungusap___________________________________________
2. espinghe______________________________________________
pangungusap___________________________________________
3. artilyero______________________________________________
pangungusap___________________________________________
4. repaso_______________________________________________
pangungusap__________________________________________
5. apyan _______________________________________________
pangungusap___________________________________________
CONTENT:
- LESSON 4.6: PAGKILALA SA IBAT- IBANG URI NG MASS MEDIA

Ang mass media ang pinalawak na paghahatid ng impormasyon gamit ang mga makabagong
teknolohiya, na inilaan upang maabot ang buong media sa pamamagitan ng komunikasyong pang-
masa.

Sa pamamagitan ng komunikasyon pangmasa,sa pamamagitan ng mga teknolohiya ay maaari na


ngayon makipag-ugnayan at maghatid ng mensahe sa iba’t ibang lugar.

Broadcast Media
- Isa sa mga pamamaraan ng komunikasyon pangmasa ay ang broadcast media na naghahatid
ng mga balita at impormasyon sa pamamagitan ng himpapawid na maaaring marinig sa radyo,
mapanood sa pelikula o telebisyon gamit ang elektronikong pamamaraan
- Hindi lamang impormasyon ang hatid nito, kabilang na rin ang mga babala at panawagan.

Print Media
- Ito ay mga pahayagan, aklat, pamphlet o komiks at iba pang babasahin.
- Maihahanay rin dito ang mga panlabas na media o isang anyo ng mass media na binubuo ng
mga billboard, mga signage o poster na pinapaskel sa loob at labas ng mga gusaling komersyal,
sport stadium, mga tindahan at maging mga sasakyan.
- Kabilang na rin dito ang mga patalastas na lumilipad, kasama ng eroplano, mga bimp, at pati
na rin ang skywriting.

Digital Media
- Kasama ang internet, at mga mobile na komunikasyong pangmasa.
- Ang internet media ay nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo tulad ng email, mga website, blog.
Facebook, twitter, online chat, mga interlinked web page, at iba pang mga impormasyong
makukuha mula sa word wide web.

LAYUNIN NG MASS MEDIA


1. May adhikain itong itaguyod ang mainam na ugnayan sa kalakalan at kaalamang pampubliko.
- Kabilang na rito ang impormasyong tungkol sa komersyo at pakikipagkalakalan, propaganda,
gayundin ang iba pang impormasyong politikal o pampubliko.
2. May adhikain itong itaguyod ang mainam na ugnayan sa kalakalan at kaalamang pampubliko.
Kabilang na rito ang impormasyong tungkol sa komersyo at pakikipagkalakalan, propaganda,
gayundin ang iba pang impormasyong politikal o pampubliko.
3. Naghahatid din ito sa media ng mga anunsyo, impormasyon, babala, panawagan, paalala, at iba
pang mga serbisyo publiko.

GAWAIN 4.6
A. Magbigay ng sampung mahahalagang detalye ng aralin.
B. Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Gaano kahalaga ang mass media? Ipaliwanag.
2. Kung ikaw ay papipiliin, Ano ang mas higit na gusto mo ang broadcast media, print media o digital
medial? Bakit?
CONTENT:
- LESSON 4.7: EL FILIBUSTERISMO (KABANATA 24 - 31)

KABANATA 24- MGA PANGARAP


1. Kinabukasan ng hapon matapos ang mga palabas na Pranses ay nakipagkita si Isagani kay
Paulita upang hingan ng paliwanag ang kasintahan tungkol sa panonood nito ng teatro na
kasama si Juanito.
2. Naulinigan ni Isagani kay Ben Zayb na may sakit si Simoun at nakakulong sa bahay at ayaw
tumanggap g panauhin.
3. Ang bayang iniisip ni Isagani ay hindi lamang Pilipinas kundi pati na rin ang Espanya.
4. Handa rin siyang mamatay para sa Espanya sapagkat para sa binate ay matibay ang ugnayan
ng Espanya at ng Pilipinas.
5. Dumating si Paulita kasama ang kanyang tiyahing si Donya Victorina kasama rin sa Juanito
upang tanungin kung nakita na ba ang kanyang asawang si Don Tiburcio. Nagkaila ang binata
na hindi pa niya nakikita ngunit ang totoo siya ay nasa pangangalaga ng kaniyang tiyuhing si
Padre Florentino.
6. Nang mapag-isa ang magkasintahan sinabi ng dalaga na kaya lamang siya sumama kay Juanito
upang makita siya ni Isagani dahil may hinanakit siya sa kasintahan na tinititigan daw ang
mananayaw na Pranses. Sinabi niya na si Donya Victorina ang totoong may gusto kay Juanito.
7. Nagkuwentuhan sila ng kanilang mga pangarap nais ni Isagani na manirahan sa nayon ngunit
hindi iyon ang gusto ni Paulita ni ayaw ng dalagang magtungo roon. Ang ibig niya ay pagsakay
ng tren at hindi ng kalesa.

KABANATA 25- TAWANAN AT IYAKAN


1. Nagdaos ng piging ang mga estudyante sa Panceteria Macanista de Buen Gusto. Labing apat
silang lahat kasama ang mag- aaral na Espanyol na si Sandoval.
2. Di nagtagal ay dumating si Isagani. Si Pelaez lamang ang kulang
3. Nagsikain na ang mga mag- aaral. Inihandog nila ang pansit –langlang kay Don Custodio, ang
sopas ay tinagurian nilang sopas ng panukala, ang lumpiang Instik ay inialay kay Padre Irene,
ang torta ay iniukol sa mga prayle at tinawag na torta de frailes.
4. Tumutol si Isagani may isa raw prayle na hindi dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si
Tadeo kahabag-habag daw naman na ihambing ang alimasag sa mga prayle.
5. Ang pansit gisado ay iniukol nila sa pamahalaan at sa bayan. May ibig mag- alay ng pansit kay
Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipina; ang isa pa ay ang Eminencia Negra na
si Simoun.

KABANATA 26- MGA PASKIL


1. Maagang nagbangon si Simoun upang magtungo sa ospital at dalawin ang kaniyang mga
pasyente. Balak din niya na ayusin ang mga kailangan niya sa kanyang pagtatapos. Nais niya
makipagkita kay Makaraig upang mangutang ng perang gagamitin niya sa kanyang pagtatapos.
2. ala ng maraming iniisip, hindi napansin ni Basilio ang mga kakatwang mga nangyari sa
kanyang paligid.
- May mga mag- aaral na tila umuuwi na at tila isinara ang mga paaralan. May paskil raw
sa labas ng unibersidad.
3. Nabalitaan din ni Basilio na maraming estudyante ang huhulihin, ipabibilanggo at ibabagsak
sa pag- aaral.
4. Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil.
5. Nasalubong ni Basilio si Isagani at itinanong kung sino ang sumulat ng mga paskil.
6. Sinabi niya kay Basilio na walang halaga kung sino ang sumulat tungkulin ng mga kura na
alamin iyon.
7. Nagtungo si Basilio kila Makaraig upang mangutang ngunit nadakip sila at dinala sa presinto.
Ito ay may kaugnayan sa piging na naganap sa panciteria.

KABANATA 27- ANG PRAYLE AT ANG ESTUDYANTE


1. Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani upang makausap. Labis na iginagalang ni Isagani ang
prayle at siya ang tinutukoy nito sa piging na naiiba sa karamihan ng mga prayle at gayon din
naman ang prayle kay Isagani.
2. Itinanong ng prayle na kasama ba siya sa hapunan walang gatol na sinabi ni Isagani na kasama
siya.
3. Ayon kay Isagani walang kasalanan ang mga Kabataan na dahil nagsalita sila laban sa may
kapangyarihan ay kaagad na silang pinararatangan ng Filibustero at alam ng pari ng
binubunga na gayong paratang.
4. Itinanong ni Padre Fernandez kung ano ang nais ng mga estudyante sa mga prayle. Prangkang
tinugon ni Isagani na nais ng mga mag- aaral na tumupad ang mga prayle sa kanilang
tungkulin sa pamamagitan ng mabuting pagtuturo.
KABANATA 28- ANG PAGKATAKOT
1. Ang panghuli sa mga mag- aaral ay nagdulot ng takot mula sa sa Heneral hanggang sa mga
Intsik. Ang mga prayle ay hindi makasipot sa tindahan ni Quiroga, samantalang ang huli ay
nag- ayos ng kaniyang tindahan sa paraang madaling isara kung sakali at magkagulo.
2. Naisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun upang isangguni kung panahon na upang gamitin
ang baril, pulbura at bala na ipinatago nito sa kaniya.
3. Hindi nakausap ng Intsik si Simoun sa halip may inutusan ito upang magsabi na huwag
galawin ang armas na ipinatago niya sa bodega.
4. Nagtungo naman si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat niyang sandatahan
ang kaniyang sariling tahanan ngunit ayaw ring tumanggap ng bisita si Don Custodio.
5. Nagtungo din siya kay Ben Zayb ngunit ng makita niya ang rebolber na nakapatong sa mga
papeles ng manunulat kaagad siyang nagpaalam, umuwi at nagkunwaring maysakit.
6. Samut saring balita ang kumalat maghapon.
- May nagsabing nagsanib puwersa na ang mga mag- aaral at mga tulisan
- May bapor pandigma raw ng mga Aleman sa look
- Kapanalig ng mga estudyante at may mga estudyante rin daw na Nagtungo sa Kapitan
Heneral upang magpahayag ng pagkiling sa pamahalaan ngunit nahulihan sila ng armas
kaya nabilanggo.
- Sa panig ng pamahalaan iba’t ibang panukala ang kanilang naisip.
- May nagsabing magpabaril kaagad ang isang dosenang filibusterilyo upang matigil ang
gulo.
- May nagsabi rin na palakarin ang guwardiya sibil sa lansangan na may hilang kanyaon
upang magsipasok sa kanilang bahay ang lahat.

Dahil sa pagkakahuli ni Basilio sa tahanan ni Makaraig, nabilanggo ang binate


- Hinalughog ang kanyang mga gamit sa paghahanap ng mga papeles na mag- uugnay sa kaniya
sa kilusan.
- Lalong nagpalala ito sa kalagayan ni Kapitan Tiago.
- Dinalaw ni Padre Irene si Kapitan Tiago
- Dinagdagan ng prayle ang nerbiyos ng Kapitan sa pamamagitan ng pagkukuwento sa di-
umano’y himagsikan
- Dulot nito nanginig ang Kapitan, bumula ang bibig, at tuluyang nalagutan ng hininga.
- Natakot si Padre Irene at iniwan niyang nakahandusay ang bangkay ni Kapitan Tiago.
- Si Isagani naman ay sinabing nasisiraan dahil kusa itong nagpa dakip ngunit ang dahilan ay
ang pagpapakasal ni Paulita sa iba.

KABANATA 29- MGA HULING SALITA UKOL KAY KAPITAN TIAGO


1. Naging marangya ang libing ni Kapitan Tiago.
2. Ayon sa sabi sabi si Padre Irene ang nahirang na tagapagtupad ng testament ng namatay.
3. Malaking bahagi ng kayamanan ay napunta sa kumbento ng Maria Clara, may mga bahagi para
sa papa, sa arsobispo, at sa korporasyon ng mga prayle. Nag- iwan din dalawampung piso para
sa pangmatrikula ng mahihirap na estudyante
4. Inalis daw ni Kapitan Tiago dalawampu’t limang piso pamana kay Basilio dahil sa kawalang
utang loob nito ngunit isinauli ito ni Padre Irene at sinabing kukunin niya ito sa sarili niyang
blusa.

KABANATA 30- SI HULI


1. Nabalitaan sa bayan ng San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiago at ang pagkakadakip kay
Basilio.
2. Nag- alala ang mga tao sa kahinatnan ng binate, sapagkat maaari raw itong ipatapon o patayin.
3. Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli sa nangyari sa binata kaya hinimatay ang dalaga at lagi
na itong nanaginip ng mga nakakatakot.
4. Alam niya na wala ng tagatangkilik si Basilio dahil namatay na si Kapitan Tiago.
5. Humingi ng tulong si Huli para kay Basilio,lumapit siya sa hukom tagapamayapa ngunit
ipinayo ng hukom na humingi ng tulong kay Padre Camorra.
6. Takot si Huli kay Padre Camorra kaya hindi siya lumapit sa prayle,
7. Nakarating ang balita na si Basilio na lamang ang naiwang nakabilanggo at nakalaya na ang
lahat ng kanyang kasamahan.
8. Dahil rito, ito ang nag- udyok kay Huli na lumapit kay Padre Camorra.
9. Kinagabihan nang hapon iyon, usap- usapan ang isang dalagang tumalon sa bintana ng
kumbento at patay na nang bumagsak sa mga batong nakabunton sa ibaba.

KABANATA 31- ANG MATAAS NA KAWANI


1. Hindi nabalita sa pahayagan ang nangyari kay Huli.
2. Si Padre Camorra ay umalis sa bayan ng Tiyani.
3. Isa- isang pinalaya ang mga estudyante, ang tanging hindi nakalaya ay si Basilio.
4. Nang magkaroon ng pagkakataon na makausap ng mataas na kawani ang Kapitan Heneral
sinabi nito na mabuting tao si Basilio at magtatapos ng medina subalit lalong napahamak ang
binate sapakat lahat ng sabihin ng kawani ay kinokontra ng Kapitan Heneral.

GAWAIN 4.7
A. Magbigay ng 10 mahahalagang detalye ng aralin.
B. Ipaliwanag ang iyong opinyon sa mga sumusunod na katanungan.
1. Bakit nabigyan ng ibang kulay ang simpleng pagtitipon ng mga mag- aaral?
2. Sino sa iyong palagay, ang nagdikit ng mga paskil sa labas ng Unibersidad? Bakit niya o nila
ginawa ito?
3. Bakit takot na takot ang mga sumusunod? Ano ang lubha nilang ipinag-aalala?
4. Bakit nangyaring si Padre Irene ang naging administrador ng mga ari- arian ni Kapitan Tiago?
5. Bakit labis-labis ang takot ni Huli kay Padre Camorra?
CONTENT:
- LESSON 4.8: EL FILIBUSTERISMO (KABANATA 32-39)

KABANATA 32- ANG IBINUNGA NG MGA PASKIL


1. Dahil sa mga pangyayari tungkol sa mga paskil, maraming mga ina ang nagpauwi ng kanilang
mga anak na nag- aaral sa Unibersidad.
2. Pinatigil na ng mga ito ang kanilang pag- aaral upang asikasuhin na lamang ang pagtatanim.
3. Nang sumapit ang pagsusulit, marami sa mga mag- aaral ang hindi nakapasa.
4. Nakatawang tinanggap ito ni Pecson at nangakong papasok sa alinmang hukuman.
5. Sinunog naman ni Tadeo ang kanyang mga aklat.
6. Si Juanito Pelaez ay hinimok ng kaniyang amang si Don Timoteo na samahan na lamang
siya nito sa pangangalakal.
7. Minabuti naman ni Makaraig na umiwas sa pamamagitan ng pagtungo sa Europa.
8. Nakapasa si Isagani sa klase ni Padre Fernandez bagamat ibinagsak siya ng iba niyang mga
propesor.
9. Si Sandoval naman ay nakapasa dahil sa kaniyang mahusay na pagtatalumpati.
10. 10. Sa mga mag- aaral tanging si Basilio ang hindi nakapasa, hindi kusang tumigil sa pag-
aaral, at hindi rin nagtungo sa Europa.
11. Dinalaw ni Sinong si Basilio, nabalitaan niya mula sa kanya ang mga pangyayari sa Tiyani, ang
pagkamatay ni Huli, at ang pagkawala ni Tandang Selo.
12. May usap- usapan na inudyukan diumano ni Simoun ang Kapitan Heneral na palawigin pa nito
ang kanyang pagsisilbi ngunit naulinigan din nila na hindi tinanggap ng Kapitan ang
suhestiyon ng mangangalakal.
13. Tumawag ng pansin ang balitang ikakasal na si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.
14. Nang makulong si Isagani napagtanto ni Paulita na magkaiba sila ni Isagani ng paniniwala.
15. Umugong ang balitang napakasuwerte ni Don Timoteo Pelaez dahil nabili niya ang malaking
bahay ni Kapitan Tiago sa napakamurang halaga.

KABANATA 33- ANG HULING MATUWID


1. Buong umagang hindi umalis si Simoun upang mag- ayos ng kanyang sandata at hiyas.
2. Paniwala ng marami ay sasama si Simoun sa Kapitan Heneral, hindi raw magpapaiwan si
Simoun dahil baka usigin siya ng magiging kapalit ng Kapitan Heneral.
3. Nagbilin si Simoun sa kanyanb utusan na wala siyang tatanggapin panauhin maliban kay
Basilio.
4. Dumating si Basilio at sinabi kay Simoun na papanig na siya upang maisakatuparan ang
kanilang ipinaglalaban.
5. Natuwa ang mangangalakal at sinabing nasa panig daw nila ang katwiran.
6. Nagpunta sila sa laboratory at nakita ni Basilio ang kakaibang ilawan sa ibabaw ng mesa.
Maganda ang pagkakagawa nito at tila ito ang ireregalo ni Simoun sa ikakasal.
7. Sinabi ni Simoun na mamayang gabi ay magkakaroon ng isang pista at ang Liwanag ng ilawan
ito ang gagamitin. Pagkaraan ng dalawang minute, ang Liwanag nito ay mangungulimlim at
kapag ginalaw ang mitsa ay puputok ang isang kapsula. Sasabog ang bomba, kasama ang
buong silid- kainan na sa kisame at sahig ay pinagtaguan ko ng sako- sakong pulbura upang
walang makaligtas na kahit sino.
8. Ipinaliwanag ni Simoun na pagkarinig ng pagsabog ang mga sawimpalad, ang mga inapi at
mga inusig ng kapangyarihan ay magsisilabas na sandatahan sa pangunguna ni Kabesang
Tales.
9. Ang militar naman ay susugod kasama si Simoun at paniniwalain na utos iyon ng Kapitan
Heneral at babarilin ang sinumang ituro niya kung hindi ay tiyak na matatanggal sila sa
serbisyo.
10. Si Basilio naman ay inatasan niyang mamuno sa mga mamamayang naliligalig at walang
sandata. Dadalhin niya ang mga ito sa tindahan ni Quiroga kung saan nakatago ang mga baril.
11. Ang mga pangkat ni Simoun at ni Kabesang Tales ay magkikita upang agawin ang siyudad.
Samantalang iniatas niyang bantayan ng pangkat ni Basilio ang mga kalsada at mga tulay sa
karatig- bayan upang harangin ang mga sinumang handing sumaklolo.
12. Ipinagbilin ni Simoun na patayin na ang lahat ng hindi sasama sa paghihimagsik.
13. Inabutan ni Simoun si Basilio ng rebolber at ibinilin na magpakalayo- layo sa daang Anloaque
pagsapit ng ikasiyam ng gabi at makpagkita sa kaniya sa tapat ng simbahan ng San Sebastian
sa ganap ng ikasampu.

KABANATA 34- ANG KASAL


1. Habang hinihintay ni Basilio si Simoun napansin niya ang magkakasunod na pagdaan ng mga
sasakyan at magagarang kasuotan ng mga nakasakay.
2. Sumunod nakita niya si Paulita Gomez at Juanito Pelaez na nakasuot pangkasal.
3. Sumunod si Basilio sa mga sasakyan at napansin niya na ang lahat ay patungo daan Anloaque
sa dating bahay ni Kapitan Tiago.
4. Nakita rin ni Basilio na may tanod sa bukana ng bakuran. Matataas na tao ang panauhin,
masasaya ang lahat ng tao lalo na si Don Timoteo.
5. Nakita ni Basilio si Simoun dala ang lamparang nakabalot.

KABANATA 35 – ANG PIGING


1. Dumating ang Kapitan Heneral kasabay ng pagtugtog ng marcha real, hindi na gaanong
mababa ang kanilang pagyukod dahil marami ang nakakaalam na ito na ang huling araw ng
Kapitan.
2. Nasa harapan ng bahay si Basilio at nahihindik na pinanonood ang mga dumarating. Naaawa
siya sa mga inaakala niyang walang malay na madadamay at naisip niyang bigyang ng babala
ang mga ito.
3. Ngunit ng makita niya si Padre Salvi at Padre Irene ay muling bumalik ang bagsik ng kanyang
kalooban.
4. Naisip niya ang kalupitang sinapit ng kanyang pamilya sa kamay ni Padre Salvi gayundin ang
pagsasamantala ni Padre Irene sa kabutihan ni Kapitan Tiago.
5. Namayani ang kabutihang loob ni Basilio, nalimot niya ang ina, kapatid at si Huli. Nagbalik
ang kanyang awa sa mga inosenteng madadamay bunsod ng mga kaisipang ito .
6. Nagtangka siyang pumasok sa bakuran ngunit napigilan siya ng tanod dahil sa kanyang
marusing na anyo.
7. Nakapasok si Basilio sa bakuran at doon nakita niya si Isagani, hinatak niya ito at sinabihang
lumayo na silang dalawa ngunit hindi natinag ang binate dahil nais raw niyang makita si
Paulita sa huling sandali.
8. Muling siyang pinilit ni Basilio at sinabi tungkol sa ilawan at maraming mamamatay at
pagkatapos kumaripas ng takbo ang binate.
9. Sa loob ng tahanan may kaputol na papel na umiikot sa bawat panauhin na may nakasulat na “
Mamamatay kayong lahat , Juan Crisostomo Ibarra.”
10. Inakala ng maraming biro lamang ito dahil si Ibaara ay malaon ng namatay ngunit ng
sumakamay ni Padre Salvi ang papel ay namutla siya dahil nakilala niya ang lagdang kilalang
kilala na totoong kay Ibarra.
11. Naiwan ni Basilio si Isagani sa piging, biglang kinabahan ang binata sa sinabi ni Basilio at
naisip niya na baka totoo nga ang sinabi ng kaibigan.
12. Agad niyang naisip na maraming taong mamatay kasama ang pinakamamahal niyang si
Paulita.
13. Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas na ang mitsa ng ilawan. Sa aktong
hahawakan na ni Padre Irene ang ilawan ay may aninong biglang pumasok, tinabing ang
utusang humarang sa kanya, hinablot ang ilawang hawak ni Padre Irene, itinakbo ito sa azotea
at itinapon sa ilog.
14. Nabigla ang lahat at may sumigaw na magnanakaw at may kumuha ng rebolber at tumalon na
ang anino sa ilog.

KABANATA 36- ANG KAPIGHATIAN NI BEN ZAYB


1. Mula sa pinagdausan ng piging patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang
isulat ang mga pangyayari.
2. Ipinalabas niya na bayani ang Kapitan Heneral, si Padre Irene at Don Custodio , gayundin si
Padre Salvi
3. Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik din sa kanya ng patnugot ng pahayagan dahil
ipinagbawal daw ng Kapitan Heneral ang pagbanggit ng anumang nangyari sa piging. Isang
kabiguan ito para kay Ben Zayb na naghirap magsulat ng balita.
4. Nagtungo si Ben Zayb sa Pasig at doon Nakita niya si Padre Camorra na ipinatapon matapos
ang kasalanang ginawa niya sa tiyani.
5. May nadakip na ilang tulisan. Sila raw ay naanyayahan sumama sa pangkat ni Matanglawin
(kabesang Tales) upang sumalakay sa kumbento at sa mga bahay ng mayayaman.
6. Nagtapat ang mga nadakip na ang hudyat daw ay isang malakas na putok ngunit walang putok
na narinig.
7. Kaya naisip ng mga tulisan na sila ay nalinlang, nagsiurong ang ilan at ang iba ay nagsibalik sa
bundok.
8. Balak nilang maghiganti sa Espanyol na dalawang beses na nanloko sa kanila at ang tatlong
tulisang nahuli ay nagpasyang manloob sa kumbento.
9. Hindi naniniwala ang mga nadakip na tulisan na si Simoun ang Espanyol na nag- utos sa
kanila.
10. Hindi matagpuan si Simoun sa kanyang bahay at natagpuan lamang ang maraming bala at mga
pulbura.

KABANATA 37- ANG HIWAGA


1. Chichoy ang payat na platero na nagdala ng hikaw para kay Paulita, ang tinanggal na mga
palamuti at mga hapag sa bahay ni Don Timoteo at nasaksihan niya mismo ang mga supot-
supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan at sa ilalim ng mga upuan.
2. Ayon kay Ginoong Pasta, iisa lamang ang maaaring gumawa ng gayon: isang kaaway ni Don
Timoteo o karibal ni Juanito.
3. Ngumiti lamang si Isagani sa kuwento nim Chichoy
4. Kung sino – sino ang kanilang pinagbintangan
5. Makaraan ang isang oras ay umalis na si Isagani upang habambuhay na manirahan sa kanyang
tiyuhin.

KABANATA 38- ANG KASAWIAN


1. Lumaganap ang panunulisan ni Matanglawin
2. Pinatay ng kanyang pangkat ang hukom pamayapa sa Tiani, nanunog sila at nangulimbat.
3. Sumalakay rin sila sa Batangas, sa Cavite, pagkatapos ay sa Tayabas, sa Pangasinan, at sa
Albay.
4. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang mga humahabol sa kanya. Lumaki ang pangkat ni
Kabesang Tales at dumami ang umanib sa kanya.
5. Sa kawalang – kaya ng mga sibil na dumakip sa mga tulisan, ang mga magsasakang walang
sala ang kanilang dinarakip.
6. Habang nilalait at pinarurusahan sila ng Guwardiya Sibil, may isang sibil na tutol sa gayong
pagmamalupit, Si Carolino isang sibil na kagagaling lamang sa Carolinas, siya ang
nagsundalong anak ni Kabesang Tales.
7. Inutusan ni Carolino o tano si Mautang na maawa sa mga bilanggo ngunit hindi siya sinunod
nito.
8. Sa hindi inaasahang pagkakataon may mga tulisang lumusob at nagkaroon sila ng palitan ng
putukan.
9. Nang may isang tao sa itaas ng bundok ay iniutos kay Tano na barilin sapagkat tulisan din at
ginawa nga ni tano ang iniutos.
10. Nang matapos ang putukan, tiningnan nila ang mga tulisan na namatay at Nakita niya ang
isang mukhang hindi niya malilimutan napatay niya ang kanyang lolong si Tandang Selo.

KABANATA 39- ANG KATAPUSAN


1. Nakatanggap ng isang telegrama si Padre Florentino. Buhat ito sa tenyente ng guwardiya sibil.
2. Naglalaman ang sulat na ang kanilang kaibigan ay huwag ng magpaabot ng ikawalo ng gabi
dahil pupunta siya para hulihin ito.
3. Dahil sa telegrama, nagmamadaling umalis si Don Tiburcio, inakala niya na siya ang tinutukoy
sa telegrama. Inakala niya na natunton na siya ni Donya Victorina.
4. Ang tunay na tinutukoy ng liham ay si Simoun.
5. Sugatan si Simoun nang dumating sa tahanan ni Padre Florentino may dalawang araw ng
nakakaraan.
6. Tinanggap siya ng pari at hindi man lang inusisa.
7. Inakala ng pari na dahil wala na Kapitan Heneral may nagtangka sa buhay ni Simoun.
8. Ayon kay Simoun ang sugat ay bunga ng kawalang ingat
9. Inakala din ng pari na si Simoun ay tumakas mula sa mga kawal na tumutugis rito.
10. Tinawag ang pari ng kanyang utusan at sinabi nais siyang makausap ng kanyang panauhin.
Nang makita niya si Simoun namangha siya sa nakitang paghihirap ni Simoun at sinabi nito na
kaunti na lamang at matatapos na ang kanyang paghihirap.
11. Uminum si Simoun ng isang mabagsik na lason upang mawakasan na ang kaniyang mga
paghihirap.
12. Kinuha ni Padre Florentino ang dalang maleta ni Simoun na kinalalagyan ng kanyang
kayamanan at inihagis ito sa dagat.

Gawain 4.8
A. Magbigay ng 10 mahahalagang detalye ng aralin.
B. Ano ang ipinahihiwatig ng sumusunod na mga diyalogong hinango sa akda? Ilarawan sa
masining na pangungusap ang damdaming nadarama ng tauhan. Bakit niya sinabi ang mga
pahayag na ito?
1. BASILIO
Ginoong Simoun, naging masama akong anak at kapatid, nilimot ko ang pagkakapaslang sa aking
kapatid at pagpapahirap sa aking ina. Dahil doon, pinarusahan ako ng Diyos. Ngayon ay wala nang
natitira sa akin kundi ang kagustuhan kong gumanti. Pagbabayarin ko ng kasamaan, ng krimen ang
krimen, ng karahasan ang karahasan.
2. SIMOUN
Hindi ito payak na dinamita. Ito’y mga tinipong luha ng mga api. Ito ang panlaban nila sa lakas at
dahas.
CONTENT:
- PT 4.1
CONTENT:
- PT 4.2
CONTENT:
- PT 4.3

FRONT PAGE
Heading
Name: Grade/Section
Teacher:

Performance Task # 3
Gayahin mo, Paborito mong tauhan sa El Filibusterismo

SECOND PAGE
Pamantayan sa Pagmamarka
1. Ang tauhang na gagayahin ay mula sa El Filibusterismo. (5)
2. Maayos ang pagkakagawa ng dialog/script. (5)
- Hindi na bago ang kuwento sa orihinal na akdA
3. Mahusay ang pagkakaganap (5)
- Kabisado ang dialog.
4. Mahusay ang pakakagawa ng video. (5)

You might also like