Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN

https://brainly.ph/question/436237

Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong anak na dalaga ang
naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Sa bayan ng Dumangas sila
naninirahan, nasa gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo.

Sa araw-araw, ang pitong dalagang ay masayang ginagawa ang kanilang mga gawaing-bahay. Makikita
din sila sa dalampasigan, nagtatampisaw at lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan. Napakagaganda
nilang pagmasdan.

Maraming bumibisita sa kanilang tahanan upang manligaw. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang
labis niyang ikinakatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking
maaaring maglayo sa kanya.

“Sana, kung makahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang
hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili habang pinagmasdan ang kanyang mga
anak na abala sa mga gawaing-bahay.

Isang Araw ng Pagkakamali

Isang araw ay may sumadyang isang grupo ng mga binata upang makilala ang mga dalaga dala ang
magagara at mabibilis na bangka. Habang wala ang ama, silang lahat ay sumama sa mga binata.

Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda ang kanilang ama ay natanaw
niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na
sumagwan ang ama para mahabol ang mga bangka ngunit walang nagawa ang kaniyang mabagal na
bangka.
Hindi napigilang lumuha ang ama dahil sa pagmamakaawa. “Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik
kayo! Maawa kayo,” ang sigaw ng ama.

Dahil sa kaniyang pagod, walang nagawa ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Maya-maya ay
nagdilim ang langit at lumakas ang ulan maging ang mga alon. Wala siyang nagawa kundi ang umuwi.

Dinatnan niya ang bahay na walang tao, tahimik at malungkot. Inaalala niya ang malakas na bagyo
habang ang kaniyang mga anak ay nasa laot.

Kinaumagahan, madilim pa ay pumalaot na ang ama. Umaasa siyang mahahabol pa niya ang bangka ng
mga estranghero na marahil ay tumigil sa pinakamaliit na isla habang malakas ang ulan.

Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyag puso ang mabilis na paggaod
papunta sa mga mumunting isla. Anong laking panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng
bangkang sinakyan ng kanyang mga anak na nakalutang sa paligid.

Ang Pitong Isla

Binilang niya ang mumunting isla. Pito! Pito rin ang kanyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang
matanda. Parang nahulaan niya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga anak nang ang sinasakyan
nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang pagsama ng panahon kahapon at
sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.

Itinawag dito ay Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Maaalala sa mga islang ito
ang mga suwail na mga anak.

You might also like