Banghay-Aralin 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Baitang at Asignatura:FILIPINO 6
Pangalan ng Guro: KRISTINE T. SOLIS

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay kinakailangang:
A. Nakapagpaliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Graciano Lopez Jaena
B. Nakatukoy ang mga kontribusyon ni Graciano Lopez Jaena sa Kilusang propaganda
C. Nakapagpakita ang paggalang sa mga sakripisyo at ambag ni Lopez Jaena sa pakikibaka .para sa kalayaan at reporma
D. Nakabuo ng isang tula tungkol sa buhay ni Lopez Jaena
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Ang Buhay at Gawa ni Graciano Lopez Jaena
B. Sanggunian: Befile Notes, IstoryahengPinoy.com
C. Kagamitan: Larawan ni Lopez Jaena, powerpoint presentation
D. Valyu Fokus: Pagbibigay importansya sa kasaysayan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban
4. Paglalahad ng panuntunan sa klase
6. Pagbabalik-aral
Gabay na Tanong:
1. Ano ang ating tinalakay Kahapon?
2. Ano ang taguri natin kay Jose rizal?
3. Ano-ano ang mga kilalang gawa ni Jose Rizal?

7. Pangganyak
GAWAIN: Unahan sa pagbuo ng Larawan
Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawa at bawat grupo ay bibigyan ng puzzle at paunahan sila sa pagbuo nito.

Gabay na Tanong:

1. Kilala nyo ba ang taong nasa larawan?


2. Ano sa inyong palagay ang kontribusyon nya sa Pilipinas?
3. Gaano kaya kalaki ang impluwensiya niya sa panahon ngayon?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
GAWAIN: Malikhaing Pag-uulat
Panuto: Hahatiin sa apat ang klase at bawat pangkat ay bibigyan ng sampong minuto para i-ulat ang buhay ni
Graciano Lopez Jaena sa malikhain na paraan.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang mga pagkakatulad ng mga paksa sa lahat ng akda ni Jaena?
2. Paano sya naging mahalaga sa larangan ng panitikan?

2. Pagtatalakay

(Ang guro ay maglalahad ng sanaysay tungkol sa buhay at gawa ni Graciano Lopez Jaena)

1. Ano ang nagging tanyag ni Graciano Lopez Jaena?


2. Saan siya ipinanganak? Kailan?

BANGHAY-ARALIN COED/UNO-R GURO NG KURSO: MA. BEATRIZ H. LAZARTE


3. Sino ang kanyang mga magulang?
4. Saan unang nag aral si Jaena? Sino ang kaniyang nagging guro?
5. Bakit napilitang maging aprentis si Jaena sa San Juan de Dios Hospital at hindi nalang nag aral ng medisina?
6. Bakit niya sinulat ang komentaryong “Fray Botod” at “La Hija Del Fraile”? Kailan nya ito sinulat?
7. Anong Organisasyon ang sinalihan ni Jaena kung saan it’y binubuo ng mga Espanyol at Pilipino?
8. Kailan niya Inilathala ang pahayagang La Solidaridad?
9. Ano ang naging layunin ng pahayang ito?
10. Kailan namatay si Jaena? Ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay?
11. Ano-ano ang mga akdang isinulat ni Jaena?

3. Paglalahat
Gawain: Tanungang sagot.
PANUTO: Ang guro ay magtatawag ng pangalan at tatanungin niya ito ng mga tanong sa ibaba.

Gabay na Tanong:
1. Ano sa inyong palagay ang pangunahing mensahe ng kanyang mga akda?
2. Ano ang kahalagahan ng kanyang kontribusyon sa kasaysayan ng Pilipinas?
3. May kaugnayan pa ba ang mga paksa ng kanyang mga gawa sa panahon ngayon?

4. Paglalapat
GAWAIN: ISLOGAN
Panuto: Gumawa ng isang tula upang ipakita ang pasasalamat sa kontribusyon ni Graciano Lopez Jaena sa
kasaysayan.

PAMANTAYAN SA PAGBUO NG TULA

IV. Pagtataya (Gumawa ng dalawang uri ng pagtataya na may tigli-limang aytems.)


i PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Si Graciano Lopez Jaena ay kilala bilang ______.


a. Pambansang Bayani ng Pilipinas
b. Dakilang Lumpo
c. Prinsipe ng mga Orador
d. Lahat ng nabanggit.
2. Ano ang ikinamatay ni Lopez Jaena
a. Kanser
b. Tuberkulosis
c. Dahil sa katandaan
d. Dahil binaril sya ng mga espanyol.
3. Ito ay akdang nag uuyam na masasama at mahahalay na mga Gawain ng mga frayle
a. Fray Botod
b. La Hija Del Fraile
c. En Bandolerismo en Filipinas
d. Wala sa nabanggit
4. Kailan ipinanganak si Jaena?
a. Disyembre 12, 1956
b. Enero 18, 1856
c. Disyembre !8, !856
d. Enero 18, 1956
5. Kailan naisulat ang “Fray Botod” at “La Hija del Fraile”?
a. 1874
b. 1875
c. 18576
d. 1877

Ii PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi.

1. Graciano Lopez Jaena ay kilala sa tawag na "Pambnsang Bayani ng Pilipinas."


2. Sya ay ipinanganak noong Disyembre 18, 1856

BANGHAY-ARALIN COED/UNO-R GURO NG KURSO: MA. BEATRIZ H. LAZARTE


3. Siya ang nagsulat ng “Noli Me Tangere”
4. Namatay siya sa sakit na Tuberkulosis
5. Ipinanganak siya sa Jaro, Iloilo.

V. Takdang Aralin

GAWAIN: Si Graciano Lopez Jaena ay may malaking Kontribusyon sa Kasaysayan. Kung may maituturing kang tao na
may malaking kontribusyon upang maging Ikaw ka ngayon, sino iyon at pano ka niya nahubog? Ipaliwanag sa limang
pangungusap.Isulat ito sa kalahating papel

Rubriks:
Nilalaman: 10 puntos
Organisasyon: 5 puntos
Kalinisan:5 puntos

BANGHAY-ARALIN COED/UNO-R GURO NG KURSO: MA. BEATRIZ H. LAZARTE

You might also like