Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

GRADES 1 to 12 MARIVELES NATIONAL Baitang/

Paaralan 8
HIGH SCHOOL - Cabcaben Antas
DETAILED LESSON
PLAN Guro SEVILLA, ALLAIN JAMES Asignatura FILIPINO

(MasusingBanghayAralin) Petsa/Oras Marso 4, 2024/6:30-11:50am IKATLO


Markahan
Bagac,Juan Luna,Jose
Seksyon
Palma,Balanga, Abucay

A. Pamantayang Pangnilalaman Nalalaman ang pinagmulan ng dagli.

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng dagli at nai-


B. Pamantayan sa Pagganap
aarte ito.

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, inaasahang 100% ng mga mag-aaral ay makatatamo ng
humigitkumulangna 85% nakaalaman at kasanayanna:

 Nakikilala ang mga tao na sumikat sa pagsusulat ng dagli.


 Nakagagawa ng dagli at naisasadula ito.
 Nailalahad ang importansya ng dagli sa makabagong henerasyon.

II. Paksang-Aralin
Pamagat: Popular na Babasahin (Kontemporaryong Dagli)
Genre: Panitikan
Sanggunian: Gantimpala
Kagamitan: TV, powerpoint, youtube bidyo
Pagpapahalaga: Nalalaman ang pinagmulan ng dagli.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtatala ng liban sa klase
4. Pagbibigay ng paalala

GawaingGuro Gawaing Mag-aaral

B. Pagpapaunlad na Gawain

1. Balik-Aral:
Para sa ating balik-aral ay mayroon akong inihandang
laro na kung saan ay kailangan niyo lamang tumayo ng
mabilis kung gusto ninyong sumagot. Handa na ba ang
lahat? Handang-handa na po.

Mga katanungan:

1. Ano ang magasin na tungkol sa kabbaihan?

2. Ano ang magasin patungkol sa fashion?

3. Ano ang magasin tungkol sa kalalakihan?

4. Ano ang magasin tungkol sa gadgets?

5. Ano ang magasin tungkol sa kalusugan ng lalaki?

6. Anong magasin ang para sa abalang ina?

7. Anong magasin ang para sa pagnenegosyo?

8. Ano ang magasin ang para sa kabataan?

9. Ano ang magasin na 97 na tano na?

10. Ano ang pinaka-unang magasin sa Pilipinas? (Sumagot ang mga mag-aaral)

Mahuhusay! Mukhang natatandaan niyo pa nga an


gating tinalakay noong nakaraan. Handa na kayo para
sa panibago nating pag-aaralan. Pero bago iyon ay nais
ko muna magkaroon tayo ng isang maiksing Opo, Sir!
pampasigla. Handa na ba kayo?

2. Pagganyak

“Ang Kwento ni Peter”

Ngayon, bago tayo dumako sa ating panibagong aralin


ay mayroon akong inihandang isang paksa rito at ang
nais ko ay gagawan natin siya ng isang maiksing
kwento. Sisimulan ko ang pagkukwento sa pagsasabi
ng simula at ang gusto ko ay dudugtungan ninyo ang
mga pangyayari. Naiintindihan ba?
Opo.

Sisimulan ko na. Si Peter ay isang mag-aaral ng


ikawalong baitan. (Susundan ng mga mag-aaral ang kwento.)

Mahusay! Ngayon mayroon ba kayong hinuha kung


ano ang ating magiging talakayan ngayon base sa ating
Maikling Kwento, Sir?
ginawa?

Hindi, mas maikli pa sa maikling kwento.


Ay! Dagli po Sir.

Tama ngayong araw ay aalamin natin kung ano ba ang


dagli. Kung saan ba ito nagmula at ano pa ang mga
patungkol dito. Handa na ba kayong makinig?
Opo, Sir.

3. Pagtalakay sa aralin.

Ngayon ay tatalakayin na nating an gating bagong


aralin na Kontemporaryong Dagli. Ang nais ko ay
makinig nang maigi upang masagot ang aking mga
katanungan.

(Ipapalabas sa telebisyon ang bidyo)

Sinasabi na ang dagli ay isang anyo ng panitikan na


maituturing na maikling maikling kuwento. Bagama't Opo, Sir.
walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas,
sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak
sa angkop na haba para masabing dagli ang isang
akdang pampanitikan. Subalit sinasabing
kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento.

Sino sino ang sinabing mga kilalang manunulat ng


dagli?
Sina;Iñigo Ed. Regalado,Jose Corazon de
Jesus, Patricio Mariano,Francisco
Laksamana,Lope K. Santos

Pamilyar ba sa dalawang pangalan?


Opo, sa Magasin po.

Mabuti naman at natatandaan pa.

Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang


dagli sa panahon ng pananakop ng mga Español.
Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang
Español at tinawag na Instantaneas. Tatandaan natin
ang Instantaneas. Opo, Sir.

Sinasabi na hindi malaman kung hinango raw ba ng


mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa
Espanyol dahil hindi nila alam kung ano ang itatawag
sa akdang prosa ang anyo ngunit patula ang himig.

Noong 1920 lamang nagkaroon ng linaw ang mga


anyong prosa gaya ng maikling kwento at nobela.
Marami na rin naglathala ng dagli sa ilalim ng
kanilang mga sagisag panulat.

Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga


dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang
"Ang Dagling Tagalog: 1903-1936". Ano ba ang
antolohiya? Sir mga pinagsasama pong dagli?

Tama! Ito ang kalipunan ng mga dagli at saan daw


pumapatungkol ang antolohiya na ito? Tungkol daw po sa mga karanasan ng mga
lalaki sa patriyarkal nalipunan.

Tama!Ginagamit din ang dagli upang i-alay ito sa mga


babaeng napupusuan o upang ipakita ang pagmamahal
sa bayan.

Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo


ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan
hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga
tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga
kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at
telebisyon. Aniya, "na-transform na ang dagli, hindi na
ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang
lehitimong pangalan at katawagan-anekdota, slice-of-
life, a day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon
(pagpasok ng ganitong uri ng kuwento sa media)."

Ano ulit ang naging lehitimong pangalan ng dagli?

Mahusay! Anekdota, Slice of life, a day in the life.

Aalamin naman na natin ang Dagli sa kasalukuyan.

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash


fiction o sudden fiction sa English ang dagli. Ngunit
ayon sa panayam kay Dr. Revel Molina Aguila,
naunang magkaroon ng dagli sa Pilipinas bago pa man
nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong
noong 1990.

Noong 2007, lumabas ang antolohiyang "Mga


Kuwentong Paspasan" na pina-matnugutan ni Vicente
Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala
ang "Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga
Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)" ni Eros
Atalia

Sinabi ni Bienvenido Lumbera na ang dagli raw sa


panulat ni Eros Atalia ay kakaiba. Mayroong
nagtatawa, nanggugulat, at tila bato-bato sa langit na
may tinatamaang nagagalit. Sa tingin ninyo ano ang
ibig sabihin ni Bienvenido?
Sir, mayroon po talaga pinatatamaan si
Eros sa kanyang mga sinusulat.
Tama! Sinabi naman ni William Rodriguez na si Atalia
ay iba’t-ibang pangyayari sa lipunan sa paraang
medaling unawin. Bakit madaling nauunawaan ang
kanyang mga sinusulat?

Sir kasi po simple at malinaw po ang


paggamit niya ng wika.

Ayon kay Atalia ay wala raw iisang pamantayana ang


haba ng isang dagli. Mas kailangan daw ang
pagkontrol sa paggamit ng salita. Ang dagli raw kasi
ay nagtitiwala ang sumula sa kakayang ng mambabasa
ng umunawa at makahanap ng huluga. Sa madaling
salita ay iniisip ng manunulat na maiintindihan talaga
ng mambabasa ang kanyang ginawa kung pipiliin niya
nang maayos ang mga salitang ilalagay rito.

Pakibasa ang mga mungkahing paraan ni Atalia sa


pagsulat ng dagli.

(Babasahin)

Sinasabi na mabigay tuon lamang tayo sa isang


elemento ngating dagli upang hindi mahati ang
atensyon ng mambabasa, sisimulan mo dapat palagi
ang dagli ng mayroong aksyon upang mahikayat agad
ang magbabasa sa una palang. Kailangan ay mapakita
talaga ng manunulat ang kuwento at kailangan ay
double blade ang pamagat, ibig sabihin ay mayroong
pang ibang ibig sabihin. Bakit ba kailangan
mahalagang maganda ang pamagat?
Para po pamagat pa lamang ay ma-
engganyo na ang tao basahin o panoorin.
Mahusay! Doon na nagtatapos ang dagli at
pakiramdam ko ay mukhang nakinig talaga kayo. Kaya
ngayon ay dadako na tayo sa ating pangkatang
Gawain. Handa na ba?

Opo!

5. Pangkatang Gawain

Para sainyong pangkatang Gawain ay kayo ay gagawa


ng isang dagli, kayo na ang bahala kung ano ang
magiging paksa. Kailangan ay maisadula ninyo sa
harapan ang gagawin ninyong dagli. Mayroon lamang
kayong sampung minuto upang pag-usapan ang
gagawin.

Ang pamantayan sa pagpupuntos ay;

Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangan


pang linangin

5 4 3
Nilalaman Napakahusaynanaila Mahusaynanaila Hindi
had ang tagubilin. had ang nailahadang
tagubilin. mgatagubilin.

Presentasyon Napakahusay ng Mahusay ang Hindi mahusay


ipinakitangpresentas ipinakitangprese ang
yon. ntasyon. ipinakitangpresen
tasyon.

Koorperasyon Nakilahoklahat ng Nakilahok ang Hindi nakilahok


myembro ng grupo. karamihansamg ng
amyembro ng karamihansamga
grupo. myembro ng
grupo.

Kabuoang
Puntos
15

Naiintindihan ba ang gagawin? Opo

Simulan na ninyo ang paggawa.


(Gagawa ang mga mag-aaral)

Tapos na ang naitakdang oras at kailangan ng isadula


ang inyong dagli na ginawa. Mauuna ang ikaapat na
grupo at susundan ng ikatlo,ikalawa at ikauna.
Magsimula na
(Magsasadula na ang bawat grupo)

(Magbibigay ng grado ang guro)

Mahuhusay kayong lahat! Ngayon ay aalamin ko


naman kung naintindihan ba ng lahat ang ating naging
talakayan ngayon araw.

6. Paglalahat

Kumuha ng ½ na papel at isulat ang natutunan ninyo


sa ating talakayan. Mayroon lamang tatlong minuto
upang magsagot.

Ang natutunan ko sa aming talakayan ay ___________

Magsimula na sa pagsasagot.
(Magsasagot)

Ngayong natapos na ang oras ay ipasa na ang papel


papunta sa gitna at ipasa paharap.

(Ipapasa ang papel)


Hindi pa diyan natatapos an gating pagsasagot.
Ngayon ay mayroon pa kayong isang sasagutan.

7. Paglalapat

Maaari ba ninyo basahin ang panuto.

Panuto: (Babasahin)

Isulat sa papel ang inyong sagot sa tanong.

Kung gagawa ka ng isang double blade na pamagat ay


Ano ito at bakit ito?

Naintindihan ba ang gagawin?


Opo.

Kung ganoon ay magsagot na.


(Magsasagot ang mga mag-aaral)

Maari bang ipasa na ang inyong papel at dadako na


tayo sa ating pagtataya.
(Ipapasa ang papel)
IV. Pagtataya

Tama o Mali

Tukuyin kung tama o mali ang nasa pahayag.

1. Mayroong iisang pamantayan ang haba ng isang dagli.

2. Nagsimula ang dagli sa pananakop ng mga Espanyol.

3. Katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa English ang dagli

4. Noong 2007 nailathala ang "Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kuwentong Pasaway,
Paaway at Pamatay)" ni Eros Atalia

5. Ang antolohiya ay mga pinagsasama-samang dagli.

V. Takdang Aralin

Magsulat sa isang buong papel ng isang dagli na hindi lalagpas sa 150 na salita. Kahit ano ang
paksa.

Rubriks sa pagpupuntos
Pamantayan Puntos
Kaugnay sa paksa 10
Wastong gamit ng 5
mgasalita at bantas
Maayos at malinis ang 5
sulat
Kabuuang Puntos 20

Inihanda ni:

ALLAIN JAMES M. SEVILLA


Student Teacher
Ipinasa kay:

Mrs. JULIE ANN G. CEA


Cooperating Teacher

You might also like