Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Department of Education

DIVISION OF SORSOGON
MANUEL T,SIA NATIONAL HIGH SCHOOL
Danlog,Pilar,Sorsogon

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Unang Markahang Pagsusulit
PAG-UNAWA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1-4 Sagutin ang bilang 2-4 sa tesksto na nasakahon.

Pagtungtong ng isang bata sa kanyang ikalabintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat na
pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali ng batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naakit na siyang
tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae, nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad ng
isang ganap na babae.

Nagiging masilakbo rin ang pag-iisip at pag-uugali ng batang lalaki laging tila humaharap sa
hamon na susubok sa kanyang katapangan. Nagiging mapahangas siya sa anumang bagay. Waring
ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwaring hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang
panahon na tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya
ganap na lalakiat nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang
lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili atsa iba, kaya napakalaki ng kaniyang kawalan ng
siguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kaniyang kahalagahan. Ang isang
nagdadalaga naman ay nagsisimulang iwan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos
nang magaslaw o tila bata.

1. Ano ang pangunahng paksa ng mga talata?


a. Ang panahon ng pagdadalaga /pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata
c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdadaanan.
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng nagdadalaga/nagbibinata.
2. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng isang nagdadalaga sa isang nagbibinata ayon sa paglalarawan?
a. Ang nagbibinata ay walang siguridad at ang nagdadalaga ay nakakaramdam ng kaliyuhan.
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at
iba pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay
nagsisimulang magig pino sa kanyang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang
kumilos na tulad ng isang ganap na babae.
3. Ano sa mga paksa ang totoo ?
a. Ang nagbibinata ay ang simula ng pagkakaroon ng gusto sa kababaihan.
b. Ang nagdadalaga ay ang simula ng pagkakaroon ng gusto sa kalalakihan.
c. Ang nagbibinata at nagdadalaga ay ang simula ng pagkakaroon ng pagbabago sa katawan.
4. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad sa
panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?
a. Upang masiguro niya na may tao na tatanggap sa kaniyang mga kalakasan at kahinaan.
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing –edad.
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa
kanyang kasing-edad.
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kanya upang matanggap sa isang pangkat na
labas sa kanyang pamilya.

5. 5. Ano ang tawag sa yugto na kung saan inaasahang magampanan ang lima saw along mga angkop at
inaasahang kakayahan at kilos?

a. Late Childhood b. Adolescence c. Young adulthood d. Adulthood


KAALAMAN

Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.

6-9 Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.

10-13 Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.

14-15Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pasya.

PAGSUSURI

TAMA O MALI

16. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae / lalaki.

17. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang opinion.

18. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian : nagkakaroon ng crush.

19. Iniiwasan na ang pakikipag-away.

20.. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mga mahalagang proyekto sa paaralan.

PAGBUBUO (10PUNTOS.) 21 - 30

MGA KAKAYAHAN

Mapapaunlad sa
pamamagitan ng:

1.
1. 2.
2. 3.

MGA KAHINAAN

Mapapaunlad sa
pamamagitan ng:

1. 1.

2. 2.

3.

You might also like