Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Don Mariano Marcos Memorial State University

Kolehiyo ng Edukasyon

MODYUL 4

SEFL 119- DULAANG FILIPINO

JOHN NOEL S. NISPEROS, Ed.D.

MODYUL IV
PAGTATANGHAL NG DULA/DULANG
PAMPELIKULA AT PANTELEBISYON

Modyul 4
2

Aralin 1 Eksena at Tagpo………………………………………………………..4

Aralin 2 Pag-arte………………………………………………………………………7

Aralin 3 Mga Kawani ng Produksyon……………………………………….8

Aralin 4 Pagtuturo ng Dulang Pampelikula at Pantelebisyon…10

Aralin 5 Ang Dula/Anyong Teknikal ng Iskrip………………………….13

Aralin 6 Iba pang Sangkap sa Pagsulat ng Dula……………………….17

Aralin 7 Pagsasanay……………………………………………………………………19

MODYUL 4
DULAANG FILIPINO

 INTRODUKSYON

Modyul 4
3

Kapana-panabik ang mga performance tasks noong mayroon pang face


to face na mga klase, bilang guro, iyong nakikita ang mga pagsasanay,
paghahanda at pagbuo ng produksyon kahit na isang simpleng harapan
lamang ng klase nagaganap ang pagtatanghal.

Batay sa karanasang ito ng mga mag-aaral, kanilang naipamamalas


ang angking galing sa pagsunod sa mga konseptong natutunan sa klase. Sa
mga mas malaking produksiyon gaya ng pagtatanghal ng mga obra ni Rizal,
ang paligsahang pang Greyd lebel na ang nangyayari. May mga poster na ito,
maayos na teknikal na aspeto, iskrip at props. Idagdag pa ang set o
tanghalan na sadya naming pinaghirapan kahit recycled lamang ang
karamihan dito.

Sa pagtuturo ng pagtatanghal, isinasaalang-alang dito ang mga Araling


iyong mapag-aaralan.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan ang mga


nagpapakadalubhasa sa Filipino na:
1. Nakikilala ang mga konsepto sa pagtatanghal ng dula;
2. Naisasadiwa ang kahalagahan ng produksiyon sa pagtatanghal;
3. Nakabubuo ng sariling ideya kung paano ituro ang mga dulang
pampelikula at pantelebisyon;
4. Naisasagawa ang ilang pagsasanay dito.

 TANDAAN/ISAALANG-ALANG ITO:

Binubuo ng mga Aralin ang Modyul. Basahin at unawain ang mga


teksto, piyesa at babasahing nakapaloob sa susunod na mga modyul at sa
modyul na ito ang magiging pundasyon dito. Pagkatapos mong mapag-aralan
ang bawat Aralin, handa ka nang sagutin o isagawa ang mga pagsasanay.

Huwag mag-atubiling sumangguni sa iyong Propesor kung nais mo ng


malawakan o malaliman pang pang-unawa.

 PANIMULANG PAGTATAYA SA MODYUL 4


PANUTO: Pumili ng angkop na salita batay sa sinasabi/konteksto ng mga talata.

Modyul 4
4

set tagpo produksyon spot light


eksena
Sa pagtatanghal, isinasaalang-alang ang 1._______________sa bawat
panig ng stage o entablado. Sa maliliit na 2. _________________, maghanda
ng kahit dalawa o tatlong set para sa mga 3.________________ nang hindi
magkakaroon ng “dead air”, dahil nakakaabala rin ang paglalagay ng set at
props habang gumigiling ang mga 4. _________________.

Alam na dapat ng mga mandudula o mga artista kung kelan sila


papasok sa set. Sa tulong ng direktor, tiyak na mapapadali ang daloy nito.

Samantala, sa malalaking produksyon, ‘di masyadong maabala ang


produksyon dahil naihanda na ang iba’t ibang set sa tulong ng
telon/kurtina/tabing. Idagdag pa ang 5.______________________na
madaling sundan ng mga manonood.

ARALIN 2- PAG-ARTE

Pagpasok Diin at Balanse sa Entablado Posisyon at


Paggalaw
Linya at Palatandaan pag-aadlib
6. Ang ____________________ay para lamang sa kagipitan upang maiwasan
ang katahimikan.
7. Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin._____________________
8. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa papel na
ginagampanan._______________
9. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang kikilos
upang isaayos ang posisyon.______________________
10. Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago pa
man siya papasok.____________________


Aralin 1 Eksena at Tagpo

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan


samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na
pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

Pagtatanghal ng Dula

AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.

S – seen before heard ( makita muna bago marinig)


T – talk in projection ( magsalita na may tamang tindig)
A – act realistically ( Umarte nang totoo)
G – give your all ( Ibigay ang lahat)

Modyul 4
5

E – exaggerate ( Eksaherado)

Sa pagtatanghal, isinasaalang-alang ang set sa bawat panig ng stage o


entablado. Sa maliliit na produksyon, maghanda ng kahit dalawa o tatlong
set para sa mga tagpo nang hindi magkakaroon ng “dead air”, dahil
nakakaabala rin ang paglalagay ng set at props habang gumigiling ang mga
eksena.

Alam na dapat ng mga mandudula o mga artista kung kelan sila


papasok sa set. Sa tulong ng direktor, tiyak na mapapadali ang daloy nito.

Samantala, sa malalaking produksyon, ‘di masyadong maabala ang


produksyon dahil naihanda na ang iba’t ibang set sa tulong ng
telon/kurtina/tabing. Idagdag pa ang spot light na madaling sundan ng mga
manonood.

Huwag kalimutan ang mikropono o lapel nang marinig ito nang


mabuti. Maraming pagkakataon na may mga problemang teknikal, kaya ang
pag-eensayong teknikal, dry-ran o blocking ay dapat isinasagawa.

Ang paglalapat ng musika at mga tunog ay mahalaga sa dulang


pantanghalan. Iakma ito ayon sa eksenang nagaganap.

DALOY NG ISIP

The country’s national center for the performing arts, the Cultural Center of
the Philippines is a vast complex spread over 150 acres (62 hectares).
Designed by Filipino architect Leandro Locsin, this is Manila’s go-to venue
for ballet, classical music, and theater, as well as other local and
international productions, performances, and festivals. The Basics Built in
the 1960s, the Cultural Center of the Philippines has been a key venue for
the performing arts since its founding.

Modyul 4
6

Photo courtesy: https://www.viator.com/Manila-attractions/Cultural-


Center-of-the-Philippines/d4674-a8013

Read more about The Best Cultural Center of the Philippines Tours & Tickets
2021 - Manila | Viator - https://www.viator.com/Manila-
attractions/Cultural-Center-of-the-Philippines/d4674-a8013?mcid=56757

 ANTAS PANITIK

PANUTO: Magsaliksik ng ISANG PAGTATANGHAL (1) mula sa Past Shows of


Tanghalang Pilipino ni Walter Ang. Unang Season—1987-1988 hanggang sa
30th Season---2016-2017 sa
https://theaterbator.blogspot.com/2012/12/past-shows-of-tanghalang-
pilipino.html. Ibigay ang kabuoan ng produksiyon dito/kaligiran/nangyari
dito.

Modyul 4
7


Aralin 2 Pag-arte

Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na


may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang
ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan.
Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago pa man siya papasok.
Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan kung paano niya gustong lumantad lalo
na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad ng make-up,
kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay ang pagpasok,
tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang labasan.
Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong
huling lalabas upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.

Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa


entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang
dapat na posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang kikilos
upang isaayos ang posisyon. Iwasan na matakpan ang iba. Bawat tauhan ay mahalaga at
bahagi ng kabuuang larawan ng entablado gaano man kaliit ang linyang bibitawan o kahit na
“extra” lamang.

Posisyon at Paggalaw – walang kilos o galaw ang dapat na gawin na walang


dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat
naaayon pa rin sa papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang
magtinginan paminsan-minsan. Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na
pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa mga manonood.

Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin.Kailangan


ding malinaw, buo at malakas ang boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay
para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang
aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na
hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng pagkanatural
ng usapan.Kailangang magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o magsisimula sa
pagsasalita at huwag itong kalimutan.

GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN

Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.
Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad. Kailangang nakataas ang
balikat, diretso ang katawan at diretso rin ang pagtingin.
Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay nakalukbay (relax). Ang
kamay na nakagapos ay nagpapahirap sa paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado.
Tandaan na ikaw ay unang huhusgahan sa iyong katauhan sa entablado, susunod na lamang
ang sa kung ano ang iyong sasabihin.

Modyul 4
8

DALOY NG ISIP

Bilang direktor sa entablado, nararapat lamang na ika’y


magkaroon ng sketch sa mga gagawing eksena, ang labas-masok ng
mga nagsisiganap ay handang-handa na bago pa isasagawa ang
aktuwal na pagtatanghal.

 ANTAS PANITIK

PANUTO: Bumuo ng sariling workplan/blocking gamit ang dayagram sa


itaas.

Unang Tagpo: (Lead aktor/aktres---nasa E)


Papasok ang ka-eksena pang iba mula sa A
Lalabas ang Lead aktres sa C, na susundan ni Lead actor
Tabing
Pangalawang Tagpo:__________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Pangatlong
Tagpo:______________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
(Dagdagan kung kinakailangan ayon sa dulang naihanda/nasaliksik)


Aralin 3 Mga Kawani ng Produksyon

Modyul 4
9

Direktor: Ang kanyang pangunahing layunin ay makabuo ng magandang


pagtatanghal. Kailangan niyang madiskubri ang saysay ay kahulugan ng
buong dula. Siya rin ang magpapaliwanag ang dulang isinulat ng tagabuo ng
iskrip at ang pipili ng babagay na artistang gaganap sa papel ng mga tauhan
sa dula. Sa kanya nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng dula.

Katulong ng Direktor: Siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala at


magsisilbing tagapag – ugnay sa iba pang kawani ng produksyon.

Tagapagdikta – Siya ay hahawak ng isang “prompt book” at mamarkahan


niya ang mga bagay na kailangang tandaan ng mga actor tulad ng kumpas,
mga tunog, pagbukas o pagpatay ng ilaw at iba pa.

Tagadisenyo ng Tanghalan – magdidisenyo ng lugar na gaganapan ng dula,


ng mga kasuotan at mga mga ilaw sa tanghalan.

Direktor Teknikal – siya ang magmanipula sa lahat ng mga ilaw, musika,


mga espesyal na tunog at iba pang may kaugnayan sa kuryente. Siya ay
makikipagtulungan din sa mga paghahandang ginagawa ng tagadisenyo ng
Tagpuan.

Tagapamahala ng Entablado – Sinisiguro niya na maayos ang buong


entablado na pagtatanghalan. Siya rin ang mamamahala sa likod ng
entablado sa posibleng kagipitang mangyayari.

Tagapamahala ng Tanghalan – Ang mag-aayos ng mga upuan ng mga


manonood.

DALOY NG ISIP

Karaniwang itinuturing na silent/unseen actors at actresses


ang bumubuo sa produksiyon. Sila ang talagang nagpupuyat at
napapagod sa paghahanda ng buong produksiyon.

Sila ang katuwang ng direktor sa pagpapagalaw sa mga


eksenang kukunan ng kamera/irerekord ng technical team.

Samakatuwid, ang kabuoan ng pagtatanghal/palabas,


mapapelikula man o sa telebisyon ay hindi magiging
matagumpay kung wala ang buong produksiyon.

Modyul 4
10

 ANTAS PANITIK
PANUTO: May maidaragdag ka bang aspeto/kawani/bahagi ng
produksiyon, isa-isahing itala dito:

1.
2.
3.
4.
5.

Aralin 4
 Pagsulat ng Dulang Pampelikula

Integrasyon: (Isang Pananaliksik)


Tema ng Kongreso: “Ang Kurikulum Tungo sa Pagpapaangat ng Wikang
Filipino at Kalidad ng Edukasyon sa Antas Elementarya at Sekundarya”
Halaw sa http://centerfornewcinema.net/seminars-and-
workshops/pagsulat-ng-dulang-pelikula (2013)

Abstract:
Sa pagtuturo ng dulang pampelikula at pangtelebisyon, ibabahagi dito ang
mga pamamaraan sa paglalahad ng mga nilalaman nito, pagbabalangkas ng
anyong teknikal at ang pag-aalam ng kanilang mga sinematikong sangkap. Sa
panimula, kailangang malaman ng manunulat kung ano ang kwentong
gustong nyang ipaparating.

Mahalaga dito ang pag-aalam na ang kwentong binubuo ay maaaring


makapag-ambag sa kaalaman (knowledge), kahulugan (meaning) at
kahalagahan (values) ng mga manonood. Sinusulat ang mga dulang
pampelikula at pangtelebisyon na may layuning magsalarawan ng mga
sinematikong katangian ng mga dula na binubuo naman ng mga odyo-biswal
na mga elemento tulad ng disenyo, sinematograpiya at tunog.

Ang Pagtuturo ng Dulang Pantelebisyon at Pampelikula

I. Pag-uunawa sa Anyo at Kahalagahan ng Dulang Pantelebisyon at


Pampelikula

• ang iskrip ay isang mapa o roadmap na naglalaman ng mga elemento


sa ikabubuo ng dulang pantelebisyon or pampelikula
• ang sinematikong midyum ng dulang pantelebisyon o ng pelikula
batay sa kanyang sangkap na audio-visual
Ang mga sinematikong sangkap ng dulang pantelebisyon o ng pelikula:

Modyul 4
11

(O ang mga elementong dapat isipin ng manunulat ng dulang pantelebisyon


or pampelikula)

1. Istorya (o Iskrip)
2. Direksyon
3. Disenyo
4. Sinematograpiya
5. Editing
6. Tunog
7. Musika
8. Pag-arte (Performance)

II. Mga Panimula sa pagsulat at pag-unawa ng Dulang Pantelebisyon at


Pampelikula

1. Ang Kwentong Ideya (Story Concept o Storyline)


2. Ang Sinopsis
3. Ang Treatment
4. Ang Iskrip

Ang Iskrip ay naglalaman ng kwento:


Ano ang kwento? Kwento = Tauhan + Aksyon
Nabubuo ang kwento sa pamamagitan ng mga aksyon na gawa ng mga
tauhan.

III. Ang Pagbuo ng Dulang Pantelebisyon at Pampelikula


Ang Tatlong Yugto ng Iskrip:
• Yugto I: Paglalahad (Exposition)
• Yugto II: Tunggalian (Conflict)
• Yugto III: Resolusyon (Resolution)

IV. Teknikal na Anyo ng Iskrip

V. Ang Pagbuo ng Karakter

VI. Ang Pagbigay ng Kaalaman (Knowledge), Kahulugan (Meaning) at


Kahalagahan (Values) sa Iskrip, O Ang Paggamit ng Dulang Pantelebisyon at
Pampelikula sa Pagkakaroon ng Kaalaman (Production of Knowledge)

Maaari nating sabihin na noong ika-20 siglo ang pelikula ang siyang ating
pambansang kultura dahil sa pagpalaganap nito ng isang pambansang wika at
ng kulturang lokal. Ang pag-usbong ng pelikula ay sumabay halos sa pag-
usbong ng ating bansa bilang isang bansang-estado o “nation-state,” kung
kaya ang pelikula ay nakitaan natin ng ating idelohiya at identidad na
pambansa.

Ngayong siglo naman, hindi maipagkakaila na panahon naman ito ng


telebisyon upang magpalaganap ng kanyang impluwensya sa buong bansa
mula sa entertainment hanggang politika.

Modyul 4
12

Ngayong siglo naman, hindi maipagkakaila na panahon naman ito ng


telebisyon upang magpalaganap ng kanyang impluwensya sa buong bansa
mula sa entertainment hanggang politika.

Ang dulang pampelikula ay unang nagdulot ng kasiyahan sa mga unang


manonood nito dahil, tulad ng sa teatro at literatura, nagbigay ito ng
kwento at napulutan ng aral. Sa totoo lang, isang malaking migrasyon ang
nangyari sa dula ng ito ay lumipat mula teatro na siyang namayani noong
panahon ng mga Kastila papunta sa pelikula na umigting naman sa panahon
ng bagong mananakop—ang mga Amerikano.

Nang dahil sa Hollywood, at dahil sa ang Pilipinas ay sinakop ng Estados


Unidos na siyang lider sa paggawa at paglako ng pelikula, sinundan ng ating
musmos na bansa ang mga pamamaraan sa pagtangkilik at sa paggawa ng
pelikula na usong-uso sa Amerika. Pelikula ang siyang hinirang nating
tagapag-aliw nang tayo ay kumalas na mula sa ating mga mananakop.

Ang pelikula—mas matanda pa kesa sa bansang itinatag lamang noon 1946


dahil sa ang pelikula ay ipinanganak sa bansa noong 1897 at, dagdag pa dito,
isipin din natin na ang unang pelikulang gawa ng Pilipino ay nangyari lamang
noong 1919—alalahanin nating ang pelikula ay nagkaugat na nang malalim sa
isip at damdamin nating mga Pilipino bago pa man tayo naging ganap na
bansa.

Sa gitna ng ating pagtangkilik sa pelikula, ang dulang pampelikula ay may


katangitanging kinalalagyan sa ating kultura. And dulang pampelikula ay
siyang naging salamin ng ating katauhan sa kanyang pagpapakita ng ating
mga katangian—mabuti man o masama. Ang dulang pampelikula—tulad ng
nakaraang teatro at nobela—ay naging tagalantad din ng ating mga
tinatagong mga pagnanais. Hindi dito magkakalayo ang dulang pantelebisyon
dahil ito naman ay hango rin sa naunang pelikula.

DALOY NG ISIP

Kaligiran

Noong nakaraang ika-20 siglo, nakitaan na ito ng dalawang porma ng


komunikasyon na sa halip na mga salita, mga imaheng gumagalaw at
nangungusap ang namayani. Ito ay ang pelikula na dumating sa Pilipinas
noong Enero 1, 1897, pumangalawa lamang sa Asya pagkatapos ng India na
unang nagpalabas ng pelikula. Nang kalagitnaan ng siglo, umusbong naman
ang telebisyon.

Modyul 4
13

Lalong naragdagan nang pumasok ang ika-21 siglo kung saan ang mga
teknolohiyang digital naman ang umusbong. Ang mga makabagong uri ng
komunikasyong ito ay kasama sa malawakang globalisasyon na sumasakop sa
ating mundo ngayon.

Nagsulputan na ang pelikula ni James Cameron na Titanic o ng Harry Potter


na galing sa panulat ni J.K. Rowling. O dili kaya sa tambalan nina John
Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na unang pinag-igting sa lokal na telebisyon
at lalo pang tinangkilik sa pinilakang tabing.

 ANTAS PANITIK
PANUTO: Paano mo ituturo at gawing malikhain ang pagsusulat at
pagpapalabas ng dulang pampelikula o pantelebisyon?

Aralin 5
 Ang Dula

Bilang panimula, kailangang malaman ng manunulat kung ano ang


kwentong gustong nyang iparating. Ang kwento ang siyang nagbubuo ng
tinatawag na “content” ng pelikula o dulang pantelebisyon. Ito ay dapat
malinaw sa manunulat dahil ito ang kanyang idedebelop para maging isang
dula ang kanyang naiisip na kwento.

Halimbawang ang manunulat ay alam na niya ang kanyang kwento,


para makapagsimula sa pagsulat ng dula—pampelikula man o
pantelebisyon—siya ay maaaring magsimula sa pagbubuo ng tinatawag na
“storyline”—o, kwento sa isang linya. Subukang magkaroon ng kakayanang
ilahad ang kwento sa isang maiksi na linya ngunit malinaw na
nagsasalarawan ng (1) karakter at (2) simpleng pangyayari na bumubuo ng
kwento. Ang “storyline” ay isang payak na pangungusap o “sentence.” Ito ay
isang “story concept” o minsan tinatawag din na “story idea” dahil sa ito ay

Modyul 4
14

nagbibigay ng ideya tungkol sa kwentong bubuuhin sa pamamagitan ng isang


maiksing pangungusap.

Sa kumbenyunal na pagsusulat ito ay binubuo ng “subject” at


“predicate”—ang “subject” bilang tagapagbigay ng karakter o katauhan sa
mga pangyayari at ang “predicate” naman ay syang nagbibigay ng aksyon ng
kwento na sumasagot sa tanong na “anong nangyari”?

Alalahanin muli na ang “storyline” para maging epektibo ay dapat


may malinaw na karakter at aksyon. (KWENTO = TAUHAN + AKSYON) Dagdag
pa dito, magsulat ng isang payak na pangungusap na malinaw ang “subject”
at “predicate” nito. Huwag gumamit ng sanga-sangang pangungusap, o
“compound sentence” dahil ito ay magdudulot lamang ng kalituhan. Ang
pagsulat ng “storyline” ay isang pamamaraan ng pagdisiplina sa sarili na
mag-isip ng isang ekomikal na pamaamaraan sa paglalahad ng kwento.

Mula sa “storyline,” patutungo naman tayo sa pagsusulat ng


“synopsis.” Alam natin na ang sinopsis ay isang maiksing sanaysay na
pangkalahatang naglalahad tungkol sa kwento. Kung maaari ay isulat ito sa
isang pahina lamang. May isang suhestyon na maaaring gamitin para
makapagsulat ng isang epektibong sinopsis.

Kung maaari ang unang talata ay magbigay ng panimula


(“introduction” o “set-up”) sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga
karakter lalo na ng “protagonist” o bida. I-build-up ang mga tauhan sa
pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang mga natatanging katangian. Dito
rin sa unang yugto ipapakita ang pag-“set-up” ng aksyon ng dula.

Ang pangalawang talata naman ay tungkol sa mga tunggalian


(“conflict”) na dadaanan ng tauhan na syang bubuo sa katawan ng dula.
Bilang katawan ng dula, isasaad dito ang mga pangyayari na siyang bubuo ng
pelikula. Ang mga pangyayaring ito ay maaaring isang serye ng mga
paghihirap na dararanasin ng karakter upang buuhin ang kanyang katauhan.
Maaaring mga limang pangungusap ang bubuo ng pangalawang talata.

Sa pangatlong talata, dito pwedeng tapusin na ang kwento. Maaring


mangyari ito kung nahanap na ang resolusyon ng problemang kinakaharap ng
karakter. Maiksi lamang ang talatang ito.

Pagkatapos ng sinopsis ay ang paggawa ng “sequence treatment.” Ang


sequence treatment ay isang uri ng pag-oorganisa ng mga pangyayari sa
dula. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglikom ng mga eksena na kapag
ipinagsamasama ay nagsasaad ng dumadaloy na kwento ng isang pangyayari
na bahagi ng isang mas malakihang kwento. Ang bawat “sequence” ay isang
daloy ng aksyon na pagdinugtong-dugtong mo ay syang bubuo ng naratibo ng
buong dula.

Isang halimbawa ay ang “car chase” o habulan ng kotse kung saan ang
buong sequence ay hinggil sa habulan ng mga kotse na kahit man nagsimula

Modyul 4
15

ito sa isang lugar at dumaan-daan kahit saan patungo sa iba pang lugar,
tinatahi ang mga di-magkasingtulad na lokasyon o eksena sa pamamagitan
ng isang malinaw na aksyon at yan ay ang tagisan ng mga kotse.

Anyong Teknikal ng Iskrip (Pagbalangkas ng anyong teknikal)

EHEMPLO NG ISANG ISKRIP:


(1) EKSENA 1. EXT. LUNETA-ARAW
(2) Isang mainit na araw. Ang lahat ay nagtatago sa kahit anong lilim na
maaaring mapagtaguan. Napakaiba ang dating ng araw na ito.
(3) GUMAGALAW
Isang sasakyan ang humaharurot sa parke patungo sa monumento ni Dr. Jose
Rizal.
(4) EKSENA 2. EXT. DYIP-ARAW
(5) Si ALEX ay pasuroy-suroy ang takbo ng minamanehong dyip.
(6) ALEX
(7) (Nagsisisigaw)
(8) Alis kayo dyan!
(9) Nagtakbuhan ang mga tao sa ilalim ng punong kahoy at sa waiting shed.
(10)Biglang BUMUSINA ang dyip bago ito huminto.

DALOY NG ISIP

Pagsusulat ng Iskrip sa Pelikula

Kahulugan ng Eksena - ay isang pangyayari sa isang lugar sa isang panahon. B. Mga


Klase ng Eksena
1. Running on empty – ordinaryong mag-uumpisa sa pagpasok at magtatapos sa
paglabas ng tauhan
2. Truncated – may putol, pokus sa kwentuhan puptulin at ipakikita ang paalaman

Modyul 4
16

ng nagkukwentuhan
3. Oblique – palihis ang pagbibigay ng punto ng eksena lalo na pag sensitibo ang
eksena halimbawa kung nasa hotel pokus ay sa dilim sa labas nauunawaan na ng
manonood ang nangyari
4. Contrapuntal – kabaligtaran ng nangyayari sa eksena ang punto o emosyong
gustong iparating
5. Hidden o absent scene – hindi pinapakita pero alam mong naroroon
6. Montage – may distorsyon sa oras dahil pinaiksi ang eksena
7. Credit sequence – tuloy ang huling eksena habang lumalabas ang credits
8. Epilogue – Masaya ang mga tauhan matapos mamatay ang kontrabida
9. Flashback – may narasyon galing sa dayalogo ng mga tauhan
10. Intercut o cutaway – pinagsasama at hinahati ang mga eksena para maging
isang eksena
11. Subjective/objective - objective reality ang viswal; subjective ang mga
maririnig na usapan at tunog

Apat na elemento ng Eksena


1. Ang tauhan o mga tauhan
2. ang kanilang aksyon at reaksyon
3. Ang milieu
4. ang punto ng eksena

Komponent na bumubo ng isang Tauhan/karakter


1. Physical Background – ano ang pangalan niya, edad, itsura, kondisyon ng
kalusugan? May sakit ba siya?
2. Sociological Background – anong uri ang pinanggalingan niya, mayaman ba o
mahirap? Nakapag-aral ba siya? Saan siya nagtatrabaho?
3. Sikolohikal na Aspeto – ano ang kaniyang relasyon sa tao? Sino ang kaniyang
pamilya? Kaibigan? Katrabaho? Loner ba siya

Pamamaraan sa paggawa ng iskrip


1. Pre Writing
2. Writing
3. Pagtatapos

Pagsusulat ng Dula

A. Ano ang dula? Isang anyo ng malikhaing pahayag, ibig sabihin sumusulat tayo ng
dula para magpahayag.
B. Batas sa Pagsusulat ng dula
1. Huwag magtangkang sumulat kung walang gustong sabihin.
2. Kailangang maipakita ang nagaganap na pangyayari na parang nagaganap ito sa
unang pagkakataon, hindi kailangan ang nagsasalaysay.
Halaw sa https://www.slideshare.net/vohndaniel/pagsusulat-ng-iskrip-sa-pelikula

 ANTAS PANITIK
PANUTO: Bumuo ng isang (1) TAGPONG STORYLINE O Anyong Teknikal ng Iskrip
(Pagbalangkas ng anyong teknikal), nasa pahina 14 ng aralin ang halimbawa.

Modyul 4
17

Aralin 6
 Iba pang Sangkap sa Pagsulat ng Dula

1. KWENTO AT TAUHAN: ang sangkap na “literary” ng dula na nagbibigay ng


kwento sa pamamagitan ng mga tauhan at ang kanilang mga aksyon. Ang
“scriptwriter” ay ang may akda ng iskrip.

2. DIREKSYON: dito nagsisimula ang mga sangkap sinematiko ng dula kung


saan ang direktor ang syang may-akda ng mabubuong pelikula. Sa kumpas
nya at ideya mabibigyan ng anyo ang isang kwento bilang isang pelikulang
mapapanood.

3. DISENYO: ang lahat na biswal na sangkap ng mapapanood kasama na ang


set, kostyum, make-up, props, at pati na ang “visual effects.”

4. SINEMATOGRAPIYA: ang paggamit ng kamera at lahat na makukuha ng


kanyang paningin na magsasalarawan ng kwento.

5. EDITING: ang pagtagni-tagni ng mga imahe para makabuo ng kwento.

6. TUNOG: ang mga naririnig na mga elementong pandinig kasama na ang


dayalogo, natural na tunog, o “sound effects.”

7. TUNOG MUSIKA: ang paggamit ng angkop na musika para magbigay


damdamin sa eksena at buong pelikula.

8. ACTING o PERFORMANCE: ang pagganap ng mga tauhan sa kwento.

Ang walong elementong ito ay siyang nagbibigay ng sinematikong


katangian sa dulang pampelikula o pangtelebisyon. Sila ang magbibigay
pagkakaiba sa ordinaryong mga dula na hindi nagsasama ng mga elementong
ito sa kanilang panulat. Ang pelikula at telebisyon, bilang mga midyum ng
imaheng gumagalaw, ay dapat na magbigay pansin at maglakip ng mga
elementong ito para sa ikakabuti ng dula.

Modyul 4
18

Kung naisulat na ang dula o iskrip, bilang panghuling gawain, tanungin sa


sarili ang mga katanungang ito para mairebyu ang naisulat at maiwasto pa o
mapaganda pa ang naisulat:

Mga Katanungan para sa Epektibong Kwento

1.Tungkol kanino ang kwento? Sino ang protagonista, o ang mahalagang


tauhan?
2. Ano ang ninanais na kamtan (“want”) nya?
3. Ano ang mga balakid sa kanyang pagtamo ng kanyang ninanais?
4. Ano ang ginagawa nya para makuha ang ninanais nya kahit pa may
balakid?
5. Sino ang nagbibigay balakid sa ating tauhan, o ang “antagonist”?
6. Paano mo naisasangkot ang damdamin ng manonood?
7. Ano ang bago/nakakagulat/pagkaiba tungkol sa kwento?
8. Ano ang bumibigay ng satispaksyon (di naman dapat palaging masaya)
tungkol sa resolusyong ng dula?
9. Ano ang tema ng pelikula?
10.Ang pangunahing tauhan ba ay nagkaroon ng isang maramdaming
paglakbay na umantig sa ating damdamin?

Sa huli, mahalaga ang pag-alam na ang dulang binubuo ay maaaring


makapag-ambag sa kaalaman (knowledge), kahulugan (meaning) at
kahalagahan (values) ng mga manonood. Bilang mga kasapi ng isang
komunidad na ang layunin ay ang makapagturo, isipin nating mga guro na
ang ating mga dula ay makapagbibigay ng kaalaman tungkol sa ating mga
sarili, kapaligiran, lipunan at ng mundo.

DALOY NG ISIP

Alamin ang nais iparating na mensahe ang dulang bubuoin/susulatin. Ano-ano ang
mga isyong pampamilya, panlipunan, pang-ekonomiya o pangkalusugang nais
iparating.

Mahalaga ang paraan ng pagsasadula o interpretasyon sa pagpapalabas ng tunay na


mensaheng nais iparating ng manunulat.

 ANTAS PANITIK
PANUTO: Bumuo ng pagsusuri sa DULANG binasa/natalakay. Itabi ang tsart nang may
gagamitin sa pag-PPT.

Modyul 4
19

Sangkap ng dula

Tagpuan

Tauhan

Sulyap sa suliranin

Saglit na kasiglahan

Tunggalian

Kasukdulan

Kakalasan

Kalutasan

Aralin 7
 Pagsasanay

Sampel na Dula-dulaan
PASKO
Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Mga Tauhan:

Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales


Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada
Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati
Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon
Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon
Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada
Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero

(Itinanghal sa Hotel Pere Marquette, Peoria, Illinois 61602, Disyembre 15, 1987)

Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Modyul 4
20

Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Ako rin po.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)

(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”

Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayroon akong puto at kutsinta.”

Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”

Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”

Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2: “Dalawa po.”

Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”

Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”

Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)

Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.”

Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”

Modyul 4
21

Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”

(Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”

Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”

Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”

Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”

Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa
Noche Buena.”

Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.”

(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina
Lolo at Lola.”

Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at
Manigong Bagong Taon sa lahat.”

Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na


busog po kaming lahat.”

Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na


po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.”

Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”

Tilon

DALOY NG ISIP

Payak na mga pangungusap ang gagamitin sa iskrip nang maayos itong maibato
Sa ka-eksena. Ang mahahaba at maliligoy na usapan ang sisira sa mensaheng nais
iparating ng kuwento/dula.

Modyul 4
22

 ANTAS PANITIK
PANUTO: Bumuo ng produksyon team sa bubuuing dula-dulaan. Bumuo ng isang
tagpong iskrip.

Direktor
Katulong ng Direktor
Tagapagdikta
Tagadisenyo ng Tanghalan
Direktor Teknikal
Tagapamahala ng Entablado
Tagapamahala ng Tanghalan

ISKRIP
Pamagat:

 PAGTATAYA SA MODYUL 4
ARALIN 4- PAGTUTURO NG DULANG PAMPELIKULA AT
PANTELEBISYON/PAGSULAT NG DULANG PAMPELIKULA

PANUTO: Ibigay ang kahulugan/depinisyon ng mga elemento sa pagsulat


ng dula.

1. Istorya (o Iskrip)-______________________________________
2. Direksyon-___________________________________________
3. Disenyo-_____________________________________________
4. Sinematograpiya-______________________________________
5. Editing-______________________________________________
6. Tunog-______________________________________________
7. Musika-______________________________________________
8. Pag-arte (Performance)-________________________________

Modyul 4
23

ARALIN 5- ANG DULA/ANYONG TEKNIKAL NG ISKRIP

Apat na elemento ng Eksena


9. Ang tauhan o mga tauhan -________________________________
10. angkanilang aksyon at reaksyon -__________________________
11. Ang milieu-___________________________________________
12. ang punto ng eksena-___________________________________

PANUTO: Magbigay-reaksyon sa iyong nabuong independent film. (3


puntos)
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

 BUOD NG MODYUL

Binabati kita sa mabungang pag-aaral na iyong naranasan sa modyul


na ito. Gamitin ang mga gawain sa susunod pang pagkakataon. Pagyamanin
ito at huwag humintong sumulat/bumuo ng mga obrang magluluklok sa iyo
tungo sa tagumpay.

Maging manunulat ng iba’t ibang akdang pampanitikan. Bigyan ng


pagkakataon ang sarili na linangin ang kakayahang ito. Ibahagi ang iyong
mga nabuo. Natitiyak kong ika’y tatangkilikin ng mga kabataang tulad mo.

 PAGLALAPAT
Magsaliksik ng iba’t ibang genre ng dulang Filipino. Ilagay ito sa iyong
portfolio nang ika’y may magagamit sa hinaharap.

Karagdagang klasikal na babasahin:

Casanova, Arthur P. (1984)“Kasaysayan at Pag-unlad ng Dulaang Pilipino”.


Rex Printing Co. Maynila.

Sebastian, Federico B. (1951) “Ang Dulang Tagalog”. Bede’s Publishing


House. Quezon City.

Sauco, Consolacion P. at Salazar, Dionisio S. (1987) “Sulyap sa Dulang


Tagalog”. National Bookstores. Manila.

Tiongson, Nicanor G. (1989) “Dulaan”. Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.


Philippines.

Modyul 4
24

Tiongson, Nicanor G. “What is Drama?” PETA. Philippines: (1983)


https://iamcarlitorobin.wordpress.com/tag/elemento-ng-dula/

Modyul 4

You might also like