Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Bilanggo

Wilfredo P. Vertusio

Mahigit na animnapu na ng mabilanggo si Mang Selo. Siya ay nabilanggo sa


kadahilanang hindi niya ginawa. siya ay pinaratangang pumatay sa bangkay na
natagpuan sa lupang kanyang sinasaka. Dahil sa pagkabilangong iyon ang kanyang
lupa ay pinagkatiwala niya sa kanyang kumpare, si Marcos.
Ang lupang ito'y mahalaga sa kanya sapagkat ito ay minana pa niya sa kanyang
mga ninuno at dala nito ang mga lalaala ng yumao niyang asawa, si Sisa. Ito ang
dahilan kung bakit ayaw niyang ipagbili ito para pang-abswelto sa ipinaratang sa kanya.
Sapiitan nakilala niya sina Ping Suhol, isang mayamang Intsik na nabilanggo
dahil sa panggagahasa; si Quintin, nasangkot sa dalawang pagpatay; si Lucio, na ang
dibdib ay natatampukan ng humahalakhak - hindi nalulumbay na mukha ni Kristo; si
Hitler, nandukot, pumatay at nanghalay; at si Sarhento Damaso, ang tanod na
namamahala sa brigadang kinapapalooabn na selda ni Mang Selo.
Ang pagkain nila sa piitan ay maiihalintulad sa pagkain ng baboy. Mga inuod at
mga malapit ng mabulok na pagkain.
Ang tanging napapaglibangan nila sa selda ay ang alagang dagang bahay ni
Quintin. Ito ay pinangalanan niyang Esperanza hango raw sa pangalan ng kangyang
kabiyak. Ito ay nakakapangumit ng sigarilyo at nangingliti ng paa ng mga presong tulog.
Minsan napili si Mang Selo na magtrabaho sa labas. Sila ay binabantayan ng
mga kapwa nila preso na kung tawagin ay trusty at mga tanod na may bitbit na riple't
garand.
Isang gabi nagkaroon ng pagtitipon sa plasa ng bilangguan. Pinagkaguluhan ng
mga bilanggo ang konsyerto ng mga artista at ang pananyaw ng isang babaeng hubo't
hubad. Ito raw ay gawa ng isang pulitikong nangangampanya.
Nang mag- umaga na'y sumakit ang tiyan ni Mang Selo. Siya ay dinala sa
ospital ng bilangguan. Dito'y nalaman niyang hindi ito ospital kundi punerarya. Sapagkat
ang mga narito'y di ginagamot kundi pinababayaan lamang hanggang ang ilan ay
namamatay na dahil sa karamdaman.
Dahil sa mga karanasang ito sa bilangguan marami ang gustong makatakas.
Kaya bumuo sila ng mga pangkat at nag-ipon ng mga sandata. Ngunit sila rin mismo
ang nag- aaway-away sa loob ng bilangguan.
Minsan dumalaw ang kumpare ni Mang Selo na si Marcos. Nagdala ito ng mga
prutas, itlog, at iba pa. Ngunit ang mga ito ay kinaha ni Sarhento Damaso. Ipinaalam ni
Marcos na gustong bilhin ang kanyang lupa ng sampung ulit ang higit sa tunay na
halaga, para sa gagawing kalsada na pagababaan ng troso mula sa bundok.
Ang gustong pagbili sa lupa ni Mang Selo ay nalaman ni Sarhento Damaso.
Kung kaya pinatawag niya si Mang Selo na pumirma sa isang katibayan na gusto
niyang ipagbili ang kanyang lupa. Ngunit hindi pumayag si Mang Selo at dahil dito siya
pinahirapan at binugbog hanggang sa mawalan malay. Nahabag sa kanya si Lucio at
sinabi na wala silang magagawa pagkat gobyerno sila.
Maya- maya'y nag-iisa na rin si Mang Selo. Aywan niya kung bakit sa mga
sandaling iyon ay naiisip niya ang humahahalakhak at waring nanlilibak na mikha ni
Kristo sa dibdib ni Lucio. Iminulat niya ang duguang paningin, pinukol ang kinalalagyan
ng rehas-rehas na bintana at noon lamang natuklasan ni Mang Selo na buhat sa
kinasasadlakan niyang bialangguan ay hindi matanaw ang kahit kapilas na langit.

I. URI NG MAIKLING KWENTO


Ang maikling kwento na pinamagatang “ Bilanggo” ni Wilfredo Virtusio ay
pumapangkat sa uri ng Kwentong Tauhan sapagkat inilalarawan ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan
ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. Katulad ni Mang
Selo na siyang pinabulalas at pinakita agad ng may-akda ang mga
pangyayaring maaring mahinuha sa mula sa maikling kwento.

II. PAMAGAT
Ang pamagat ng maikling kwento ay” Bilanggo”
III. TAUHAN
Mang Selo – magsasakang napagbintangang pumatay at kinulong
sa Bilibid.
Hitler
Sarhento
Damaso – mga pinuno ng kanilang pamayanan
na pinapalagay na sila ang pinakamakapangyarihan sa lahat

IV. TAGPUAN
Sa Bilangguan(Bilibid)

BANGHAY
Simula

Mahigit na animnapu na ng mabilanggo si Mang Selo. Siya ay nabilanggo sa


kadahilanang hindi niya ginawa. siya ay pinaratangang pumatay sa bangkay na
natagpuan sa lupang kanyang sinasaka. Dahil sa pagkabilangong iyon ang kanyang
lupa ay pinagkatiwala niya sa kanyang kumpare, si Marcos.
Ang lupang ito'y mahalaga sa kanya sapagkat ito ay minana pa niya sa kanyang mga
ninuno at dala nito ang mga lalaala ng yumao niyang asawa, si Sisa. Ito ang dahilan
kung bakit ayaw niyang ipagbili ito para pang-abswelto sa ipinaratang sa kanya.

Papataas na aksyon (kasiglahan)

Isang gabi nagkaroon ng pagtitipon sa plasa ng bilangguan. Pinagkaguluhan ng mga


bilanggo ang konsyerto ng mga artista at ang pananyaw ng isang babaeng hubo't
hubad. Ito raw ay gawa ng isang pulitikong nangangampanya.
Nang mag- umaga na'y sumakit ang tiyan ni Mang Selo. Siya ay dinala sa ospital ng
bilangguan. Dito'y nalaman niyang hindi ito ospital kundi punerarya. Sapagkat ang mga
narito'y di ginagamot kundi pinababayaan lamang hanggang ang ilan ay namamatay na
dahil sa karamdaman.

Kasukdulan
Ang pagkakatuklas ni Sarhento Damaso na may lupa si Mang Selo. At ang lupang iyon
ay binibili ng sampung ulit sa tunay na presyo at pagpapapirma kay Mang Selo
kasulatan.

“ Minsan dumalaw ang kumpare ni Mang Selo na si Marcos. Nagdala ito ng mga prutas,
itlog, at iba pa. Ngunit ang mga ito ay kinaha ni Sarhento Damaso. Ipinaalam ni Marcos
na gustong bilhin ang kanyang lupa ng sampung ulit ang higit sa tunay na halaga, para
sa gagawing kalsada na pagababaan ng troso mula sa bundok.
Ang gustong pagbili sa lupa ni Mang Selo ay nalaman ni Sarhento Damaso.
Kung kaya pinatawag niya si Mang Selo na pumirma sa isang katibayan na gusto
niyang ipagbili ang kanyang lupa. Ngunit hindi pumayag si Mang Selo at dahil dito siya
pinahirapan at binugbog hanggang sa mawalan malay. Nahabag sa kanya si Lucio at
sinabi na wala silang magagawa pagkat gobyerno sila”.

Pababang aksyon (kakalasan)

Maya- maya'y nag-iisa na rin si Mang Selo. Aywan niya kung bakit sa mga sandaling
iyon ay naiisip niya ang humahahalakhak at waring nanlilibak na mikha ni Kristo sa
dibdib ni Lucio. Iminulat niya ang duguang paningin, pinukol ang kinalalagyan ng rehas-
rehas na bintana at noon lamang natuklasan ni Mang Selo na buhat sa kinasasadlakan
niyang bialangguan ay hindi matanaw ang kahit kapilas na langit.
Katapusan / Resolusyon / Wakas
Iniisip ni Mang Selo ang humahalakhak at waring nanlilibak na mukha ni Kristo sa
dibdib ni Lucio. Pagmulat niya sa kanyang duguang paningin at natuklasang sa
bilangguang kanyang kinasasadlakan ay hindi matanaw ang kahit na kapilas na langit.

TUNGGALIAN

Tao laban sa Tao


– Masasabing nakapaloob sa kwento sa tunggaliang tao laban sa tao, sapagkat
pinagbintangang pumatay ng tao ang inosenteng magsasakang si Mang Selo. Hindi
lang siya pinagbintangan, subalit dinala rin siya sa Bilibid at doon ay
ikinulong.

Tao laban sa Sarili


– Masasabi ring mayroong tunggaliang tao laban sa sarili sa loob ng kwento dahil
pinagdebatehan din ni Mang Selo sa loob ng kaniyang pag-iisip kung ibebenta ba niya o
hindi ang lupaing kaniyang namana mula sa kaniyang mga ninuno.

BISA
Bisa sa Isip
Maiiwan at kikintal sa isip ng mga mambabasa kung gaano kaimportante at kahalaga
ang respeto at pakikipagkapwa-tao. Isa pang magandang mahihinuha rito ay ang
matututunan din ng mambabasa kung gaano kahalaga ang mga bagay na gagawin at
isipin ng maayos bago gumawa ng anumang desisyon na maaring ikapahamak at
ikabubuti.

Bisa sa damdamin
Tunay nga naman na nangyayari ang ganitong eksena sa henerasyong ating
nasisilayan ngayon, realidad na nailapat at isinatitik ni Wilfredo Virtusio, tunay na
maawa ang mararamdaman ng mambabasa at magkakahalong-emosyon dahil sa mga
pangyayaring nailahad sa kuwento.
Bisa sa kaasalan
Kailanman hindi basehan ang estado sa buhay para lang irespeto ang isang tao. Ito ang
nararapat na hindi mawala sa ating pagkatao sapagkat kung marunong ka rumespeto
dadami ang kakilala mo at iyon ang maghuhudyat ng panibagong samahan. Dagdag pa
rito, matututunan din natin sa kuwento ang pagiging matapat sa kahit ano mang bagay
– sa ating kapwa, lipunan, trabaho.

TEORYA
Teoryang Realismo

Ang teoryang realismo ay binibigyang-diin ang katotohanan at may layuning ilahad ang
tunay na buhay at pinapaksa nito ang mga kalagayan na nangyayari sa lipunan gaya ng
korupsiyon, katiwalian, kahirapan, at diskriminasyon. Madalas din itong nakapokus sa
lipunan at gobyerno. Ang maikling kuwento na “Bilanggo” ay ginagamit ang teoryang
Realismo sapagkat inilalahad sa storya ang katiwalian sa gobyerno, kahirapan, at
diskriminasyon sa mga mamamayan.

You might also like