Professional Documents
Culture Documents
Research Proposal Filipino
Research Proposal Filipino
Research Proposal Filipino
Ipinasa nina:
Adobas, Aaron Jade Paulo G.
Olase, Jerick
Talavera, Louie Zues
Mendoza, Sam
Cea, Hannah
Ipinasa kay:
Miss, Maria Aloha Abril
Mayo 2024
INTRODUKSYON
Saligan sa Pag-aaral
Ayon sa Word Press.com (n.d.), sinasabi na ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang
komunikasyon, mas epektibong pakikipagtalastasan at mas epektibong pakikipag- ugnayan. Sa
pamamagitan ng paggamit ng wika malaya nating naipapahayag ang ating saloobin at kaisipan
hinggil sa mga bagay- bagay. Ang wika ay isa ring napakahalagang instrumento sapagkat ito
ang naging tulay sa pagkakabuklod buklod ng mga mamamayan ng isang bansa. Pinagtibay
nito ang diwa ng pagkakaisa at pagkakaintindihan ng mga mamamayang nasasakupan. Bukod
dito, ang pagkakaroon din ng sariling wika ay nakakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng
isang bansa. Kung kaya, bilang isang kabataan ng bagong henerasyon dapat nating
pangalagaan at tangkilikin ang wikang sariling atin.
Kaya naman, Malinaw ang nakasaad sa Artikulo XIV Seksyon 7 ng Saligang Batas ng
Pilipinas, “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na mga wikang
panturo roon.” Ibig sabihin, Filipino ang wikang prayoridad sa komunikasyon, hindi lamang sa
paaralan, kundi maging sa pamahalaan. Hindi dapat makahigit sa Filipino ang Ingles (Salvador,
M.A., 2022).
Ang Filipino o Pilipino ay ang kombinasyon ng Tagalog at iba pang mga lokal na dialekto
at wika. Ang Tagalog ang opisyal na pambansang wika at sinasalita ng 23% ng Pilipinas. Upang
matuto ng Filipino kailangan mong magkaroon ng kaalaman tungkol sa Tagalog bilang ang
pagkakaiba lamang sa pagitan ng dalawang ay terminologies. Ang Filipino ay isang
pagsasamasama ng lahat ng mga lengguwaheng Pilipino, diyalekto, Sanskrit, Espanyol, at
Pranses na magkakasama. Ang Ingles ay itinuturo sa antas ng elementarya at mas mataas na
antas sa mga paaralan kaya ang mga tao ay nagsasalita ng Tagalog na may mga salitang
Ingles at sa puntong ito ang wikang ito ay nagiging Pilipino (Estrellado, L., 2018).
Gayunpaman marami pa rin sa ating mga pilipino ang di marunong gumamit ng wikang
Filipino sa tamang gamit. Hanggang ngayon nga, marami pa rin ang hindi nakaaalam na ang
Filipino ang pambansang wika. Patuloy pa ring ginagamit ang salitang Filipino bilang nationality
at hindi bilang language. Dapat maiwasto ito para naman ang mga susunod na hinerasyon ay
hindi na malito. Ang tao sa Pilipinas ay Pilipino at ang kanilang pambansang wika ay Filipino.
Maraming Pilipino ang hindi marunong mag-Filipino. At nakakahiya ang nangyayaring ito
sapagkat kung ano pa ang pambansang wika, doon marami ang mahina. Ang nangyayari
ngayon, mahina na sa Filipino ang mga Pilipino pero mahina pa rin sa English (Philstar, 2008).
Ayon sa Tomasinoweb (2020), Kung susuriing mabuti, mas prominente sa kolehiyo ang
mga asignaturang may kinalaman sa agham, partikular na sa teknolohiya, at matematika. Mas
binibigyang priyoridad din ng pamahalaan ang paglinang sa mga kasanayang ito lalo na sa
kasalukuyang panahon. Sa pagtagal din, ang mga asignaturang MAPEH at ekonomiks ay
itinuturo na sa wikang Ingles. Isama pa rito ang mga alituntunin sa mga paaralan tulad ng
“English-only policy”, at tiyak na maisasantabi ng isang bata ang kalinangan sa wikang Filipino.
Sa kabilang banda, Ayon kay Torres R.J., (n.d.), Sa panahon ng pandemya, naging
malaking bahagi ang wikang Filipino at mga katutubong wika. Nagkaroon ng pagkakaintindihan
at pagkakaunawaan saan mang sulok ng bansa. Mas pinili na gamitin ang mga simpleng
pananalita o ang kanilang katutubong wika o dialekto na mas higit na naiintindihan ng
nakararami sa isang komunidad. Dahil dito mas naging bukas ang pagkakaisa at
pagtutulungan.
Alinsunod dito, Ayon kay Noblejas, N. (n.d.), mahalaga ang pagsasalin sa kontekstong
Filipino sa aspekto ng pananaliksik. Tunay na ito ay paraan din upang maibahagi at
makapagbahagi ng karunungan sa lahat ng tao sa buong bansa. Ang pagsasalin rin sa
kontekstong Filipino ay pagtitiyak na aksisibol ang mga kaalaman at katuruan mula sa ibat
ibang disiplina ng siyensya at pananaliksik sa kontemporaryong panahon. Maihahalintulad ito
sa sa artikulo ni Jesus Ramos na Pagsasalin Tungo sa Pagpapayaman ng Wikang Pambansa,
binibigyang halaga ni to ang pagsasalin bilang agham disiplinang lumilitaw at makatotohanan sa
mga disiplinang gaya ng medisina, batas, matematiks, histori at iba pang disiplina sa
humanidades, natural na sayans, sosyal sayans at marami pang mga disiplina sa pagpapatuloy
sa binanggit nyang motibong unibersalismo at pagsasakatutubo ng sa gayon ayon sa kaniya ay
maging ganap na translatable na ang wikang Filipino tungo sa istandardisasyon, popularisasyon
at paggamit nito sa kapakinabangan ng sambayanan.
Ang Pananaliksik na ito ay nais malaman na kung paano nagiging salik sa komunikasyon
ang karunungan sa wikang Filipino batay sa kanilang kasanayan at lawak ng kaalaman ng mga
estudyante ng Nursing sa Maryhill College at matamo ang mga sumusunod na layunin:
2. Malaman kung paano isaalang-alang ng mga estudyante ng nursing ang lebel ng karunungan
ng kausap sa pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap at sulat (pasyente,
kaklase, mga trabahador sa Ospital at nakakasalamuha) gamit ang wikang Filipino.
Sa mga sumusunod;
1. Pakikipag-usap:
a. Bigkas
b. Kahulugan ng salita
c. Baybay
d. Kapasidad ng Kaalaman ng kausap
2. Pag sulat
a. Baybay
b. Kahulugan ng salita
c. Kapasidad ng Kaalaman ng Kausap
d. Nilalaman ng isang teksto
3. Matukoy kung paano ang tamang salin at gamit ng mga salita sa wikang Filipino upang mas
maintindihan ng kausap (pasyente, kaklase, mga trabahador sa Ospital at nakakasalamuha).
Conceptual Framework
Ang konseptwal na balangkas o"conceptual framework" ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng
independent and dependent variable. Inilahad ng independent variable ang antas ng
karunungan sa paggamit ng wikang Filipino. Mga kasanayan ng mga estudyante sa paggamit
ng wikang Filipino. Ang dependent variable ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng
mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon ng mga
nakalap na resulta.
Ang pananaliksik na ito ay nais malaman na kung paano nagiging salik sa komunikasyon
ang pag-aaral ng wikang Filipino ng mga estudyante ng Nursing sa Maryhill College. Ang mga
resulta ng mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:
Para sa Estudyante: Ang pananaliksik na ito ay tulungan na mas mapalawak pa ang kaalaman
sa iba't ibang aspeto ng paggamit sa wikang Filipino bilang isang sangkap sa mabisang
pakikipagkomunikasyon. Dagdag pa ri yan, ay magkaroon sila ng malalim na pag-unawa sa
bagay na ito.
Para sa Guro: Sa pananaliksik na ito magiging benepisyo ito sa mga Guro upang malaman at
makita nila ang mga dapat at kailangan na pagbutihin ng mga estudyante sa wastong paggamit
ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon.
Hipotesis
1. Mayroong relasyon ang karunungan ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon at
nagkakaroon ng negatibong epekto ito kung ang tao ay hindi masyadong marunong o
pinapahalagahan ang pagkatuto ng wikang Filipino.
Baryabol na Ginamit
● Tagalog ● Pakikipag-usap
● Pag sulat
Saklaw at Limitasyon
Ayon kay Sirbu (2015) ang pagkakaisa ng Bansa sa Wika lalo na sa pakikipagtalastasan
o pagkakaroon lamang ng isang wika sa pakikipag usap ay mas makakatulong sa
pagkakaintindihan at pag-bubuklod o pagiging isang nasyon. Kelangan ang paggamit nito ay
pormal at hindi mahahaluan ng ibang wika. Kailangan ito rin ay simple at madali maunawaan
para sa lahat. Batay kay Widdowson (1978) ang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang wika sa
paaralan ay para sa wasto at malinaw na paggamit nakasaad din dito na kailangan natin iwasto
ang ating paggamit ng wika dahil maaaring mag ugat ito sa hindi pagkakaunawaan.
Ayon kay Torres R.J., (n.d.), Ang buwan ng Agosto ay kapistahan ng pagkilala at
pagbibigay parangal sa ating wikang Filipino. Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa
upang ipalaganap, gunitain, paunlarin, pahalagahan, at panatilihin sa kamalayan ng bawat
Pilipino ang ating ipinagmamalaking sariling wika. Alinsunod sa ipinalabas ng Komisyon ng
Wikang Filipino (KWF), ang tema ngayong taon ay “Filipino at Mga Katutubong Wika:
Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklas”. Layunin nito na maiangat ang kamalayan ng
mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito. Nais ng Komisyon na mas maipamulat
pa sa lahat ang halaga ng wika bilang kasangkapan at sandigan upang mas magkaroon ng
pambansang kaunlaran at kaligtasan.
Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sapangkalahatan pero ang
pinaka sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog (Mangahas, Philippine Daily Inquirer 2016).
Ginagamit ito sa pangaraw araw lalo na sa pakikipagtalastasan. Sa panahon ngayon ang
pagkadalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o mga propesyong may kinalaman
dito.Batay sa isang artikulo sa inquirer.net na pinamagatang Numberson Filipino, Cebuano and
English nakasaad dito na isa ang Tagalog sa tatlong pangunahing wika sa buong Pilipinas
kasabay ng Cebuano at Hiligaynon. Humigit kumulang 37.8 porsyento o higit 39 milyong katao
sa Pilipinas ang gumagamit nito sa pakikipag usap. Mas malaki ito ng di hamak sa ibang
makrong kasanayan dahil karaniwang ginagamit sa pag sulat ay ingles.
Ayon pa kay Torres R.J., (n.d.), Ang paggamit ng wikang Filipino ay mahalaga upang
maging maayos ang komunikasyon ng bawat isa. Ito rin ang instrumento ng pagbabahagi ng
kaalaman. Tulad ng isang guro, katutubong wika at Filipino ang ginagamit muna sa pagtuturo at
pagkatuto ng mga bata mula sa Baitang 1 hanggang Baitang 3. Importante rin ito upang
magkaroon ng kaalaman at wastong pananaliksik upang makalikha at makatuklas ng
panibagong karunungan.Ang paggamit ng katutubong wika ay nagbibigay ng repleksyon sa
personal, sosyal at pangkultural na pagkakakilanlan ng isang tao. Ito ang wika ng mga etnikong
grupo dito sa bansa. Naipapamalas ng isang mamamayan ang kanyang damdamin na may
lakas ng loob gamit angkanyang katutubong wika.
Ayon pa kay Metrillo,A. (2019). Ang paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral sa
paaralan ay isang mahalagang aspeto ng kanilang edukasyon at identidad bilang mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang ito sa mga aralin, talakayan, at komunikasyon,
nakakatulong ito sa pagpapalalim ng kanilang pag-unawa sa sariling kultura at kasaysayan. Ang
mga gawaing may kinalaman sa panitikan, kasaysayan, at iba pang disiplina ay nagbibigay-diin
sa kahalagahan ng pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang isang pundasyon ng kanilang
pagkakakilanlan.
Sa usapin naman ng ibat ibang disiplina o pag-aaral, isang mahalagang salik sa lahat ng
transaksyon ay ang paggamit ng wikang Filipino sa mga termino. Higit na magiging epiktibo ang
transaksyon sa nga disiplina kung ang wikang gagamitin sa nga termino ay ang wikang
nauunawaan ng nakararami. Sa dahilang ito masasabi na may intelektwalisado sa wikang
pambansa, (Ibay R.M., 2024).
Kaya naman sa panahon ng pandemya, naging malaking bahagi ang wikang Filipino at
mga katutubong wika. Nagkaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan saan mang sulok
ng bansa. Mas pinili na gamitin ang mga simpleng pananalita o ang kanilang katutubong wika o
dialekto na mas higit na naiintindihan ng nakararami sa isang komunidad. Dahil dito mas naging
bukas ang pagkakaisa at pagtutulungan, (Torres R.J., n.d.),
Kaya naman ayon sa Philippine Information Agency (2020), ang Wika ay naging tuláy sa
paghahatid ng kamalayan sa mamamayan upang ang COVID-19 ay mapigilan. Ang pag gamit
sa wikang sinasalita ng isang pamayanan ay higit na epektibo hindi lámang sa paghahatid ng
impormasyon sa bawat mamamayán nitó kundi sa pag-aalis ng tákot o stigma dahil
nagagawang pag-usapan ang pandemya sa mga wikang komportable ang mamamayan.
Ayon kay Mangyao (2016) ang wika ay dynamic o patuloy na nagbabago sa katagalan ng
panahon ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o hindi paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa
na rin ang modernisasyon sa nakakaapekto sa pagbabago ng wika sa pamamagitan ng
pagbabago o pag usbong ng mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag
bigkas.
Isa sa mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsasalita gamit ang wikang
Filipino ay paghalo ng ibang wika, tulad ng Ingles na naging isang kulturang popular. Ayon kina
Aroco, Valdez, Viloria, at Wapan (2019), pormal itong kinilala bilang “conyo” na kombinasyon ng
mga wikang Ingles at Filipino. Kapansin-pansing nagiging normal na ang ganitong
pakikipagtalastasan ngunit hindi naman dapat lalo na sa mga pormal na usapan o sitwasyon.
Sa katunayan, ayon sa grupo nina Tactacon (2020), wikang Ingles ang pinakaginagamit na
wika na may 42% sa 76 na bilang ng tumugon. Ito ay sinusundan ng Filipino na may 34%.
Pinatutunayan nito na malaki ang impluwensiya ng kinalakihang wika (dayuhan o katutubo),
pag-usbong ng makabagong teknolohiya at globalisasyon. Bilang resulta, hindi maikakaila na
mayroong mga hamong kinakaharap ang mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan gamit ang
wikang Filipino.
Saad ni Nadera, “ang KWF ang siya umanong kumakampi sa pagpapatupad ng Ingles
bilang midyum sa pagtuturo. Dahil dito, naitutulak palayo ang mga Pilipino sa pagtangkilik sa
sariling wika”. Itinanggi ng KWF ang umanong pagkiling nito sa paggamit ng Ingles bilang
midyum sa pagtuturo. Ipinaliwanag ni Ricardo Nolasco, ang tagapangulong komisyoner, na
itinataguyod lamang nila ang multilingguwalismo kung saan magsisimula ang pagtuturo ng mga
asignatura sa wikang sinasalita sa isang rehiyon. Kasama ang paggamit ng Ingles sa
patakarang ito, (Santos, 2008).
Iyon ang isang pinakamalaking suliraning kinakaharap ng wikang Filipino, lalo na kung
gagamitin ito sa mga maimpluwensyang domain, gaya ng law, business, medicine, sciences,
etc. Mas ginagamit lang ang Filipino sa domain ng arts, humanities, social sciences, media.
Kumbaga may dibisyon. Hindi gaya sa Korea, Japan, o Indonesia: kahit anumang domain,
mayroon silang language loyalty. Lagi niyang sinasabi, “Isasalin namin ito sa wika namin.” Kasi
nga,trained and equipped ang mga tao sa mga bansang iyon mula elementarya hanggang
tersyarya sa wika nila(DLSU-Dasmarinas newsette, 2015).
Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral, at ang mga
kalahok kagaya ng populasyon ng pag-aaral, respondente, at lugar ng pananaliksik.
Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Sa ilalim ng desktiptibong saliksik, angkop na gamitin ang disenyong correlational na
pag-aaral. Nais tukuyin sa pag-aaral na ito ang ugnayan at relasyon ng mga baryabol na
Karunungan sa wikang Filipino at Pakikipagkomunikasyon. Sa pagtukoy ng ugnayan at relasyon
nito, magbibigay daan ito upang makabuo ng pagpaplano at solusyon na nakakiling sa wikang
Filipino.
Instrumentasyon
Ang instrumentong ginamit sa pagkalap ng datos ay survey questionnaire. Ito ay
mahalagang instrumento upang mabigyang-linaw ang kabisaan ng isinagawang pananaliksik.
Binubuo ito ng mga katanungan na makatutulong upang mailarawan ang kasanayan at
karunungan ng mga nasa ika apat na taon ng Nursing sa paggamit ng wikang Filipino bilang
sangkap sa pakikipagkomunikasyon. Ito ay humahantong sa pagsusuri ng kaalaman sa
paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon. Ginagamit ang mga survey
questionnaires sa pagkolekta ng malawak na Saklaw ng data mula sa malaking bilang ng mga
respondente upang makakuha ng mga istatistika para sa ibinigay na paksa. Gumamit ang
mananaliksik ng close ended question questionnaire upang mangolekta ng mga kwantitatibo na
sagot mula sa mga respondente. Sa pamamagitan ng paggamit ng malapit na tanong,
makakatulong ito sa mga mananaliksik na kontrolin ang mga resulta at makakakuha ng tumpak
at kailangan ng mga sagot para sa mas malawak na pagsusuri ng data.
Ang mga tagatugon ay sasagot sa talatanungan sa pamamagitan ng pagtiyak sa antas
ng kanilang pagpili ng bilang na may katumbas na berbal na enterpretasyon
Narito ang eskala batay sa Karunungan sa paggamit ng wikang Filipino batay sa Pagsulat
Bilang. Paglalarawan
1 Lubos na Hindi Sumasang-ayon
2 Hindi Sumasang-ayon
3 Sumasang-ayon
4 Higit na Sumasang-ayon
5 Lubos na Sumasang-ayon
Bilang. Paglalarawan
1 Hindi Ginagamit
2 Medyo Ginagamit
3 Katamtamang Ginagamit
4 Madalas Ginagamit
5 Sobrang Dalas Ginagamit
Ang mananaliksik ay naglikom ng mga datos mula sa mga sangguniang aklat, limbag na
tesis at sa internet na may kaugnayan sa pag-aaral upang maging matagumpay ang pag-aaral
na ito. May mga prosesong isinagawa ang mananaliksik upang makakalap ng mga datos. Ang
unang hakbang na isinagawa ay ang pagtukoy sa lebel ng karunungan ng mga estudyante sa
paggamit ng wikang Filipino. Ikalawa, pagririserts at paglalatag ng mga impormasyon sa
kaugnay sa paggamit ng wikang Filipino at bilang salik sa pakikipagkomunikasyon. Ikatlo, ang
pagkalap ng mga salita, pagbibigay ng kahulugan at halimbawang pangungusap nito upang
mailatag sa pormang “wikang Filipino". Ikaapat, pagbuo ng mga talatanungan na may
kinalaman sa PAGSUSURI NG KARUNUNGAN SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA
PAKIKIPAG KOMUNIKASYON NG MGA NASA IKALAWANG TAON SA KOLEHIYO NG MGA
ESTUDYANTE NG NURSING. Ikalima, pagsusumite ng liham at pagbabalideyt ng mga
talatanungan sa mga tagapagtaguyod ng asignaturang Filipino sa Maryhill College. Ikaanim,
pagpapasagot ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng mga nasa ika-apat na taon sa
kolehiyo ng kursong nursing sa Maryhill College. Ikapito, pangongolekta ng mga nasagutang
talatanungan at panghuli ay ang pag-aanalisa sa mga datos na nakalap, pagsasaayos sa
talahanayan at pagbibigay intepretasyon ng mananaliksik.
Estadistikang Gagamitin
Ang mga makakalap na datos ay bibigyan ng pagpapahalaga gamit ang mga estadistikang
pormula. Ito ay para layuning gawing balido ang mga magiging resulta
Kung saan:
n- kukuning sampol
N- kabuuang sampol
e- palugit para sa pagkakamali
Pormula:
p = f/N × 100%
Kung saan:
p- bahagdan
f- dami
N- bilang ng tagatugon
Pormula:
n
∑ WF
1
WX=—---------------
n
Kung saan:
WX- Katumbas na bigat
W- Bigat na iniatas
F- dami sa bawat opsyon
n- bilang ng tagatugon
4. Person Product-Moment Correlation coefficient. Ito ay gagamitin para sa layuning makita ang
antas na ugnayan ng mga baryabol na ilalahad sa pag-aaral na ito. Ipapakita ang antas na
ugnayan ng Karunungan sa wikang Filipino at Implikasyon nito sa pakikipagkomunikasyon.
Pormula:
n∑xy-(∑x)(∑y)
r =—-----------------------------
√[n∑x²-(∑x²)[n∑y²-(∑y²)]]
Kung saan:
r - antas ng ugnayan
x - malayang baryabol
y - di-malayang baryabol
n - bilang ng tagatugon
Pormula:
t= r[“(n-2)/(1-r²)]
Kung saan:
t - t value
r - person r value
n - bilang ng tagatugon
Tagasagot
Lugar ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa lungsod ng Lucena, Quezon ngunit mas partikular
na ang WJP6+FWF, M. L. Tagarao Street, Lucena, 4301 Quezon dahil doon matatagpuan ang
Kolehiyo na nais pag-aralan na Maryhill College ng Lucena City.
SANGGUNIAN