Panghalip Patulad

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panghalip na Patulad - nagsasaad ng pagtutulad o paghahambing ng tao,

bagay, pook, o petsa. Ginagamit bilang panghalili sa pangngalan ng


inihahambing. (It indicates a comparison of a person, thing, animal, place or
date. It is used as a substitute for the noun being compared.)

Ganito, Ganyan, at Ganoon

Ganito Like this Malapit sa nagsasalita


Ganyan Like that Malapit sa kausap
Ganoon Like that (far from you Malayo sa nagsasalita
and me)

(Note: Ganyan can also be spelled as Ganiyan.)

GANITO
 Ang tamis ng mga dala mong mangga. Ganito ang mga binibili
namin sa probinsya.
(The mangoes you brought are very sweet. This is what we buy in our
province.)
 Ang ganda naman ng damit. Ganito ang gusto kong suotin mo
mamaya.
(The dress is beautiful. This is what I want you to wear later.)
 Mahirap hanapin ang libro na ito. Ganito rin ang hinahanap ng ibang
mga estudyante.
(This book is hard to find. This is also what other students are looking for.)

GANYAN
 Ang ganda ng proyekto mo. Ganyan ang gusto ng ating guro.
(Your project is beautiful. That’s what our teacher wants.)
 Pagbutihan mo sa susunod sa pagsulat, dahil ganyan ang lalabas sa
pagsusulit.
(Do better next time you write, because that’s how it will appear in the exam.)
 Napakahusay mong magpinta, ganyan din ang gusto kong gawin
balang araw.
(You paint very well. I want to do the same one day.)

GANOON
 Nakita mo ba ang asul na bahay sa kanto? Ganoon ang gusto kong
ipagawa balang araw.
(Did you see the blue house on the corner? That’s the house I want one day.)

 Tingnan mo ang lalaking iyon namumulot ng basura. Ganoon din


ang mangyayari sayo kung hindi pagbubutihan sa pag-aaral.
(Look at that man picking up trash. That’s what will happen to you if you don’t
do well at school.)
Laging tandaan (always remember):
Malapit sa nagsasalita Ito, nito, ganito, rito, dito
(near the speaker)
Malapit sa kausap Iyan, niyan, ganyan, riyan, diyan
(near to the person you’re talking
with)
Malayo sa parehong nagsasalita at Iyon, niyon, ganoon, roon, doon
sa kausap
(far from the speaker and the person
you’re takling with)

Panuto: Piliin ang wastong panghalip na pamatlig upang mabuo ang


pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

_______1. Nakikita mo ba ang bus na (ito, iyan, iyon)? Diyan tayo sasakay
papuntang Davao.
_______2. (Dito, Diyan, Doon) sa bundok na iyon kami aakyat papunta sa
bukid.
_______3. (Ito, Iyan, Iyon) ang alcohol na ibinigay ni Nanay sa akin.
_______4. (Dito, Diyan, Doon) sa malayong bayan mamimili ng gamit sa
bahay si Inay.
_______5. Nasa labas ng silid-aralan ang Hand-washing area, (dito, diyan,
doon) tayo maghuhugas ng ating kamay bago pumusok.
_______6. Nasa tabi mo ang libro ko, huwag mong kalimutan na dalhin (ito,
iyan, iyon) bukas sa klase natin sa History.
_______7. Itatago kong mabuti itong sulat galing kay mama, kasi (ito, iyan,
iyon) ang huling alaala ko sa kanya.
_______8. (Ito, Iyan, Iyon) ang gusto kong bilhin na palamuti para sa bahay.
_______9. (Dito, Diyan, Doon) mo ilagay ang dala iyong dalang pagkain sa
mesa na nasa harap mo.
_______10. Huwag mo ilagay (dito, diyan, doon) sa kwarto ko ang marumi
mong damit.

SET B
Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
1. Panatilihing malinis ang ating mga kamay at huwag _______ihahawak
agad sa mukha.
A. Ito B. Iyan C. Iyon
2. Huwag pumunta sa matataong lugar dahil kadalasan_______ ay nakukuha
ang virus at dumadapo sa ating katawan.
A. Ito B. Iyan C. Iyon
3. Ito ang aking face shield,_______ hawak mo naman ay sa iyo.
A. Ito B. Iyan C. Iyon
4. Kumain ng masusustansyang pagkain,_______ ay nagdudulot ng
magandang benepisyo sa ating katawan.
A. Ito B. Iyan C. Iyon
5. Nasa labas ang ating mga kalaro, subalit hindi tayo pwedeng pumunta
________ dahil bawal lumabas.
A. Dito B. Diyan C. Doon
TAKDANG ARALIN (ASSIGNMENT)

Isulat sa patlang kung ang panghalip pamatlig na dapat gamitin ay ito, iyan o
iyon.

1. “Maganda ba ang suot ko? Bigay _______ ng nanay ko.”


2. “Huwag mo ibigay sa akin _______ baka maiwala ko pa”
3. “Hawakan mong mabuti _______ sayang at baka mahulog.” sabi ni nanay
habang hawak ko ang tinimpla niyang mainit na kape.
4. “Hinog na ang mangga sa puno. Sungkitin mo na _______.”
5. “Naiwan ko ang pencil case ko sa silid-aralan. Itatabi naman siguro
_______ ng dyanitor.”
6. “Nasa tabi mo ang camera. Huwag mong kakalimutang dalhin _______
mamaya”
7. “_______ ba ang nawawala mong pitaka?” tanong ni Inay habang hawak-
hawak ang aking pitaka.
8. “Nagustuhan ko ang suot mong sapatos noong isang araw. Saan _______
binili ng nanay mo?”
9. “Tingnan mo ang hawak kong payong. Regalo sa akin _______ ng aking
matalik na kaibigan.”
10. “Ang ganda ng bag mo. Bigay ba _______ ni Peter?”
PANGHALIP PATULAD

SET A
Panuto: Piliin at bilugan ang wastong panghalip na patulad upang
mabuo ang pangungusap.

1. Nabili ko ang damit na ito sa mall. (Ganito, Ganyan, Ganoon) rin ang gusto
ng kapatid ko.
2. Maganda at maayos ang pagkakagawa ng lamesa ninyo. (Ganito, Ganyan,
Ganoon) ang hinahanap ni papa matagal na.
3. Ang sarap naman ng manggang ito. (Ganito, Ganyan, Ganoon) ang
palaging binibigay sa amin ni Lola.
4. Nakita mo ba ang itim na bolpen ko? (Ganito, Ganyan, Ganoon) kase ang
gusto kong gamitin kapag nagsusulat.
5. (Ganito, Ganyan, Ganoon) na wallet ang kinuha sa akin ng magnanakaw.
6. Wala ka bang (ganito, ganyan, ganoon) na itim na sapatos? Sigurado hindi
ka papayagan niyan makapasok sa eskwelahan.
7. Ang ganda naman ng sasakyan ninyo. (Ganito, Ganyan, Ganoon) din ang
bibilhin kapag may trabaho na ako.
8. (Ganito, Ganyan, Ganoon) na bistida mayroon ako na bigay rin ni mama sa
akin.
9. (Ganito, Ganyan, Ganoon) na gulay na hawak mo ang gustong kainin ng
Lolo at Lola ko sa bukid.
10. Nakita mo ba ang kulay ng mata ng babaeng iyon? (Ganito, Ganyan,
Ganoon) din ang kulay ng mata mayroon ang kasintahan ko.

SET B
Gamitin ang panghalip patulad na Ganito, Ganyan, Ganoon sa paglikha ng
pangungusap.

You might also like