DLP #21

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DLP Blg.

: __21___ Asignatura: EPP Baitang: 4 Markahan: Una Oras: 40 Minuto


Mga Kasanayan: 1.14 Nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain Code: EPP4HE-0i-14
1.14.2 Nasusuri ang sustansiyang taglay ng mga pagkain sa almusal
gamit ang “food pyramid guide” at ang pangkat ng pagkain
Susi ng Pag-unawa na Ang food pyramid guide ay ang magsisilbing gabay kung gaano karami ang pagkain na
Lilinangin: manggagaling sa bawat pangkat. Ito ang patnubay tungo sa isang Balanced Diet na nagtataglay
ng tamang uri at sukat ng pagkain.
1. Mga Layunin:
Kaalaman Nasusuri ang sustansiyang taglay ng mga pagkain sa almusal gamit ang “food pyramid guide” at ang
pangkat ng pagkain
Kasanayan Nakapagtatala ng mga pagkain sa almusal na nagpapakita ng isang Balanced Diet
Kaasalan Napapahalagahan ang food pyramid guide
Kahalagahan Nasusunod ang mga naitala sa food pyramid guide
2. Nilalaman Masustansiyang Pagkain ng Mag-anak
3. Mga Kagamitang Larawan ng food pyramid guide, mga larawan ng pagkain, manila paper, pentel pen, laptop at
Pampagtuturo projector
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Simulan ang aralin sa pagwawasto ng takdang-aralin ng mga bata. Pagkatapos, magpakita ng
(2 minutes) larawan ng pagkain sa mga bata at ipadikit ito sa tamang hanay ng pangkat na makikita sa tsart.
Tumawag ng mag-aaral para sumagot.
4. 2 Mga Gawain / Pabunutin ang bawat bata ng tinuping papel na may nakasulat na Go, Grow at Glow. Pangkatin
Estratehiya ang mga bata batay sa nabunot nilang pangkat ng pagkain. Bigyan ang bawat pangkat ng
(7 minutes) manila paper na may nakaguhit na malaking tatsulok na hinati kagaya ng tatsulok na makikita sa
LM pahina 305. Bigyan rin ang bawat pangkat ng mga larawan na ididikit nila sa tamang bahagi
ng tatsulok. Ang unang pangkat na makagagawa ng tama at may mga tamang sagot ang siyang
magiging pananalo.
4.3 Pagsusuri Itanong:
(2 minutes) • Ano ang mapapansin ninyo sa larawan na nabuo ng bawat pangkat?
• Ano ang hugis ng larawan?
• Alam ba ninyo kung ano ang tawag dito?
• Ano-ano ang makikita ninyo sa bandang ibaba?
• Ano ang tawag natin sa mga pagkaing ito? Ano ang mga sustansiyang taglay nito?
• Tingnan ninyo ang nasa bahaging gitna. Ano ang masasabi ninyo rito?
• Sino ang makapagbibigay ng mga pangalan nito? Ano ang sustansiyang taglay ng mga
pagkaing ito?
• Ano ang makikita natin sa bandang dulo? Ano ang mga ito? Anong sustansiya ang taglay ng
mga ito?

Sabihin:
Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa sustansiyang taglay ng mga pagkain sa almusal
gamit ang “food pyramid guide” at ang pangkat ng pagkain.
4.4 Pagtatalakay Ipakita ang larawan ng food pyramid guide at ihambing ang ginawa ng bawat pangkat kung
(15 minutes) tugma ba ito.

Ipakita ang video tungkol sa food pyramid guide. Gabayan ang mga mag-aaral na maintindihan
o maipaliwanag ang kahalagahan ng Food Pyramid Guide.
 Bakit kaya ganito ang pagkakaayos ng mga pagkain?
 Ano sa palagay ninyo ang dahilan?
 Bakit kaya malaki ang bahaging ibaba nito? Paliit o pakaunti habang papataas ito?
 Saang bahagi ng Food Pyramid Guide nakapaloob ang kanin, tinapay? Ang itlog at
gatas? Ang saging at papaya? Ang mantikilya?
 Alin dito ang kinakain ninyo nang marami? Nang kaunti? Nang napakakaunti? Bakit?
 Ngayon sino ang makapagsasabi kung bakit kailangan nating sundin ang Food
Pyramid Guide sa pagkain?
4.5 Paglalapat Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Magpatala ng mga pagkain sa almusal batay sa food pyramid.
(5 minutes) Ipasulat ito sa manila paper at ipaulat.
5. Pagtataya (5 minutes) Magpaguhit ng pyramid at ipaguhit and tamang pagkakasunod-sunod ng mga pagkain sa loob
ng pyramid batay sa sustansiyang taglay nito.
6. Takdang-Aralin Maghanda ng isang pagkain na plano mong ihain. Isulat ang recipe sa iyong kuwaderno.
(2 minutes)
7. Paglalagom/Panapos
na Gawain Magpakita ng video tungkol sa food pyramid guide song.
(2 minutes)

Inihanda ni:

Pangalan: Ma. Suzette M. Bueno Paaralan: Melecio B. Tito Elementary School


Posisyon/Designasyon: Teacher 1 Sangay: Danao City
Contact Number: 09329368513 Email Address: masuzette.bueno@deped.gov.ph

You might also like