DLP #22

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DLP Blg.

: __22___ Asignatura: EPP Baitang: 4 Markahan: Una Oras: 40 Minuto


Mga Kasanayan: 1.14 Nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain Code: EPP4HE-0i-14
1.14.3 Nakagagawa ng plano ng ilulutong pagkain
Susi ng Pag-unawa na Ang tatlong pangkat ng pagkain at ang food pyramid guide ay dapat gamiting patnubay sa
Lilinangin: pagpaplano ng ihahandang pagkain ng mag-anak sa araw-araw. Ang agahan, tanghalian at
hapunan ay dapat nagtataglay ng pagkain sa bawat pangkat.
1. Mga Layunin:
Kaalaman Nakapagbibigay ng plano tungkol sa pagkaing iluluto
Kasanayan Nakagagawa ng plano ng ilulutong pagkain
Kaasalan Naipapakita ang wastong asal sa pakikiisa sa mga kapangkat sa paggawa ng plano
Kahalagahan Nasusunod ang mga alituntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa paghahanda, pagluluto,
at paghahain ng pagkain
2. Nilalaman Paggawa ng Plano ng Ilulutong Pagkain
3. Mga Kagamitang
Manila paper, pentel pen, halimbawa ng isang recipe ng pagkain, laptop at projector
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Tumawag ng isang mag-aaral upang ibahagi ang kanyang takdang-aralin tungkol sa isang
(2 minutes) pagkain na planong lulutuin at ang recipe nito.
Itanong:
Nasubukan niyo na rin bang magluto? Ano-anong mga pagkain na ang inyong naluto? Tumawag
ng ilang mag-aaral na sasagot sa mga katanungan.
4. 2 Mga Gawain / Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay gagawa ng isang plano ng ihahain
Estratehiya (meal plan). Ang unang pangkat ay gagawa ng plano ng ihahain sa agahan. Ang pangalawang
(6 minutes) pangkat ay isang plano para sa tanghalian. Ang pangatlong pangkat ay gagawa ng plano ng
ihahain sa hapunan. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral para sa kanilang gawain.
Ipasulat ang ginawang plano ng bawat pangkat sa manila paper at ipaulat.
4.3 Pagsusuri Ipasuri ang kanilang ginawa sa tulong ng Food Pyramid Guide. Itanong ang sumusunod:
(3 minutes) a. Makikita ba sa inyong ginawa ang tatlong pangkat ng pagkain?
b. Ano ang napansin ninyo sa mga pagkaing nakalista sa bawat pangkat?
c. Gusto ba ninyo itong kainin? Ano ang dapat gawin bago ito makain?
d. Kayo ba ay tumutulong na sa pagluluto? Marunong nang magluto?
e. Ano na ba ang inyong niluluto?
f. Ano-ano ang kailangan ninyong gawin bago umpisahan ang pagluluto?
g. Ano ang kailangang gawin habang nagluluto? Pagkatapos magluto?
h. Bakit kailangan ninyong gawin ang mga ito?
i. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ninyo gagawin ang mga ito?
Sabihin: Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa paggawa ng plano ng ilulutong pagkain at
ang mga mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda at pagluluto ng
pagkain.
4.4 Pagtatalakay Gamit ang laptop at projector, ipakita ang halimbawa ng mga pagkain na pang-agahan,
(15 minutes) pananghalian at paghapunan. Ipakita rin ang isang recipe ng pagkain na may mga sangkap at
pamamaraan kung paano ito lulutuin.

Talakayin kung paano nakagagawa ng plano tungkol sa pagkaing lulutuin at ang mga
alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda at pagluluto ng pagkain.
Patingnan ang LM pahina 307-308.
4.5 Paglalapat Magpahanap ng kapareha at magpaggawa ng plano tungkol sa pagkain na lulutuin na kung
(5 minutes) saan makikita ang sangkap at pamamaraan ng pagluto. Ipasulat ito sa bondpaper.
5. Pagtataya (5 minutes) Sa isang buong papel, magpaggawa ng plano ng pagkain na gustong lutuin ng bawat mag-aaral.
Sabihin na kailangan makita ang mga sangkap at ang pamamaraan ng pagluto sa gagawing
plano.
6. Takdang-Aralin Pangkatin ang mga bata at bigyan ng kaunting oras ang bawat pangkat na mag-usap tungkol sa
(2 minutes) pagkain na gusto nilang lutuin. Sabihin na kailangan dalhin nila ang mga sangkap ng pagkaing
nag-usapan sa susunod na araw.
7. Paglalagom/Panapos Tatawag ang guro ng isa o dalawang bata para magbigay ng kanilang opinyon tungkol sa
na Gawain talakayan.
(2 minutes)

Inihanda ni:

Pangalan: Ma. Suzette M. Bueno Paaralan: Melecio B. Tito Elementary School


Posisyon/Designasyon: Teacher 1 Sangay: Danao City
Contact Number: 09329368513 Email Address: masuzette.bueno@deped.gov.ph

You might also like