Noong unang panahon, sa isang maliit na bayan, ay may isang
makisig na binata. Siya ay si Sandro. Si Sandro ay may kaakit-akit na mga katangian. Napaka ganda ng porma ng kanyang mukha at kamangha-mangha ang kanyang kataasan. Nakakapang-akit ang kanyang mga ngiti at mapupula ang kanyang pisngi.
Isang araw, si Sandro ay inutusan ng kanyang ina na magpunta
muna sa bayan upang bumili ng mansanas. Gagawa kasi ng apple cake ang kanyang nanay para sa kaarawan ng kanyang bunsong kapatid. Sa kanyang paglalakad ay may nakasalubong siyang isang marikit na dalaga. May dala itong basket. Namangha si Sandro sa kagandahan ng babae. Mataas ang buhok ng dalaga at makikislap ang mga mata niya.
Nang malapit na sila sa isa’t isa ay babatiin sana ni Sandro ang
dalaga ngunit inunahan siya nito. “Magandang araw sa’yo makisig na ginoo, nais mo bang bilhin ang mga paninda kong mga mansanas?’’ mahinhin na tanong ng dalaga. Itinanggal niya ang takip sa kanyang basket at ipinakita ang mga tindang mansanas kay Sandro. Tinignan ito ni Sandro at agad itong umayaw. “Eh bakit ko naman po bibilhin yan binibini, ang putla putla ng mga mansanas!” tugon ni Sandro.
“Wag mo munang husgahan. Eto, tikman mo ang isang ito.
Nakakatiyak ako na magugustuhan mo.” Depensa ng dalaga. “Talaga ba?” nagdududang tanong ni Sandro. “Hindi na kita pipilitin kung hindi mo ito magugustuhan kaya tikman mo muna kahit isang kagat lang.” Sagot ng dalaga.
Inabot ng dalaga ang isang mansanas kay Sandro. Tinanggap
naman ito ni Sandro at tinignan. “Sige na nga.” Kinagat ni Sandro ang mansanas at labis niyang ikinagulat kung gaano ito kasarap . “Aba, totoong masarap nga! Magkano ba ang isa, binibini?” tanong ni Sandro at nagpatuloy sa pagkain. “Oh diba! Sabi ko sa ‘iyo eh! Limang piso lang isa.” Sagot naman ng dalaga. “Limang piso? Sige sige bigyan mo ako ng sampu.” “Ay saktong sakto, sampu na lamang ang natira.” Inabot ni Sandro ang bayad at dahil sampu nalang ang natira sa basket, binigay nalang din ng dalaga ang basket. “Maraming salamat sa’yo ginoo, dahil sa’yo makakauwi na ako ng maaga.” Pagpapasalamat ng dalaga. “Teka lang binibin, maaari ko bang hingin ang iyong pangalan?” tanong ni Sandro. Ngumiti ang dalaga at tumango. “Ako si Lyka, doon lang ako malapit sa ilog nakatira.” Pagpapakilala ng dalaga. “Mag-ingat ka pauwi Binibining Lyka, maraming salamat ulit.” Tugon naman ni Sandro. Aalis na sana si Sandro ng bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo.
Ibinaliwala niya lang ito at nagpaalam na kay Lyka. Sa kalagitnaan
ng kanyang paglalakbay, nagsimula na naman siyang makaramdam ng pagkahilo at ang kanyang paningin ay nagsimulang lumabo. Hindi na niya ito natiis kaya nagpahinga muna siya sa ilalim ng kahoy. “Ang sakit ng ulo ko at ang sikip ng pakiramdam ko.’’ Wika ng binata. Hindi namalayan ni Sandro na nakatulog na pala siya sa ilalim ng puno.
Kinaumagahan, gumising na si Sandro at napansin na nasa isang
lugar na panibago sa kanyang mata. Tumayo siya mula sa kama at nagpunta sa pinto. Nawala na ang kanyang pagkahilo at maayos na ang kanyang pakiramdam. Pagkalabas niya ng kwarto ay may nakita siyang isang pigura ng babae. “Nasaan ako?” tanong ni Sandro. “Oh, gising ka na pala.” Sagot ng babae. “Andito ka sa bahay ko, nakita kitang walang malay kagabi doon malapit sa