Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Karera ng buhay: Tagumpay ni Erwin

Mancao
 YOU ARE HERE:
 PALARONG PAMBANSA 2019 ›
 KARERA NG BUHAY: TAGUMPAY NI ERWIN MANCAO

Antonette Dumaboc
Princess Earl Marie Dael
Jezreel Vincent Abiar
Region X

Sabi nga nila, ang pagkatalo ay hindi basehan upang malaman ang
iyong kagalingan. Marahil dahil sa pagkatalong ito ay may matutunan
ka at matutuklasan mo ang tunay na nakalaan para sayo.

Ito ay pinatunayan ng Region 10 star athlete na si Erwin Mancao


matapos siyang maging kampeon sa 2018 Palarong Pambansa sa
5,000-meter run na naganap sa Vigan City, Ilocos Sur.

Maraming naantig sa kanyang kwento matapos kumalat ang kanyang


larawang kuha ng PTV Ylocos, kung saan hindi niya naiwasang umiyak
pagkatapos manalo sa laban at mapgatanto na ang perang kanyang
napanalunan ay magagamit nila upang maipaayos ang kanilang bahay.

Naging viral at umani ng humigit sa 81,000 reactions, 10,000


comments, at 14,000 shares ang nasabing post na naging daan din
upang siya ay matulungan sng mga taong nagmamagandang-loob.

“Kagaya ng ibang mga bata, wala rin akong pangarap noon. Sumali pa
nga ako ng frat, pero nang naging atleta ako, doon ko na-realize na
ang lahat ng iyon ay walang kwenta,” sabi niya.

Sumali muna sa swimming at boxing ang 18 taong gulang na binata


bago natuklasan ang kanyang kakayahan sa larangan ng athletics.

Nagtagal siya ng tatlong taon sa boxing dahil sa kagustuhang kumita


ng pera, at nais ng kanyang tiyuhin na isa ring boksingero na sundan
niya ang ang kanyang yapak. Naging puspusan ang pag-eensayo nila
nang siya ay naging Grade 8, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari,
isang batang amateur boxer ang naiulat na namatay sa Regional
athletic meet na ginanap sa Zambales noong 2013 na naging dahilan
upang pansamantalang tanggalin ang naturang laro.

Napilitang sumubok ng ibang laro si Erwin dahil sa nangyari hanggang


sa nakitaan siya ng potensyal sa pagtakbo ni coach Cherry Cabilunan
at doon na siya nagsimulang lumahok sa pagiging athletics player.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng binatang atleta bago niya


masungkit ang inaasam na ginto. Dumaan siya sa pagkatalo at sinubok
din ng pagkakataon noong siya ay nagtamo ng injury dahil sa
kanilang pagsasanay ilang araw bago nagsimula ang 2016 Palarong
Pambansa sa Antique. Kaya bigo siyang makapaglaro at ‘di umano’y
naging taga-suporta at naging water boy siya sa kapwa
niyang runner.

HINDI AKO SUSUKO. Mga salitang tagos sa damdamin ni Erwin Mancao na panay ang pag-
eensayo at paghahanda upang depensahan ang kanyang titulo sa 5,000-meter run ng 2019
Palarong Pambansa sa lungsod ng Davao, Abril 29, 2019. KUHA NI DERIC HERALD JO

Sa kabila ng lahat ng pagsubok, hindi ito naging hadlang upang siya ay


sumuko sa paglalaro at sa halip ay mas naging determinadong
marating ang rurok ng tagumpay.

Sumali siya sa Philippine National Games (PNG) at naging kinatawan


ng Pilipinas sa larangan ng athletics sa ginanap na ASEAN School
Games (ASG), kung saan nasungkit niya ang silver medal sa 1,500-
meter run. Ngayon ay nagbunga na ang lahat ng hirap at sakripisyong
kanyang pinagdaanan, makapagbigay lamang ng karangalan sa
bansang sinilangan.

Kasalukuyang hawak ni Mancao ang 16:01.60 record sa 5,000-meter


run sa Palarong Pambansa. Sinisikap niyang mapanatili sa kanyang
mga kamay ang kampeonato at mag-uwi rin ng ginto sa 1,500-meter
run.

Ibinahagi rin ng atleta ang kanyang sikreto sa bawat tagumpay na


kanyang tintamasa.

Sabi niya, “Pagdarasal, determinasyon, tiwala sa sarili at pokus sa


bawat laro ang tanging sikreto ko po upang ako’y manalo.”
Nag-iwan naman siya ng mensahe para sa mga batang atleta na
nangangarap na maging kagaya niya na nagtagumpay ng dahil sa
sports.

“Huwag kang sumuko kapag natalo ka sapagka’t bago mo matamasa


ang tamis ng pagkapanalo, matitikman mo muna ang pait ng
pagkatalo,” aniya.

Sinuman ay kayang magwagi sa karera ng buhay basta may matibay


ang kalooban at hindi basta-basta sumusuko sa bawat hamong
naghihintay sa iyong paglalakbay tungo sa hinahangad na tagumpay.

You might also like