Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
Division of General Santos City

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO IV
UNANG MARKAHAN – UNANG LINGGO
Paaralan Mindanao State University-GSC Baitang Baitang IV
Jurnelene Lei C. Ugos
Mga Guro Lea Marie Magan Asignatura Filipino
Debbie Sugar Jaictin
Dena Jane Medel
Takdang Markahan Unang
50 minuto
Oras Markahan

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, at banghay) mula sa


binasang kwento
 Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kuwento sa tunay na buhay
 Nakasusulat ng maikling kuwento tungkol sa isang natatanging tao sa komunidad gamit
ang mga elemento ng kuwento sa pagsulat

II. Nilalaman
Pagbasa
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
A. Pamantayang napalalawak ang talasalitaan
Pangnilalaman
Pagsulat
Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin

Pagbasa
Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang
pagkakasunod-sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang
B. Pamantayan sa
teksto
Pagganap
Pagsulat
Nakasusulat ng talatang pasalaysay

Natutukoy ang mga elemento ng kuwento


C. Mga Kasanayan sa
- tagpuan
Pagkatuto
- tauhan
- banghay
F4PB-Ia-97

Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging tao sa


pamayanan. F4PU-Ia-2

Paksang Aralin Elemento at Pagsulat ng Kuwento

K-12 Curriculum Guide


Mga Sanggunian
ADM Filipino Module 4
Google
 Balloons
 Dart
Kagamitang Panturo  Dartboard
 Answer Sheets
 Larawan
Pagpapahalaga

Tinatayang Oras
50 minuto
III. Pamamaraan
A. Panimulang Apat (4) na minuto ang tagal sa pagsasagawa.
Gawain  Panalangin
 Pagtsek ng Atendans
 Pagbati
 Mga alituntunin sa klase

1. Balik Aral Strategy: Gamification


Activity: Putukan na!
Oras: 3 minuto

Bilang pagbabalik-aral sa nakaraang aralin, gagawin ng mga mag-


aaral ang sumusunod na gawain. Bibigyan lamang sila ng 3 minuto
para gawin ito.

Panuto: Paputukin ang mga lobo gamit ang darts. Kung nakakuha ka
ng (/), magbibigay ang guro ng mga tanong na dapat mong sagutin
batay sa nakaraang aralin at kung (x) na man ay ligtas ka sa
katanungan.
Mga tanong:
1) Dahil sa COVID 19 nagkaroon ng lockdown sa buong Pilipinas.
Anong kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Permanenteng estado ng panunuluyan.
B. Proseso ng pagpapaunawa ng isang idea o konsepto.
C. Halaga ng pera na nakalaan bilang pondo.
D. Estado kung saan pinapayuhang manatili sa loob ng bahay.

2) Si Maria ay kumuha ng pluma upang isulat ang kanyang


karanasan ngayong panahon ng pandemya. Ano ang
kasingkahulugan ng may salungguhit?
A. gunting C. bolpen
B. papel D. krayola

3) Ang pagong ay isang makupad na hayop dahil sa daladala niya


ang kanyang bahay. Ano ang kasalungat na salita ng may
salungguhit?
A. mabilis C. manipis
B. mabagal D. matulis

4) Sa bayan naming ay may makipot na daanan na mahirap pasukin


patungo sa ilog. Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit?
A. malawak C. masikip
B. maganda D. masukal

5) Ano ang salitang pahiwatig ng salitang may salungguhit sa


pangungusap. “Hindi sagot ang digmaan sa hindi
pagkakaintindihan ng mga bansa.
A. hindi sagot C. hindi pagkakaintindihan
B. ng mga bansa D. salitang pahiwatig
Pagganyak Estratehiya: Visualization
Gawain: Ano ito?
Oras: 5

Panuto: Mayroong parcel box na ipinadala sa klase at laman nito ay


iba’t-ibang gamit na ipapakita ng guro. Ito ay huhulaan ng mga bata
at aalamin kung ano ba ang ugnayan nito sa tatalakayin ngayong araw.
Katanungan:

1. Anu-ano kaya ang mga bagay na ito?


2. Ano ba sa tingin mo ang ugnayan ng mga kagamitang ito sa
ating itatalakay ngayon?
Paghawan ng Balakid/ Estratehiya: Class Discussion
Pag-unlad sa Gawain: Kilalanin natin
Talasalitaan Oras: 3 minuto

Makikita sa chart ang iba’t-ibang kagamitan na naging


napakahalagang rekados noong pandemic.

Ang face mask ay isinusuot bilang


Face mask
simpleng panakip sa mukha upang
mapabagal ang pagkalat ng virus.

Ang alcohol ay madalas ginagamit


Alcohol pang disinfect, karaniwang ng mga
kamay, upang linisin ito mula sa mga
bakterya na nakukuha sa mga bagay
na hinahawakan.

Ang mga Pantakip ng Mukha ay


Face Shield
maaaring magpabawas sa pagkalat ng
mga nakakahawang particle kapag
may isang nagsasalita, umuubo, o
bumabahing.

Isa ang 1-meter social distancing na


1-meter social gabay sa pagsugpo o pagpigil ng virus
distancing
kaya ito ay sadyang ginagawa upang
maiwasan ang mabilisang paghawa
ng virus sa mga tao.

Pagbasa (Panitikan) Gawain: Ang Istorya


Oras: 5 minuto

Panuto: Ang lahat ay making dahil oras na sa pag kukuwento. Gamit


ang isang Pop-Up Book ay ipapakita ng mga guro kung gaano
kahalaga ang mga bagay na nabanggit sa itaas.

Basahin ang kwento


Pop Up (Big) Book:

Title

B. Paglinang ng Estratehiya: Class Discussion


Paksa Gawain: Ang Istorya
Oras: 5 minuto
Paglalahad ng Paksa
(Wika at Gramatika) (Babasahin ang Layunin)

“Elemento at Pagsulat ng Kuwento”

Ano ang Kwento?

Ang Kwento ay isang akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at


bungang-isip na hango sa isang tunay na karanasan o pangyayari sa
buhay.

Elemento ng Kwento

A. Tauhan
 Ay mahalagang elemento ng kwento sapagkat tumutukoy ito
sa mga taong gumaganap.
 Nakasaad dito kung sinu-sino ang mga nagsiganap sa kwento.
Mayroong bida, kontrabida, at iba pang tauhan. Maaaring tao
ang bida, minsa naman ay hayop o bagay.

Halimbawa:
a. Sina Julie, Jenny, Anna, at Kyle ay magkakaibigan na nakatira
sa Purok Malakas…
b. Hinahamon ni Matsing si Pagong na makipagkarera sa
kaniya…

B. Tagpuan
 Tumutukoy sa lugar, atmospera, at panahon kung saan
nagaganap ang kwento.
Halimbawa:
a. Noong unang panahon, sa Baryo Maginaw…
b. Sa malawak na bukirin ng San Rafael, naninirahan ang isang
magandang Binibini…

C. Banghay
 Tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod
ng mga magkakaugnay na pangyayari.
 Pagkakasunod-sunod ng kwento.

Bahagi ng Banghay:
 Simula- sa parting ito ipinapakilala ang mga tauhan, ang
tagpuan o pangyayarihan ng kwento, at ang pagsasalaysay ng
problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

 Gitna- binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian,


at kasukdulan.

 Wakas- dito mababasa ang magiging resolusyon ng kwento.


Maaaring masaya o malungkot, Pagkatalo o pagkapanalo, Dito
rin makikita ang aral na maaari nating makuha sa kwento.

Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng kuwento


tungkol sa isang natatanging tao sa pamayanan. Basahin ng lahat.

Kilalang-kilala ang Pamilyar sa personal


isang tao sa na impormasyon ng
pamayanan natatanging tao

May kapaki- May katangi-tanging Naging inspirasyon


pakinabang na ambag katangian sa ibang tao
sa pamayanan

Pangwakas na Estratehiya: Question and Answer


Gawain Gawain: Ang Istorya
Oras: 5 minuto

Paglalahat 1. Ano ang kahulugan ng kwento?


2. Anu-ano ang mga elemento ng kwento? Ibigay ang bawat
kahulugan nito.
3. Anu-ano ang bahagi ng banghay?
4. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng
kwento tungkol sa natatanging tao sa pamayanan? Ibigay ang
mga sumusunod na katangian.
5. Gamit ang iyong sariling pag-unawa, bakit kailangan ang mga
elemento ng kwento (tauhan, tagpuan, at banghay) sa
pagsusulat ng kwento?

Paglalapat Estratehiya: Event Map


Gawain: Wow, Sorbetes!
Oras: 5 minuto

“Title”
May dalawang matalik na magkaibigan na laging masayang
nagtatagpo at naglalaro sa parke ng kanilang komunidad, sila ay sina
Sophie at Cath. Halos araw-araw silang namamasyal at nag
kukwentuhan sa madamong parte ng parke. Hanggang sa isang araw
inanunsiyo ng pamahalaan na ang lahat ay pansamantalang
ipinagbabawalang lumabas ng kanilang mga bahay dahil sa
lumalalang mga kaso at banta ng Covid-19.
Bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot na nadarama
habang nag-uusap gamit ang cellphone ng kanilang mga magulang at
may araw din na naiiyak na lamang si Cath sa kagustuhang
makapaglaro sa labas kasama si Sophie. Nagpatuloy ang ganitong
sitwasyon ng dalawa hanggang sa makalipas ang ilang buwan ay
nakatanggap sila ng magandang balita na maari nang lumabas ng
bahay pero kailangang sumunod sa mga Pangkalusugang Palatuntunin
tulad ng matinding pagsunod sa isang metrong distansya (1-meter
social distancing), paggamit ng alcohol o hand sanitizer, at pagsuot
ng face mask at face shield habang sinisigurong walang sintomas ng
Covid-19 sa panahong nakikipagsalamuha sa ibang tao.
Nagplano ang dalawa na magkita muli sa dating tagpuan.
Ngunit hindi sumipot si Cath dahil walang magkasya at nahuhulog sa
mukha ni Cath ang face mask na ipinapasuot sa kanya. Kaya gumawa
ng paraan si Sophie upang magkita silang muli. Nagpatulong siya sa
kanyang ina na magtahi ng face mask na may mga disenyong pambata
na tiyak na kakasya sa mukha ni Cath.
Nang sumunod na araw, sinorpresa ni Sophie si Cath sa
kanilang bahay at ibinigay ang kanyang ginawang face mask na may
disenyong pambata. Sobrang nagustuhan ito ni Cath at tuwang-tuwa
siyang isinuot ang face mask sabay sabing, “Halika! Maglaro na tayo
sa parke. Marami akong gusting ikwento sayo.” Sumilip ang
kumikislap na mga mata ng ina ni Cath sa suot nitong face mask dahil
muli na naman niyang nasilayan ang napakasayang ngiti ng anak sa
loob ng mahabang panahon.
Masayang-masaya ang magkaibigan kaya't dali-dali silang
lumabas upang maglaro at magkwentuhan sa parke, kung saan sila
naglalaro noon. Natakpan man ng face mask at face shield ang
kanilang mga mukha pero hidi nito maitatago ang saying nadarama
ng dalawang bata. ngunit kitang-kita sa kanilang mga mata ang sayang
kanilang nadarama.

Panuto: Mayroong tatlong sadlok ng sorbetes na kailangang punan ng


mga sagot bago ito kainin. Ngunit, may limitasyon lamang ang
pagsagot dahil mabilis na natututunaw ang mga sorbetes. Pagkatapos
mong masagutan ay ianyo ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng tanong.

Mga tanong:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Saan naganap ang pangyayari?
3. Ano ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
pagkakaibigan nina Sophie at Cath?

Tagpuan Tauhan
Banghay: Wakas

Banghay: Gitna Banghay: Simula

IV. Pagtataya Estratehiya:


Gawain: Tayahin natin!
Oras: 5 minuto

Panuto: Basahin ang sumusunod na kuwento. Sagutin ang mga


tanong na nasa ibaba at isulat sa papel ang iyong sagot. Gawin ito sa
loob ng 10 minuto.

Ang Masayang Paglalakbay


(Cheche Cortez)
Tuwang-tuwa sina Roy, Rico at Rey sa kanilang “field trip” sa
Legaspi City. Ang una nilang pinuntahan ay ang Hoyop-hoyopan
Cave sa Camalig. Namangha sila sa ganda ng kuweba. Napagod sila
sa pag-akyat sa bulubundukin ng Kawa-Kawa sa Ligao ngunit sulit
naman sa napakagandang tanawin doon. Lalo silang nasiyahan nang
makita nila ang iba’t ibang hayop sa “Wild Life‟. Pagkatapos nilang
mananghalian, sila ay nagtungo sa PAGASA Center upang malaman
kung papaano namumuo ang isang bagyo. Nakita rin nila ang
perpektong hugis ng Bulkang Mayon sa may Cagsawa Ruins. Sulit
ang pagod ng mga mag-aaral habang papauwi na sila sa kani-kanilang
bahay.

A. Sino sino ang mga tauhan sa kuwentong binasa?

(1) __________________,
(2) __________________ at
(3) __________________.

B. Ano anong mga lugar na kanilang pinuntahan ayon sa


kuwento?

(1) _______________________
(2) _______________________
(3) _______________________
(4) _______________________, at
(5) _______________________.

C. Pasunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa tekstong


nabasa. Lagyan ng bilang 1-5 sa patlang.

______a. Lalo silang nasiyahan nang makita nila ang iba’t


ibang hayop sa ‘Wild Life’.
______b. Natutula rin sila sa hugis perpekto ng Bulkang
Mayon ng sila ay pumunta sa Cagsawa, Daraga.
______c. Sulit ang kanilang pagod habang papauwi na sa
kanilang bahay
______d. Napagod ang tatlong bata sa pag-akyat nila sa
bulubunduking Kawa-Kawa sa Ligao.
______e. Namangha sila sa ganda ng kuweba.
D. Sumulat ng natatanging kuwento ng isang natatanging guro
sa inyong pamayanan gamit ang mga elemento ng kuwento
sa pagsulat. Gagamitin ang rubrics o pamantayan sa
pagmamarka.

Gawain: Magsanay ka pa!

Panuto: Sumulat ng isang natatanging kuwento tungkol sa isang


nanay na nagsusumikap na mapag-aral at mapagtapos ang mga anak
sa kabila ng kahirapang nararanasan ng kanilang pamilya. Gamitin
ang elemento ng kuwento sa pagsulat. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

V. Kasunduan ____________________________
Pamagat
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Ilagay ito sa iyong portfolio sa Filipino.


Inilahad nina:

Jurnelene Lei C. Ugos


Lea Marie Magan
Debbie Sugar Jaictin
Dena Jane Medel
Pre-service Teacher

Sinuri at Beripikado ni:

Shekinah Cabunilas
GED 106 Instructor

You might also like