Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Pagtuturo Sa Health 5 For COT
Banghay Aralin Sa Pagtuturo Sa Health 5 For COT
Ikaapat na Markahan
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: “Paunang tulong-panlunas (First Aid)”
B. Sanggunian: MAPEH V, H5IS-IVb-35/ Page 36 of 66
C. Kagamitan: mga larawan, laptop at projector
D. Pagpapahalaga: Nabibigyang importansiya ang kaalaman sa paunang tulong-panlunas.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin.
2. Pagbati sa mga bata.
3. Pagtsetsek ng attendance.
4. Pagtatakda ng mga pamantayan.
B. Panlinang na Gawain
1. Balik-Aral
Ngayon mga bata mayroon akong mga o letrang nagkahalu-halu dito na tinalakay
natin sa ating nakaarang leksiyon.
Sino ang gustong magboluntaryo para aayusin ang mga letrang nagkahalu-halu
ang ayos.
o ffaciene – caffeine
o tesolakot – tsokalate
o fsto rkisnd – soft drinks
o niap lierevesr – pain reliever
2. Pagganyak
Sino ang makapagbigay ng ideya kong ano ang nangyari sa naturang larawan?
Kapag nakakita tayo ng taong naaksidente ano bang gagawin natin kaagad?
Ano kaya sa inyong palagay ang ating bagong leksiyon natin nga araw na ito?
3. Paglalahad
Ang paunang tulong-panlunas (first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong,
kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman..
Ang 3 pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na mas kilala bilang 3 P’s ang mga
sumusunod:
1. Pagpapanatiling buhay (Preserve life)
2. Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala ng kapinsalaan o
karamdaman (Prevent further injury or illness)
3. Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)
Ang ibig sabihin nito ay dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga
suliraning may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente. Kung walang balakid sa daanan
ng hininga at paghinga, dapat na isunod na suriin at subuking sugpuin ng tagapaglunas ang anumang
suliranin at pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon (pagdaloy at pagikot ng dugo sa katawan).
5. Paglalahat
Ano nga ulit ang 3 pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na
mas kilala bilang 3 P’s?
6. Paglalapat
Ngayon mga bata magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Pero bago yan anu-ano ba ang ating mga gagawin pag mayroon tayong
pangkatang gawain?
Panuto: Tukuyin at lagyan ng masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng tamang dapat gawin sa
pagbibigay ng paunang lunas at malungkot na mukha kung hindi.
4.___________________ 5.___________________
7. Pagpapahalaga
Mahalaga ba na mayroon tayong kaalaman sa pagbibigay ng paunang tulong
panlunas? Bakit kaya?
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad ng Pangungusap at Mali kung ang
isinasaad ay mali.
______1. Ang paunang tulong panlunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay.
______2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng pangunang lunas.
______3. Ang paunang tulong-panlunas ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang
tulong sa mga taong napinsala ng sakuna.
______4. Dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga suliraning may
kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente.
______5. Ang unang layunin ng pagbibigay ng pangunang lutas ay upang maisalba ang
buhay.
V. Takdang Aralin
Makipanayam sa mga “Health Workers” sa sentrong pangkalusugan ng barangay tungkol sa
pagbibigay ng pangunang lunas sa mga sanggol at matatanda na biglang nagkasakit o
napinsala.
Inihanda ni:
G. Ken S. Ortega
Subject Teacher