Karot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Karot muna bago harot!

Ariel D. Punzalan

Kumain ng karot, para maiwasan ang pagiging maharot, isang


nakatutuwang kataga, ngunit tila may mensaheng nais ipabatid sa bawat isa.
Ano nga bang mayroon sa karot at paano ito makatutulong upang umiwasan
ang pagiging maharot?

Kilala ang karot na nakapagpapalinaw ng mga mata kaya kung nais


mong makita at masuri ng mabuti ang taong iyong nilalandi huwag nang mag
atubili. Ito rin ay sagana sa iba’t- ibang sustansya, bitamina at benepisyo na
siguradong mas healthy pa kesa sa status nyo ng kachat mo.

Ito ay mayaman sa mga antioxidant, bitamina at mineral, lalo na ang


bitamina A (beta-karoten), biotin, bitamina K (phylloquinone), potasa at
bitamina B6 na nagbibigay ng lakas sa katawan. Pinalitan ang nawawalang
mineral. Mabuti para sa balat, mata at anemia dahil pinatataas nito ang
hemoglobin at erythrocytes sa mga pasyente na may anemia. Mayroon itong
tampok na gas expectorant at tampok ng ihi. Ito ay isa sa pinakamahalagang
halaman na dapat kainin lalo na sa mga may problema sa pagtunaw.
Pinapalambot ang mga bituka. Mabuti para sa mga may problema sa pagdumi
dahil sa mataas na istraktura ng hibla. Kaya mas dapat mo itong pag tuunan
ng pansin kaysa sa taong sa chat mo’y palagi lang seen.

Ang Beta carotene ay syang nagbibigay ng kulay sa karot kaya ito ay


kulay kahel. Sa kanya pa lang magkakakulay na ang buhay mo. Ito ay nai-
convert sa bitamina A ng katawan. Samakatuwid, ang mga karot ay isa sa mga
pinakamahusay na mapagkukunan ng bitamina A bilang karagdagan sa mga
pagkain ng karne. Ang Beta carotene, isang epektibong antioxidant, ay
pinoprotektahan ang katawan laban sa oxidative stress, na pinatataas ang
panganib ng maraming mga sakit, mula sa kanser at sakit sa puso.
Siguradong iingatan nya ang iyong puso hindi tulad ng ex mo.

Bilang karagdagan, pinapatay ng katas ng karot ang mga cell ng


leukemia at binabawasan ang panganib ng pagbuo ng kanser sa colon, na
napaka-pangkaraniwan. Ayon sa pag aaral na isinagawa nina Deding U et al,
Nutrients, taong 2020 mula sa Unibersidad ng Southern Denmark ay
nagsagawa ng isang malaking pag-aaral upang suriin ang epekto ng paggamit
ng karot sa panganib ng colorectal na kanser. May kabuuang bilang na 57,053
na Danish ang lumahok sa Diet, Cancer, at Health Study ng mga mananaliksik
at isang hanay ng mga istatistika , araw araw nilang iniuulat ang kanlang BMI,
pag-inom ng alak, pangkat ng edad, kasarian, at ang kanilang pagkonsumo ng
karot. Matapos pag-aralan ang mga data, natuklasan ng mga mananaliksik na,
ang pagkain ng 32 gramong hilaw na karot kada araw ay naiuugnay sa 17% na
pagbaba ng panganib ng colorectal cancer, samantalang ang isang tao na
kumukunsumo ng mas mababa pa sa 32 gramo ng hilaw na karot ay walang
naitalang magandang benepisyo pagdating sa paglaban sa colorectal cancer.
For keeps talaga ang karot tutulugan kang maging cancer free di tulad ng jowa
mo na na mahilig sa third patry.

Tunay ngang hindi lamang pangsahog at palamuti sa ating pagkain ang


karot. Sa siksik nitong sustansya, bitamina at benepisyo sa ating kalusugan
marapat lamang na bigyan natin ito ng pansin lalo sa mga kabataan na mas
inuuna pa ang pakikipagkilala at pakikipagrelasyon sa napakamura nilang
edad. Sa panahong kalusugan dapat ang ating pinagyayaman masakit isipin
na pabata ng pabata ang nasasadlak sa mga relasyon at sitwasyon na hindi
akma sa kanilang edad at sa takbo ng kanilang isipan. Pangalagaan at
mahalin ang sarili, kumain ng masustansya at palakasin ang resistensya,
huwag maging maharot na mistulang nakakalimot sa mga bagay na
mahahalaga, maging responsible upang sa huli ay hindi magsisi.

You might also like