Q4 M4 Sektor NG Industriya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

Sektor ng Industriya

Ito ay sektor ng ekonomiya


na nagpoproseso ng mga
hilaw na materyales upang
makagawa ng bagong
produkto.

Nakakabuo ng bagong
produkto ang sektor na ito sa
pamamagitan ng lakas-
paggawa at aplikasyon ng
teknolohiya o makinarya.
Sektor ng Industriya
Pangunahing layunin nito ay maiproseso ang mga hilaw na
materyal o sangkap na materyal upang makabuo ng mga
produktong ginagamit ng tao. Karaniwang nagmumula sa agrikultura
ang mga hilaw na materyal upang mabuo ang mga produktong
maaaring ipagbili sa mga mamimili o gamitin bilang bahagi ng isang
produkto tulad ng tornilyo sa kotse.
Sektor ng Industriya
Hindi lamang produkto ang maaring makuha mula sa sektor
na ito. Nagbibigay din ito ng serbisyo para sa mga
mamamayan. Sa tulong ng mga serbisyong naibibigay nito,
napapagaan ang buhay ng bawat indibidwal sa lipunan.
PAGMIMINA PAGMAMANUPAKTURA

Mga Sekondaryang Sektor ng Industriya

KONSTRUKSYON UTILITIES
PAGMIMINA
Gold, silver, and bronze stone
Ang sekondaryang sektor na
kung saan ang mga metal, di-
metal, at enerhiyang mineral ay
kinukuha at dumadaan sa
proseso upang gawing tapos na
produkto (halimbawa ay hikaw na
gawa sa ginto) o kabahagi ng
isang yaring kalakal (halimbawa
ay tornilyo para sa kotse). Ang
mismong produkto, hilaw man o
naproseso ang nagbibigay ng kita
para sa bansa.
PAGMAMANUPAKTURA

Tumutukoy sa paggawa ng
mga produkto sa pamamagitan
ng manual labor o ng mga
makina. Dagdag dito, inilarawan
din ng Australian and New
Zealand Standard Industrial
Classification (ANZSIC) na
nagkakaroon ng pisikal o kemikal
na transpormasyon ang mga
materyal o bahagi nito sa pagbuo
ng mga bagong produkto.
KONSTRUKSYON Kabilang dito ang mga gawain
tulad ng pagtatayo ng mga gusali,
estruktura at iba pang land
improvements. Halimbawa ay tulay,
kalsada at iba pa bilang bahagi ng
serbisyo publiko ng pamahalaan sa
mga mamamayan.

Kasama rin sa sekondaryang


sektor na ito ang probisyon sa
pagbibigay ng serbisyong teknikal
at konstruksiyon tulad ng
pagsasaayos at pagmimintina
kasama na rin ang ang personal na
konstruksiyon ng mga tirahan.
UTILITIES Ito ay binubuo ng mga kompanyang
ang pangunahing layunin ay matugunan
ang pangangailangan ng mga
mamamayan sa tubig, koryente at
gas.

Sa sekondaryang sektor na ito,


malaki ang papel ng pamahalaan upang
masiguro ang maayos na serbisyo.
Kasama sa mga tungkuling ito ang
paglalatag ng mga imprastruktura at
angkop na teknolohiya upang
maihatid ang nararapat na serbisyo sa
lahat ng tao. Ito ay bilang paninigurong
ang bawat mamamayan ay maaabot ng
mga nasabing serbisyo.
UTILITIES
Dagdag kaalaman: URI NG MGA INDUSTRIYA AYON SA LAKI
1. Cottage Industry
Napapaloob dito ang mga produktong gawang kamay (hand-
made products). Hindi hihigit sa 100 manggagawa ang
kabilang sa industriya at maliit na lugar lamang ang sakop ng
operasyon nito.

2. Small and Medium-scale Industry


Binubuo ng 100-200 na mga manggagawa at ginagamitan ng
payak na makinarya sa pagproseso ng mga produkto

3. Large-scale Industry
Binubuo ng higit sa 200 na mga manggagawa, ginagamitan ng
malalaki at komplekadong makinarya sa pagproseso ng mga
produkto at kailangan ng malaking lugar para sa produksyon
tulad ng planta o pabrika
Talahanayan 1: Kabuuang Empleyo Ayon sa Industriya at Kabuuang Lakas
Paggawa (libo) 2000-2010
Kabuuang
Batay lakas
sa talahanayan,
Agrikultura Industriya Paglilingkod
ikatlopaggawa
ang industriya
sa nakapagbibigay
2002 11,311 4,669 14,271 30,251
ng trabaho sa mga
2003 11,741 4,948 14,865 mamamayan.
31,554
2004 11,785 4,880 15,076 Kinakailangan
31,741pa ang
ibayong pagtutok
2005 12,171 4,883 15,820 upang32,874
maging
maayos at malusog
2006 12,164 4,895 16,126 33,185
ang sektor ng
2007 16,364 4,849 12,458 industriya.
33,671 Kung
magiging malakas ang
2008 12,328 5,076 17,128 sektor,34,532
higit na
maraming tao ang
2009 12,062 5,144 18,271 35,477ng
magkakaroon
hanapbuhay.
2010 12,260 5,144 18,865 36,489
Sa pangkalahatan, ang sektor ng
industriya ay isang mahalagang bahagi ng
ekonomiya ng bansa. Ayon sa artikulo
mula sa Economy Watch, ang Pilipinas
ay ikatatlumpu’t dalawang (32) bansa na
may pinakamalaking ekonomiya sa mundo
at may GDP na US$188.719B noong
2010.

Dahil dito, ang Pilipinas ay may


napakalaking potensiyal upang maging
ganap na industriyalisado.
Kahalagahan ng Sektor ng
Industriya
KAHALAGAHAN NG INDUSTRIYA
▪ Nagpoproseso ng mga hilaw na
materyales
▪ Nagsusuplay ng yaring produkto
▪ Nagkakaloon ng hanapbuhay
▪ Nakakagamit ng makabagong teknolohiya
▪ Nagpapasok at kumikita ng dolyar sa
bansa
Ang industriyalisasyon ay sinasabing
senyales ng isang umuunlad na bansa.
Ang pag-unlad at pabago-bagong
kapaligiran ng bawat industriya ay dulot ng
iba’t ibang sitwasyon na maaaring epekto
mula sa ibang sektor ng ekonomiya.
Kahalagahan ng Industriyalisasyon sa Sektor ng Industriya
Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang
kaunlaran. Karaniwang iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran
ng isang bansa.

Ito ay alinsunod sa MODERNIZATION


THEORY ni Walt Rostow batay sa artikulo
ni Peter Kasandra na nagsaad na:

❝ ang kaunlaran ay matatamo kung


susundan ang mga dinaraanan na
proseso ng mga mauunlad na bansa.❞
Walt Rostow
-American economist, professor and political theorist
Ayon naman sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV
nina Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw sa mga
kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring
maganap kung magkakaroon ng transpormasyon ang isang
lipunan. . .

. . .mula sa pagiging ‘rural,


agricultural, atrasado, at
mapamahiin patungong
urban, industriyal
progresibo, at modern’.
Ayon kina Balitao et al. (2012), may kaukulang kahulugan ang konsepto ng
industriyalisasyon. “Hindi lamang ito nangangahulugan ng paggamit ng mga
makinarya at pag-unlad ng mga industriya. Higit sa lahat, tinutukoy nito:

✔️ang pagbabagong teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong


pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya.
✔️ nagpapakita ito ng pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal sa
halip na panatilihin ang isang kaayusang tradisyonal.
✔️ pinakatiyak na katibayan ng industriyalisasyon ang pag-ikot ng
industriyal na pagawaan.

Masasabing may kaunlarang pang-industriya kung lubos


na napakilos ang lahat ng mga pabrika at may mataas na
bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.
Kahinaan ng Sektor ng Industriya
1. Policy Inconsistency

▪ Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon


ng mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas
ng industriya.

▪ Ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at pag –


iwas ng mga mamumuhunan sa bansa.
Kahinaan ng Sektor ng Industriya
2. Inadequate Investment
▪ Mas madali sa isang bansa na magbago ng
negosyo at magpokus sa mga produktong may
mataas na demand.
▪ Dahil sa mababang antas ng pamumuhunan sa
pilipinas naging mahirap para sa mga negosyante
na mapalakas ang teknolohiya o magbago ng mga
produktong ginagawa.
Kahinaan ng Sektor ng Industriya
3. Macroeconomic Volatility and Political Instability

▪ Ang kahinaan ng mga elemento ng


makroekonomiks at ang kaguluhang political sa
bansa sa iba’t ibang panahon ay nagtulak sa
mga lokal at dayuhang mamumuhunan na
huwag magnegosyo sa bansa.
EPEKTO NG
INDUSTRIYALISASYON
EPEKTO NG INDUSTRIYALISASYON
Ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran,
ayon sa mga ekonomistang Adam Smith (1776), Karl Marx,
Friedrich Engels, (1848) at John Williamson (1990), ang
patuloy na motibasyon ng maraming bansa na
mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya.

Ngunit ayon din sa kanila, sa kabila ng mga benepisyo na


dala ng mga industriyalisasyon sa mga mamamayan, marapat
na makita rin ang epekto nito. Mangangailangan ng kritikal na
pang-unawa at pagninilay upang mapagtimbang ang kahalagahan
at epekto ng industriyalisasyon at ang pangmatagalang
implikasyon nito sa lipunan at sa bansa.
EPEKTO NG INDUSTRIYALISASYON
Ayon sa mga ekonomistang nabanggit (Smith, Marx,
Engles, Williamson), ang industriyalisasyon ay:
😥 nakapagdudulot ng mataas na antas ng polusyon,
😥 hindi pagkakapantay ng kalagayang pang-
ekonomiko, at
😥 ang pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng
komunidad dahil sa paglakas ng kumpetisyon.

Nabanggit din sa batayang aklat na isinulat nina


Balitao et al. (2012) na ang polusyon at pagkasira ng
kapaligiran ay masyadong mabilis dulot ng
industriyalisasyon.
Samantala, batay naman kay Williamson (1999), ay maaari
ding maging dahilan upang bumaba ang bilang ng mga mag-
aaral sa paaralan dahil nahihikayat silang magtrabaho sa halip
na tapusin ang kanilang pag-aaral.

Dahil dito, inaasahang maging mapanuri at


matalino ang pamahalaan. Totoong maraming
benepisyo kapag nakamit ng bansa ang kalagayang
industriyal na karaniwang nakaugnay sa kaunlaran.
Subalit, nangangailangan ding maunawaan at
makilala ang mga negatibong epekto nito, higit
kung ang isang bansa ay may kahinaan sa
regulasyon na ipinatutupad.
Tandaang ang pamahalaan
ay may responsibilidad
pangalagaan ang limitadong likas na
yaman ng bansa upang masiguro na
maiingatan ang mga ito.

Gayundin naman, dapat maikintal sa mga


mamamayan na ang bawat isa ay katuwang ng
pamahalaan sa pagtataguyod at pag-iingat ng ating
yamang likas dahil kapag napabayaan, maaaring wala ng
magamit pa ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Mga Patakaran at Programa upang
Mapaunlad ang Sektor ng Industriya at
Pangangalakal
Mula sa mga
talahanayan tungkol sa
investment, makabubuo
tayo ng kongklusyon na
ang Pilipinas ay
nakapagtala ng mas
mababa sa maaaring
asahan dito. Sa
pagdaan ng mga
panahon, matitiyak ang
unti-unting pagbaba sa
kontribusyon ng
sekondaryang sektor ng
pagmamanupaktura sa
ekonomiya, gayundin
ang pagbaba sa
pangkalahatang
pamumuhunan.
Gayundin naman, ilan sa mga naging impresyon ng mundo sa Pilipinas ay hindi
maikakailang hindi kaaya-aya. Ilan sa mga impresyong ito ang sumusunod:

“In 2009, the Philippines ranked:


⦁ 43rd out of 57 countries and last among five ASEAN members;
⦁ next to last in infrastructure;
⦁ 51st in economic performance in the IMD Global Competitiveness
Report;
⦁ placed 139th out of 180 countries (6th among theASEAN-6) in the
Transparency International’s Corruption Perception Index.

In 2010, the country ranked 144th among 183 countries and also last among
the ASEAN-6 in the International Finance Corporation/ World Bank’s(IFC/WB)”.

Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices.
Retrieved from http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014
Partikular ding tinitingnan sa loob
ng Philipine Development Plan
ang pagtataguyod sa industriya.
Bilang suporta, nakikita ng
pamahalaan;

✔️ang pangangailangan sa pagkakaroon ng kalidad sa


lakas paggawa na naaayon sa demand ng
pamilihan.

✔️malinang ang impraestruktura at ang mga


regulasyong ipinatutupad upang ganap na mapabuti
ang sosyoekonomikong kapaligiran..
Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan ang sumusunod upang
matamo ang nasabing adhikain:
➡️Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa
paglinang ng industriya sa pamamagitan ng mga inisyatibo at programa
ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor, upang magamit nang
husto ang mga likas na yaman.
➡️ Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay
kinakailangan ng industriya.

➡️ Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro


ang kalidad sa pamamagitan ng training at opportunity building.
Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan ang sumusunod upang matamo
ang nasabing adhikain:

➡️ Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo (fiscal and


nonfiscal) at manguna sa paglulunsad ng promosyon ng mga
produktong industriyal sa ibang bansa.

➡️ Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa


bunga ng katanggap-tanggap na kapaligiran sa pagnenegosyo.

➡️ Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang


ang pribadong sektor, upang mapalawak pa ang pagbibigay ng
pagkakataon sa maraming Pilipino sa iba’t ibang dako ng bansa.
Makikita rin ang layunin ng pamahalaang maisaayos ang
kalagayan sa mga sekondaryang sektor ng industriya:
🎯Ang sekondaryang sektor na electronics ay kinikilala
bilang pangunahing tagapagpakilos ng ekonomiya.

🎯 Upang masiguro ang pagkilala sa mga produktong ito


na mula sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng brand.

🎯 Dapat ding makaakit ng mga negosyanteng maaaring


ang pokus ay iba pang larawan na malaki ang demand
tulad ng paggawa ng mga gadyet na patuloy na lumalaki
ang pangangailangan sa buong mundo.
🎯 Sa tantiya ng Mines and Geosciences
Bureau (MGB), maaaring nasa siyam (9) na
milyong ektarya sa bansa ang posibleng
may metallic na mineral. Dahil sa malaking
potensiyal nito, ang pamahalaan ay
naglalayong mapabuti pa ang sekondaryang
sektor na ito ng industriya.

🎯 Nais na mapalakas ang kakayahan


nito na makabuo ng mga tapos na
produkto mula sa mga hilaw na
sangkap at maipagbili sa dayuhang
pamilihan.
🎯 Habang nagnanais ang
pamahalaan na mapabuti ang
kontribusyon ng pagmimina,
hinahangad ding mapasunod ang
lahat sa polisiya tungkol sa
matalinong paggamit ng ating
likas na yaman.

🎯 Ito ay pagsisiguro na magiging


responsable ang bawat isa sa
paggamit ng mga yamang mayroon
ang bansa habang nagkakamit ng
kaunlaran.
🎯 Ang patuloy na pagsasaayos ng impraestruktura
ng bansa ay inaasahang magiging isa sa mga
prayoridad ng pamahalaan.

🎯 Ang pagsasaayos ng mga kalsada,


tulay, pagtatayo ng mga bagong
paliparan at daungan, at iba pa ay
isang patunay kung gaano kaseryoso
ang pamahalaan sa pagpapatatag ng
ekonomiya.
🎯 Ang mga polisiya ng bansa at pagbuo ng pangalan at kalidad sa mga
produktong mula sa bansa ay isang malaking hamon upang masiguro ang
kakayahan ng industriyang makipagkompetensiya sa mga bansang
nangunguna sa kalakalang panlabas.

National Book Store (1942)

Jollibee (1975) M.Y. San (1935) Max’s Restaurant (1945)

Alaska (1972)
Bank of the Philippine Islands (1851)

Silver Swan
Tiki-Tiki (1909) Soy Sauce (1942)
Goldilocks (1966) Philippine Airlines (1941)
Sa inyong palagay, paano nating
“mapopromote” sa pandaigdigang
ekonomiya ang mga produkto at
serbisyong Pinoy?

You might also like