Survey Questions

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Norte
MATAAS NA PAARALAN NG TALUGTOG SOLSONA
Talugtog, Solsona, Ilocos Norte

Mahal naming respondante,

Magandang Araw!

Kami ay naatasang magsagawa ng pananaliksik hinggil sa persepsyon ng mga guro sa


Talugtog Solsona National High School ukol sa epekto ng mainit na panahon sa akademikong
perpormans ng mga mag aaral . Nais po naming makuha ang inyong masusing pananaw o
karamdaman ukol sa paksang ito, at umaasa kaming kayo ay makikiisa sa aming layunin.

Hinihingi po namin ang inyong taimtim na partisipasyon sa pamamagitan ng pagtugon sa


aming survey questionnaire. Layunin nito ang makalap ng datos upang maging bahagi ng aming
malalimang pagsusuri hinggil sa epekto ng maianit na panahon sa akademikong perpormans ng
mga mag aaral.

Itinatangi po namin na ang lahat ng inyong mga sagot ay mananatiling anonima at


kumpidensiyal, upang itiyak ang inyong privacy sa buong yugto ng pagsusuri. Ang impormasyon
na inyong ibabahagi ay gagamitin lamang para sa layuning pananaliksik, at ang mga natuklasan
ay magiging batayan sa pagbuo ng mga patakaran at pamamaraan sa larangan ng edukasyon.

Ang inyong kontribusyon ay magiging pundasyon ng masusing pagsusuri na


maglilingkod bilang gabay sa hinaharap ng edukasyon. Maraming salamat sa inyong oras at
pakikiisa sa aming pananaliksik.

Lubos na gumagalang,

MILES JACOB T. AGCAOILI


MICHAEL J. ANDACA
XYMONE CHESTER P. AGMATA
KRIS LAWRENCE A. AGMATA
PRINCE KENNETH A. ESPIRITO
DARREN KARL DELA CRUZ
JOHN LOYD CANOSA
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Norte
MATAAS NA PAARALAN NG TALUGTOG SOLSONA
Talugtog, Solsona, Ilocos Norte

Pangalan (Opsyunal): _________________________________ Edad: ___________________


Mga Itinuturong Baytang: _____________________________ Asignatura: ______________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Piliin ang pinakamahusay
na sagot sa ibinigay na tanong batay sa iyong karanasan at pang-unawa. Bilugan ang
letra ng iyong sagot.

1. Gaano ka naapektuhan ng mainit na panahon sa iyong kakayahan na mag-aral sa TSNHS?


a. Napakalaki
b. Medyo Malaki
c. Hindi gaanong malaki

2. Anong mga senyales o sintomas ang nararanasan mo kapag mainit ang panahon habang nag-aaral
sa TSNHS?
a. Pagkahilo
b. Pagkabigla sa pagkawala ng enerhiya
c. Pagkasira ng konsentrasyon

3. Ano ang iyong karaniwang paraan para maibsan ang init ng panahon habang nasa paaralan?
a. Pag-inom ng malamig na tubig
b. Paggamit ng pamaypay o electric fan
c. Pagtungo sa malamig na lugar

4. Paano nakakaapekto ang mainit na panahon sa iyong pagganap sa mga pagsusulit at proyekto sa
TSNHS?
a. Mas mahirap mag-focus
b. Mas mababa ang kalidad ng gawa
c. Mas mataas ang antas ng stress

5. Sa anong paraan maaaring makatulong ang paaralan para maibsan ang epekto ng mainit na
panahon sa iyong pag-aaral?
a. Pagbibigay ng mas maraming pahinga o break
b. Pagpapalabas ng mga anunsyo ukol sa pag-iingat sa init
c. Pagpapalabas ng mga educational materials ukol sa epekto ng klima sa pag-aaral

6. Ano ang mga posibleng solusyon o pamamaraan upang maibsan ang epekto ng mainit na panahon
sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa TSNHS?
a. Pagtulong sa pagpapalakas ng mental na resiliency
b. Pagturo ng mga paraan ng self-care sa panahon ng init
c. Pag-organisa ng mga klase o aktibidad sa mga mas malamig na lugar
7. Paano maaaring makaimpluwensya ang mainit na panahon sa mental na kalusugan ng mga mag-
aaral at kung paano ito maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral?
a. Pagdulot ng pagkabahala at pagkabalisa
b. Pagpapahina ng pagkamalakas sa pisikal at mental na aspeto
c. Pagpapababa ng moral at motivation sa pag-aaral

8. Ano ang mga potensyal na epekto ng mainit na panahon sa kalidad ng tulog ng mga mag-aaral sa
TSNHS?
a. Pagdulot ng pagkukulang sa tulog
b. Pagdami ng insomia o hindi pagkakatulog ng maayos
c. Pagtaas ng antas ng pagiging pagod at pagkapuyat

9. Paano maaaring maapektuhan ng mainit na panahon ang pag-iral ng mga aktibidad sa paaralan
tulad ng outdoor sports o physical education classes?
a. Pagkansela o pagbawas sa outdoor activities
b. Pagtulong sa paghahanap ng mga alternatibong pisikal na aktibidad
c. Pagturo ng mga paraan ng pag-iingat at pagpapalakas ng katawan sa panahon ng init

10. Ano ang mga potensyal na epekto ng mainit na panahon sa pisikal na kalusugan ng mga mag-
aaral sa TSNHS tulad ng pagkakaroon ng heat stroke o dehydration?
a. Pagtaas ng bilang ng mga heat-related illnesses
b. Pagdulot ng pagkakaroon ng mga sakit sa balat tulad ng sunburn
c. Pagdulot ng dehydration at paghina ng katawan

You might also like