Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE

PAHINTULOT NG MAGULANG/TAGAPAG-ALAGA

Ako si ______________________________________ (pangalan ng magulang/


tagapag- alaga), magulang ni ______________________________________ (pangalan ng mag-aaral), mula
sa Baitang ____, Pangkat __________________, ay ibinibigay ang kapahintulutan at pagpayag sa
aking anak na lumahok sa gaganaping Socialization Night ng Mababanaba National High School sa
quadrangle ng nasabing paaralan sa ika-26 ng Abril, 2024 sa araw ng Biyernes na magsisimula sa ika-5 ng
hapon.

Sa nasabing pagdiriwang ay maipapakita ng aking anak ang kanyang kakayahan sa


pakikibahagi, pakikisalamuha, at pagkakaroon ng kasiyahan sa buhay kung kaya’t ang gawaing ito ay
makakatulong nang higit pa sa aspetong sosyal ng kanyang pagkatao. Sa pamamagitan nito ay pinatutunayan
ko na ang aking anak ay lalahok sa nasabing gawain na may kapupulutan ng aral sa buhay.

Pinatutunayan ko rin na batid ko ang lahat ng mga tuntunin na napagkasunduang ipatupad at


sundin ng aking anak sa nasabing gawain. Batid ko na magsisimula sa itinakdang oras ang gawain kahit late o
kahit wala ang aking anak. Batid ko rin na kailangan kong sunduin upang makauwi ang aking anak kapag
tapos na ang gawain. At batid ko na ginagawa ng paaralan ang lahat ng kahandaan para sa kapayapaan,
kaligtasan, at katagumpayan ng magaganap na gawain. Lubos din ang aking kaalaman at pang-unawa na ang
nasabing gawain ay may kaakibat na responsibilidad at pananagutan.

Kalakip ng aking pagsang-ayon ang kabatiran na ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng


boluntaryong kontribusyon para sa gaganaping programa. Pinatutunayan ko na ito ay aking kusang-loob,
hindi ako pinilit, at taos ito sa aking puso.

________________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Tagapag-alaga

Pinagtibay:

AURABEL S. NAVARRA, EdD


Punong Guro

MABABANABA NATIONAL HIGH SCHOOL


Mababanaba, San Jose, Tarlac
Email Address: mababanabanhs1971@gmail.com

You might also like