Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Panimulang Gawain

Batay sa iyong mga dating napag-aralan, magbigay ng mga halimbawa ng impluwensya ng mga
dayuhan sa Kulturang Filipino. Magbigay rin ng isang maikling paliwanag hinggil sa nakikita mong
pangkalahatang epekto nito.

1. Edukasyon
2. Dayuhang wika gaya ng ingles, espanyol, intsik, at iba pa.
3. Relihiyong Kristiyanismo
4. Mga pagkain at inumin gaya ng tsaa, lumpia, siopao, at iba pa.
5. Mga kasuotan gaya ng Camisa de Chino, pantalon, palda, at iba pa.
6. Panitikan
7. Pagtatanghal ng Senakulo at Zarzuela
8. Paggamit ng baril
9. Musika at Sayaw
10. Demokratikong Pamahalaan

Ang mga dayuhan ay maraming naging impluwensya sa kultura ng mga Pilipino. Hindi man
maganda ang dulot sa atin ng ilan sa mga ito, gayunpaman hindi natin ma ipagkakaila na karamihan
sa mga impluwensyang ito ay talaga namang nakatulong at humubog sa ating pagkatao at naging
bahagi narin ng ating pamumuhay mula noon magpasa hanggang ngayon. Kagaya nalang ng
Demokrasyang Pamahalaan, sa pamamagitan nito nabibigyan ng boses at kalayaan ang mga Pilipino
na mamili ng taong gusto nilang ilagay sa pwesto. Idagdag pa rito, ayon sa pag aaral, ito ay isa sa
mga epektibong uri ng pamahalaan na kung saan ay nabibigyan nng prayoridad ang mga
mamamayang Pilipino. Sa pagtatapos, ang mga impluwensyang ito ng mga dayuhan ay may
magandang dulot sa ating mga Pilipino at isa na nga rito ang pagkakaroon ng Demokratikong
Pamahalaan at Edukasyon. Subalit mayroon din itong hindi magandang dulot sa atin, sa paglipas ng
panahon may mga kultura tayong unti-unti nang nababaon sa limot dahil sa nakakasanayan nating
makabagong kultura.

You might also like