Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

AUTONOMOUS STATUS – CHED


PAARALANG GRADWADO
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Philippines
Tel. No. (036)6212 – 317 / Fax no. (036) 6213 – 075
Website: http://www.filamer.edu.ph/

Asignatura: Fil. 410: Pagtataya at Pagsusulit sa Wika

G. JEAROLD E. TEJADA Gng. MELODY J. BLANCE


Taga-ulat Propesora

Kabutihan at Di-Kabutihan ng Test na Paoral

Kabutihan ng Test na Paoral:

1. Nakapagbibigay ng direktang personal na pakikitungo sa mga kalahok sa pagsusulit.


2. Nakapagbibigay ng oportunidad upang mapagaan ang kalagayan ng pagsasalaysay.
3. Nagbibigay-daan sa mga kalahok na gawing kalakasan ang kahinaan na kakayahan bilang
isang indibidwal.
4. Naaatasan ang bawat kalahok na bumuo ng sariling tugon na walang gamit ng anumang
hudyat o panumbok.
5. Nagbibigay-daan sa mga guro o tagapagsalita na itanong sa mga kalahok kung papaano
sila humantong sa kanilang naging mga kasagutan sa pagsusulit.
6. Ang uri ng pagsusulit ding ito ay maaaring sumukat ng isa o higit pang kakayahan ng
bawat kalahok sa pagsusulit.

Di-Kabutihan ng Test na Paoral:

1. Kakulangan ng standardisasyon.
2. Kawalan ng pagkakataon na mabalikang-tanaw muli ang mga naging kasagutan ng mga
kalahok.
3. Napapahintulutan ang mga guro o tagapagsalita na may kinikilingan habang isinasagawa
ang pagsusulit gayundin naaabuso ang direktang pakikitungo sa mga kalahok.
4. Nagdaranas sa impluwensiya ng mga bagay na hindi kaugnay sa salik ng pagsusulit.
5. Kakulangan ng mga bihasa at sinanay na mga tauhan upang maisagawa ang ganitong uri
ng pagsusulit.
6. Ito ay nangangailangan ng malaking halaga at mahabang oras at panahon sa pagsasagawa
ng paoral na pagsusulit.
Pagpapaunlad sa Pagbuo at Pagsasagawa ng Pagsusulit na Paoral

Ang mahusay na pagtataya sa kakayahan ng mga mag-aaral ay nagbibigay oportunindad sa


kanila upang maipamalas ang mga karunungang tinamo sa napakaraming pamamaraan. May iilang
mga mag-aaral na nagdaranas ng kahirapan sa pagpapahayag sa pamamagitan ng pagsusulat at
nagpapamalas ng angking kagalingan sa paoral na pagtataya. May iilan namang nagiging pagsubok
para sa kanila ang ipahayag ang kanilang sarili sa harap ng napakaraming madla.

Ang paoral na pagtataya ay maaaring makatulong sa pagkakaiba-iba ng bawat mag-aaral


gayundin upang mas lalong mahasa ang kanilang kakayahang pangkomunatibo o ang kanilang
pagiging epektibo sa pagkikipag-kapwa na kinakailangan at lubusan nilang magagamit sa hinaharap
na buhay. Ang paoral na pagtataya ay maaaring isagawa sa iba’t ibang anyo at narito ang walong salik
na dapat isaalang-alang pagpapaunlad sa pagbuo at pagsasagawa ng pagsusulit na paoral:

1. Isaalang-alang ang karunungang ninanais na mataya.


(Consider the learning you’re aiming to assess).

2. Ipagbigay-alam sa mga mag-aaral ang krayteryang gagamitin sa gagawing pagsusulit.


(Inform the students of the criteria).

3. Pagpasiyahan kung anong uri ng paoral na pagtataya ang gagamitin.


(Decide what kind of oral assessment to use).

4. Magkaroon ng maikling pag-uusap sa mga kalahok o mag-aaral ukol sa gawain.


(Brief your students).

5. Pagpaplano
(Planning).

6. Pagpasiyahan kung sa papaanong paraan ang pagmamarka gagawin batay sa presentasyon


ng mag-aaral na ipinamalas. (Decide how you will evalute).

7. Gumamit ng pangkatang pagtataya sa bawat presentasyon.


(Use peers to assess presentations).

8. Magkaroon din ng pangkatang pagbabalik-tanaw ukol sa gawaing isinagawa.


(Use peer review).

Mga Sanggunian:

Paquito B Badayos. (2011). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Mga Teorya, Simulain at


Istratehiya. Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation.

Dr. Lydia B. Liwanag. Reviewer for the Licensure Examination for Teacher of Philippine
Normal University.

You might also like