Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

2

Department of Education-Region III


TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 1: Week 4
Learning Activity Sheets

0
FILIPINO 2

Pangalan______________________________Unang Markahan-Ikaapat na Linggo


Pangkat _______________________ Petsa ____________________

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Nabasang Kwentong Kathang-isip


o Tekstong Hango sa Tunay na Pangyayari

Susing Konsepto
Tayong mga Pilipino ay mayaman sa kwento na sumasalamin sa
ating kultura. May mga kwentong tumatalakay sa iba’t ibang uri ng
ating pamumuhay. May mga kwento ng pagtatagumpay at
pagkabigo. May mga kwentong totoo at may mga kwentong kathang-
isip lamang. Ngunit bakit nga ba mahalaga na maunawaan ang iba’t-
ibang uri ng kwento? At paano natin ito uunawain upang maintindihan
ang mensahe nito?

May mga paraan upang lubos nating maunawaan ang isang


kwento ito ay ang mga sumusunod:
1. Kung ang tanong ay nagsisimula sa sino, ito ay tumutukoy sa mga
tauhan o mga tao gumanap sa kwento.

2. Kung ang tanong ay nagsisimula sa ano, ito ay tumutukoy sa mga


bagay na mababasa mo sa kwento.

3. Kung ang tanong naman ay nagsisimula sa saan ito ay tumutukoy


sa lugar kung saan naganap ang kwento o saan ang tagpuan ng
kwento.

4. Kung ang tanong ay nagsisimula sa bakit ito ay tumutukoy sa mga


iba’t-ibang pangyayari sa kwento.

5. Kung ang tanong ay nagsisimula sa ilan ito naman ay tumutukoy


sa bilang na mababasa sa kwento.

1
Mga Elemento ng Kuwento

Tauhan– tumutukoy sa nagsisiganap at


nagpapagalaw ng mga pangyayari sa kuwento.

Tagpuan– tumutukoy sa lugar na


pinangyarihan ng kuwento. Bahagi rin ng
tagpuan ng kuwento ang panahon kung
kailan naganap ang mga tagpo.

Banghay– ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kuwento. Sabahaging ito ng kwento isinasaad ang galaw ng mga
pangyayari. Ang pangunahing pangyayari, pataas na pangyayari,
kasukdulan at wakas ng isang kwento. Mahalagang maunawaan natin
ang isang kwento upang malaman at maisabuhay natin ang aral na
nais ipabatid ng manunulat.

1 2 3

Una, nagkaroon ng bagyo at lindol.

Pangalawa, binaha ang mga mabababang lugar at nagiba ang mga


bahay at gusali.

Panghuli, ang mga tao ay nanatili sa mga bubong ng kanilang bahay


dahil sa mataas na baha at sila ay humihingi ng tulong.
2
Paksa o Tema– tumutukoy sa pangkahalatang kaisipan o aral na
gustong ibahagi ng manunulat sa mga mambabasa.

ng Pilipino Pagkakaibigan Pagmamahal

Mga Pangunahing Bahagi ng Kuwento

Simula – dito ipinapakilala ang mga tauhan, ang tagpuan, at ang


suliranin o problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan.

Gitna o Katawan – dito ipinapakita ang iba’t ibang mahahalagang


pangyayari sa kuwento tulad ng papataas na pangyayari (paraan kung
paano hinarap ng pangunahing tauhan ang suliranin), kasukdulan (ang
kapana-panabik na bahagi ng kuwento), at ang pababang pangyayari
(paraan kung paano nasolusyunan ang suliranin).
Wakas – dito malalaman ang katapusan ng kuwento o ang naging
resulta matapos masolusyunan ang suliranin.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa nabasang kuwentong
kathang-isip (hal: pabula, maikling kuwento, alamat), tekstong hango sa
tunay na pangyayari (hal: balita, talambuhay, tekstong pang-
impormasyon), o tula* (F2PB-Id-3 1.1, F2PB-IIa-b3.1.1, F2PB-IIId-31.11)

Pagsasanay 1
3
Panuto: Basahin ang kwento ni buhay ni Apok Taruc at sagutan ang
bawat tanong batay sa kwento ni Apok Taruc.

Si Apok Taruc

Ako ay si Apok Taruc, isang katutubong Pilipino. Ako ay isinilang


noong ika-14 ng Pebrero. Nakatira ako sa San Clemente, lalawigan
ng Tarlac. Maaga akong gumigising sa umaga. Bumabangon ako
kapag narinig ko na ang tilaok ng alaga kong si Bagwis, isang
tandang at sa huni ng aking alagang si Kilyawan, isang ibon.
Pagkatapos kong pakainin at painumin ang aking mga alaga ay
pumapasok na ako sa paaralan, nasa ikalawang baitang na ako.
Masaya ang buhay namin dito sa paanan ng bundok sapagkat
tahimik ang aming kapaligiran.

1. Ano ang pamagat ng kwento? ____________________________________


2. Saan nakatira si Apok Taruc? ______________________________________
3. Saan ang pinangyarihan ng kwento? ______________________________
4 -5. Bakit siya nagigising nang maaga?
A ________________________________________________________________
B. ________________________________________________________________

6-7. Paano niya inaalagaan si Bagwis at si Kilyawan?


________________________________ at ______________________________
8. Nasa anong baitang na si Apok Taruc?_____________________________
9. Bakit masaya sila sa paanan ng bundok?
_____________________________________________________________________
10. Kailan siya isinilang? ______________________________________________

Pagsasanay 2
4
Panuto: Basahin ang tula at sagutan ang mga sumusunod na
tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Ang Batang Magalang


Ang batang magalang, lugod ng magulang.
Iyan ang kasabihang hindi ko malimutan.
Kaya naman, ako bilang batang mag-aaral,
lagi kong isinapuso ang payo ng aking magulang.
Sa batang magalang, maraming magmamahal,
sapagkat siya ay mainam na kakwentuhan.
Sana naman po huwag nating kalimutan,
na sa tuwi-tuwina ay maging magalang.

1. Tungkol saan ang tula?


a. batang magalang
b. batang masunurin
c. batang tamad

2. Bakit kailangan maging magalang?


a. upang maraming magmamahal
b. upang dumami ang iyong pera
c. upang bibigyan ka ng laruan sa Pasko

3. Sino ang nalulugod kung ang bata ay magalang?


a. mga magulang
b. mga pinsan
c. mga kalaro mo

4. Sino ang masarap kakwentuhan?


a. batang iyakin
b. batang magalang
c. batang matapang

5. Kailan dapat maging magalang?


a. kapag nasa paaralan lang
b. kapag nasa bahay lang
c. sa tuwi-tuwina

Pagsasanay 3
5
Panuto: Basahin ang isang tesktong pang-impormasyon tungkol sa
lalawigan ng Tarlac at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Tarlac ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan


sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Lungsod ng Tarlac ang kapital nito.
Matatagpuan ang lalawigan sa gitna ng gitnang kapatagan ng
Luzon, at napalilibutan ng mga lalawigan ng Pampanga sa timog,
Nueva Ecija sa silangan, Pangasinan sa hiliaga, at Zambales sa
kanluran. Tinatayang 75% ng lalawigan ay patag samantalang ang
nalalabing bahagdan ay maburol hanggang sa mabundok.
Tulad ng karamihan ng Gitnang Luzon, ang lalawigan ay may
dalawang uri ng panahon: tag-araw mula Nobyembre hanggang
Abril at tag-ulan sa nalalabing mga buwan. Ito ang pinakamalamig
na lalawigan sa rehiyon, na may karaniwang temperatura na 24 °C
(75 °F).
Nahahati ang Tarlac sa 17 munisipalidad at 1 lungsod. Lahat ay
may kabuuang 511 mga barangay sa lalawigan.
Hango mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Tarlac

1. Tungko saan ang iyong binasa?

__________________________________________________________________

2. Saan matatagpuan ang lalawigan ng Tarlac?

__________________________________________________________________

3. Ano anong mga lalawigan ang nakapalibot sa lalawigan ng


Tarlac?

__________________________________________________________________

4. Ilang lungsod mayroon sa lalawigan ng Tarlac? Ano ito?

__________________________________________________________________

5. Ikaw ba ay taga-Tarlac? Saang munisipalidad o lungsod ka


nakatira?
__________________________________________________________________

Pangwakas
6
Ano ang iyong natutunan sa araling ito? Isulat ang iyong sagot sa
kahon.

Mga Sangunian:
Garcia Nilda S. D. et.al., Ang Bagong Batang Pinoy Filipino, Kagamitan
ng Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013, Kagawaran ng
Edukasyon, Pahina 236-237
Yanga, Irish Roma, Learning Activity Sheet, Filipino 2. Elemento ng
Kwento, Bahagi ng Kwento. Kagawaran ng Edukasyon-Tarlac
City

Susi sa Pagwawasto
10. Ika-14 ng Pebrero ay ang Lungsod ng Tarlac.
9. tahimik 4. Mayroong 1 lungsod ang lalawigan ng Tarlac at ito
8.Ikalawang baitang hiliaga, at Zambales sa kanluran.
7. piniinom timog, Nueva Ecija sa silangan, Pangasinan sa
6. pinakakain 3. Napalilibutan ng mga lalawigan ng Pampanga sa
5. dahil sa huni ng Kilyawan 2. Sa Gitnang Luzon
4. dahil sa tilaok ni Bagwis 1. Tungkol sa lalawigan ng Tarlac
3. Sa paanan ng bundok Pagsasanay 3:
2. San Clemente, lalawigan ng Tarlac 5. C
1. Apok Taruc 4.B
Pagsasanay 1 3. A
2. A
1. A
Pagsasanay 2
Inihanda ni:
Sinuri nina:
ANTONINA P. MANALASTAS
Teacher-III IRMA D. GORDO
Manunulat Principal I
Matatalaib Bato Elementary School MELINDA T. MANALOTO
Teacher III
HELEN G. LAUS EdD
EPSvr Filipino
REYMAR D. PAGUIO PhD
OIC EPSvr
LILY BETH B. MALLARI
EPSvr LRMDS
ROBERT E. OSONGCO EdD
CID-Chief

You might also like