Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

2 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Physical Education
Quarter 1: Week 3
Learning Activity Sheets
Physical Education 2

Pangalan: ______________________________ Baitang : 2 Q1 Week 3


Pangkat: _______________________________ Petsa: _____________________

PAGPAPAKITA NG PANANDALIANG PAGTIGIL SA SIMETRIKAL AT


ASIMETRIKAL NA HUGIS GAMIT ANG IBA PANG BAHAGI NG
KATAWAN MALIBAN SA MGA PAA BILANG ISANG BATAYAN NG
SUPORTA
Panimula
Ang ating katawan ay may kakayahang makagawa ng mga
hugis at kilos. Maaaring nalilikha ang mga ito sa mga bagay na ating
ginagawa sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang mga hugis o kilos na ating nalilikha ay maaaring simetrikal o
asimetrikal na hugis.
Ang simetrikal na hugis ay nagpapakita ng balanse sa katawan
kapag hinati ito sa gitna, nagiging pareho ang hugis, sukat at posisyon
ng dalawang hinating bahagi.
Samantala, ang asimetrikal na hugis ay naisasagawa sa
magkaibang galaw ng kanan at kaliwang bahagi ng katawan. Hindi
ito nagpapakita ng pagiging balanse o pagkapantay.
Pagmasdan ang mga larawan.

Simetrikal Na Hugis/Kilos Asimetrikal Na Hugis/Kilos

Ang paglikha ng mga hugis at kilos ng katawan na simetrikal ay


nangangailangan ng panandaliang pagtigil bago maipagpatuloy ang
kilos.
Sa ganitong pagkakataon, nangangailangan ang katawan ng
batayang suporta. Ang mga paa ang unang nagiging batayang
suporta. Maaari ring gamitin sa ibang kilos ang mga kamay, ulo, braso,
binti, puwitan at iba pang bahagi ng katawan.
2
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Demonstrates momentary stillness in symmetrical and asymmetrical
shapes using body parts other than both feet as a base of support.
(PE2BM-Ig-h-16)
Tandaan:
Basahing mabuti ang mga direksyon o mga panuto sa bawat
pagsasanay, at ibigay ang kailangan o hinihinging sagot sa bawat
bilang.

Mga Pagsasanay
A. Tignan ang bawat larawan. Tukuyin kung ito ay simetrikal o
asimetrikal. Isulat ang sagot sa patlang pagkatapos ng bilang.

1. ________________________

2. ________________________

3
3. ________________________

4. ________________________

5. ________________________

B. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag ng pangungusap at


MALI kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang pagkatapos
ng bilang.
__________ 1. Ang simetrikal na hugis ay balanse.
__________ 2. Asimetrikal ang hugis kung pareho ang hugis, sukat, at
posisyon kapag hinati sa gitna ang katawan.
__________ 3. Ang kamay, binti, ulo, at braso ay maaaring gawing
batayang suporta sa pagsasagawa ng simetrikal
at asimetrikal na hugis.
__________ 4. Kung itataas mo ang iyong kanang kamay at ilalagay
naman ang kaliwang kamay sa baywang, ikaw
ay makakabuo ng simetrikal na hugis.
__________ 5. Ang asimetrikal na hugis ay naisasagawa sa
magkaibang posisyon ng kanan at kaliwang
bahagi ng katawan.

4
C. Bilugan ang mga simetrikal na hugis at ikahon ang mga
asimetrikal na hugis.
1. 2. 3. 4. 5.

D. Isagawa ang mga sumusunod na kilos nang may panandaliang


pagtigil. Tukuyin kung ito ay simetrikal o asimetrikal. I-tsek (√) sa
tamang hanay.
Kilos Simetrikal Asimetrikal
1. Tumayo nang matuwid. Ilagay
ang dalawang kamay sa balikat
at itaas ang kanang paa.
2. Umupo sa sahig, itaas ang
dalawang paa, ilagay ang
bigat ng katawan sa puwitan at
ilagay sa baywang ang
dalawang kamay.
3. Tumayo at itaas ang kaliwang
kamay at paglayuin ng
bahagya ang mga paa.
4. Lumuhod sa sahig nang
magkadikit ang binti at iunat
ang dalawang kamay
paharap.
5. Tumayo nang matuwid, ilagay
ang kanang kamay sa balikat,
ang kaliwang kamay sa
baywang, at itaas ang iyong
kanang paa paharap.

E. Sa tulong ng magulang o gardyan, gayahin mo ang mga


sumusunod na kilos. Ipalarawan sa kanila ang kilos na iyong
ginawa. Sundan ang Rubric sa Paglalarawan.
E (Excellent 5pts.) - Napakahusay ang pagsasawa
G (Good 3pts.) - Mahusay ang pagsasagawa
P (Poor 1pt.) - Hindi wasto ang pagsasagawa

5
Kilos Paglalarawan
(E, G, P)
1.

2.

3.

4.

5.

Pangwakas
Lagyan ng tsek () ang patlang base sa iyong pagkatuto.
Oo Hindi
1. Nakikilala ko ang mga simetrikal na hugis o kilos. _____ _____
2. Nakikilala ko ang mga asimetrikal na hugis o kilos. _____ _____
3. Naisasagawa ko ang mga simetrikal na hugis o
kilos nang may panandaliang pagtigil. _____ _____
4. Naisasagawa ko ang mga asimetrikal na hugis o
kilos nang may panandaliang pagtigil. _____ _____
5. Nagagamit ko ang ibang bahagi ng katawan
gaya ng kamay, ulo, braso, binti, puwitan
bilang batayan ng suporta sa pagsasagawa
ng simetrikal at asimetrkal na hugis. _____ _____
6
Mga Sanggunian

Castro, Gemmaruth, and Diana Rose Melo, Physical Education 2 SLM.


“Department of Education.” Commons. Accessed August 20, 2020.
https://commons.deped.gov.ph/categories/a2bbe221-d298-4d75-
8ffb-7748902c08e5.

Falcutila, Rogelio F., Cnavez, John M., Peña, Rhodora B, and Flores,
Corazon C., Music, Art, Physical Education And Health –
Ikalawang Baitang, Kagamitan Ng Mag-Aaral, Unang Edisyon.,
2013. DepEd- IMCS, p. 299-302
K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes in Physical Education 2, p. 316. Philippines: Department of
Education, 2020.

Mga Susi sa Pagwawasto

 5.
 4.
 3.
 2.
 1.

Asimetrikal Simetrikal

D.

5. 3. 2. 1.
4.

C.

7
5. tama 5. simetrikal
4. mali 4. asimetrikal
3. tama 3. asimetrikal
2. mali 2. asimetrikal
1. tama 1. simetrikal
B. A.

Inihanda nina:

KORINA B. TAMANGAN
Balingcanaway Centro E/S
Manunulat/Naglapat/Gumuhit

AILEEN B. UNGSON
SAN CARLOS E/S
Manunulat

You might also like