Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO SA FILIPINO 10

Paksa Panitikan: Haring Midas (Mito mula sa Gresya)


Gamit ng Wika: Aksiyon, Pangyayari, at Karanasan: Gamit ng Pandiwa
Bilang ng Oras 1
ELC Nakikilala ang mga tauhan at naipapahayag ang mga mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang mitolohiya

Mga Naglalayong Resulta ng Sa Araling ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang


Pagkatuto PAGKATUTO: Nakakilala ang mga tauhan ng mitohiya mula sa Pilipinas at sa Gresya
Nakapagpahayag ng mga mahahalagang kaisipan ukol sa binasang akda
PAGSASAPUSO: Napapahalagahan ang mga tinalakay na gramatika sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa paggamit ng mga angkop na
pandiwa sa paglalahad ng mga pangyayari sa buhay.

PAGSASABUHAY: Nakapagsagawa ng sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang pagkukunan ng mga impormasyon ukol sa
paksang tinalakay (Internet, Ibang Aklat at iba pa)
Nakagamit ng angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan sa paglalahad ng mga pangyayari sa buhay
Unang Linggo Tuklasin

Unang Araw Aktibiti 1: Kilalanin Mo!


Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ukol sa mga paniniwala ng mga Pilipino tungkol Diyos at Diyosa. Pagkatapos magbibigay ng mga
paganyak na tanong.
1. Nakikilala mo ba ang mga tauhang nasa larawan? Paano mo sila nakilala?
Paano ipinakikita sa larawan ang kultura ng mga Pilipino?
Pagtibayin

Synchronous/face-face Engagement task

Aktibiti 2: Unawain
1. Ipapabasa ng guro ang panitikan na mula sa Gresya na pinamagatang “Haring Midas” o ipapanood ang animated video ng mitolohiya.
2. Tatalakayin ng guro ang gramatika ukol sa Gamit ng Pandiwa
Aktibiti 3: Pagsusuri
1. Magbibigay ang guro ng mga prosesong tanong ukol sa nabasa o napanood na mito.
 Sino ang pangunahing tauhan sa mito?Ilarawan siya.
 Bakit binigyan ni Dionysus ng gantimpala ang hari? Bakit naman siya pinarusahan ni Apollo?
 Kung ikaw ang hari, ano ang hihilingin mo kay Dionysus?Bakit?
2. Piliin mo! - Ang gawaing ito ay simple, madali, at mabilisang estratehiya, kung saan nasusukat ang antas ng pagkaunawa ng mag-aaral tungkol
sa pandiwa na nalaman niya mula sa aklat. Gamit ang quizzes.com pipiliin lamang ang salitang pandiwa ayon sa konsepto ng Aksiyon,
Pangyayari, at Karanasan.
(Opsiyon) Focused Listing – Sa gawaing ito paunahang makapagbahagi o makapagpunan sa chart ayon sa pandiwang hinihingi at gamitin sa
pangungusap ang mga pandiwang nabanggit.

Pandiwa
Aksiyon Pangyayari Karanasan

Pamprosesong tanong:
Bakit mahalagang magamit nang wasto at angkop ang mga pandiwa sa iba’t ibang konsepto sa loob ng isang pangungusap?
Paglinang

Online (Synchronous/face-face Engagement)

Aktibiti 4
Magbigay ang guro ng karagdagang aktibidad ukol sa paksang tinalakay.
1. Tukuyin kung pukos sa aksiyon, karanasan, o pangyayari ang sinasaad ng pandiwa sa sumusunod na mga pangungusap. Gamit ang
Quizzes.com.
 Magbabasa muna ako ng paborito kung aklat.
 Nauuhaw ang leon na nagtungo sa bukal.
 Umuulan kaninang ugma kaya hindi kaagad nakaalis si kuya Roger.
 Natakot sa leon si Alex kaya siya lumayo.
Tumututol ang mga magulang nina Dexter at Angel sa kanilang pag-iibigan.
Pagsalin

Online (Synchronous/face-face Engagement)

Paglalahat
Magbigay ang guro ng mga katanungan sa mga mag-aaral upang masukat ang pag-unawa sa talakayan.
1. Paano ginagamit ang pandiwa sa paglalahad ng aksiyon, pangyayari, at karanasan.
2. Bakit mahalagang pag-aaralan ang at mitolohiya ng isang bansa?

Pagtataya
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pandiwa na naglalahad ng karanasan o nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay.
1. Pinagkanulo
2. Nagkasiyahan
3. Pinagtaksilan
Namamasyal
Cascade the transfer goal from stage 2

You might also like