Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO SA FILIPINO 10

Paksa Panitikan: Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan (Mitolohiya)

Gamit ng Wika: Pukos ng Pandiwa (Tagaganap o Layon)
Bilang ng Araw 1
ELC Pagsusuri sa nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasang mitolohiya -F10PB-IIa-b-73
Pagpapahayag sa mahahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa mitolohiya -F10PS-IIa-b-73
Paggamit nang wasto sa pukos ng pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing -F10WG-IIa-b-66

Mga Naglalayong Resulta ng Sa Araling ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang

Pagkatuto
PAGKATUTO: Nakapagliliwanag sa mga pangyayaring naganap sa binasang Mitolohiya.
Nakahihinuha sa paggamit ng wasto sa pukos ng pandiwa na nasa Tagaganap at Layon.
PAGSASAPUSO: Nakapagmamalas ng angking galing sa pagsasadula ukol sa binasang teksto at pagkukwento tungkol sa samahan
ng kanilang kapatid sa pamamagitan ng paggamit ang mga pukos ng pandiwa na nasa Tagaganap at Layon.

PAGSASABUHAY: Nakabubuo ng pangungusap at naikwento tungkol sa samahan ng kanilang kapatid gamit ang mga pukos ng
pandiwa sa Tagaganap at Layon.
Nakasusulat ng isang talatang naghahambing tungkol sa mga paksang ibinigay gamit ang wastong pukos ng
pandiwa sa tagaganap at layon sa paghahambing.
Unang Linggo Tuklasin

Unang Araw Aktibiti 1: Simulain natin!

Ang guro ay magbibigay ng isang tanong kung may kapatid o mayroon bang mga kapatid ang mga mag-aaral. Pagkatapos isulat nila sa kahon na nasa
pisara at saka gumuhit ng emoticon na maglalarawan sa nararamdaman para sa bawat pangalang isinulat kung walang kapatid maaaring isulat ang
pangalan mga taong itinuturing parang kapatid. At pagkatapos magbigay ang guro ng mga pagganyak na tanong ukol sa larawang ipinakita.

Mga pangganyak na tanong:

1. Ano-anong magagandang katangian ang taglay ng iyong kapatod o mga kapatid?
2. Ano-anong mga bagay naman ang madalas ninyong pag-awayan?
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring gawin ng bawat isa sa inyo para maging maayos ang inyong samahan? Maglahad ng tatlong paraan.
Pagtibayin

Synchronous/face-face Engagement Task

Aktibiti 2: Unawain
1. Ipapabasa ng guro ang panitikan na mula sa Hawii na pinamagatang “Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan” o ipapanood ang animated video
ng Mitolohiya.
2. Tatalakayin ng guro ang gramatika ukol sa “Pukos ng Pandiwa (Tagaganap o Layon)”
Aktibiti 3: Pagsusuri
1. Magbibigay ang guro ng mga prosesong tanong ukol sa nabasa o napanood na mito.
 Ano ang naging kaugnayan nina Pele at Namaka sa pagbabago ng kalagayan ng kanilang pamilya?
 Bakit kinakailangang lisanin ni Pele at ng kanilang buong pamilya ang kinagisnang tahanan?
 Paano ipinakita ni Pele ang labis na pagmamahal at pagtatanggol sa kaniyang pamilya?
 Sa paanong paraan nakaapekto sa iba ang labis na pagiging mainitin ng ulo at pagiging seleso ni Pele?
 Ano sa palagay mo ang naramdaman ng magulang nina Pele at Namaka sa nangyari sa relasyon nilang magkapatid na nakaapekto na rin
sa buong pamilya? Kung ikaw ang magulang nila, ano ang gagawin mo sa una pa lang upang hindi na umabot sa ganito ang mga
pangyayari?
2. Magbibigay ang guro ng mga prosesong tanong ukol sa tinalakay na gramatika
 Ano ang ibig sabihin ng pandiwa?
 Bakit kailangang gumamit ng mga Pandiwang tagaganap at layon kung magsusulat ng mga akdang pampanitikan?
Paglinang

Synchronous/face-face Engagement Task

Aktibiti 4: Suriin at Isadula Natin!

1. Ipapangkat ang mga mag-aaral sa tatlo.
2. Bibigyan ang bawat pangkat ng mga kwento tungkol sa magkapatid na mababasa sa pahina 141 na kung saan gagawan nila ito ng pagsasadula
batay sa kwentong binasa.
3. Bibigyan lamang sila ng 5 minuto upang makapaghanda pagkatapos maisadula sasagutan ang mga sumusunod na mga tanong.
a. Ano-ano ang mga naging dahilan sa kanilang alitan?
b. Batay sa nabasa na teksto o sa naisadula, ano-ano ang mga maaaring gawin upang maiwasan ang pag-aaway-away ng magkakapatid?
Maglahad ng limang paraang sundin ng iba at ninyong magkakapatid.
Aktibiti 5: Magkwento ka!
Hayaang mag-isip ang mga mag-aaral na kung saan bubuo ng kwento at pangungusap tungkol sa samahan ng kanilang kapatid kung walang kapatid
maaaring ang mga taong itinuturing kapatid. Gamitin ang mga pandiwa at ang pukos na hinihing bawat bilang.
1. Nagmamahal (Tagaganap)
___________________________________________________________________________________________________________________

2. Nagtutulungan (Tagaganap)

3. Ibinigay (Layon)

4. Nagkakaisa (Tagaganap)

Pagsalin

Synchronous/face-face Engagement Task

Paglalahat
Magbigay ang guro ng mga katanungan sa mga mag-aaral upang masukat ang pag-unawa sa talakayan.
1. Paano mabisang magagamit sa paghahambing ang mga pandiwa na ang pukos ay sa tagaganap o sa layon?

Aplikasyon sa totoong buhay:

Paano maaaring mapanatili ang pagkakasundo at magadang samahan ng magkakapatd? Bakit mahalagang maging maayos ang relasyon ninyo sa
inyong mga magkakapatid
Pagtataya
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong pukos ng pandiwa (Tagaganap o Layon) ang mga sumusunod.

_______________ 1. Ang magkapatod ay nag-aaway nang matindi.

_______________ 2. Nagmamadaling umalis sa isla sina Pele at kaniyang pamilya.
_______________ 3. Ang itlog ay ipinagkatiwala ng magulang kay Pele.
_______________ 4. Ang apoy ay ginamit ni Pele laban sa kapatid.
_______________ 5. Naghanap ng matitirhan ang pamilya.
B. Sumulat ng isang talatang naghahambing tungkol sa isa sa sumusunod na mga paksa. Gamitin nang wasto ang pukos ng pandiwa sa tagaganap
at layon sa iyong paghahambing.
1. Mga tauhang ginagamit sa Alamat at mitolohiya
2. Mga pangyayari sa mito at Alamat
3. Mga tagpuang ginagamit sa mito at Alamat.

Cascade the transfer goal from stage 2

You might also like