Nang Magkakulay Ang Nayon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Nang Magkakulay ang Nayon

Kuwento at Guhit ni SAN DELA ROSA ARAGON

Noong araw, laging malungkot si Juanito.


Kasi, malungkot sa nayon ni Juanito.
Malungkot ang nayon ng alikabok.
Walang kulay ang bahay.
Walang kulay ang mga hayop at halaman.

Walang araw sa nayon ng alikabok.


Lahat ng bagay ay may alikabok.
Tamad maglinis ang mga tao.
Mahilig maglasing ang mga lalaki.
Mahilig matulog ang mga babae.

Isang araw, dumating ang isang lalaki.


Nakita ni Juanito ang lalaki.
Ibang-iba ang dumating na lalaki.
Mas mabilis lumakad ang lalaki.
Masaya ang mukha
At may kulay ang damit nito.

Ibig maupo ng lalaki.


Puro alikabok ang mga upuan sa tindahan.
Nilinis ng lalaki ang isang upuan.
Nilinis niya pati ang sandalan ng upuan.
Nagulat si Juanito.
May kulay pala ang upuan!
Kulay pula ang upuan.

Nilinis din ni Juanito ang isang upuan.


Kulay asul ang upuan niyang nilinis.
Tuwang tuwa si Juanito sa paglilinis.
May dumating na ibang mga bata.
Nilinis din nila ang isang upuan.
Kulay dilaw naman ang upuan nilang nilinis.
Tuwang-tuwa sila sa paglilinis.

Kumuha ng panlinis ang mga bata.


May kumuha ng walis.
May kumuha ng basahan at tubig.
May kumuha ng eskoba at bunot.
Nilinis nila ang mga dingding ng bahay.
Tuwang-tuwa sila sa mga kulay ng dingding.
May dingding na kulay pula.
May dingding na kulay asul.
May dingding na kulay dilaw.

Nilinis nila ang mga halaman.


Kulay berde ang mga dahoon ng halaman.
Sumigla ang mga halaman.
Nilinis nila ang mga bulaklak.
Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak.
May bulaklak na kulay lila.
May bulaklak na kulay kahel.

Kumuha ng hagdan ang lalaki.


Umakyat siya sa hagdan at nilinis ang langit.
Lumitaw ang kulay ng ulap.
Lumitaw ang kulay ng araw.
Lalong sumaya ang paligid.
Lalong lumitaw ang mga kulay sa liwanag ng araw.
Nagising ang mga tao sa nayon ng alikabok.
Nahinto sa paglalasing ang mga lasenggo.
Nagulat sila sa nakitang mga kulay.
Tulong-tulong silang naglinis ng paligid.
Pagkatapos nilapitan nila ang lalaki.
Gusto nilang magpasalamat sa lalaki.
“Maraming salamat, ginoo,”
sabi ng mga taga-Alikabok sa lalaki
“Ako si Pintor,” sabi ng lalaki.
“Gusto kong pintahan ang inyong nayon.
Gusto ba ninyo akong tulungan
sa pagkukulay ng inyong palgid?”
sagot ng mga tao,
“Oo, halina’t kulayan ang ating paligid!”

“Kulayan natin ang mga kalabaw ay kabayo”

“Kulayan natin ang mga bungangkahoy”

Mula noon, masaya na si Juanito.


Masaya na rin ang buong nayon.
Hindi na tamad ang mga tao.
Binago nila ang pangalan ng kanilang nayon.
Ngayon, Bahaghari ang bagong pangaln
ng kanilang nayon.
Malinis at masaya ang nayon ng Bahaghari.

You might also like