Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Ang Buod ng

El
Filibusterismo
Kabanata 17-24
ni G22 - Arcee Sophia Tobillo
Kabanata 17
Ito ay nakatutok sa perya sa Quiapo kung saan nakita
ang iba't ibang uri ng libangan at pandaraya. Si Padre
Camorra ay naakit kay Paulita Gomez, na sumasalamin
sa pagnanasa ng mga prayle.
Kabanata 18
Ipinapakita dito ang malawakang korapsyon at ang mga
pandarayang ginagawa sa loob ng perya. Bukod pa dito
ay makikita rin ang sobrang takot ni Padre Salvi na
maibunyag ang kaniyang sikreto at kasalanan.
Kabanata 19
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga
nararanasang hirap ng isang tao kagaya ng nararanasan
ni Placido Penitente at minsan, ang pagnanais nito na
sumuko na lamang.
Kabanata 20
Sa kabanatang ito tinatalakay na kagaya ni Don
Custodio, mayroong mga lugar na tayo ay
napahahalagahan ng lubos ngunit sa iba ay hindi.
Kailangan lamang nating hanapin ang lugar kung saan
narerespeto ang ating halaga.
Kabanata 21
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng kaguluhan at
pagkakaiba-iba ng opinyon ng mga tao sa isang
pangyayari sa lipunan, pati na rin ang implikasyon nito
sa kasalukuyang kalagayan ng Maynila.
Kabanata 22
Sa isang maingay na dulaan, biglang tumayo ang mga
mag-aaral at lumabas habang si Isagani ay labis na
nabahala sa pagkakita kay Paulita kasama si Juanito
Pelaez. Tumaas ang tensyon nang ipahayag ang planong
akademya ng wikan kastila.
Kabanata 23
Dito naipapakita ang paghahanda upang maghimagsik
at makuha si Maria Clara ngunit namatay din si Maria
Clara noong hapong iyon ang sobra ang sakit na
naramdaman ni Simoun.
Kabanata 24
Nang magkita sina Paulita at Isagani, nagkaroon sila ng
malalim na usapan tungkol sa kanilang mga pangarap
at ang hinaharap ng kanilang bayan, kung saan
ipinahayag ni Isagani ang kanyang matinding pangako
sa pag-unlad ng Pilipinas habang si Paulita naman ay
nagpakita ng pag-aalinlangan sa mga ideyalismo ni
Isagani.
Kabanata 17-24
Sa walong kabanatang ito, nagpapakita ng pagsisinungaling
at pangungurakot ng mga opisyales at mga prayle, ang
pagkakaroon ng problema at paglagpas sa mga ito, ang
pagkaka-iba-iba ng pagpapahalaga sa tao depende kung
nasaan siya at kung sino ang kasama niya, ang kaguluhan ng
lipunan, ang pag-aalsa, ang pagbawi sa nakaraan, at ang
pagkakaroon ng iba’t-ibang ideyalismo. Buklod-buklod, ito ay
nagpapahayag ng kaguluhan ng lipunan dulot ng korapsyon,
ang sakit na nadudulot nito sa mga tao, at kung ano ang
handa silang gawin upang makawala sa sakit ng bayan na ito.
Maraming
Salamat po!

You might also like