Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mark John T.

Baliwang Ika – 11 ng Marso, 2024


PHOTO ESSAY – Tekstong Deskriptibo
Pamagat ng Larawan: Barko ng PCG at CCG, Muling Nagsalpukan

Philippine Coast Guard viaofReuters


Courtesy PCG

Ang larawan ay patungkol sa mga kaganapan sa pagitan ng barko ng PCG (Philippine Coast

Guard) at CCG (Chinese Coast Guard) malapit sa Second Thomas Shoal. Ang Second Thomas Shoal, na

kilala bilang Ayungin Shoal ng Pilipinas at Ren'ai Jiao ng China, ay nasa humigit-kumulang 200km (124

miles) mula sa kanlurang isla ng Palawan ng Pilipinas at higit sa 1,000km mula sa Southern Hainan

Island ng China.

Ang insidente ay naganap habang nagsasagawa ng escort mission ang PCG sa dalawang

sibilyang sasakyang-dagat na magdadala sana ng mga food supply para sa mga sundalong naka-assign sa

BRP Sierra Madre. Alas-sais ng madaling araw nang maganap ang insidente noong Ika- 5 ng Marso,

kung saan ang isa sa mga bangka (MRRV-4407) ng PCG ay dumanas ng "minor structural damage"

habang ang isa naman ay pinaulanan ng mga water cannon. Makikita sa kaliwang larawan ang isang

barkong Tsino (CCG vessel 21555) na tumatawid sa busog ng resupply ship ng Pilipinas at ang mga

tripulante ay nagmamadaling maghulog ng buoy sa pagitan ng mga barko. Dahil sa maagap na aksyon

ng mga coast guard sa paglalagay ng buoy, nagtamo lamang ng maliit na sira ang barko. Sa kanang
larawan naman makikita ang dalawang CCG vessels 21555 at 2155 na nag-deploy ng mga water

cannons nang sabay laban sa supply boat na UM4. Ayon sa video at report ng GMA Integrated News,

noong una, isa lamang ang barkong nag-deploy ng water cannon ngunit maya-maya pa ay dalawang

barko na ng CCG ang nagtulungan. Dahil sa lakas ng tubig, nabasag ang wind shield ng barko at apat na

tripulanteng sakay nito ang nasugatan. Sinabi ng Coast Guard ng China na nagsagawa sila ng

“regulatory actions” laban sa mga barko ng Pilipinas sa lugar, na inaakusahan ang mga ito ng pagpasok

sa tubig ng “ilegal”. Ngunit kung ating susuriin, ang mga aktibidad ng mga mangingisdang Pilipino at

ng PCG sa lugar ay naaayon sa mga pambansang batas at posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Malinaw na muling binalewala ng CCG ang Convention on the International Regulations for Preventing

Collisions at Sea.

Isa lamang ito sa mga pinakabagong pang-aabusong ginawa ng mga CCG sa mga Pilipinong

namamataan sa West Philippine Sea. Ang mga opisyal ng Pilipinas ay patuloy na nagbabantay sa ating

water economic zone upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng mga mangingisda at ng ating

bansa.

Sanggunian:

SAKSI RECAP: RORE mission sa Ayungin, binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard at Panibagong

panghaharas sa WPS, 2024. https://youtu.be/iB31cJgZocY?si=s5hKAMNA36iQXMY2

You might also like