Professional Documents
Culture Documents
Filipino 2 (4th Q)
Filipino 2 (4th Q)
o Nilalaman nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap. Importanteng
obhetibo ang interpretasyon ng manunulat para maging valid ang resulta ng pananaliksik.
Isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw,
patunayan o pasubalian.
Isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga
mapagkakatiwalaang magkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong.
Layunin ng Pananaliksik
1. Makatuklas ng mga bagong kaalaman mula sa mga nauna nang tuklas o kaalaman
2. Upang matugunan ang mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na pamamaraan at mga
impormasyon
3. Mapahusay ang mga umiiral na teknik at malinang ang mga bagong instrument o produkto.
6. Makagawa ng mga batayan sa pagpapasiya sa daigdig ng kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba
pang sector ng lipunan.
1. Dulog Historikal
Isinasasaalang-alang sa ganitong dulog sa pananaliksik ang katotohanang walang suliraning o isyu na basta na
lamang sumulpot sa mundo nang walang kaukulang kadahilanan. Ang lahat ng ito’y may pinagmulan Sa ganitong lapit ay
inaalam ng mananaliksik ang naging ugat o puno’t dulo ng suliraning ibig bigyan ng linaw o paliwanag. Bago simulan ang
ganitong pananaliksik kailangang malinaw na mailatag muna ng mananaliksik sang mga sumusunod:
Obhektibong inilalarawan ng mananaliksik ang suliranin nang walang halong pagmamanipula o pahkiling
(bias).kailangang maipresenta ang suliranin ayon sa kung paano ito nakalap o natagpuan nang hindi nababahiran ng
pagkontrol o distortion ng mananaliksik.
3. Debelopmental na Dulog
Sa ganitong lapit sa pananaliksik, inaalam ng mananaliksik ang naging yugto-yugtong ebolusyon ng suliranin o isyu
bago sinapit ang kasalukuyang kondisyon o kalahgayan.
Sa paggamit ng ganitong dulog sa pananaliksik, malaliman ang ginagawang pagsususri sa kaligiran ng isyu o suliranin.
Inihahambing sadulog na ito ang epekto sa sanhi at makro tungong maykro ang pangunahing konsiderasyon sa
ganitong dulog sa pananaliksik. Ibig sabihin, nagsisimula ito sa umiiral na suliranin, isyu, o kaso na sinusundan ng
pagdalumat o pagtukoy sa mga salik na nakapangyari sa mga ito.
7. Eksperimental na Dulog
Ginagamit ang ganitong dulog sa layuning makatuklas ng mga bagong kasanayang o pamamaraang maaring
magamit sa pagbibigay ng solusyon sa umiiral na suliranin o isyu.
Katangian ng Pananaliksik
Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan
2. OBHETIBO
Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinion o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi
nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri
Nakabatay sa kasalukuyang panahon ( tukoy nito ang petsa at taon ), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng
kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan
4. SISTEMATIKO
5. KRITIKAL
Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito
ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik
6. EMPIRIKAL
Kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik
7. DOKUMENTADO
Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng
mga ito.
Katangian ng Mananaliksik
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan; sa pagsisiguro sa lahat ng
panig ng pagsisiyasat; at sa pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon, komento at rekomendasyon.
4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito.
Panimula
Nagbibigay linaw sa mga katanungang maaring gumugulo sa isipan ng mga mambabasa sa isinasagawang
pananaliksik.
Ipnaliliwanag sa bagaing ito ang detalyadong dahilan kung bakit napakahalaga ng paksa ng pag-aaral.
Batayang teoretikal
Inilalarawan at ipinaliliwanag sa bahgaing ito ng pananaliksik ang mga teoryang pinagbatayn ng isinsagawang pag-
aaral.
Balangkas Konseptwal
Sa bahaging ito ng pananaliksik matatagpuan ang mga dayagram o paradaym na siyang nagpapakita kung paano
nabuo binuo ang isinagawang pag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin
Ang bahaging ito naman ay kakkikitaan ng malinaw, tiyak at lohikal ma pahayag ng kabuuan ng suliranin.
Hypotesis o Asumpsyon
Inilalahad ng mga bahaging ito ang mga teorya ng mga kaugnay na literature at pag-aaral na maaring pinatotohanan
o pinasubalian ng kasalukuyang isinasagawang pag-aaral o pananaliksik. Ginagamit ang Asumpsyon sa kung walang
baryabol na sususbukin sa paraang istadistikal samantalang ang Hipotesis nman ang dapat gamitin kung susubukin ang
pagkakaroon ng makabuluhang pagkakaiba pagkaka-ugnay ng mga ginamit baryabol sa pamamagitan ng kalkulasyon ng
komputasyong istadistika.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Kung ano ang magiging silbi o benepisyo ng mga tao sa pananaliksik na isasagawa.
Sa bahaging ito mabibigyang linaw ang mambabasa hinggil sa mga pagkakagamit ng mga kataga o salita sa loob ng
isinasagawang pananaliksik.
Disenyo ng Pananaliksik
Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na disenyo ng pananaliksik Kadalasang dikriptiv- analitik dahil di ito ang para sa
mga baguhang mananaliksik dahil di itonangangailangan ng paggamit ng masalimuot na gamit ng istadistik maaring
suriin lamang ito ng mga datos impormasyon na nakalap bunga ng isinagawang sarbey.
Ito ang ginagamit na pamamaraan sa pagkuha ng sampol ng populasyon na maaring gawan ng pag-aaral o kaya’y
tutugon sa mga talatanungan ng pananaliksik.
Inilalahad ditto ang mga instrument na ginamit sa pag-aaral halimbawa: talatanungan, Obrserbasyon at
Pakikipanayam
Inilalarawan sa bahaging ito ang pagkakasunod-sunod na hakbang kung paano naipamahagi ang mga ginamit na
instrument.
Koputasyong Istadistika
Inilalahad sa bahaging ito ang ginamit na pormula sa pagkompyut ng mga nakalap na datos.
Pagsusuri
Interpretasyon
Sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag dito ang pansariling implikasyon at resulta
ng pananaliksik.
Paliwanag/pagsusuri
Dito naka lagay ang paliwanag batay sa interpretasyon ng datos na nakuha sa pananaliksik.
Mga Konklusyon
Rekomendasyon
Maaring magmungkahi na pagpapatuloy sa dati nang naisagawang pananaliksi.
BASIC RESEARCH
Sa unang pagkakataon na gagawa ng sulating pananaliksik, lubhang napakahirap pumili ng paksang susulatin,
karaniwang nagiging suliranin ng mga gagawa ng pananaliksik ay kung ano ang kanilang magiging suliranin sa pag-aaral.
May iba't ibang paraan upang pumili ng paksa, ang unang dapat gawin ng isang mag-aaral ng pananaliksik ay bumasa
nang bumasa ng mga tisis, disertasyon, mga dyornal at iba pang may kaugnayan sa pananaliksik o pag-aaral.
Narito ang pangkalahatang prinisipyo ng Lalong Mataas na Edukasyon sa Pananaliksik: Pangkalahatang Prinisipyo sa
pananaliksik ng Lalong Mataas na Edukasyon (CHED).
1. Pananaliksik ang pangunahing ekspresyon ng makabago at malikhaing kapangyarihan ng indibidwal.
Kinakailangan matiyak ng sektor ng lalong mataas na edukasyon na ang kaligirang pang-akademiko ay
mangangalaga at tutustos sa kasanayang pananaliksik ng mga Pilipino.
2. Lumalago ang pananaliksik sa kapaligirang may malayang daloy ng impormasyon, katapatan at masusing
pagpapalitan ng mga ideya, at nakatutulong na palisiya at istrukturang administratibo. Ang mga palisiya ng
Lalong Mataas na Edukasyon ay kinakailangan magpahusay sa kapasidad ng institusyon at indibidwal na
kakayahan na makapagsasagawa nang malaya, kolaboratibo at produktibong pananaliksik.
3. Isa sa mga pangunahing tungkulin ng sektor ng Lalong mataas na edukasyon ang pananaliksik. Partikular sa mga
pamantasan ay inaasahang manguna sa pagsasagawa nang nakabatay sa disiplina, nakatuon sa palisiya, nakagaya
sa teknololohiya at makabago/malikhaing mga pananaliksik na tumutugon sa pangangailangang lokal at
kompetibong global.
Kasama sa layunin at tunguhin ng adyenda ng pananaliksik ng NHERA (National Higher Education Research Agenda)
ay matulungan ang mga tunguhin ng mataas na antas at kompetibong global na manggagawa, makalikha/makapagsalin
ng kaalaman at teknolohiya para sa pagpapahusay ng produksyon at kalidad ng buhay upang mabawasan ang kahirapan
at masiguro ang nakatutugong kaunlaran ng bansa. Ang sumusunod na layunin ay kinakailangan maisakatuparan sa ilalim
ng NHERA (National Higher Research Agenda):
1. Paunlarin ang kakayahang pang pananaliksik ng HEI's partikular sa mga pamantasan ng Pilipinas na ang pangunahing
tunguhin ay makalikha ng mga kaalaman tungo sa pang-internasyonal na kagalingan;
2. Pag-ibayuhin ang pagsasagawa ng pananaliksik ng mga HEI's sa iba't ibang salik ng kagalingan
3. Makalikha ng mga kaalaman/teknolohiyang kakailangan para sa:
c. Pagpapaunlad ng mga inobatibong programa sa pinakamahusay na larangan ng lalong mataas na edukasyon (Hal. ng
technology technology, and materials science); at
1. Programa/kurikular na mga pag- aaral sa Lalong mataas na Edukasyon-kabilang ang pagtataya ng kasalukuyang mga
programa/kurikula sa layuning malaman kung paano ito mapauunlad/maisasaayos kasabay ng pagtunghay sa
pinakamahuhusay na pagsasakatuparan sa mga kalahating bansa tungo sa pagbuo ng mga bagong programa/kurikula sa
mga nangungunang mga disiplina
2. Mga pag-aaral sa Pagbuo ng mga Palisiya- Pananaliksik sa iba't ibang dimensiyon ng pag- babalangkas ng palisiya,
implementasyon, pagmomonitor at ebalwasyon na nakapokus ngunit hindi limitado sa sumusunod:
a. Paggugol sa Lalong Mataas na Edukasyon; pagbabaha- bahagi ng pananalapi sa Lalong Mataas na Edukasyon
c. Ekwibalensi
4. Teknolohiya at Edukasyon
9. Iba pang mga paksang pampananaliksik na itinatalaga ng komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon bilang tugon sa
umuusbong na pangangailangan ng bansa
Pambansang plano para sa Agham at Teknolohiya (National Science and Technology Plan o NSTP) 2002-2020 Ang
Pokus ng Agham at Teknolohiya ng NSTP ay:
Biyoteknolohiya
Maykroelektroniko
Pangingisda at Akwakultyur
Pangkapaligiran
Mga Enerhiya
Agham-Materyal at Inhenherhiya
1. Kaligtasan at Kaseguruhan sa Pagkain. Sa pagsasaalang -alang sa ating bansa na madalas tamaan ng mga natural na
panganib at sakuna at sa patuloy na paglago ng populasyon, napakahalaga sa mga mamamayan na masiguro ang mura at
ligtas na pagkain sa kanilang hapag.
2. Mapahusay ang mga Katutubong Nababagong Enerhiya sa Pambansang Ambag sa Enerhiya. Ang pagpapataas sa
bahagdan ng katutubong pinangagalingan ng enerhiya bilang ambag sa pambansang paggamit ng enerhiya ay hindi
lamang magdudulot ng pagtitipid sa dolyar, at proteksyon sa kalikasan, higit pa rito, masiguro ang karalatan sa enerhiya.
Ang paghahanap, pagpapaunlad at pagsasamantala sa paggamit ng nababagong enerhiya ay makapagdudulot ng multi-
disiplinaryo dulog.
3. Paglinang ng mga bakuna at kit na dayagnostiko gamit ang mga katutubong materyales. Ang mga umuusbong at pag-
usbong ng mga sakit ay lantad na bantang parehiyon at pandaigdig. Kailangan maging handa ang bansa sa mga ito sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng karampatang lunas at nakahandang mga bakuna at mga kit na pangdayagnostiko.
5. Pagkontrol sa Polusyon. Kailangan aralin ang mga isyung pangkalikasan na nakaaapekto sa kalupaan, hangin at
katubigan. Sa isang bansa gaya ng Pilipinas, kinakailangan matiyak na ang pag-unlad ay hindi magkokompromiso sa
pagkasira ng kalikasan
6. Pagbabago ng klima na ispesipikong nakatutok sa isyu ng Global na Pag-init. Ang apat na pundasyon na Bali Action
plan na tumutukoy sa a) Pagpigil b) Adaptasyon c) Pagsasalin-teknolohiya, at d) pinansyal na pangangailangan ay
mayaman sa hanguan ng multidisiplinaryong gawang pananaliksik. Kung isasaalang-alang ang mga isyu ng pagbabago ng
klima ay may kinalaman sa hinaharap, higit na kakailanganin ang holistikong dulog.
7. Hinaharap ng ASEAN. Sa pagsasakatuparan ng kasunduan ng ASEAN noong 2015, ang rehiyon ay magiging isang
komunidad. Ang ASEAN ay magkakaroon ng sariling legal na personalidad. Sa pagpoproseso, ang kagyat pag-aaral kung
paano palakarin ang rehiyon ay kinakailangan mapag-aralan.
8. Prosesong pangkapayapaan at paglutas sa Tunggalian. Ito ay mayamang hanguan na paksang pananaliksik. Ang mga
matutuklasan ay maaring magamit sa pamamahala, palisiya at pagtatakda ng direksyon sa pagitan ng mga tunggalian.
2. Telebisyon
isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital television
3. Dyaryo at Magasin
pag-ukulan ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinyon, editoryal at mga artikulo
ang mga pangyayari at mga bagong kalakaran sa paligid ay maaring maging paksa
5. Sa sarili
may mga tanong kang naghahanap ng kasagutan subalit hindi mo naman basta maihanap ng kasagutan
may interes ka ka o mga bagay na curious ka at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito
1. Kasapatan ng datos – Kinakailangang may sapat na impormasyon na tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti ang
datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.
2. Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung hanggang kailan lamang
pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya
nangangailangan ng mahabang panahon para maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal. May mga paksang
masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik
sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na pera.
4. Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay
makakatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.
5. Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay gagawin mo para makuha
ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at
matatapos mo ng komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.
Paksang napapanahon
2. Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho sa mapipiling paksa ng mga kaibigan mo.
a. Alin- alin sa mga ito ang magiging kawili -wiling gawin o saliksikin para sa iyo?
b. Bakit ka interesado dito?
h. Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon?
Lagyan ng check (/) ang mga paksang maaari mong ipursige bilang paksa sa iyong pananaliksik.
5. Paglilimita ng paksa
Nilimitahang Paksa:
- Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa kanilang Gawaing Pang-
akademiko.
- Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del
Pilar Hign School at ang Epekto Nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko.
Ang Tentatibong Bibliyograpi ay pansamantalang talaan ng mga hanguang kaalamang nakalap na tutugon sa mga
natukoy na suliranin ng pananaliksik.
1. Nilalaman. Kasama sa bibliyograpi na ito ang mga limbag na artikulo gaya ng aklat atbp. Mga limbag na artikulo na
maaring nakuha mula sa infotrac o iba pang databeys. Maari ring magamit ang mga hinango sa internet, hangga’t maari
ay kumuha nang hindi bababa sa 10 hanguan sa may iba’t ibang uri.
Maraming mananaliksik lalo na at nag-aaral pa lamang ang sadyang umaasa nang husto sa mga nakukuha sa internet,
maaaring ito ay kagamit-gamit sa ibang pananaliksik, at madaling paraan ngunit hindi ito ang pinakamabisang paraan ng
paghahanguan ng kaalaman. Ngunit kung ang makikita o makukuha sa internet ay ang mismong dokumento, artikulo o
aklat na naka e-book, at may katumbas na limbag na babasahin, maaaring ito ay maging kagamit-gamit at bigyang halaga
ang orihinal na babasahin.
2. Anyo. Bawat pinagkunan o pinaghanguan ng kaalaman ay kinakailangang maiformat at sang-ayon sa APA (American
Psychological Association) o kaya naman ay MLA (Modern Language Association). Bawat paaralan o pamantasan ay may
kani-kaniyang pagnanais kung ano ang kanilang gagamitin. Sa pamamagitan ng mga ito ay madaling maitatala ang mga
pinaghanguang kaalaman. Nasa mga susunod na pahina ang panuntunan sa pagtatala.
Huwag na huwag kakaligtaan ang pagtatala ng lahat ng materyales na pinagkunan ng kaalaman o datos na ginamit sa
pananaliksik, hangga’t maari ay gumamit ng mga index card na paglalagyan nito o kaya naman ay sa hulihang bahagi ng
bawat sinipi o kinuhang mga impormasyon.
Sa Istilong American Psychological Association o APA isinusulat ang Bibliyograpi nang nakapasok ang ikalawang linya
ng 5 espasyo.
Halimwbawa:
Ramos, J. (1996). Pulitika ng Pagpili/Paggamit ng Wika sa Lipunang Pilipino, Mga Diskurso sa Wika at Lipunan. Lungsod
Quezon: UP Press.
Nakatala sa ibaba ang mga format ng paggawa ng bibliyograpi sang-ayon sa mga pinagkuhan ng datos.
AKLAT
Halimbawa:
Agular, J. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod ng Maynila: Jenher’s Publishing House
Nicol, A. M., at Pexman, P. M. (1999). Presenting your findings: A practical guide for creating tables. Washington, DC:
American Psychological Assocation.
ENSAYKLOPIDYA AT DIKSYONARYO
Halimbawa:
Bergmann, P. G. (1993). Relativity. In The new encyclopedia Britannica (Bol.26, p.501-508). Chicago: Encyclopedia
Britannica.
Merriam-Webster’s collegiate dictionary (10th ed). (1993). Springfield MA: Merriam Webster.
Apelyido ng Awtor, Unang Inisyal. (Petsa ng Publikasyon). Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng Magazin/Pahayagan,
Bilang ng Bolyum, (Bilang ng Isyu). Pahina.
Paalala: Huwag ipaloloob sa panipi ang Pamagat ng Artikulo. Lagyan ng tuldok sa katapusan ng Pamagat. Kung ang
pahayagan ay naglagay ng bilang ng bloyum, isulat ito ng italisado at isunod ang pahina nang hindi na nilalagyan ng
tangdang “p”. Ngunit kung hindi naman ito naglagay ng bilang ng bolyum, lagyan ng “p” sa unahan ng bilang ng pahina.
Halimbawa:
Henry, W. A., III (1990, April 9.). Making the grade in today’s schools. Time, 135,28-31.(Pansinin: walang “p” para sa
bilang ng pahina 28-31)
Kalette, D. (1986, July 21.). California town counts town to big quake. USA Today, 9,p. A1. (Pansinin: mayroong “p” para
sa bilang ng pahina A1)
kabuuang URL
ONLINE NA DOKUMENTO
Pangalan ng Awtor. (Petsa ng Publikasyon). Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng Dokumento. Bilang ng Bolyum, Buwan
at Araw, Taon na nakalap, mula sa Kabuuang URL
Halimbawa:
Devitt, T. (2001, August2). Lightning injures four at music festival. The Why? Files. Retrieved January 23, 2002,
from http://whyfiles.org/137lightning/index.html
Pinakagamitin ang MLA (Modern Language Association) na istilo sa pagsulat at pagbanggit ng mga hanguang
kaalaman sa mga pananaliksik sa larangan ng sining-liberal at humanidades. Ito ay mula sa MLA Handbuk na ikawalong
esdisyon. Nasa ibaba ang pangkalahatang format sa pagbabanggit ng mga pinaghanguang kaalaman.
May akda. Pamagat. Pamagat ng pinaghanguang (sariling nilalaman kung aklat), iba pang kontribyutor (tagasalin o
editor), Bersiyon (edisyon), Bilang (volyum. At/o blg.) Pabliser, Petsa ng Publikasyon, Lokasyon (pahina, talata URL o DOI).
Ika-2 pamagat ng pinaghanguan, iba pang kontribyutor, Bersiyon, Bilang, Bilang Pabliser, Petsa ng publikasyon, Lokasyon
Petsa ng pag-akses (kung nararapat).
Pangalan ng awtor o ang aklat na nag-iisa ang awtor ay mauuna ang Apelyido, susundan ng unang pangalan. Narito
ang pangunahing ayos:
Augilar, Jennifor. Pamagat ng Akademikong Filipino. Jenher Publising House 2010. Prudente, Nemensio, Quest for
Justice. Bagong Katipunan Foundation,2007.
Katulad ng format ng aklat na may isang awtor, gayundin ang gagawin sa dalawang awtor, na mauuna ang apelyido,
pangalan, ng pangunahing awtor at ang ikalawa naman ay mauuna ang pangalan bago ang apelyido.
Gillespie, Paula, and Neal Lerner. The Allyn and Bacon Guide to Peer Tutoring. Allyn and Bacon, 2000.
Kung tatlo o higit pa ang mga awtor, isulat lamang ang apelyido at pangalan ng pangunahing awtor at susundan ng
pariralang “et al.” .(Latin para sa “at iba pa”) bilang tugon sa pangalan ng sumunod na mga awtor (Tandaan na may
tuldok pagkatapos ng “al” sa “et al.” tandaan din na walang tuldok pagkatapos ng “et al.”).
Wysocki, Anne Frances, et al. Writing New Meda: Theory and Applicants for Expanding the Teaching Composition. Utah
State UP, 2004.
DALAWA O HIGIT PANG AKLAT NANG PAREHONG AWTOR
Ayusin ang mga pamagat ng aklat nang paalpabeto. Isulat ang apelyido, pangalan ng awtor sa unang aklat lamang.
Para sa mga susunod na mga aklat ay maglagay ng tatlong gitling at tuldok.
Palmer, William J. Dickens and New Historicism. St. Martin’s 1997 .---. The Films of the Eighties: A Social History. Southern
lllinois UP, 1993’
Maaring ang mga tanggapan ay Komisyon, Komite, Ahensiya ng gobyerno o grupo na hindi itinatalang indibidwal ang
mga kasapi sa pahina ng pamagat. Ipalit lamang sa pangalan ng awtor ang pangalan ng tanggapan o organisayon at
gawin ang karaniwang format.
Kapag ang awtor at pabliser ay parehas, laktawan ang awtor, at itala ang unang pamagat. Pagkatapos, isulat ang
tanggapang awtor lamang bilang pabliser.
Isulat ang pamagat ng aklat. Isama ito nang paalpabeto kasama ng mga aklat na may pangalan ng mga awtor.
Kung gusting bigyang tuon ang akda kaysa sa tagapagsalin, itala ito gaya ng pagtatala sa mga aklat. Idagdag ang
katagang “isinalin ni “at isunod ang pangalan ng tagapagsalin.
Foucault, Michel. Madness and Civilization: A History of Insanity in the Age of Reason. Translated by Richard Howard,
Vintage-Random House, 1988.
Kung nais naman bigyang tuon ay ang salin, itala ang tagapagsalin bilang awtor kapalit ng pangalan ng awtor, ang
kaniyang pangalan ay susundan ng katagang, “tagapagsalin.” Kung ang awtor ng libro ay hindi nakatala sa pamagat ng
aklat, ilagay ang kaniyang pangalan, nang may “Ni” sa pagitan ng pamagat ng aklat at pabliser. Tandaan na ang ganitong
pagtatala ay hindi masyadong gamtin at gagamitin lamang sa mga papel o sulatin na may malaking gampanin ang
pagsasalin.
Halimbawa:
Howard, Richard, tagasalin, Madness and Civilization: A History of Insanity in the Age of Reason. Ni Michel Faucault,
Vintage-Random House, 1998.
Nalilimbag muli ang mga aklat dahil sa kasikatan nito nang hindi gumagawa ng bagong edisyon. Ang bagong edisyon
ay karaniwang rebisyon ng orihinal na gawa. Para sa mga aklat, na una nang nailimbag sa mas maagang petsa, at muling
nailimbag, isulat ang orihinal na petsa ng unang publikasyon bago ang iba pang impormasyon.
Para naman sa mga aklat na may bagong edisyon, (na iba muna sa unang edisyon ng libro), tunghayan ang Mga
Edisyon ng Aklat sa ibaba.
Mayroong dalawang uri ng edisyon ng paglilimbag ng aklat: ang nailimbag nang higit sa isa na may magkakaibang
edisyon at ang aklat na inihanda ng iba o panibagong awtor (kadalasan ng editor).
There are two types of editions in book publishing: a book that has been published more than once in different editions
and a book that is prepared by someone other than the author (typically an editor).
MAGKAKASUNOD NA EDISYON
Itala ang aklat ng normal na ginagawa, ngunit idagdag ang bilang ng edisyon pagkatapos ng pamagat.
Crowley, Sharon, and Debra Hawhee. Ancient Rhetoric for Contemporary Students. Ikatlong edisyon., Pearson, 2004.
Itala ang aklat gaya ng normal na ginagawa, ngunit idagdag ang editor pagkatapos ng pamagat nang may nakasulat
na, “Inedit ni”.
Bronte, Charlotte. Jane Eyre. Inedit ni Margaret Smith, Oxford UP, 1988. Antolohiya o Koleksiyon (hal. Koleksiyon ng mga
Sanaysay)
Sa pagtatala ng kabuuang antolohiya o koleksiyon, isulat ang editor (mga editor) kasunod ng gitling o “editor” o
maraming editor, “maraming editor.” Ang ganitong pagtatala ay bihira. Kung ikaw ang nagtatala ng tiyak na akda sa loob
ng antolohiya o koleksiyon (higit na karaniwan), tunghayan ang Mga Akda sa loob ng Antolohiya, Sanggunian, o
Koleksiyon sa ibaba.
Hill, Charles A., at Maguerite Helmers, mga editor. Defining Visual Rhetorics. Lawrence Erlbaum Association, 2004.
Peterson, Nancy J., editor Toni Morrison: Critical and Theoretical Approaches. Johns Hopkins UP, 1997.
Ang akda ay maaring naglalaman ng sanaysay sa isang inedit na koleksiyon o antolohiya, o kabanata ng aklat. Ang
pangunahing anyo ng ganitong pagtatala ay ang sumusunod:
Apelyido, Pangalan, “Pamagat ng Sanaysay.” Pamagat ng Koleksiyon, Inedit ni Pangalan ng Editor (mga editor), Pabliser,
Taon, Pahina, saklaw ng entri.
Ilang halimbawa:
Harris, Muriel. “Talk to Me: Engaging Reluctant Writers.” A Tutor’s Guide: Helping Writers One to One, inedit ni Ben
Rafoth, Heinemann, 2000, pahina. 24-34.
Swanson, Gunnar. “Graphic Design Education as a Liberal Art: Design and Knowledge in the University and the ‘Real
World. ‘” The Education of a Graphic Designer , inedit ni Steven Heller, Allworth Press,1998, pahina. 12-24.
Tandaan na sa pagkokros-referens ng ilang aytem mula sa isang antolohiya: kung binanggit nang higit sa isang
sanaysay mula sa parehas na inedit na koleksiyon, ipinahihiwatig ng MLA na maaring magkros-referens sa inyong mga
talang akda nang maiwasan ang pagsulat ng bawat publisadong impormasyon sa bawat magkakahiwalay na sanaysay.
Kailangang ikonsidera ang posisyon na ito kung higit sa isa ang sanggunian ng isang teksto. Upang magawa ito, maglagay
ng hiwalay na entri para sa kabuuang koleksyong naitala sa pamamagitan ng pangalan ng editor gaya ng nasa ibaba.
Rose, Shirley K., at Irwin Weiser, mga editor. The writing Program Administrator as Researcher. Heinemann, 1999.
Pagkatapos, sa bawat sanaysay mula sa koleksiyon, itala ang pangalan ng awtor na mauuna ang apelyido, pangalan,
pamagat ng sanaysay, apelyido ng editor, at saklaw na pahina.
L’Eplattenier, Barbara. “Finding Ourseives in the Past: An Argument for Historical Work on WPAs. “Rose at Weiser, pahina
131-40.
Peeples, Tim. ‘Seeing’ the WPA with / Through Postmodern Mapping.” Rose at Weiser, paniha. 153-67.
Mangyaring tandaan: sa pagkokros-referens ng mga aytem sa mga talaan ng gawang banggit, kailangang panatilihin
ang pagkakaayos paalpabeto ng buong listahan.
Burns, Robert. “Red, Red Rose.” 100 Best-Loved Poems, inedit ni Philip Smith, Dover, 1995, p. 26.
Kincaid, Jamaica. “Girl.” The Vintage Book of Contemporary American Short Stories, inedit ni Tobias Wolff, Vintage, 1994,
pp. 306-07.
Kung ang ispesipikong akdang literatura ay bahagi ng koleksiyon ng awtor (lahat ng akda na may iisang awtor), sa
gayon ay wala nang editor na ilalagay sa reperensiya:
Whitman, Walt. “I Sing the Body Electric. “Piling mga tula. Dover, 1991, pahina. 12-19.
Carter, Angela. “The Tiger’s Bride.” Burning Your Boats: Koleksiyon ng mga Maikling Kwento. Penguin, pahina. 154-69.
Para sa mga entri sa ensayklopidiya, diksyonaryo, at iba pang sanggunian akda, itala ito gaya ng pagtatala ng iba pang
akda sa mga koleksiyon ngunit huwag isasama ang impormasyon sa pabliser. Gayondin, kung ang sangguniang aklat ay
isinaayos nang paalpabeto, gaya ng karamihan, huwag itala ang bolyum o pahina ng artikulo o aytem.
Sa pagtatala ng isang volyum sa maramihang volyum na akda, isama ang bilang ng volyum pagkatapos ng pamagat
ng akda, o pagkatapos ng editor ng akda o tagasalin.
Kapag nagtatala higit sa isang volyum sa maramihang volyum na akda, itala ang kabuuang bilang ng mga volyum.
Gayondin, siguruhin na sa pagtatala sa loob ng teksto na maibigay ang bilang ng volyum at mga pahina. (Tunghayan ang
Pagtatala ng Akdang Maramihang Volyum sa maakses sa pamamagitan ng pagtulunton sa nararapat na link sa ibaba ng
pahinang ito).
Kung ang volyum na ginagamit ay may sariling pamagat, itala ang aklat nang hindi tumutukoy sa iba pang volyum na
tila ito ay isang hiwalay na publikasyon.
Sa pagtatala ng instroduksyon, Panimulang Salita, Pangwakas na Salita, isulat ang pangalan ng (mga) awtor ng
akdang nais itala. Pagkatapos ay ibigay ang pangalan ng bahaging itinatala, nang hindi na italisado na akdang nakapaloob
sa panipi; sa italisado , ilagay ang pangalan ng akda at pangalan ng awtor ng instroduksyon/panimulang salita/pangwakas
na salita. Tapusin ang pagtatala sa paglalagay ng mga detalye ng publikasyon at saklaw na pahina.
Farrell, Thomas B. Panimula. Norms of Rhetorical Culture, ni Farrell, Yale UP , 1993, pahina .1-13.
Kung ang manunulat ng akda ay iba sa awtor ng kabuoang aklat, isulat ang buong pangalan ng pangunahing may
akda pagkatapos ng katagang “Ni.” Halimbawa, kung itatala si Hugh Dalziel Duncan’s sa kaniyang panimula sa aklat ni
Kenneth Burke na Permanence and Change, isusulat mo ang entri nang ganito.
Duncan, Hugh Dalziel. Panimula. Performance and Change: An Anatomy of Purpose, Ni Kenneth Burke, 1935, Ikatlong
ed., U of California P, 1984, pahina. Xiii-xliv.
May mga tiyak na hanguang aklat na itinatala ng istilong MLA sa ispesyal na paraan.
Ang mga orihinal na sipi ng libro na nailimbag bago mag-1900 ay karaniwang nakikilala sa lugar ng paglilimbag kaysa
sa pabliser. Maliban na lamang kung gumagamit ng bagong edisyon, itala ang siyudad ng publikasyon na karaniwang
isinusulat ang pabliser.
Alalahanin na ang iyong panloob na teksto (pampanaklong na pagtatala) ay kinakailangang naglalaman ng pangalan
ng ispesipikong edisyon ng Biblia, susundan ito ng abrebasyon ng aklat, kabanata at talata.
The Bible. The New Oxford Annotated Version, 3rd ed., Oxford UP, 2001.
PUBLIKASYON NG GOBYERNO
Itala ang awtor ng publikasyon kung may tiyak na awtor. Kung hindi naman, simulan ito sa pangalan ng pambansang
gobyerno, susundan ng ahensiya (kasama ng mga maliit na dibisyon at ahensiya) na nagsisilbing awtor ng organisasyon.
Para sa mga dokumentong pangkongreso, tiyakin na isama ang bilang ng kongreso at sesyon na ginaganap ang pagdinig o
resolusyong ipinasa gayundin ang bilang ng report.
United States, Congress, Senate, Committee on Energy and Natural Resources. Hearing on the Geopolitics of Oil.
Government Printing Office, 2007. 110th Congress, 1st session, Senate Report111-8.
United States, Government Accountability Office. Climate Change: EPA and DOE Should Do More to Encourage Progress
Under Two Voluntary Programs. Government Printing Office,2006.
PAMPLET
Itala ang pamagat at impormasyon ng publikasyon sa pamphlet gaya ng pagtatala sa aklat nang walang awtor. Ang
mga pamphlet at mga promosyonal na materyales ay karaniwang mayroong korporeyt na awtor (komisyon, komite, o iba
pang pangkat na hindi naglalagay ng indibidwal na pangalan ng kasapi ng grupo). Kung ang pamphlet ay may awtor o
may korporeyt na awtor, ilagay sa lugar na inilalagay ang pangalan ng awtor sa simula ng entri.
Women’s Health Problems of the Digestive System. American College of Obstetricians and Gynecologist, 2006.
Your Right Under California Welfare Programs. California Department of Social Services, 2007
DISERTASYON AT TISIS
Ang mga Disertasyon at Tisis pangmasterado ay maaring magamit bilang hanguan maging ito man ay publisado o
hindi. Itala ang akda katulad ng pagtatala ng aklat, ngunit isama ang designation (Disertasyon o MA/MS tisis) susundan
ito ng pangalan ng pamantasan/kolehiyo at taon na naigawad ang digri kung ang disertasyon ay publisado, gawaing
italisado ang pamagat at isama ang petsa ng publikasyon. Maari ding isama ang bilang ng University Microfile
International (UMI) kung nanaisin.
Bishop, Karen lynn. Documenting Instutional Identity; Strategic Writing in the IUPUI Comprehensive Campaign.
Dissertation, Purdue University, 2002. UMI,2004.
Bile, Jeffery. Ecology, Feminism, and a Revised Critical Rhetoric: Toward a Dialectical Partnership. Dissertation, Ohio
University, 2005, UMI, 2006. AAT 3191701.
Kung ang akda ay hindi publisado, ilagay ang pamagat nang may panipi at magtapos sa petsa na iginawad ang digri.
Aguilar, J. L.. “Industriyal na Teknolohiya: Isang Mungkahing Leksikon.” Disertasyon, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute
of Science and Technology, 2005.
Carmen, Ricardo. “The Teaching of College Social Science Subjects in Filipino, An Appraisal.” MA Thesis, Centro Escolar
University, 1994.
Sa paghango ng mga kaalaman muna sa iba’t ibang teksto o sulatin, kinakailangang mabigyang kredito ang sinumang
pinaggalingan o pinaghanguan ng impormasyon. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng parentikal ng pagtatala gaya ng
iminungkahi ng American Psychology Assocation (A.P.A)
1. Binabanggit ang pangalan ng awtor sa mismong teksto at ikinukulong sa panaklong ang taon ng publikasyon.
Halimbawa:
Sinabi ni Freedman (1987), na hindi dapat umaasa ang guro sa iisang aklat, sa iisang pamamaraan at iisang karanasan
lamang na mag-aakay sa mga mag-aaral iisang landas ng paglago.
2. Kapag hindi nabanggit sa teksto ang apelyido ng awtor, isulat ito sa hulihan o katapusan ng pahayag kasama ng taon
publikasyon na pinaghihiwalay ng kuwit sa loob ng panaklong.
Halimbawa:
Ang lipunang nalalapit sa panahon ng kompyuter at satelayt ay di mahahatak ng tsadisyonal na Sistema ng Sistema ng
edukasyon na nananatili sa paggamit ng pisara at batayang aklat sa pagtuturo kaya”t nagangailangan ng paggamit ng
modyular na pagdulog (Cavert, 1986).
3. Kung ang nabanggit na pangalan ng awtor ay may kasama pang dalawa o higit pa, isinusulat ang et.al. matapos ang
kanyang apelyido at kuwit, saka isulat ang taon o publikasyon sa loob ng panaklong.
Halimbawa:
Sinabi nina Freedman et.al (1987), na hindi dapat umaasa ang guro sa iisang aklat, sa iisang pamamaraan at iisang
karanasan lamang na mag-aakay sa mga mag-aaral sa iisang landas ng paglago. Hindi dapat umaasa ang guro sa iisang
aklat, sa iisang pamamaraan at iisang karanasan lamang na mag-aakay sa mga mag-aaral sa iisang landas ng paglago
(Freedman et.al., 1987)
4. Sa pagkakataong dalawa ang awtor, kinakailangang banggitin ang apelyido ng dalawa kasama ang taon ng
publikasyon.
Halimbawa:
Ipinakita nina Postlethwaite at Wiley (1991), ang kakayahan ng modyul at kadalian nitong magamit sa iba’t ibang uri ng
lugar at iba’t ibang paaralan. Kung ang modyul man ay maliit, madali itong rebisahin at inaayos upang mapalawak ang
nasasakop nito at maari ring gumagamit na iba’t ibang pagdulog na makasasapat sa paggmit nito nang hindi gagastos
nang malaki at walang malaking epektong idudulot.
Ang kakayahan ng modyul at kadalian nitong magamit sa iba’t ibang uri ng lugar at iba’t ibang paaralan. Kung ang
modyul man ay maliit, madali itong rebisahin at isaayos upang mapalawak ang nasasakop nito at maari ring gumamit ng
iba’t ibang pandulog na makasasapat sa paggamit nito nang hindi gagastos nang malaki at walang malaking epektong
idudulot (Postlethwaite at Wiley, 1991).
5. Sa pagkakataon magkaparehas ang apelyido ng dalawang awtor, banggitin ang kanilang inisyal bago ang apelyido at
saka isunod ang taon ng publikasyon.
Halimbawa:
Inilarawan nina G. Zaide at S. Zaide (1994) si Dr. Jose Rizal bilang isang halimbawa ng natatanging Pilipino na
nagagayakan ng katalinuhan na naging pinakamagaling na pambansang bayani ng bayang Pilipinas. Si Dr. Jose Rizal
bilang isang halimbawa ng natatanging Pilipino na nagagayakan ng katalinuhan na naging pinakamagalaing na
pambansang bayani ng bayang Pilipinas (G. Zaide at S. Zaide, 1994).
6. Kung ang impormasyong nakuha ay pamagat lamang, banggitin ang maikling bersyon ng pamagat at saka itala ang
taon ng publikasyon. Ipaloob sa panipi ang pamagat o kaya’y itayp ng italisado.
Halimbawa:
Ang Pamantasang Bayan (Open University) ay nakatalaga upang maglaan at magtaguyod ng aksesibong kalidad ng
edukasyon/sanayan sa pamamagitan ng, open learning system, para sa kabuuang paglago ng bawat indibidwal;
partikular sa mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad at sa hamon ng daigdig ng imformation
technology na nakaugat sa makataong pagpapahalaga (PUP Open University Printer, 1998)
Ang Pamantasang Bayan (Open University) ay nakatalaga upang maglaan at magtaguyod ng aksesibong kalidad ng
edukasyon/sanayan sa pamamagitan ng, open learning system, para sa kabuuang paglago ng bawat indibidwal; partikular
sa mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad at sa hamon ng daigdig ng imformation technology sa
nakaugat sa makataong pagpapahalaga (“PUP Open University Printer.” 1998).
7. Kapag ang akda ay mayroong higit sa isang bolyum, Ikulong sa panaklong ang apelyido ng awtor, isunod ang bilang ng
bolyum, tutuldok (:) at ang taon ng publikasyon.
Halimbawa:
Ang teoryang Individual Difference ay nagtuturo na ang bawat nilalang ay maaring magkatulad sa maraming bagay
subalit ang bawat isa ay maiuuri sa iba ayon sa kanilang pagiging ganap, karanasan, kakayahan at antas ng pagkatuto.
(Good 2: 1992)
Laging tatandaan na inilalagay ang mga talang parentikal pagkatapos ng salita o ideyang hiniram at bago ilagay ang
panapos na bantas ng pahayag.
Halimbawa:
Ang teoryang Individual Difference ay nagtuturo na ang bawat nilalang ay maaring magkatulad sa maraming bagay
subalit ang bawat isa ay maiuuri sa iba ayon sa kanilang pagiging ganap, karanasan, kakayahan at antas ng pagkatuto.
(Good 2: 1992)
Laging tatandaan na inilalagay ang mga talang parentikal pagkatapos ng salita o ideyang hiniram at bago ilagay ang
panapos na bantas ng pahayag.
Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik. Isang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang
framework o balangkas ng paksang bubuuin (Atienza, 1996).
PAKSA
RASYONAL o LAYUNIN
Isang pagpapaliwanag sa dahilan kung bakit gagawin ang pananaliksik. Maaaring isagawa ito sa isa-isang
pamamaraan o sa patalatang pamamaraan.
Tinatalakay rin sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo at/o matuklasan ng mga mag-aaral sa pananaliksik
PAMAMARAAN
Tumutukoy sa paraan ng mga mananaliksik na gagamitin sa pagbuo ng sulatin. Tinutukoy rito ang paraan ng
pangangalap ng datos tulad ng sarbey, interbyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon at iba pa.
PANIMULA
Introduktoring pagtalakay ito. Kailangang mabigyan ng bird’s eye view ang mga mambabasa tungkol sa
pananaliksik.
PAGTALAKAY
Talakayin dito ang mga datos o impormasyong nakalap. Gamitin ang mga sipi, buod at parapreys sa iyong
mga note cards.
Huwag kalilimutang kilalanin ang iyong mga hanguan sa pamamagitan ng in-text o end-text citation sa bahaging
ito (maging sa Panimula).
LAGOM
KONGKLUSYON
REKOMENDASYON
Maglahad dito ng ilang mga mungkahi kaugnay ng iyong mga natuklasan
Sapat nang iayos nang paalpabeto ang mga entris nang walang sub-classifications.
APENDIKS
Maaring magdadag dito ng mga liham, larawan, bio-data ng mga mananaliksik at iba pa.
TISIS PROPOSAL
Sa pormal na anyo ng pananaliksik, ang tisis proposal ay karaniwang ipinapasa upang makapagsimula sa pagdaloy ng
kabuoang proyektong pananaliksik. Karaniwan itong binubuo ng unang tatlong kabanata sa depensang oral na may
ganitong balangkas.
Panimula
Batayang Teoretikal
Balangkas konseptwal
Paglalahad ng Suliranin
Asampsyon/Hipotesis
Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Instrumento sa Pananaliksik
Kompyutasyong Istadistika
Pinakamahirap na suliranin ng isang mananaliksik ang pagpili at paghanap ng Suliranin ng Pag-aaral. Hindi madaling
pumili ng suliranin na siyang magiging paksa nang isasagawang pananaliksik. Nagiging mahirap lamang ang bahaging ito
kung hindi palabasa o hindi palaaral ang naitalagang mananaliksik o kaya naman ay napilitan lamang magsaliksik dahil isa
ito sa mga kahingian ng kursong kinukuha.
Napakaraming maaring paghanguan ng suliranin para sa isasagawang pananaliksik lalo na sa panahong ito na
panahon ng elektroniko. Higit ring makakatulong kung magbabasa muna ng mga tisis o kaya’y disertasyon na siyang
mapaghahanguan ng mga maaring paksa o suliranin ng nais na isagawang pananaliksik.
Sarili. Ang mayamang karanasan ng tao ay isa nang sapat na hanguan ng maaring piliing suliranin o paksa ng pag-
aaral.
Brodkast Midya. Malaki ang maitutulong sa paggalugad ng suliranin ang pakikinig at panonood ng mga balita at
mga programa sa radyo at telebisyon na tumatalakay sa mga mahahalaga at napapanahong isyu ng lipunan.
Mapagkakatiwalaang Tao. Maraming ideya ang maaaring makuha mula sa pagtatanung-tanong sa mga taong
makapagkakatiwalaan lalo’t higit sa larangang kanilang kinabibilangan.
Internet. Hindi na maiaalis sa bawat mag-aaral ang mabilisang pagpindot sa mga search engine gaya
ng google at yahoo.com kapag may ninanais na hanapin o masagot na paksa.
Laybrari. Karaniwang tinatamad na ang mga mag-aaral na magtungo sa laybrari kapag may kinakailangang
saliksikin. Hindi maitatanggi na ang pinakamadali at pinakamaraming datos na maaaring pagbatayan sa paggawa
ng isang pananaliksik ay ang mga nauna nang naisagawang pag-aaral.
· Panahon. Huwag basta-basta gumawa o pumili ng suliranin nang hindi naisasaalang-alang ang panahong
gugugulin sa pagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral. Kung mangangailangan nang mahaba-habang panahon
gayong isang semestre lamang ang inilaan sa inyo sa pagsulat ng pananaliksik ay palitan agad ito ng makasasapat
lamang sa panahong itinalaga ng inyong guro.
Pinansyal. Huwag mangarap nang masyadong malaking uri ng pananaliksik nang hindi naman kakayanin ng iyong
pinansyal na kapasidad. Pumili lamang ng mga pananaliksik ayon sa iyong kakayanang pinansyal dahil maaring
maging dahilan pa ito ng pagkaantala o hindi pagkatapos ng isinasagawang pananaliksik.
Paksa. Siguraduhin na ang paksa na iyong gagawan ng pananaliksik ay may malaking kaugnayan sa kurso na iyong
kinukuha. Ipaubaya mo na sa iba ang mga paksang para sa kurso nila. Halimbawa, kung ang iyong kurso ay
pagnenegosyo, humanap ng paksang patungkol sa pagnenegosyo, kung edukasyon naman ay humanap rin ng
paksang patungkol sa edukasyon. Makatutulong nang malaki sa isang mananaliksik na higit na mapag-aralan ang
larangang kinabibilangan kung ang paksang gagawan ng pananaliksik ay patungkol sa kursong kinabibilangan.
Pagnanais. Mahirap pilitin ang isang tao na gumawa nang wala sa kanyang interes. Masarap mangalap ng datos
sang-ayon sa kawilihan ng taong gumagawa nito. Hindi na nangangailangan pang magpilitan sa paggawa kung ito
ang interes ng kanyang puso at dumadaloy sa ugat ng kaniyang pagkatao.
Kailangang maisaayos ang suliranin sang-ayon sa kasaklawan at hangganan nito. Mabibigyan ng direksyon at pokus
ang isang pananaliksik at maiiwasan ang sabog-sabog na pagtalakay sa suliranin kung ito ay maisasaayos nang wasto.
Maaring mabigyang hangganan o limitasyon ang pananaliksik ayon sa sumusunod:
Panahon. Kailan nagsimula at kailan magtatapos ang isinagawang pananaliksik. Halimbawa: isang semestre, isang
taon, atbp.
Edad. Anong sakop na edad lamang ang gagawan ng pananaliksik? Halimbawa, sa mga mag-aaral na edad 15-18
lamang sa halip na buong bilang ng mga mag-aaral ang sakop ng pananaliksik.
Kasarian. Maaari pa ring lagyan ng limitasyon ang pananaliksik sang-ayon sa kasarian. Gaya na lamang ng
halimbawang naibigay sa itaas patungkol sa paghahanggan sa edad ay maari pang gawing puro babae o lalaki
lamang ang tutugon o gagawan ng pag-aaral
Perspektibo. Pwede pa ring malimitahan ang paksa o suliranin kung depende sa perspektibo gaya ng sosyal,
emosyonal, ispiritwal, ekonomikal at iba pa.
Propesyon. Maaring sa isang salik lamang ng propesyon ipokus ang gagawing pananaliksik. Halimbawa, para sa
mga vendor, guro, atbp.
Tiyak na Kaso. Maaring tiyakin o tukuyin ang partikular na kaso batay sa malakihang suliranin. Halimbawa: Pag-
aaklas Laban sa Pagtataas ng Tultion Fee: Sa kaso ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
Maaaring madali ang paggawa o pagsulat ng suliranin kung isasaalang-alang ang sumusunod:
Halimbawa:
Mula sa suliranin ay kinakailangan lumikha ng mga tiyak na suliranin upang matugunan ito. Mula sa mayroong
suliranin ay kinakailangan itong hati-hatiin upang maging ispesipiko sa paglutas ng kabuuan nito. Sa halimbawang
suliranin sa itaas,
1. Anu-ano ang mga Kalakasan, Kahinaan, Panganib at Pagkakataon sa Sistema ng Pamamahala ng Agapay sa
Pamumuhay Credit Cooperation batay sa:
1.2 Laon
2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang katugunan ng mga tagapamahala at mga kasapi ng kooperatiba batay
sa mga nabanggit na batayan?
3. Anong Sistema ng pamamahala ang nararapat sa pagbuo ng mga negosyong kooperatibo batay sa naging pagtataya
ng mga tagapamahala at mga kasapi?
Ang Batayang Teoretikal ay set ng mga teorya na pinaghanguan ng kaisipan at pinagbatayan ng pormulasyon tungo
sa paglutas ng suliranin. Karaniwang ito ang siyang nagiging batayan sa pagbuo ng balangkas konseptwal.
Malaki ang silbi ng batayang teoretikal sa pagpapaliwanag ng mga kaisipan at kaalamang saklaw ng teoryang
pinagbatayan at pagbibigay ng mga rasyonale mula sa perspektibo ng mananaliksik. Magagamit rin ito sa balidasyon ng
mga nauna nang teorya sa kasalukuyang mga pangyayari.
http://www.businessballs.com
http://www.businessballs.com/personalitystylemodels.htm#david
Weber, Max (1947 tr.) The Theory of Social and Economic Organizations.Eds. A.H Henderson & T. Parsons. Glencoe, IL:
Free Press (first published, 1924).
Mula sa suliraning inilahad sa itaas ay maaaring gamitin ang Management Tools na SWOT (Strength, Weakness,
Opportunities and Threaths) upang higit na malinawan sa sistemang ginagamit ng isang cooperative.
Hipotesis
Inilalahad ng mga bahaging ito ang mga teorya ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na maaring pinatotohanan o
pinasubalian ng kasalukuyang isinasagawang pag-aaral o pananaliksik. Mula sa suliranin bilang 2 na nakalahad sa itaas
(Mayroong bang makabuluhang pagkakaiba ang katugunan ng mga tagapamahala ng mga kasapi ng kooperatiba batay sa
mga nabanggit na batayan?) ay makabubuo ng hipotesis.
Dahil sa mayroong katugunan kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng katugunan ng dalawang
baryabol, maaari itong bigyan ng dalawang klase ng hipotesis sa pamamagitan ng pagsagot rito kayat maaaring kahit alin
sa dalawa ang maging hipotesis.
1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang katugunan ng mga tagapamahala at mga kasapi ng kooperatiba batay sa mga
nabanggit na batayan.
2. Mayroong makabuluhang pagkakaiba ang katugunan ng mga tagapamahala at mga kasapi ng kooperatiba batay sa
mga nabanggit na batayan.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sino ba ang maaring makinabang sa isinasagawang pananaliksik at ano ang maaaring maging pakinabang nito sa
kanila?
Sa mga namamahala ng Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative. Maaring maging gabay ang mga kahihinatnan
na kalakasan, kahinaan, mga panganib at pagkakataon sa kabuuan ng sistema ng pamamahala ng kanilang kooperatiba.
Sa mga kasapi ng Agapay sa Pamumuhay Credit Cooperative. Magsisilbing batayan sa pagmimiyembro sa isang
kooperatibo ang kabatiran sa Sistema at pamamahala nito. Maari ring maglagay ng ilan pang mga kahalagahan ng pag-
aaral sa sumusunod:
Sa mga nagnanais na magtatag ng kooperatiba, sa mga Negosyante, sa mga susunod na mananaliksik at iba pa.
Hanggang saan ba ang kayang saklawin ng isinasagawang pananaliksik? Inihahayag sa bahaging ito ang kasaklawan
(nais na pag-aaralan) at hangganan (hindi sakop ng pag-aaralan) ng pananaliksik ilan sa mga ito ay ang pagpili ng mga
layunin at katanungan, mga baryabol na gagamitin, at mga gagamiting perspektibong teoretikal.
Hindi maiiwasan sa gawaing pananaliksik ang pagkakaroon ng mga terminolohiyang magagamit nang ispesipiko para
lamang sa isinasagawang pag-aaralan. Sa bahaging ito ay mabibigyang-linaw ng mambabasa ang hingil sa mga
pagkakagamit ng mga kataga o salita sa loob ng isinasagawang pag-aaral. Maaaring magkaroon ng dalawang klaseng
katuturan sa bahaging ito, ang teoritikal na katuturan at operasyonal na katuturan. Karaniwang makikita sa mga
diksyunaryo ang teoritikal na katuturan samantalang ang operasyonal naman ay sang-ayon sa paggamit nito sa kabuuan
ng manuskrito o pananaliksik.
Kinakailangan na ang mga pangunahing kataga sa suliranin ng pag-aaral ay mabigyan ng katuturan gayundin ang mga
pangunahing baryabol na nasa batayang teoretikal at batayang konseptuwal.
Kooperatiba. (TK) isang organisasyong pangnegosyo na pag-aari at pinatatakbo ng grupo ng mga indibidwal para
sa patas na benepisyo.
Kooperatiba. (OK) Sa mga bahagi ng kabanata 4, ito ang ginagamit bilang pagtukoy sa Agapay sa Pamumuhay
Credit Cooperative na siyang ng pag-aaral.
Tinalakay ni Gay (1976) ang ilan sa mga mahahalagang gampanin ng rebyu ng mga kaugnay na literartura at pag-
aaral. Narito ang sumusunod:
2. Napaghahanguan ito ng mga impormasyon ng mga nauna ngng saliksik na may kaugnayan sa gagawing pananaliksik.
Nakatutulong ito nang malaki upang maiwsan ang pagkakatulad ng paksa at nakatutulong din ito nang malaki sa
ksalukuyang mananaliksik upang mabatid kung ano pa ang kulang o nararapat na pagtuunan ng pansin sa gagawing pag-
aaral.
3. Nakapapagdaragdag ito ng kumpiyansa sa mananaliksik sapagkat nadalumat at nahimay na niya ang mga kaugnayan
na literature at pag-aaral na magpatibay sa kawastuhan ng kaniyang isinasagawang pananaliksik.
4. Nabibigyan ng ng kaalaman ang mananaliksik hinggil sa mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, pagkuha ng
sampol ng populasyon, mga instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga datos, maging ang mga komputasyong istadistika.
5. Napaghahanguan ito ng mga natuklasan, konklusyon at mga rekomendasyon ng mga nauna nang saliksik na maaring
magamit o maiugnay ng mananaliksik sa kaniyang mga matutuklasan at maaring maging konklusyon.
Ayon kay Fox (1969), ang literature ay maiuri bilang literarturang pananaliksik at literaturang konseptwal. Ang
literaturang pananaliksik ay tumutukoy publisadong ulat ng mga aktwal na saliksik, samantalang literaturang konseptwal
ay ang mga artikulo o kaya’y aklat na isinulat ng mga awtoridad na naglalaman ng kanilang mga opinyon, karanasan,
teorya o kaya’y ideya sa kung ano ang mabuti at masama, katanggap-tanggap at di katanggap-tanggap sa paksang
tinatalakay.
Iminungkahi ang ganitong pagkakasunod-sunod upang matalakay nang wasto at may pagkakaayos ang mga
nirebyung Literatura at Pananaliksik.
Unang inilagay ang literaturang lokal upang mabatid kung anu-anong konsepto, teorya, opinyon at iba pang
impormasyong tanggap at nagawa na ng mga Pilipino, pagkatapos nito ay ang pagtalakay naman sa mga literaturang
global upang Makita rin ang mga konsepto, teorya, opinyon at iba pang karanasan na tanggap sa buong daigdig.
Isinusunod ditto ang mga kaugnay na pag-aaral na lokal upang matunghayan ang mga naisagawa nang pananaliksik,
ulat at tuklas kaugnay sa isasagawang pag-aaral sa bangsang Pilipinas, matapos ito ay ang global o pandaigdigang
senaryo ng mga naisagawang pananaliksik na maaring paghanguan o pagbatayan ng mga pamamaraan, populasyon,
instrumentong gagamitin sa pagkalap ng datos, komputasyong istadistika at iba pa. ditto rin naihahabing ang mga
natuklasan at konklusyon na maaring kahinatnan ng isinasagawang pananaliksik.
Makatutulong nang malaki ang sumusunod na pammaraan sa paglalahad ng mga nakalap na Literatura at
Pananaliksik.
Ito ay pagkuha ng lahat ng salita o ideya mula sa libro, artikulo, manuskrito o aktwal na binigkas sa isang interbyu o
talumpati ng isang eksperto o manunulat. Anumang pahayag ang direktang sinipi ay kinakailangang ipaloob sa bantas na
panipi (““) bilang pagkakakilanlan.
Pagbubuod o Sinopsis
Ito ang pinaikling bersyon ng orihinal na teksto. Kunakailangang manatili ang pinakamahalagang ideya ng teksto sa
isinulat na buod.
Paggamit ng Presi
Ito naman ang pinakakatas ng o pinakabuod ng teksto. Pinananatili rito ang ayos ng mga orihinal na ideya. Maaring
gumamit ng mga sariling salita ngunit kinakailangang ang manatili ang orihinal na ideya teksto. Karaniwan na isang
katlong haba ang presi mula sa orinihal na teksto.
Pinananatili rito ang buong kaisipin ng tala ngunit hindi katulad ng presi, sariling mga salita ng mananaliksik ang
ginagamit pagahahayag. Nagbibigay ng sariling interpretasyon ang mananaliksik sa uring ito ngunit tinitiyak na ito ay
nakabatay sa nilalaman ng teksto.
Pagkuha ng Abstrak
Ang abstrak ay ang pangkalahatang ideya ng nilalaman ng teksto. Dito ang pinakakatas ng buong sulatin. Sa mga tisis, ito
ay karaniwang nasa unahang bahagi o kasama sa mga prelimenaryong pahina. Kinakailangan naglalaman ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa teksto ang abstrak ngunit kadalasay ang pinakasentro lamang ng ideya ang
makikita rito.
Pagsisintesis
Ito ay proseso ng pagbubuo ng iba’t ibang elemento sa pagkuha ng pinakapangnahing ideya. Ang mga bahaging
magkaugnay ay pagsasama-sama upang makabuo ng isang kaisipan.
Pagsasalin
Ang pasgsasalin ay proseso ng paglilipat ng ideya ng teksto mula sa ibang wika patungo sa wikang pagsasalinan.
MGA PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK
Si kerlinger (1973), ay lumikha ng isang iskema upang maiklasipika ang mga pamamaraan sa pananaliksik sang-ayon
sa layunin nito. Bawat pamamaraan ay tumutugon sa kung ano ang nilalayon ng pag-aaral. Narito ang sumusunod:
Historikal na Pamamaraan
Layon nitong muling dalumatin o balikan ang mga naganap o nangyari na at ang kaugnayan nito sa mga kasalukuyang
kaganapan.
Deskriptibong Pamamaraan
Mailarawan ang sistematiko ang katayuan o salik ng interes nang tumpak at makatotohanan.
Debelopmental na Pamamaraan
Masusing mapag-aralan ang bakgrawnd, kasalukuyang katayuan at kaligirang inter-asksyon ng isang indibidwal, pangkat,
institusyon o komunidad
INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK
Karaniwang nagiging instrument sa isang kwantitatibong pananaliksik ang paggawa ng mga talatanungan. Ito ang
pinakmabilis at mabisang instrumento sa pagkalap ng mga impormasyon.
Ang makukuhang bilang ng sampol ang siyang kakatawan sa kabuuan ng grupong gagagwan ng pananaliksik. Ito’y
isang istratehiya na hinahayaan ang mananaliksik na tipunin ang higit na maliit na grupo ng mga tao mula sa malaking
bilang ng populasyon nito at gamitin ang nakalap na impormasyon mula sa grupong ito na maging batayan sa magiging
katanungan ng kabuuan ng populasyon (Vorcell, 1983).
SAMPLING
Isang paraan na pagrerepresenta ng isang malaking populasyon gamit ang iilang porsyento nito.
Gumagamit ito ng maliit na parte ng populasyon upang makita ang kabuuan nito.
URI NG SAMPLING
Random Sampling - sa pamamaraang ito ay may pantay nam pagkakataon ang bawat kabahagi ng populasyon na
mapabilang sa sampol.
Halimbawa nito ay ang pagbunot ng pangalan sa isang lalagyan o yung tinatawag na fishbowl teknik.
Systematic Sampling – ito ay isang istratehiya sa pagpili ng maaring maging kabilang sa sampol ng populasyon sa
pamamagitan ng Sistema o pagkakataon.
Cluster sampling – ginagamit ito kung pipili ng sampol sang-ayon sa grupo o pangkat ng mga tao at hindi
indibidwal lamang.
Non-Random sampling – tinatawag din itong non-probability sampling. Hindi pantay-pantay ang tiyansa ng lahat
ng parte ng populasyon.
Purposive or deliberate sampling – ang kraytirya o layunin sa pagpili ng respondante ay siyang batayan sa pagpili
ng magiging sampol.
Quota sampling – sa uring ito, tinitiyak muna ang mahalagang katangian ng populasyon at saka pipili ng sampol
ng populasyon sang-ayon sa itinalagang quota.
Convenience sampling – ito ay pagkuha ng sampol o tagatugon pabor sa katayuan o kalagayan ng mananaliksik.
Laging tandaan na anumang paraan ang gamitin sa pagkuha ng sampol ay depende sa layunin ng pananaliksik.
Malaki ang maitutulong ng gurong-tagapayo kung alin sa mga pamamaraang ito ang gagamitin upang hindi magkamali sa
pagpili.
KOMPYUTASYONG ISTADISTIKA
Ayon kina Manuel at Mendel (1985), kinakailangan na ang isang mananaliksik ay maging maalam sa istdistika gaya ng
deskriptibo at infreresyal na istadistika. Ginagamit ang mga ito upang higit na masuri ang mga datos numerical nang sa
gayon ay mabigyang kahulugan ang mga ito.
ISTADISTIKANG DESKRIPTIB
Ginagamit ito upang matiyak ang katangian ng nakalap na datos. Inilalarawan at binibigyang katuturan nito ang
bawat impormasyon. Nahahati sa dalawa ang Istadistikang deskriptib: (1) Measures of Tendency o Istadistika ng Lokasyon
at (2) Measures of Variability
1. Measures of Central Tendency. Tinatawag din itong Istadistika ng Lokasyon. Ito ay maaring makuha sa pamamagitan
ng sumusunod
Arithmetic Mean. Ito ang kinompyut na average na ang kabuuan ng mga baryabol ay mahati sa bilang ng bawat
baryabol. Narito ang hakbang ng pagkompyut.
Halimbawa: 5, 3, 4, 4, 3, 1, 8 = 28
2. Matapos makuha ang kabuuan. Bilangin kung ilang bilang ang kinuhang kabuuan.
5, 3, 4, 4, 3, 1, 8
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7
28/7 = 4
Ang Arithmetic
Median. Kinakatwan nito ang punto ng isang iskala o distribusyon ng mga bilang na ang kalahating bahagi nya ay
ang mataas na bilang.
Weighted Average o weighted mean. Ang kabuuang product ng frequency at ang katumbas na bilang ng
baryabol ay hinahati sa kabuuang bilang frequency.
Measures of Variability. Tinatawag din itong istadistika ng iskala. Ito ay maaring makuha sa pamamagitan ng
sumusunod:
Standard Deviation. Ipinakikita nito ang sukatan kung gaano nag-deviate sa mean ang iskor ng kabuuang
pangkat. Tinatawag din itong root means square.
2. Inferesyal na Istadistika. Nahahati sa dalawa ang inferesyal na istadistika: Ang Parametric Test at Non- Parametric
Test.
Z-test. Ginagamit ito upang masubok ang makabuluhang pagkakaiba ng mga mean ng dalawang independeng
sampol. Karaniwang ginagamit ito kung higit o mas marami sa 30 ang sampol.
T-test. Ginagamit ito upang masubok ang makabuluhang pagkakaiba ng mga mean ng dalawang independenteng
sampol. Karaniwang ginagamit ito kung hindi hihigit o mas kaunti sa 30 ang sampol.
F-test. Ginagamit ito upang masubok ang makabuluhang pagkakaiba ng mga mean sa pagitan ng tatlo o higit
pang independenteng varyabol o sampol.
Sa Komputasyong wala sa normal na distribusyon ang mga datos, nagagamit ang mga Non-Parametric Tests, kasama
sa mga ito ang schi-square test at Krusakal-Wallis Test o H-Test.
Chi Square Test. Sinusubok rito ang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng naobserbahang frequency at ang
inaasahang frequency.
Kruskal-Wallis Test- o H Test. Isa ito sa mg alternatibong f-test para sa non-parametric test. Ginagamit ito upang
maikumpara ang 3 o higit pang independenteng baryabol.
Isa sa pinakagamiting instrument sa pangngalap ng datos ay ang talatanungan. Ang Philippine Social Services Council
Inc.noong taong 2000 ay nagbigay ng mga mungkahing tuntunin sa paglikha ng talatanungan. Narito ang sumusunod:
Huwag magbigay ng masyadong maraming katanungan nang hindi naman magagamit sa pagtugon ng mga
suliranin, (Nakababagot at nakapagdudulot ng kainipan sa panig ng tagatugon ang masyadong maraming
sasagutin. Hangga’t maari ay piliin lamang ang mga katanungan na kakailanganin upang malutas ang suliranin ng
iyong pananaliksik. kadalasan, sa pagpilit ng mananaliksik na makakuha ng mga datos ay nagiging masyadong
mahaba ang talatanungan na hindi naman kapaki-pakinabang para sa ginagawang panaliksik).
Siguruhin ang mga katanungan inilalahad ay kayang tugunin ng mga respondent. (huwag maglagay ng mga
katanungan wala sa lebel o kapasidad ng iyong tagatugon. Hanggat maari ay sikaping maging simple o payak
lamang ang mga katanungang ibibigay ngunit siguruhing ito ay makatutugon pa rin sa suliranin ng iyong
pananaliksik)
Siguraduhing ang talatanungan ay tutugunin ng respondent at hindi tatangihan nang dahil sa mga katanungan
sensitibo at masyadong personal. (Huwag ilagay sa kahihiyan ng mga napiling tagatugon o respondent ng iyong
pananaliksik. Maging responsible sa iyong mga itatanong at iwasang mayurakan ang karapatan ng iyong
respondent).
Gumamit ng mga simpleng salita, direkta at pamilyar sa mga respondente. Iwasan ang mga teknikal na termino
(maliban na lamang kung ang ginagawang pananaliksik ay patungkol sa teknikal) at gawing maluwag sa pang
unawa ng babasa ang iyong talatanungan.
Maging malinaw at ispesipiko sa mga ibibigay na tanong. Huwag maging maligoy o paikot-ikot sa mga ibibigay na
katanungan.
Huwag masyadong mahaba ang mga katanungan. Maaring makagulo pa sa babasa ng talatanungan kung
masyadong itong mahaba at baka iba ang diwang makintal sa kanayang kaisipan.
Humingi ng tulong sa mga eksperto para sa pag-edit at pag sasaayos ng nilikhang talatanungan.
PAGSASAAYOS NG DOKUMENTASYON
Itinuring na pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ang mga datos. Sa isang kabanata, nailahad ang mga datos na
nakalap, sinusuri at inihahambing sa mga nauna nang kaugnay na pananaliksik at binibigyang interpretasyon sa siyang
nagiging batayan para sa mga inaasahang matutuklasan, bubuuing konklusyon at magiging rekomendasyon ng
isinasagawang pananaliksik.
Laging tandaan ng mga datos na inilalahad ay ang mga tutugon sa suliranin ng pag aaral o pananaliksik kung kaya’t
marapat lamang na mailahad ang mga datos na ito sang ayon sa pagkakasunod- sunod ng mga suliranin. Malaki ang
maitutulong nang ganitong proseso sapagkat maiiwasan ang sobrang dami ng mga ilalagay ng mga talahanayan o datos
na hindi naman kakailangan na maari pang makapagdulot ng kalituhan sa panig ng mambabasa ng iyong pananaliksik.
Kinakailangan maging simple ang talahanayan at nakatuon sa limitadong bilang ng mga ideya. Huwag masyadong
maglalagay ng maraming mga bilang na maaring makagulo lamang sa kaisipan ng mambabasa. Tandaan na ang
isang mabuting talahanayan ay ang pagiging epektibo nito sa pagpapalutang ng mga ideya sa tekstwal na pag
papahayag ng mga datos.
Kung higit sa kalahating pahina ng papel ang laki ng talahanayan, sakupin na ang kabuuan ng isang pahina ng
talahanayan at gawing balance ito sa bawat panig. Kung maliit naman, isunod kaagad rito ang diskusyong
tekswal.
TALAHANAYAN 4
Ng Filipino at mga Administrador ng PUP pamantasang bayan sa Kraytirya ng Pangangailangan ng Modyul batay sa
nilalaman
Administrador
Aytem Guro (Mean) Kabuuang Marka Deskripstion
(Mean)
Gabay:
Nilalaman 4.70 4.70 4.70 Lubhang Kasiya-siya 4.50-5.00-
(mapapansin na sinakop na ang buong pahina para lamang sa isang talahanayan dahil sa ito ay higit sa kalahatiang
pahina)
TALAHANAYAN 1
Binata/dalaga 21 56 77 31.56%
Hiwalay - 3 3 1.23%
Balo/Biyudo - 2 2 0.82%
Nilalaman ng talahanayan 1 ang profayl ng mga tagatugon batay sa katayuang sibil. Makikita na ang mga tumugon na
binata at dalaga ay 21 sa panig ng mga dalubguro at 56 naman sa mga eksperto na may kabuuang bilang na 77 at may
katumbas na 31.56 na bahagdan. Ang mga kasal naman ay may bilang na 73 sa mga dalubguro at 89 sa mga eksperto at
may kabuuang bilang na 162 at may katumbas na 66.39 na bahagdan. Ang mga hiwalay naman ay nakukuha ng 3 sa mga
eksperto at wala sa panig ng mga dalubguro at may kabuuang 3 katumbas na 1.23 na bahagdan. Samantala ang mga
balo/biyudo ay wala sa panig ng mga dalubguro at 2 sa mga eksperto at may kabuuang 2 at katumbas na 0.82 na
bahagdan. Ang kabuuang bilang ng mga tumutugon sa mga guro ay 94 at 150 sa mga eksperto na umabot sa 244 at may
katumbas na 100.00 bahagdan.
(isinunod kaagad ang tekswal na deskripsyon dahil sa maliit lamang ang talahanayan)
Kinakailangan may katumbas na bilang ang bawat talahanayan na siyang babanggitin sa tekswal na paglalahad ng
mga datos at tiyaking nakatala pa rin sa itaas ng bawat bilang ng talahanayan ang pamagat ng talahanayan.
Ang salitang talahanayan ay kinakailangan naka sentro sa pagitan ng mga margin at nakasulat sa malaking titik at
sinundan ng bilang nito. Ang pamagat ng talahanayan ay iniilagagay nang dalawang espasyo sa ibaba ng salitang
talahanyan at nakaayos nang pabaligtad na piramide.
Ang pinakamataas na bahagi ng talahanayan ay dapat nakalagay nang 3 espasyo matapos ang pamagat nito.
Kailangang malinaw ang mga leybel ng bawat kolum. Maaring paigsiin ang mga salita at gumamit ng abrebasyon
katulad ng Blg., % at f (para sa frequency)
Kung may aytem na walang sumagot, huwag ilagay ang zero bagkus ay lagyan ito ng gatlang bilang katumbas ng
waang sagot.
Kung pinaigsi ang bilang sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga zero, kailangang banggitin sapamagat.
Ang mga marking may punto-desimal ay kinakailangang nakaalayan nang wasto upang makita ang kinakatwan
nitong bilang.
Sikaping huwag mahati ang mga talahanayan kung masyadong malaki, ngunit kung kailangan talagang hatiin,
lagyan ng punto ang bawat talahanayan.
Siguraduhing hindi lalagpas sa laki ng isang pahina ang talahanayan. Sakaling masyado itong malaki, gawan ng
paraan upang mapaliit o kaya’y gawing patagilid ang posisyon nito.
Inilalahad na nakapaloob sa bawat talahanayan nang parang naglallarawan ng isang larawan. Sinisimulan ito sa
pinakamataas na bahagi at inilalahad nang pakanan hanggang umabot sa pinakaibaba
TALAHANAYAN 1
Bilang Bahagdan
Binata/Dalaga 21 56 77 31.56%
Nilalaman ng talahanayan 1 ang profayl ng mga tagatugon batay sa katayuang sibil. Makikita na ang mga tumugon na
na binate at dalaga ay 21 sa panig ng mgadalubguro at 56 naman sa mga eksperto na may kabuuang bilang na 77 at may
katumbas na 31.56 na bahagdan. Ang mga kasal naman ay may bilang na 73 sa mga dalubguro at 89 sa mga eksperto at
may kabuuang bilang na 162 at may katumbas na 66.39 na bahagdan. Ang mga hiwalay naman ay nakakuha ng 3 sa mg
eksperti at wala sa panig ng mga dalubguro at may kabuuang 3 at katumbas na 1.23 na bahagdan. Samantala ang mga
balo/biyudo ay wala sa panig ng mga dalubguro at 2 sa mga eksperto at may kabuuang 2 at katumbas na 0.82 na
bahagdan. Ang kabuuang bilang ng mga tumugon sa mga guro ay 94 at 150 sa mga eksperto na umabot sa 244 at may
katumbas na 100.00% bahagdan.
Walang silbi ang anumang datos na nakalap sa isang pananaliksik kung hindi ito masusuri. Sa bahaging ito ay muling
babalikan ang mga kaugnay na mga literartura at pag-aaral (kabanata 2) at tutunghayan ang mga pinatotohanan at
pinasubaliang mga teorya, prinsipyo at mga tuklas sa mga naisagawa nang pananaliksik.
Kinakailangang maging mapanuri ang mananaliksik mga nakalap na datos upang makita ang mga maaring maiambag
na isinagawang pananaliksik.
TALAHANAYAN 4
Pagkakatugon
bilang kagamitang 4.54 4.52 4.53 Lubhang Kasiya-siya
pampagtuturo
Kraytirtya sa
pangangailangan ng
4.58 4.56 4.57 Lubhang Kasiya-siya
bawat bahagi ng
modyul
Kabuuang weighted
4.61 4.59 4.60 Lubhang Kasiya-siya
mean
Gabay:
Umabot sa 4.60 ang kabuuang weighted mean ng mga katugunan ng mga guro at administrador at deskripsyong
lubhang kasiya-siya. Pinakikita sa mga datos na ito na ang mungkahing modyul ay lubhang kasiya-siyang nakatugon sa
kraytirya ng mga nilalaman. Pinatotohanan ng pag-aaral na ito ang isinagawang pag-aaral ni San Miguel (1993), na ang
modyul ay 100 porsyentong iniendorso dahil sa kanilang pagtitimbang-timbang ayong sa layunin, nilalaman,
presentasyon, pagkakaayos, ay pagkaepektibo sa paggamit ng modyul.
Pinakasensitibo at pinakapinag-uusapang bahagi ng pananaliksik ang interpretasyon ng mga datos. Ito ang bahaging
idinedepensa ng mananaliksik. Narito ang ilan sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng interpretasyon.
Ang pinakamahalagang bahagi ng interpretasyon ay ang pagtugon sa mga layunin at suliraning itinalaga ng
pananaliksik.
Kinapapalooban ng kahulugan ng datos ang interpretasyon sa mg resulta ng mga nauna nang pananaliksik at mga
teorya sa pagbibigay linaw at pagbubukas ng kaalaman hiinggil sa paksang sinaliksik.
Pamamaraang ginamit sa pananaliksik, uri ng sampol at tiyak na bilang ng mga respondenteng ginamit o ginawan
ng pananaliksik
Mga pangunahing natuklasan na tumutugon sa mga suliranin at hipotesis ng pag aaral o pananaliksik.
PAGBUO NG KONKLUSYON
Isang malawak na pahayag ng paglalahat ang konklusyon na nakabatay sa mga natuklasan ng pag aaral. Kinakailangan
ang inillalahad na konklusyon ay nakabatay at suportado ng mga datos na natuklasan sap ag aaral. Huwag na huwag
maglalagay ng konklusyon nang hindi sinusuportahan ng mga datos.
PAGBUO NG REKOMENDASYON
Ang rekomendasyon ay pag bibigay ng mga mungkahi upang makapag ambag sa pagbubuo ng mga polisya,
pagpapaunlad sa mga kalakaran at istratehiya na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Maaring mahati sa dalawa ang
paglalahad ng rekomendasyon: (1) Ang ispesipikong rekomendasyon galling sa mga natuklasan at konklusyon ng pag
aaral at ang (2) pangkalahatang rekomendasyon.
Nakapokus ang ispesipikong rekomendasyon sa mga natuklasan at konklusyon ng pag aaral. Tinitgnan nito kung
papaanong ang mga natutuklasan ng pag aarl ay magagamit sa pagpapaunlad ng mga pertinenteng aspekto o baryabol
na nagging sabjek ng pag aaral. Ang Pangkalahatang rekomendasyon naman ay nakatuon sa mga mungkahing maaring
ipahatid na maaring gawin ng mga kaugnay na institusyon o kaya’y ng gobyerno para sa higit na pagpapalaganap o
paglikha ng mga programang may kaugnay sa paksa ng pananaliksik. Gayunpaman, kinakailangang nakabatay sa mga
natutuklasan ang ibibigay na rekomendasyon at hindi opinion lamang. kinakailangang kakitaan ito ng mga batayan o
ebidensya.
Maari ring isama sa rekomendasyon ang mga mungkahi para sa mas malawak pang pag aarak sa larangan ng
isinagawang pananaliksik.
Tunghayan sa kabanata 1 ang kahalagahan ng pag aaral at isaisahin ang mga ito na pag tutunan o bigyan ng
rekomendasyon batay sa iyong konklusyon.
Matapos ang pagsulat ng bawat bahagi ng iyong/inyong sulating pananaliksik, madalas nalilimutan ay ang pagsulat
ng pinal na draft, kaya't kadalasan ay naligwak o sumemplang sa mga planel na siyang paghahainan ng depensang oral.
Makakatutulong nang malaki kung bibigyang pansin ang sumusunod na tip sa pagsulat ng iyong pinal na draft:
KAAYUSAN
Kadalasan, dahil sa ginagawa nang pangkatan o grupo ang mga sulating pananaliksik, hindi ito nagkakaroon nang
kaayusan. Ang kaisipan ng bawat manunulat sa grupo o pangkat ay mahahalata habang binabasa ang pananaliksik.
Sa pagrerebisa upang malinang ang kaayusan, kinakailangang basahin at tignan ang daloy ng ideya ng kabuoang
bahagi ng sulatin at sa loob ng bawat talata. Laging ang sumusunod:
KAISAHAN
Nagiging makinis at Malaya ang daloy ng pangungusap kapag ito ay may kaisahan. Kadalasang nagkakagulo-gulo ang
diwa sa loob ng bawat pahayag kapag iba-iba ang nagsulat o hindi iisa ang sumulat ng bawat bahagi ng pananaliksik. Isa
pang dahilan ay ang bilang o dami ng mga pinaghanguan ng ideya mula sa iba't ibang aklat o awtor. Maaring
nagsasalungat ang mga ito, at dahil lamang sa kagustuhan ng kasalukuyang sumusulat ng pananaliksik na ito ay pahabain
o paramihin ang pahina, hindi na napapansing nagtutunggalian o nagsasalungatan na ang mga ideya ng sinusulat. Upang
maiwasan ang ganitong pangyayari, sikaping maisakatuparan ang sumusunod:
Tiyakin na ang iyong pambungad o panimula ay malinaw na makapag -uugnay sa iyong paksa. Huwag basta-basta
gumagamit ng mga kotasyon o anektado na hindi naman makatutugon sa ninanais mong ipahayag.
Siguruhin na ang bawat bahagi ng pananaliksik ay tutugon sa pinakapangunahing nais bigyang kalutasan ng
pananaliksik.
Tingnan kung nalagyan ng mga introduksyon o paliwanag ang mga inilahad na ma kotasyon
Linawin ang mga punto ng mga materyales na hinalaw mula sa ibang awtor.
Huwag hayaan na ang mga kaalamang inilahad sa iyong pananaliksik ay nanggaling lamang sa iisang aklat o awtor
na pinaghanguan.
ISTILO AT TONO
Kapag natiyak na ang nilalaman ng pananaliksik, maari nang rebisahin ang buong sulatin upang paunlarin ang istilo o
tono. Ang istilo at tono ang siyang magbibigay ng boses sa iyong pananaliksik. Ito ang nagpapaganda ng pananaliksik. Ang
istilo ay tumutukoy sa paraan ng gamit ng wika bilang manunulat sa istruktura sa pangungusap at pagpili ng mga salita.
Ang tono naman ay ang pagtrato sa paksa at mababasa.
Bagama't iba-iba ang pagtanggap sa istilo ng panulat sa iba't ibang disiplina, iisa ang layunin nito, ang maabot ang
mga mambabasa. Inihahalintulad sa isang tour guide ang isang manunulat. Sapagkat ginagabayan mo ang mambabasa sa
pagbibiyahe sa kabuoan ng iyong pananaliksik. Ang pagiging sobrang pormal ay maaring makapaglayo sa mambabasa at
pagiging sobrang palatawa naman ay maari ding makapagduda sa kanila. Kaya nga't dapat na maging balanse ang
paggamit ng wika at pagtrato sa iyong mambabasa. Upang maiwasan ang mga ito, kinakailangang tukuyin mo kung anong
klaseng mambabasa ba ang titingin ng iyong pananaliksik, at kung anong paksa ang iyong tinatalakay. Isang halimbawa
dito ay kung patungkol sa buhay at kamatayan, kinakailangan na maging pormal ang gamit ng mga kabataan, mararapat
lamang na gumamit ng wikang nauunawaan nila. Upang higit na mapalakas ang iyong sulating pananaliksik,
kinakailangan na maging tapat at diretso naayon, akamiko at seryoso ang pagpapahayag. Iwasan ang pagsulat sa unang
panauhan o yaong panay ang gamit ng kami, namin, ako atbp.
Halimbawa
Sa ginawa naming pananaliksik ay inalam ang mga naging tugon ng mga dalubguro sa kanilang pamumuhay.
Nagsikap kaming alamin ang mga suliranin at kasalukuyang gumagambala sa kanilang kaisipan sa pagtuturo....
Iwasan ang paggamit ng unang panauhan (ako, ko, kami, namin, atbp.)
Gumagamit ng mga pandiwa o salitang kilos upang maging aktibo ang daloy ng kaisipan.
Bigyang depinisyon o katuturan ang mga hindi pamilyar na mga termino o salita upang maunawaan ng
mambabasa.
Balansehin ang tono, huwag masyadong maging mapagdikta o kaya nama'y kawalan ng paniningdigan.
Gumamit ng salita
Napakahalaga sa istilo ang gamit ng salita. Anomang salita na gagamitin ay makaapekto nang malaki sa kabuoan ng
pahayag. Sikaping iwasan ang sumusunod:
Balbal
Pag-uulit ng pare-parehong parirala. (Ayon kay ... Sinabi ni ....) sa pagbanggit ng mga pinaghanguan ng datos o
pahayag. Sikaping gumamit ng mga pandiwa at ipaloob ito sa pangungusap.
Mga nakapanliliit na mga pahayag lalo na sa mga pangkat etniko o grupo ng mga tao.
Maging Konsistent
Sa pagrereserbisa, tiyakin na konsistent ang istilo sa kabuoan ng pananaliksik. Tunghayang muli ang mga ginamit na
mga salita, parirala at pangungusap kung ito ay tumutugon sa istilo na nais gamitin. Mas mainam na basahin at basahin
pang muli matapos ang mga isinagwang rebisyon. Makatutulong ang sumusunod na istratehiya:
Basahin nang malakas. Kadalasan, mas naitatama ng tainga ang mga mali kaysa sa nakikita lamang ng mata.
Ipabasa sa iba. Makipagpalitan sa ibang mambabasa na iyong mapagkakatiwalaan na maaring magbigay sa iyo
ng puna.
Iedit nang marahan ang iyong pananaliksik. Sa maharang pamamaraan, salita sa salita, parirala sa parirala at
pangungusap sa pangungusap, at talata sa talata. Markahan ang mga nakita mo na kaduda-duda sa iyong
pagbasa.
Matapos ang pagseserbisa, panahon na pars iedit ang papel batay sa dalawang aspekto:
2. Kamalian sa pagbanggit ng hanguang kaalaman (Tunghayan ang aralin hinggil sa APA at MLA)
19 Preliminaryong Pahina
MGA PREMINARYONG PAHINA NG PANANALIKSIK
Sa kabuoan ng sulating pananaliksik, may mga paunang pahina na binubuo ng sumusunod: pabalat, dahon ng paksa,
dahon ng pagpapatibay, dahon ng pasasalamat, paghahandog, talaan ng nilalaman, talaan ng talahanayan, talaan ng
figyur at abstrak.
Pabalat ng Pananaliksik. Ito ang pinakabalot sa kabuon ng sinulat na pananaliksik matapos itong maidepensa at maedit.
Karaniwang pinakabubukbaynd ito at ganito ang dapat na lamanin.
Fly leaf o blankong papel. Kinakailangan mayroong blangkong papel o tinatawag na flyleaf matapos ang pabalat ng aklat.
Kapag nagpapabukbaynd, inilalagay ito ng gumagawa upang maiwasang marumihan at maproteksyunan ang iba pang
bahagi o nilalaman ng pananaliksik.
Dahon ng paksa. Katulad ng nakatala sa pabalat ay mayroon pang dahon ng paksa na kinapapalooban ng: paksa, saan
isinumite ang pananaliksik, at kahingian ng anong kurso o digra, pangalan ng mga mananaliksik at kung kailan
naisakatuparan ang pananaliksik.
Dahon ng Pagpapatibay. Dito makikita ang kumpirmasyon ng tagapayo na naipasa sa kanya ang pananaliksik at
iminungkahing maitatag sa oral na pagsusulit. Nakatala rin dito ang marka na ibinigay sa oral na pagsusulit, mga pangalan
Dahon ng pasasalamat. Isinulat rito ng mga mananaliksik ang mga tao, institusyon at iba pang tuwiran at di-tuwirang
nakatulong sa pagsulat at pagkabuo ng pananaliksik.
Dahon ng Paghahandog (opsyonal). May mga gawang pananaliksik na naglalagay ng pahinang ito samantalang ang iba
naman ay wala nito. Malayang naisusulat at naipahahayag ng mananaliksik kung kanino niya/nila ihahandog ang obrang
nilikha.
Talaan ng Nilalaman. Sa bahaging ito makikita ang kabuoan ng balangkas ng isang sulating pananaliksik. Nakasulat sa
gawing kanan ang mga pahina kung saan matatagpuan ang bawat nilalaman ng pananaliksik.
Talaan ng Talahanayan. Ang pamagat ng bawat talahanayang ginagamit sa pananaliksik ay sinulat nang sunod-sunod at
sa gawing kanan nito nakasaad kung saang pahina ito matatagpuan.
Talaan ng Figyur. May mga pananaliksik na kinapapalooban ng mga figyur, grapiko o kayay''y larawan. Upang madaling
matunghayan ang mga ito ay nilalagyan din ito ng sariling talaan.
Abstrak. Pinakabuod o synopsis ng ng tisis ang abstrak. Dito nakatalata ang pamagat ng tisis, dulong pananaliksik,
pangalan ng mga mananaliksik, programang kurikulum, at ang nagsisilbing tagapayo. Kinakailangsng matalakay nang
maigsi ngunit sapat ang abstrak sa anyong naratibo ang sumusunod:
Pahina ng Paksa
Pahina ng Pagpapatibay
Halibawa ng Dahon ng Pasasalamat
Halibawa ng Dahon ng Paghahandog
Halimbawa ng Talaan ng Nilalaman
Halimbawa ng Talaan ng Talahanayan
Halimbawa ng Talaan ng Figyur
Halimbawa ng Abstrak