Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

GRADE

Leveled Reader

Ang Pamamasyal
ni Korina

Kuwento ni Maria Beatriz Davalos


Inedit ni Pia Zorayda Busiños
Guhit ni Alexandra Paredes

PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.


Leveled Reader in Filipino
Ang Pamamasyal ni Korina

Story by Maria Beatriz Davalos


Edited by Pia Zorayda Busiños
Illustrations by Alexandra Paredes
Reviewed by Angelika Jabines (DepEd Bureau of Learning Delivery),
Paolo Ven Paculan, and Jomar Empaynado
2016 by U.S. Agency for International Development (USAID)
Produced for the Department of Education under the Basa Pilipinas Program

Basa Pilipinas is USAID/Philippines’ flagship basic education project in support of the


Philippine Government’s early grade reading program. Implemented in close
collaboration with the Department of Education (DepEd), Basa Pilipinas aims to improve
the reading skills for at least one million early grade students in Filipino, English, and
selected Mother Tongues. This will be achieved by improving reading instruction, reading
delivery systems, and access to quality reading materials.

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any


means, electronic or mechanical, including photocopy, or any information storage and
retrieval system without permission from the publisher.

GOVERNMENT PROPERTY. NOT FOR SALE.

This publication was produced with the generous support of the American people
through the United States Agency for International Development (USAID) under the
Basa Pilipinas Project and the Department of Education.
Unang Bahagi

“Tatay, nagugutom na po ako. Puwede na po ba


tayong kumain?” tanong ni Korina sa amang
si Mang Mario.

Kinuha ni Mang Mario ang baong biskwit sa bag at


inabot sa anak. “O heto anak. Kainin mo muna itong
biskwit. Malayo pa kasi tayo sa pupuntahan natin.
Kakain na lang uli tayo pagdating natin doon,”
sagot naman ni Mang Mario.

Kasalukuyang nasa barko sina Mang Mario at Korina.


Naglalayag sila papunta sa isla ng Marinduque.
Manunulat kasi si Mang Mario. Madalas siyang
pumupunta sa iba’t ibang lugar upang mangalap
ng impormasyon sa mga artikulong kaniyang
sinusulat. Tulad ngayon, ipinadala si Mang Mario ng
kaniyang editor sa Marinduque. At dahil bakasyon
na, isinama niya si Korina doon. Mahilig mamasyal
ang anak kaya’t masaya itong sumama sa ama.
Kitang-kita sa kaniyang mga nagniningning na mata
ang pananabik sa maaaring madiskubre sa lakad
na ito.
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
1
Isang maliit na lalawigan ang Marinduque na bahagi ng
Rehiyon IV-B. Tinagurian itong “Puso ng Pilipinas” dahil
hugis puso ang isla nito na matatagpuan sa pinakasentro
ng bansa. Binubuo ito ng anim na bayan: Boac, Mogpog, Sta.
Cruz, Torrijos, Buenavista, at Gasan. Ang bayan ng Boac ang
kabisera ng probinsiya.

Isa ang Marinduque sa pinakatahimik at pinakamapayapang


lugar sa Pilipinas. Kilala rin ito sa taglay nitong likas na
yaman. Maganda ang klima rito kaya naman samu’t saring
halaman ang nabubuhay rito. May bundok din sa isla at iba’t
ibang anyong tubig kagaya ng talon at ilog.

Pagsasaka at pangingisda ang karaniwang hanapbuhay sa


lalawigan. Kopra naman ang pangunahing produkto nito.
Mga pinatuyong laman at bao ng niyog ang kopra. Maliban
dito, bigas, mais, at saging ang ilan pa sa mga produkto ng
probinsiya.

2 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Alam n’yo ba na hindi lang sa likas na yaman pinagpala ang
Marinduque? Mayaman din ito sa mga kuwento. Ilan sa mga
ito ang kuwento ng Marinduque at bundok ng Malindig.

Marinduque
Ayon sa alamat, mayroong magkasintahang nagngangalang
Marina at Garduke. Tutol ang ama ni Marina sa
pagmamahalan ng magkasintahan kaya inutos nito ang
pagpatay kay Garduke. Ngunit bago pa man mangyari
ang binabalak ng ama ni Marina, nagpakamatay ang
magkasintahan sa dagat. Sa lugar kung saan sila namatay
umusbong ang isla ng Marinduque.

Bundok ng Malindig
Ayon sa kuwento, naging kuta ng mga mananakop ang
bundok ng Malindig. Dito nagtago ang mga sundalong
Espanyol nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga
banyaga at mga Marinduqueño. Dahil hirap bigkasin ng mga
Espanyol ang pangalan ng bundok, ang noo’y pangalan nitong
Malindik na ibig sabihin ay mataas na lugar ay napalitan ng
Malindig.
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
3
Tumigil sandali si Mang Mario sa pagtipa sa
keyboard ng kaniyang laptop at tiningnan ang
katabi. Masyado yata siyang nakatutok sa kaniyang
ginagawa kaya’t hindi napansin na wala na sa
kaniyang tabi ang anak. Hinanap ni Mang Mario
si Korina sa loob ng cabin subalit hindi niya ito nakita.
“Nasaan na kaya ang batang iyon?” pag-aalala
ni Mang Mario.

Nakatayo si Korina
sa may balustre ng
barko at nakatanaw
sa papalapit na
isla. “Wow, ang
ganda talaga!”
namamanghang
sabi ni Korina. Tanaw
na mula sa kaniyang
kinaroroonan ang mga
halaman na tila saplot ng isla. Ang bughaw na tubig
ay patuloy rin na humahampas sa daungan, dala
ang mga hipon, isda, at iba pang yamang dagat sa
pag-agos.

“Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap,”


sabi Mang Mario at tumabi sa anak.

“Sorry po, ‘Tay. Nainip po kasi ako sa loob kaya


lumabas po ako,” paumanhin ni Korina.

“Okey lang, anak, pero sa susunod magpapaalam


ka, ha?” sabi ni Mang Mario.

“Opo, ‘Tay,” sagot naman ni Korina.

4 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Skill Builder 1
Skill Builder

Gawain: Maglista ng pitong pandiwa o


salitang kilos na makikita sa binasang teksto.

1) ___________________________________________
2) ___________________________________________
3) ___________________________________________
4) ___________________________________________
5) ___________________________________________
6) ___________________________________________
7) ___________________________________________

Pumili ng tatlong pandiwa o salitang kilos at


gamitin ang mga ito sa pangungusap.

1) ___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

2) ___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

3) ___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Maaaring isulat ang mga sagot sa papel o


kuwaderno.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
5
Ikalawang Bahagi

“Yehey! Nandito na tayo! Makakakain na rin tayo,”


nasasabik na sabi ni Korina.

Nginitian ni Mang Mario ang anak at dahan-dahang


inakay papunta sa isang gusali sa pier. Natigil sa
paglalakad si Mang Mario nang marinig ang biglang
pagtili ni Korina. “Bakit? Anong nangyari?” tanong
ni Mang Mario sa anak na pilit sumisiksik sa kaniyang
tagiliran.

“May halimaw, ‘Tay!”


nanginginig na sagot
ni Korina, sabay tago sa
likuran ng ama.

“Halimaw? Nasaan?”
tanong ni Mang Mario.
Pumuwesto siya na
parang karatista, handang ipagtanggol ang anak.

“Nakatayo po doon sa may pinto ng gusali,” sabi


ni Korina.

Hinanap ni Mang Mario ang tinutukoy ng anak.


Nang makita niya ang sinasabing halimaw, bigla
siyang tumawa. “Anak, hindi ‘yan halimaw. Morion
ang tawag sa kanila,” nakangising sabi ni Mang
Mario.

“Morion? Ano po ‘yon?”

6 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Morion ang tawag sa mga sundalong Romano noong
unang panahon. Tuwing Mahal na Araw, nagsusuot ang
mga mamamayan ng Marinduque ng damit at maskara, at
gumaganap na mga sundalong Romano. Makikita silang
naglalakad sa mga kalye ng probinsiya at kung may
prusisiyon. Napakarelihiyoso ng mga Marinduqueño at
isa ang pagmo-Morion sa mga paraan ng pagpapakita ng
kanilang pananampalataya. Ginugunita nito ang pagpapasakit
ni Kristo at ang sundalong Romano na tumusok sa kaniyang
tagiliran. Nagbalik-loob umano ang kawal na ito matapos
makita ang kabanalan ni Hesus.

Marami pang ibang tradisyon ang mga mamamayan ng


Marinduque. Isa na rito ang “putong” o kilala rin sa tawag
na “tubong.” Ang putong ay ang kinagawiang paraan ng
mga Marinduqueño sa pagsalubong ng mga bisita. May isang
grupo ng kababaihan na umaawit at sumasayaw habang
nakaupo’t nanonood ang mga bisita. Pagkatapos kumanta
at sumayaw, nagsasabog ang mga ito ng talulot ng mga
bulaklak at barya. Naniniwala ang mga Marinduqueño na
nagdadala ng suwerte ang mga barya.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
7
“Natatakot ka pa rin ba sa Morion,” tanong
ni Mang Mario.

Sumilip si Korina mula sa binabasang pamphlet.


“Hindi na po, ‘Tay. Pero, bakit po ganoon ang hitsura
nila? At bakit may dala po silang mga espada at
latigo?” tanong ni Korina.

“Ano bang sabi sa


pamphlet na binasa
mo?” ibinalik ni Mang
Mario ang tanong sa
anak.

“Ginagaya po nila
yung mga sundalong
Romano,” sagot
ni Korina.

“Tama, ganoon kasi ang hitsura ng mga sundalong


Romano noong unang siglo. Matapang ang
kanilang mga mukha. Nakasuot sila ng baluti at
may dalang mga armas na ginagamit nila sa
pakikidigma,” paliwanag ni Mang Mario.

Magtatanong pa sana si Korina nang bigla niyang


marinig ang nagrereklamong tiyan ng ama.
Nagkatinginan ang mag-ama at tumawa. “Halika
na po, ‘Tay. Mukhang nagugutom na po kayo,”
nakangiting sabi ni Korina.

8 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“Wow, ang daming pagkain!” tuwang-tuwang sabi
ni Korina, sabay dakot sa mga nakahain sa mesa.

“Dahan-dahan lang, anak. Baka mabilaukan ka,”


natatawang paalala ni Mang Mario sa anak.

“Ang sarap po kasi ng pagkain lalo na po itong


pastillas,” sabay subo ni Korina. “Ano nga po uli ang
tawag dito?”

“Anak, hindi pastillas ‘yan.


Uraro ang tawag diyan,”
sagot ni Mang Mario.

“Uraro? Hindi po ba yun


ang tawag sa hinihila ng
kalabaw?” tanong uli
ni Korina.

“Anak, araro ang tawag


doon sa hinihila ng kalabaw. Iba ang uraro,”
natatawang sagot ni Mang Mario.

“Ano po ba kasi ang uraro?” tanong ni Korina.

Ang uraro ay isang halamang ugat tulad din ng patatas, ube,


at kamote. Kulay puti ito at kahugis ng ulo ng palaso. Madalas
itong pinatutuyo at ginagawang harina. Ang harina mula
sa uraro ang ginagamit sa paggawa ng pastelerya tulad ng
biskwit at iba pang mga produktong ginagamitan ng harina.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
9
Makalipas ang ilang araw na pamamasyal,
makikitang abala sa pamimili ng pasalubong ang
mag-ama. Pabalik na kasi sila ng Maynila.

“ ‘Tay, puwede po ba
akong bumili ng marami
nito?” tanong ni Korina.

“Aba, mukhang
nagustuhan mo talaga
ang uraro!” sagot
ni Mang Mario.

“Opo, ang sarap po kasi, e. Gusto ko rin pong


matikman ito ng mga kaibigan ko. Ikukuwento ko
rin po sa kanila yung mga bagay na nakita ko rito
sa Marinduque, lalo na ang mga nakamaskarang
halimaw, este Morion” sabi ni Korina. Napapangiti
siya habang naaalala ang unang reaksiyon sa mga
nakakostyum na tila sundalong Romano.

“Mukhang natuwa ka talaga sa pagpunta natin


dito. Gusto mo bang bumalik dito sa susunod na
taon?” tanong ni Mang Mario.

“Talaga po, ‘Tay? Isasama n’yo po ako kapag


bumalik kayo rito?” di makapaniwalang tanong
ni Korina.

“Oo naman. Ikaw yata ang partner ko sa


pamamasyal,” nakangiting sabi ni Mang Mario.

“Yehey!” sabi ng patalon-talon na si Korina.

10 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Skill Builder 2
Skill Builder

Gawain: Mag-isip ng lugar na napuntahan


na ninyo. Magsulat ng limang pangungusap
na nagsasabi kung ano ang ginawa ninyo sa
lugar na iyon.

Lugar: ____________________

Mga Ginawa:

1) ___________________________________________
___________________________________________

2) ___________________________________________
___________________________________________

3) ___________________________________________
___________________________________________

4) ___________________________________________
___________________________________________

5) ___________________________________________
___________________________________________

Maaaring isulat ang sagot sa papel o


kuwaderno.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
11
Ikatlong Bahagi

“Anak, ano’ng nangyari dito? Parang dinaanan na


naman ng bagyo itong sala” sabi ni Aling Armi sa
anak.

“E ‘Nay, ginagawa ko
po itong assignment ko,”
sagot naman ni Korina
habang nakasalampak
sa gitna ng mga nagkalat
na papel, bolpen, at mga
babasahin.

May mga assignment si Korina. Hindi ito tulad ng


mga assignment niya sa paaralan. Dahil mahilig
mamasyal, binigyan si Korina ng amang si Mang
Mario ng scrapbook. Ayon kay Mang Mario, doon
daw niya isusulat ang mga lugar na nais niyang
puntahan. Kamakailan lamang ay galing silang
mag-ama sa Marinduque kung saan maraming
natutuhan si Korina. Ngayon naman, ibang lugar
ang kaniyang aalamin.

“Naku, anong assignment na naman ‘yan?”


nangingiting tanong ni Aling Armi. “Gusto mo bang
tulungan kita, anak?”

“Talaga, ‘Nay? Tutulungan n’yo po ako,”


natutuwang tanong ni Korina.

“Aba, siyempre naman! Tutal, wala naman akong


gagawin ngayong araw,” sabi ni Aling Armi. “O, ano
ba’ng gagawin ko?”

12 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Inilagay ni Korina sa harap niya ang kahon na
ibinigay ni Mang Mario sa kaniya. Binuksan niya ito at
may kinuha.

“A, ‘Nay, puwede po bang ito ang una nating


gawin?” tanong ni Korina habang hawak-hawak
ang isang DVD.

“Sige, pero ayos lang ba


kung iligpit muna natin
yung ibang kalat dito
para naman mas maging
maayos ang panonood
natin?” tanong ni Aling
Armi.

“Sige po,” mabilis na pagsang-ayon ni Korina. Agad


siyang tumayo at nagmistulang ipuipo sa bilis ng
kilos. Sa halip na mag-iwan ng kalat, tinangay niya
ang mga bagay-bagay na nakatiwangwang sa
sahig.

Matapos magligpit, naghanda nang manood ng


DVD ang mag-ina. Kinuha ni Aling Armi ang disc
sa anak at ipinasok sa player. “Handa ka na ba,
anak?” tanong ni Aling Armi.

“Handa na po!” masayang sagot ni Korina. Nang


marinig ang sagot ng anak ay saka lamang pinindot
ni Aling Armi ang play.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
13
Isa ang Romblon sa limang probinsiya na kabilang sa Rehiyon
IV-B. Dahil sa pagkakaroon ng malaking deposito ng marmol,
tinagurian itong “Marble Capital” ng bansa. Isang matigas
na bato ang marmol na maaaring pakinisin at pakintabin.
Ginagamit ito sa paggawa ng mga eskultura at arkitektura.
Kadalasan din itong gamitin sa pagbuo ng sahig sa mga
gusali at mga bahay. Maganda kasi itong tingnan lalo na
kapag malinis at kumikinang. Isa pa, hindi matatawaran ang
tibay nito.

Alam n’yo ba na maliban sa marmol, kilala rin ang lalawigan


sa magaganda nitong isla? Isa na nga rito ang Isla ng Sibuyan
na tinaguriang “Galapagos Island” ng Asya. Ang Galapagos
Island ay isang islang matatagpuan sa Karagatang Pasipiko.
Kagaya ng Galapagos, napakaraming iba’t ibang uri ng hayop
at halaman ang matatagpuan sa Isla ng Sibuyan. Ayon sa
mga pag-aaral, sa isla lamang ng Sibuyan matatagpuan ang
mga ito. Halimbawa na lamang ang limampu’t apat na uri ng
puno na matatagpuan lamang sa Bundok Guiting-Guiting sa
Isla ng Sibuyan.

14 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“A, Romblon naman pala ngayon ang assignment
mo,” nakangiting sambit ni Aling Armi. “Alam mo ba
na madalas kaming pumunta doon noong bata pa
ako?”

“Ay, talaga po, ‘Nay?”


namamanghang
tanong ni Korina.
Ngayon lang
niya nalaman na
nakapunta na pala
ang nanay niya sa
Romblon. “Bakit po
kayo pumupunta
doon?”

“Doon ako nagbabakasyon kapag walang pasok.


Doon kasi nakatira si Tita Agnes na kapatid ng lolo
mo kasama ang pamilya niya,” sagot ni Aling Armi.

“Wow! ‘Nay, totoo po bang maraming marmol


doon?” tanong ni Korina.

“Aba, oo! Sa dami nga ng marmol, marami kang


makikitang mga produktong gawa sa ganoong
materyales na ini-eksport o dinadala palabas
ng lalawigan,” sabi ni Aling Armi. “Dito nga lang
sa ating tahanan ay may mga gamit na tayong
hinulma mula sa marmol ng Romblon,” dagdag pa
niya.

“Ano-anong produkto po iyon, ‘Nay?” tanong muli


ni Korina.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
15
Skill Builder 3
Skill Builder

Gawain: Paano inilarawan sa kuwento ang


sumusunod:

1) Romblon
_____________________________________________
_____________________________________________

2) marmol
_____________________________________________
_____________________________________________

3) Galapagos Island
_____________________________________________
_____________________________________________

Gawain: Gamitin sa pangungusap ang


mga salita sa itaas. Siguraduhing mayroong
pandiwa at pang-abay sa iyong binubuong
pangungusap.

1) Romblon
_____________________________________________
_____________________________________________

2) marmol
_____________________________________________
_____________________________________________

3) Galapagos Island
_____________________________________________
_____________________________________________

16 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Ikaapat na Bahagi

Nilapitan nina Aling Armi at Korina ang plorerang


nakapatong sa mesa sa tabi ng telebisyon. “Tingnan
mo ito, anak,” sabi ni Aling Armi.

“Alin po? Yung lalagyan ng bulaklak?” tanong


ni Korina.

“Oo, gawa sa marmol yang plorera na iyon,” sagot


naman ni Aling Armi.

Hinawakan ni Korina ang plorera. “A, ito po pala


ang marmol. Ay, ang galing! Puwede palang
gawing plo-re-ra,” masayang sabi ni Korina. Paulit-
ulit niyang hinimas ang makinis na plorerang gawa
sa marmol. Malamig ito sa kamay at singkinis ng
kamatis.

“Hindi lang ‘yan, anak. Ginagamit din ang marmol


sa paggawa ng tiles para sa sahig, almires na gamit
sa kusina, muwebles, at iba pang gamit,” dagdag
ni Aling Armi.

“Ang galing-galing naman po, ‘Nay!”


pumapalakpak na sabi ni Korina.
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
17
Tanghali na nang matapos ang dokumentaryo.
Kaya naman itinigil na ng mag-ina ang panonood
at naghandang mananghalian. Para mabilis
makaluto, pinakuluan ni Aling Armi ang mga gulay
na kalabasa, kamote, sibuyas, at malunggay, saka
ipinatong ang isdang dinaing. Napuno ang kusina
ng nakatatakam na amoy.

“Ang sarap po talaga nitong bulanglang, ‘Nay!”


sabi ni Korina habang ninanamnam ang inihain
ng ina.

“Buti naman nagustuhan


mo, anak. Pero hindi
bulanglang ‘yan.
Inaslom ang tawag
diyan. Isa ‘yan sa
karaniwang mga
pagkain sa Romblon,”
sabi ni Aling Armi.

“E, parang bulanglang po talaga kasi,” sabi


ni Korina.

“Tama ka, parang bulanglang ang inaslom. Iyan kasi


ang bersiyon ng mga taga-Romblon ng sinabawang
gulay,” sabi ni Aling Armi. Iba’t ibang gulay at tubig
ang pangunahing sangkap nito. Nilalagyan din ito
ng isda at katas ng kalamansi bilang pampalasa,”
dagdag ni Aling Armi.

“E, ‘Nay, ano pa pong pagkain ng Romblon ang


alam ninyong lutuin?” tanong ni Korina.

18 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“Teka, ano pa nga ba?” sabi ni Aling Armi habang
nag-iisip ng isasagot sa anak. Pagkatapos ng ilang
sandali, nagsalitang muli si Aling Armi. “Taghilaw at
bukayo, yun ang mga kaya kong lutuin.”

“Ano po ang taghilaw?” tanong uli ni Korina.

“Isang putahe ang taghilaw na ang pangunahing


sangkap ay lamang-loob ng baboy,” sagot
ni Aling Armi.

“Para po ba iyong dinuguan?” sabi ni Korina. Iniisip


pa lamang niya kung anong klaseng luto ito ay
takam na takam na siyang tikman ang nasabing
ulam.

“Naku, hindi anak. Mas parang paksiw iyon dahil


nilalagyan ng maraming suka,” sagot ni Aling Armi.

“E, ‘Nay, yung bukayo po? Pareho lang po ba


yun sa dala namin ni Tatay? Yun pong galing
Marinduque?” tanong ni Korina.

“Pareho na hindi,” sagot ni Aling Armi.

“Po? Ano pong pareho na hindi?” tanong ni Korina.


DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
19
“Minsan kasi may mga lugar na mayroong parehong
pagkain. Katulad ng dala ninyong bukayo at ng
bukayo na niluluto sa Romblon. Pero kahit ganun,
may pagkakaiba pa rin ang mga ito. Madalas, may
idinadagdag na sangkap ang bawat probinsiya sa
kanilang niluluto,” paliwanag ni Aling Armi.

“A, ganoon po pala,” tumatangong sabi ni Korina.

“Hindi lang ‘yan sa pagkain, ha? Minsan sa ibang


bagay din tulad ng wika, kasanayan, at iba pa,”
sabi ni Aling Armi.

“ ‘Nay, ano pong ibig niyong sabihin?” tanong


ni Korina na nakakunot ang noo.

“Di ba may iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas? Yung


mga probinsiya sa bawat rehiyon ay madalas na
may pagkakapareho. Halimbawa, sa Rehiyon IV-B,
Tagalog ang pangunahing wika,” paliwanag ng ina.
“Ngunit may mga pagkakaiba sa pagbigkas nila at
ginagamit na mga salita. Sa katunayan, sinasabing
bukod-tanging uri ng Tagalog ang wika ng taga-
Romblon dahil naimpluwensyahan ng Kabisayaan at
Kabikulan ang kanilang salita.”
20 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Matapos ang pananghalian, naglabas si Aling Armi
ng makukulay na papel, panulat, at pandikit. Inayos
naman ni Korina ang mga larawang nakuha niya
mula sa mga diyaryo at magasin.

“Sandali, parang may kulang sa mga gamit natin.


Saan natin ito ididikit?” sabi ni Aling Armi.

“Ay opo, kulang nga, ‘Nay. Teka po, kukunin ko po


yung scrapbook,” sabi ni Korina at tumayo para
kunin ang scrapbook.

Kinuha ni Korina ang


scrapbook at nagsimula
na silang magdikit ng
mga larawan at disenyo.
Isinulat din ni Korina ang
mga impormasyong
nakuha tungkol sa
Romblon.

Nang matapos, sabay na tiningnan ng mag-ina ang


ginawa. “Anak, ang ganda ng scrapbook mo,” sabi
ni Aling Armi.

“Salamat po, ‘Nay!” sabi ni Korina sabay yakap sa


ina. “Tingin n’yo po ba magugustuhan ni Tatay ang
ginawa ko?”

“Sigurado akong magugustuhan niya ‘yan,”


nakangiting sabi naman ng ina.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
21
Skill Builder 4
Skill Builder

Gawain: Gumawa ng dayagram tungkol sa


rehiyong MIMAROPA o Rehiyon IV-B. Ano-ano
ang alam mo tungkol dito? Sumulat ng isang
maiksing talata tungkol sa rehiyong ito.
Maaaring isulat ang sagot sa papel o
kuwaderno.

MIMAROPA/REHIYON IV-B

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Para sa Guro: Hikayatin ang mag-aaral na


magsagawa ng panayam sa kanilang mga
magulang tungkol sa iba’t ibang produkto
o hanapbuhay sa Pilipinas. Maaaring
magsagawa ng pag-uulat tungkol dito.

22 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Sanggunian

3 towns on Sibuyan Island in Romblon reject mining.


(2010). Retrieved on GMA News Online Website:
http://goo.gl/d8bfgc

Delicious bulanglang recipe. (n.d.) Retrieved on June


18, 2105 from Knorr Website: http://goo.gl/rjIkoP

Marinduque in 48 hours: A ‘Biyahe ni Drew’ itinerary.


(2013). Retrieved on June 15, 2015 from GMA
News Online Website: http://goo.gl/eKT7Zb

Marinduque. (n.d.). Retrieved on June 15, 2015 from


National Statistics Office-Marinduque Website:
http://www.nso.marinduque.ph/

Marinduque. (n.d.) Retrieved on May 13, 2015


from Marinduque official website Website: www.
marinduque.gov. ph/travel.htnl

Midnight snack: Taghilaw putaheng sangkap ay


lamang loob ng baboy. (2013). Retrieved on
May 22, 2015 from Saksi (video) Website: http://
goo.gl/pFGbJx

Mt. Malindig. (n.d.). Retrieved on June 15, 2015 from


Provincial Office of Tourism-Marinduque.

n.a. (2015). Beyond marble, Romblon has other


marvels to offer in Ijuander (GMA News
and Public Affairs). Retrieved on May 19, 2015
from Youtube Website: https://goo.gl/hf1re4

Romblon Discussion List - Cultural, Livelihood and


Educational Assistance for Romblon (RDL-
CLEAR). (n.d.). Let’s cook: inaslom. Retrieved on

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
23
Sanggunian
Leveled Reader
June 18, 2015 from Lighter side of life Website:
http://goo.gl/MpUUEE

Romblon. (n.d.). Retrieved on May 18, 2015 from


It’s more fun in the Philippines Website: www.
Tourism.gov.ph/SitePages/InteractiveSitesPage.
aspx?SiteID=26

Romblon. (n.d.) Retrieved on May 19, 2015 from


Romblon islands Website: https://goo.gl/1jy7tf

SIL International. (n.d.). Inaslom. Retrieved on


June 18, 2015 from Bantoanan
Asi Website: http://asi.webonary.org/
hvo117199/?s=in%C3%A1slom&partialsearch=1

Torres, S. (2015). Romblon, the country’s marble capital


is also an island haven. Retrieved on May 16,
2015 from GMA news online Website: http://goo.
gl/03XP3z

24 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Leveled Reader

Ang Pamamasyal
ni Korina

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
25
TA N
AI

G
B
DEPED-USAID’S BASA PILIPINAS
Leveled Reader sa Filipino

You might also like