Noli Me Tangere Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

NOLI ME TANGERE SCRIPT

Scene 1- PAGTITIPON

(Nagkakasiyahan ang lahat sa bulwagan…insert instrumental music)

(Makikta si Tiya Isabel na nag aabot ng sigarilyo at hitso sa mga dayuhang babae, samantala ang
mga babaeng Pilipina ay kusang humahalik sa kamay niya. Narinig Niya ang nabasag na
pinggan)

Tiya Isabel: Hesusmaryosep! Maghinay hinay nga kayo!

Panauhin 1: Napakagarang handaan naman into!

Panauhin 2: Sinasabi mo pa. Eh, napakayaman ni Don Tiago. Hindi kawalan sa kanya ang
magwaldas ng malaking pera!

(Nahahati ang bulwagan sa dalawa, para sa mga kalalakihan at kababaihan. Nagpapalitan ng mga
diskusyon at biruan. Sa kabilang banda, makikita si Padre Damaso, Padre Sibyla, Ginoong
Laruja at Tinyente Guevarra. Maiingay sa kanilang pwesto lalong lalo na si Padre Damaso)

Padre Damaso: Tsk, ang mga Indio ay tamad at mangmang. Ito ang dahilan kung bakit hindi sila
umuunlad.

Laruja: Magdahan-dahan kayo, Padre Damaso, sapagkat nasa pamamahay tayo ng isang Indio...

Padre Sibyla: Siya ay tama, Reverencia, at baka ay magdamdam si Kapitan Tiago.

Padre Damaso: Huh! No te preocupes! Matagal Ng hindi itinuturing ni Tiago ang kaniyang sarili
bilang Indio. Napakalayo niya sa mga ganoong mga walang galang na tao.

Scene 2: PAGPAPAKILALA KAY IBARRA

(Natigil ang usapan nang dumating si Tiago, kasama si Ibarra)

Kapitan Tiago: Buenas noches, magandang gabi, mga ginoo at mga binibini. Ikinakilugod kong
ipakilala ang anak ng namayapa kong kaibigan na si Don Rafael. Siya si Crisostomo Ibarra. Siya
ay nagmula pa sa Europa.

Ibarra: Magandang gabi sa inyong lahat. Ikinalulugod ko po kayong lahat na makikilala. Aba,
Padre Damaso, ang kura ng San Diego, ikinagagalak ko pong makitang muli ang isang matalik
na kaibigan ng aking ama. (makikipagkamay ngunit hindi tatanggapin ng kura) Uhh, mukhang
nagkakamali ako. Patawad ho, Reverencia.

Padre Damaso: Hindi ka nagkakamali. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan
ang iyong ama.

T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ni Don Rafael Ibarra.

Ibarra: (yuyukod upang magpakita ng pagsang-ayon)

T. Guevarra: Maligayang pagbabalik, Don Crisostomo. (Kakamayan) Nawa’y ang kasiyahang


napagkait sa iyong ama ay mapasayo.

Ibarra: Gracias, señor.

T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko ang iyong ama at masasabi

kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na mamamayan ng Pilipinas.

Ibarra: Maraming salamat po. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking ama ang mga duda ko
tungkol sa nangyari sa kanya, gayong ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam.

(makikita si Ibarra na nakikipagkilala sa mga kalalakihan at kababaihan sa kabilang banda ng


bulwagan)

Scene 3: ANG HAPUNAN

Kapitan Tiago: Mga mahal kong panauhin, halina’t pumunta tayo sa hapag. Handa na ang
hapunan!

( nagsipuntahan sa hapag ang mga panauhin)

Padre Sibyla: Ang upuang ito ay nakalaan para sa iyo, Padre Damaso. Ikaw ay mas nakakatanda
at may mataas na katulungkulan at kapangyarihan. (Ngunit hindi binibitawan ang upuang)

Padre Damaso: Hindi naman ako masyadong matanda. Sa tingin ko, ikaw ang nararapat na
umupo Dito sapagkat ikaw ang kura ng bayan.

Padre Sibyla: Sumusunod lang ako sa iyong inuutos, Padre.


Padre Damaso: Hindi ko inuutos! (Galit na tumatanggi, sa huli umupo si Sibyla sa upuan)

( Puro leeg at pakpak ang natira kay Padre Damaso habang sa iba ay puro hita. Dahil sa sobrang
inis ay humigop na lamang siya ng sabaw at dinurog ang papaya ng may malakas na tunog mula
sa pinggan, at saka padabog na ibinagsak ang kubyertos sa tabi ng pinggan.)

G. Laruja: Ilang taon kang nawala sa ating bayan, Señor Ibarra?

Ibarra: Pitong taon po, ginoo.

G. Laruja: Sa iyong pitong taon sa Europa, malamang ay nakalimutan mo na ang iyong bayan.

Ibarra: Ang totoo po niyan ay parang ang aking bayan ang tila nakalimot sa akin. Lagi kong
iniisip ang aking bayan kahit na ako’y malayo.

D. Victorina: Totoo ba yan, hombre?

Ibarra: Opo, Doña Victorina. Kahit kalian ay hindi ako nakalimot sa aking bayan.

G. Laruja: Sa mga bansang napuntahan mo, ano para sa iyo ang pinakamaganda at tumatak sa
iyong isipan?

Ibarra: Patawarin mo ako, Ginoo, ngunit bukod sa Inang Espanya ay wala na akong naibigan pa
kundi ang ating bansa. Pagkatapos ko kasing mabasa at mapag-aralan ang kasaysayan at kultura
ng isang bansa ay nakalilimutan ko na rin ang magaganda kong naaalala sa bansang iyon.

P. Damaso: Kung gayon ay isa kang bulag at hangal, hijo. Bakit ka pa nagsayang ng pera upang
pumunta ng Europa kung wala ka naming nagustuhan? Ang iyong mga napag-aralan ay alam din
naman ng kahit sinong mag-aaral na tanungin mo sa ating bansa.

Ibarra: Senyores, wag kayong magtaka sa aming dating kura. Ganyang-ganyan din ang
pakikitungo sa akin noong bata pa ako at mukhang hindi na siya nagbago. Salamat pa rin sa
kanya dahil nagugunita ko ang mga panahong ang kanyang Reverencia ay madalas dumalaw sa
aming tahanan at nakakasalo sa pagkain ang aking ama.

•••

Ibarra: Senyores, Kapitan Tiago, kababalik ko lamang mula Europa kaya’t nawa’y maintindihan
niyo na kailangan ko agad na lumisan. Pupunta pa ako ng San Diego sa makalawa para sa Todos
Los Santos kaya’t may kailangan akong katagpuin.
Kapitan Tiago: Hindi ka na ba talaga mapipigilang umalis? Sana’y mahintay mo pa ang
pagdating ng aking bulaklak na si Maria Clara. Alam kong matagal ka na niyang hinihintay.

Ibarra: Paumanhin aking Don ngunit mahalaga ang aking katatagpuin ngayon. Muchas Gracias
sa hapunan,Kapitan.

Kapitan Tiago: Walang anuman, Ibarra. Patnubayan ka ng Diyos sa iyong paglalakbay.

Padre Damaso: Nakita ninyo? Minsan ay napakasama ng nagiging bunga ng pagpapadala ng


inyong mga anak sa ibang bansa upang mag-aral. Lumalaki ang kanilang ulo at itinuturing na
ang sarili na mas mataas. Nawawalan sila ng galang!

Scene 4: Erehe at Pilibustero

(Si Ibarra ay papauwi pa lamang sa hotel nang nakasabay niya si Lt. Guevarra)

T. Guevarra: Binata, mag-iingat ka sa mga lihim ninyong kaaway. Ang nangyari sa inyong ama
ay dapat maging isang aral sa inyo.

Ibarra: Ipagpatawad ninyo ngunit sa aking pagkakabatid ay wala ako o kahit ang aking ama na
mga lihim na kaaway.

T. Guevarra: Madalas ang sobrang kapanatagan ay nagdadala sa atin sa ilang kapahamakan.


Hanggang sa huling hininga ng inyong amang si Don Rafael ay hindi siya makapaniwala na
mayroon pala siyang nagtatagong mga kaaway.

Ibarra: (maluha-luha) Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit si Kapitan Tiago ay nag-
aalangan na magsabi sa akin ng mga nangyari sa aking ama. Ngunit bakit siya nakulong sa
piitan? Ano ang naging kasalanan niya?

T. Guevarra: Ang tanging kasalanan niya ay dahil siya ang pinakamayamang tao sa buong San
Diego. Ngunit huwag kayong mag-alala. Ang mabulok sa bilangguan sa bansang ito ay
maituturing na kabayanihan.

T. Guevarra: Ang iyong ama, ay isa sa mga kagalang-galang na tao sa buong San Diego. Ngunit
kinaiinisan at kinamumuhian rin siya ng iba sa kanyang mga kababayan dahil lamang sa
kaniyang naiibang pilosopiya mula sa nakararami, pinapalagay ng mga kaaway niya na siya ay
isang erehe at pilibustero. Ikinakalat ni Padre Damaso ang ganitong mga pasaring, kahit na
walang pangalang nababanggit.
T. Guevarra: Minsan ay may isang Artilyero na nangongolekta ng tributo sa mga mamamayan.
Ito ay mangmang at hindi marunong magbasa at sumulat. Galit ang mga tao sa kanya dahil sa
kanyang kalupitan. Upang makaganti, ang ibang mga mamamayan ay binabaligtad ang kanilang
cedula kapag pinipirmahan na ito ng kabesa. Isang araw, isang bata kasama ang kanyang kapatid
ang nanloko sa kabesa.

T. Guevarra: Nakita noon ng ama mo ang nangyari kaya’t sumaklolo ito sa mga bata.

T. Guevarra: Nakita iyong ng mga tao. Sinaklolohan nila ang Artilyero at naidala sa pagamutan.
Kinalaunan ay namatay ang Artilyero, na siyang ikinakulong ng iyong ama, Ibarra. Lumabas ang
kanyang mga lihim na kaaway, kasama si Padre Damaso. Malapit na sana siyang mapalaya
noong hindi mapatunayan sa tribunal ang kanyang kasalanan, ngunit inakusahan siya ng iba pang
salang hindi niya ginawa. Lumipas ang ilang taon at hindi na malaman ang tunay na sakdal sa
kanya. Sa wakas ay umiral din ang katwiran. Mapalalaya na siyang muli dahil sa kawalan ng
ebidensya sa mga paratang. Ngunit sa kasawiang-palad, namatay na ang iyong ama dahil sa hindi
magandang kondisyon sa piitan. Nabulok siya sa bilangguan dahil sa kanyang kayamanan.
Patawad Señor Ibarra.

Ibarra: (naluluha) Ngayon ko lang nalaman ang tunay na nangyari sa aking mahal na ama.
Napakalupit ng sinapit ng aking ama.

T. Guevarra: Patawad po ngunit kailangan ko nang umalis. Ipauubaya ko na lamang kay Kapitan
Tiago ang iba pang nangyari upang kanyang ikwento.

Ibarra: Muchas Gracias, tinyente sa pagbahagi mo ng iyong alam sa nangyari sa aking ama.

T. Guevarra: De nada, Señor Ibarra.

( Nagpaalam na ang dalawa sa isa’t-isa. )

Scene 5: MARIA CLARA


(Makikita si Maria Clara na nakaupo sa isang silyon katabi ng isang bintana, abala sa
pagbuburda. Bakas sa kanyang kilos na may hinihintay siyang bisita. )

M. Clara: (silip ng silip sa bintana) Mahabaging Panginoon, tanghali na. Ano kaya ang dahilan
ng kanyang pagkahuli?

Kutsero: How! How!

Ibarra: (bumaba ng kalesa) Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang makausap si
Maria Clara.
T. Isabel: Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. (ituturo kay Ibarra ang daan)

K. Tiago: Como estas, Ibarra. Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan.

Ibarra: Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong anak.

K. Tiago: Aba’y sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa kwarto
at malamang ay nag-aayos iyon o nahihiya. (susunduin ni T. Isabel si Maria Clara sa kwarto) Oh,
ayan na siya. Maaari na kayong mag-usap sa asotea.Kailangan mo ba ng maiinom, Ibarra?

Ibarra: Gracias, Señor ngunit hindi na ho kailangan.

(Maya-maya pa ay makikita na ang dalawang nag-uusap sa asotea.)

Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil kung
hindi ay hindi na ako makakikita pa ng isang babaeng katulad mo.

Maria Clara: (may dalang pamaypay at binubukas-sara iyon) Napakatamis ng iyong dila,
Crisostomo. Siguro’y dahil diyan ay nabihag mo ang maraming kababaihan sa mga bansang
iyong napuntahan.

Ibarra: Isa nang magandang obra ng Diyos ang aking sinisinta. Bakit pa ba ako hahanap ng iba?

Maria Clara: (nagtakip ng bibig ng pamaypay) Sinungaling. Hindi ako makapaniniwalang


sinasara mo ang iyong mata pagdating sa ganda ng ibang dilag sa Europa.

Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng
kagandahan. At mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig. (tumigil
ng saglit) Patawad aking sinta, ngunit kailangan ko nang lisanin ang iyong piling. Bukas ay
Todos Los Santos, kaya’t kailangan kong puntahan ang isang tao doon upang tulungan ako
bukas.

Maria Clara: Naiintindihan ko, Ibarra. Nawa’y makapaglakbay ka ng ligtas at matiwasay.

Ibarra: Paalam, aking minamahal.

Maria Clara: Patnubayan ka nawa ng Maykapal.

(Halata sa mukha ni Maria Clara ang sobrang kalungkutan.)


K. Tiago: (kay T. Isabel) Tingnan mo ang nagagawa ng pag-ibig, Isabel.

T. Isabel: Oo nga, Tiago. Sadyang napakatamis at napakapait ng pag-ibig.

K. Tiago: Paano mo nalaman iyon? Hindi ka pa naman nakaranas na umibig hindi ba? (tatawa)

T. Isabel: Hay naku, Tiago. Ako’y tigil-tigilan mo nga. Hindi ako manhid sa mga dating
manliligaw. (tatawa rin)

K. Tiago: Clarita, kung ikaw ay nababagabag, magtulos ka ng kandila para kay San Roque at San
Rafael. paniguradong gagabayan nila si Ibarra para sa kanyang paglalakbay.

Maria Clara: (magsisindi ng kandila sa altar)

Scene 6: Todos Los Santos

(Dahil sa Todos Los Santos noong araw na iyon, ang sementeryo ng bayan ng San Diego ay
nabuhay muli dahil sa pagdagsa ng mga tao. Pumunta rin si Ibarra para bisitahin ang puntod ng
ama, kasama ang isang utusan.)

Ibarra: Alam ho ba ninyo ang puntod ng aking ama?

Utusan: Opo, Señorito. Tinamnan ko ho ng halaman ang puntod at nilagyan ng malaking krus
upang hindi ko ho ito makalimutan.

(Nakalipas na ang ilang oras ngunit hindi pa rin nila makita ang puntod.)

Ibarra: (medyo galit) Akala ko ho ba ay alam ninyo ang kinalalagyan ng puntod ng aking ama?

Utusan: Dispensa po, Señorito. Alam ko naman po iyon talaga, eh. hindi ko lang po talaga
maintindihan kung bakit tayo nawawala. (makikita ang isang puntod na nahukay at ituturo ito)
Ayun po, oh. Alam ko ho ay diyan siya nakalibing.

Ibarra: Magtanong ka doon sa sepulturero kung bakit ganoon ang puntod.

Utusan: Mawalang-galang na po. Alam po ba ninyo kung nasaan na ang malaking krus sa puntod
na iyon na may pangalang “Don Rafael Ibarra”?

Sepulturero: Ahh. Yung krus sa puntod na may mga bulaklak? Sinunog ko na.

Utusan & Ibarra: Sinunog?!


Sepulturero: Opo. Pinasunog yon ng kurang malaki.

Ibarra: Kung gayon ay bakit hinukay ang bangkay ng aking papa? Saan mo dinala ang bangkay
niya?!

Sepulturero: Inutos po ng kurang malaki na ilibing siya sa libingan ng mga Intsik.

Ibarra: (galit) At ginawa mo naman ang sinabi niya?!

Sepulturero: (nanginginig na sa takot) H-hindi po. Mabigat noon ang bangkay at napakalakas ng
ulan. Kaya inilagak ko muna sa ilog ang bangkay niya. Patawad po, Señor.

(Sa sobrang sakit ng nadama para sa ama ayt hindi na napigilan pa ni Ibarra ang damdamin.
Nang hindi na niya kaya, ay mabilis siyang tumalikod at umalis. Sa kanyang daan pauwi ay
nakasalubong niya ang kura ng San Diego, si Padre Salvi. Tiningnan siya ng masama ni Ibarra,
hinila ang kanyang suot na sutana at kinausap.)

Ibarra: Ikaw! Ikaw ba ang gumawa ng ganoong kalapastanganan sa aking ama? Ikaw ba?!
Sumagot ka!

P. Salvi: Kung anuman iyon, sinasabi ko sa iyo ngayon pa lamang na wala akong alam tungkol
sa sinasabi mo.

Ibarra: Kung hindi ikaw, sino?!

P. Salvi: Sigurado akong hindi ako ang iyong hinahanap, kundi ang pinalitan kong kura na si
Padre Damaso.

Ibarra: (sa sobrang galit ay napaupo at napaiyak muli)

Scene 7: Sakristan

Crispin: Magpahinga naman tayo, Kaka. Kanina pa tayo nakatayo at nagpapatunog ng kampana.

Basilio: Hindi pa pwede. Papagalitan tayo ng Sakristan Mayor.

Crispin: Oo nga pala. Ilan daw ang susuweldohin mo ngayon buwan?

Basilio: Dalawang reales na lamang, Crispin.


Crispin: Bayaran mo na kaya yung sinabi nila na ninakaw ko na ginto sa simbahan? Sige na, para
hindi na sila manggulo at maka-uwi na ako.

Basilio: Naku, Crispin! Dalawang multa na ang inabot ko sa Sakristan Mayor. At ang sinasabi
nilang ninakaw mo ay dalawang onsa ng ginto. Tatlumpu’t dalawang reales iyon! Kumbaga’y
tatlumpu’t dalawang kamay. Hindi sasapat ang suweldo ko sa hinihingi nila.

Crispin: Natatakot na kasi ako, eh. Napakasama kasi ng Kura at lalo na ng Sakristan Mayor.
Napakasinungaling nilang lahat. Umuwi ka na lang ngayon, Kaka. Sabihan mo si Inang na ayaw
na nating mag-sakristan. alam ko naming paniniwalaan ka ni Inang kaya ikaw na lang ang
magsabi sa kanya. Sabihin mo sa Inang na may sakit ako. Kaya hindi ako maka-uwi.

Basilio: Huwag kang magsalita ng ganyan, Crispin.

Scene 8: Sisa

(Samantala, sa labas ng bayan ay makikita ang maliit na dampa nina Sisa, ang ina nina Basilio at
Crispin. Masaya
siyang nagluluto)

Sisa: Naku! Sigurado akong matutuwa ang mga anak ko sa inihanda kong ulam. Nakikita ko
nang gutom na gutom sina
Crispin at Basilio mula sa simbahan. Siguradong magugustuhan ni Crispin ang tuyong tawilis na
pinakapaborito niya
habang pinipigaan ng kamatis! At, buti na lang nakahingi ako kay Pilosopo Tasyo ng tapang
baboy-ramo at hita ng
patong bundok. Siguradong maglalaway si Basilio kapag nakita ito!

( Habang naghahanda si Sisa ay siya naming pagdating ng kanyang asawa, si Pedro.)

Pedro: Nagugutom ako, Sisa. Aba, ang sarap ng hinain mo ah. Matikman nga.

Sisa: Pero, Pedro sa mga…..

( Bago pa matapos ni Sisa ang sinsasabi ay nakain na ng kanyang sugapang asawa ang ulam.
Pakiramdam niya ay
siya ang kinakain nito. Wala na lang siyang magawa kundi ang pigilan ang luha.)
Pedro: Aalis na ako. (kinuha ulit ang panabong na manok)

Sisa: Hindi mo man lang hihintayin ang pagdating ng mga anak mo? Alam ko ay susweldo si
Basilio ngayong araw.

Pedro: Ah, ganun ba? Ipagtabi mo ako ng isang reales. Sige na at baka mahuli ako sa sultada ng
tinali ko.

Scene 9: Basilio

( Dumating si Basilio na humahangos.)

Basilio: Inang! Inang! buksan po ninyo ang pinto!

Sisa: Hesusmaryosep! anong nangyari sa iyo, Basilio?

Basilio: Huwag kayong mag-alala Inang. Naiwan si Crispin sa kumbento.

Sisa: Naiwan? At siya ba’y buhay?

Basilio: (tititigan ang ina at tatango ng bahagya)

Sisa: Salamat at buhay siya. Bakit ka duguan? Naku naman…

Basilio: Tumakas lamang Ako sa kumbento. Ngayon lamang ako pinauwi ng Sakristan Mayor
dahil hindi daw ako makauuwi kundi alas-diyes ng gabi. Bawal nang maglakad ng alas-nuwebe
kaya’t noong nakasalubong ko ang mga guardia civil sa bayan at sinigawan ako ng “quien vive”
ay nagtatakbo ako. Pinaputukan po nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo.

Sisa: Walang hiya talaga ang mga guardia civil. Sadyang wala silang puso. Halika anak at
gamutin natin ang sugat mo.

•••

Sisa: Bakit daw hindi makauuwi si Crispin?

Basilio: Pinarusahan po siya ng Sakristan Mayor dahil nagnakaw daw siya ng dalawang onsa ng
ginto. Hindi naman siya nagnakaw talaga, ngunit hindi daw siya pauuwiin hanggang hindi niya
daw iyon ibinabalik.
Sisa: Mahabaging panginoon, kawawa naman ang aking bunso. Hindi naman ganoong tao ang
anak ko. Hayaan mo anak at kakausapin ko ang kura bukas. Dadalhan ko siya ng gulay bukas at
hihilingin ang kalayaan ng iyong kapatid. Matulog ka na at huwag mo nang isipin pa iyon.

*kinabukasan

(Mabilis na tumakbo papalayo ng kuwartel si Sisa habang umiiyak. Gula-gulanit na ang kanyang
damit dahil sa pangit na kondisyon sa kulungan. Hindi na ininda ni Sisa ang nangyari sa kanya,
bagkus ay hinanap na lamang niya ang kanyang mga anak. Nagpunta siya sa kanilang dampa
upang tingnan kung nandoon si Basilio.)

Sisa: (nasa dampa, sumisigaw) Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo?

Basilio: (hinahanap ang ina sa lansangan) Inang! Inang! Nasaan na kayo, Inang? Inang!

Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nandyan ba kayo? Tandang Tasyo! Andyan ho ba ang mga
anak ko? Wala atang tao.
(iiyak)

Basilio: (Uuwi sa dampa) Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin
malapit sa bahay)

Sisa: Diyos ko po! Mga anak ko! Crispin, Basilio! (titingin sa may bangin at makikita ang piraso
ng damit ni Basilio na may
dugo) Basilio? Basilio! Damit ito ni Basilio! May dugo. Mapula. (tatawa at ngingiti) Damit ni
Basilio may dugo! (tatawa ng malakas)

( makikita na si Sisa na pagala-gala sa lansangan, kinakausap ang lahat ng lalang ng kalikasan.)

Sisa: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita mo
ba ang mga anak ko? Hindi? (iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko?
Hindi rin? (iiyak at tatawa ulit) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo ba siya? Kapag
nakita niyo ang mga anak kong sina Basilio at Crispin, sabihan ninyo ako ha? (tatawa at
maiiyak)

Basilio: (Hinahanap ang nanay sa dampa) Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang!
(maiiyak)

Scene 10: Kasiyahan


(Papunta si Padre Salvi kina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Napipilitan ang ngiti nito.)

Padre Salvi: Malamig ang hangin dito sa labas, baka kayo magkasakit. Hindi ba kayo natatakot
magkasakit o magkasipon? (Nginig ang tinig ng kura at hindi siya makatingin ng diretso sa
dalawa)

Ibarra: Maganda ang gabi, Padre. Napakasarap lumanghap ng sariwang hangin.

Ibarra: Isang kasiyahan sa bukid ang inihanda naming ang aking mga kaibigan. Maaari po ba
kayong dumalo?

Padre Salvi: Saan magaganap ang kasiyahan?

Ibarra: Sa may batis po sa gubat idaraos, malapit sa puno ng balite. Iyo po ang napiling lugar ng
mga dalaga.

Padre Salvi: Para patunayan na ako’y walang sama ng loob sa iyo dahil sa nangyari, malugod
kong tinatanggap ang iyong paanyaya.

Ibarra: Maria Clara, aalis na ako. Magkita nalang tayo bukas. Padre Salvi mauna na po ako sa
inyo.

•••
Sa Palaisdaan

ELIAS: Señorita Maria Clara, saan po ninyo gustong pumunta?

MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba?

ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon.

MARIA CLARA: Ano iyon?

ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po.

MARIA CLARA: Ah kahoy lamang pala.

IBARRA Kahoy pa rin ba iyon?

ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko—isang buwayal!!


MARIA CLARA: May buwaya!

ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya
na yan!

MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya!

IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Iligtas ko siya!

MARIA CLARA: Ibarra!

Makalipas ang ilang sandali

MARIA CLARA (Umiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyan sa kanila.

TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila!

ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Señor Ibarra. Balang araw, sa
panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda poa akong tulungan kayo.

KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka!

Scene 11: Tasyo

(Nang sumunod na umaga, Si Ibarra ay humingi ng payo kay Pilosopo Tasyo.)

Pilosopo Tasyo: Nariyan pala kayo, ginoo!

Ibarra: Naabala ko po ata kayo.

Pilosopo Tasyo: May maipaglilingkod ba ako sayo?

Ibarra: May nais lamang po akong isangguni sa inyo. (hangang-hanga habang tinitingnan ang
isinusulat ni Pilosopong Tasyo) Bakit po kayo nagsusulat ng isang heroglipiko?

Pilosopo Tasyo: Dahil hindi ako sumusulat sa aking panahon kundi nagsusulat ako para sa
hinaharap. Ha! Sa panahon ngayon na mababasa ang aking mga sinusulat, hay, tiyak na hindi ito
pahahalagahan at susunugin pa ito. Ngunit ang susunod na salinlahi'y higit na matatalino at kung
ito'y kanilang mababasa ay sasabihin nilang hindi pala lahat ay natutulog sa panahon ng kanilang
mga ninuno.
Ibarra: (napangiti) Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyo gaya ng ginagawa ng aking ama
noong siya'y nabubuhay pa. Nais ko pong magpatayo ng isang paaralan at bilang pag-alala na rin
ito sa aking kasintahan.

Pilosopo Tasyo: (napangiti) Ah, matagal ko nang pinangarap iyan. Pangarap ng isang baliw. At
iisipin din ng mga tao baliw kayo dahil humihingi kayo ng payo sa isang taong napagkakamalan
nilang baliw. Ha! Para sa kanila, ang matatalino'y mga kapitan kahit walang pinag-aralan at
walang ginawa kundi maging sunud-sunuran sa kura. Bakit hindi kayo humingi ng payo sa kura,
o sa kapitan o sa iba pang may tungkulin? Maari nyo silang sundin, maari rin hindi.

Ibarra: Naniniwala ako na mangyayari ang aking plano na walang sagabal.

Pilosopo Tasyo: Matutuloy ang plano ninyo kung kayo'y makikipagtulungan sa mga taong
sinasabi ko.

Ibarra: Totoong makapangyarihan ang kura subalit hindi ako lubusang naniniwala sa mga
mapang-abusong lakas at kapangyarihan. Ang taong bayan ay maniniwala sa katuwiran at
pamahalaang may mabuting hangarin.

Scene 12: Ang mag asawang Espadaña

(Patakbong nanaog si Kapitang Tiyago at Tiya Isabel nang marinig ang pagtigil ng sasakyan sa
harap ng bahay. Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa nito na si Doktora
Donya Victorina de los Reyes de Espadaña, at Linares)

Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña. Siya’y inaanak
ng kamag-anak ni Padre Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.

(Magalang na yumuko ang binata.)


*Sila’y pumasok sa pamamahay

Donya Victorina: Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!!

K. Tiago: Maniwala kayo at diyan umupo.

Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba,
pinsan?Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago, na ang
aming pinsang ito ay kaibigan ng mga duke at ministro sa Madrid at malimit kumain sa bahay ng
Conde del Campanario.
Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre.

Linares:Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa
kanya. Siya sana’y sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y naparito.

Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.

Donya Victorina: Tiburcio, tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa ko’y
hindi gumagamot kundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa.

( Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng ilan,
kasabay ang pag-iling ng
ulo.)

Don Tiburcio: Ma…may sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de
altea at dalawang pildoras de Cinaglos.

Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay
gamutin ka. Ipakikilala kita sa aming pinsan.

Padre Salvi: G. Linares, narito si Padre Damaso.

(Si Padre Damaso ay tuluy-tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang kamay ng
dalaga.)

Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha)

( Lalabas si Padre Damaso, at sa silong ng balag na nasa balkon ni Maria Clara. Si Donya
Victorina ay lumapit kay Padre Damaso at ipinakilala si Linares. Iniabot ng binata ang liham)

Padre Damaso: A…….! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May
liham siya sa akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasi’y hindi ka pa isinisilang
nang ako’y umalis sa Espanya. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares. Nakalimutan
ang kalungkutan)

Damaso: A….! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan ay


madali. Marunong ka bang magbasa at sumulat?

Linares: Ako po ay nag-aaral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central.


Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae… A!!! bibigyan kita ng isang
babae. Oo, isang babae.

Linares:Hindi po naman ako nagmamadali, Padre.

(Hinatak si Linares.)

Damaso: Halika at kausapin natin si Santiago.

Scene 13: Ang Pinag uusig

(Si Elias ay kinakausap ang isang kaibigan sa gubat sa Batangas.)

Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni
Senor Ibarra. Maipaaabot niya ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na malapit sa kanya.

Kapitan Pablo: Hindi ako kumbinsido, lalo na’t siya’y isang mayaman. Ang halos lahat ng mga
mayayaman ay walanginatupag kundi ang magpayaman pa.

Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito. Kung
maisasagawa ito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo.

Kapitan Pablo: At kung ika’y hindi nagtagumpay?

Elias: Kung gayon ay ilalagay ko ang sarili ko sa ilalim ng iyong pamamahala.

Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang kanilang mga
sariling sinapit sa kamay ng mga napakalupit na Espanyol.

Elias: Apat na araw mula ngayon, magpadala ka ng isang taong makipagkikita sa akin sa
baybayin ng San Diego. Sasabihin ko sa kanya ang mga makukuha kay Señor Ibarra. Kung
pumayag si Señor ay makukuha natin ang hustisya! Kung hindi naman ay siguradong ako ang
unang malalagas sa himagsikang ito.

Kapitan Pablo: Maghihintay ako, Elias. Para sa kapayapaan at kalayaan, sana ay magtagumpay
ka sa iyong binabalak.

Scene 14: Pagbabago


(Sa bahay ni Kapitan Tiago, si Maria Clara, Linares, Sinang at Victoria ay nag-uusap.)

Maria Clara: Gaya ni Ibarra ay nagpunta ka rin pala sa maraming bansa!

Linares: Marahil ay magkaparehas kami ni Ibarra ng hilig.

Doña Victorina: Linares, puntahan mo ang alperes at hamunin mo siya ng sable o…

Linares: Bakit Doña Victorina? anong nangyari?

Doña Victorina: Dahil siya at ang querida niya ay nilibak kami! Responsibilidad mong
ipagtanggol kami. Kung hindi ay malalaman nila ang tunay mong pagkatao!

Linares: Huwag kayong mag-ingay Doña Victorina.

K. Tiago: Kung gayon ay ano ang gusto mong mangyari, Doña?

Doña Victorina: Ang pinsan kong si Linares ay hahamunin ang alperes. Kung hindi siya
pumayag ay huwag mo siyang ipakasal sa iyong anak!

( Nabigla si Maria Clara sa nasabi ni Doña Victorina. )

Doña Victorina: Bakit umiiyak si Clarita?

K. Tiago: Hindi siya nasabihan sa ating pagkakasundo… na hindi si Ibarra ang pakakasalan niya
kundi si Linares.

Scene 15: Ang Pag aalsa

( Dali daling pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra)

ELIAS: Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang


mapahamak sapagkat isisigaw ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran. Huwag
na kayong mag-alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay maaaring sumiklab ang pag-aalsa!
Kailangan na ninyong umalis.

IBARRA: Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin?

ELIAS: Kahit saang lugar..sa Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila
masabing totoong may kinalaman kayo dito.
IBARRA: Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa?

ELIAS: Iisipin nila kayo’y taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan,
tumakas at maghintay kung ano ang mangyayari yan ang dapat mong gawin.

IBARRA: Si Maria Clara? Hindi..mabuti pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan
nakatago ang kasulatan ng aming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na lalong
magpapahamak sa akin.

(Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba.)

ELIAS: Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia?


IBARRA: Siya ang lolo ko sa tuhod.

•••
(Patuloy na kumakatok si Kapitan Tiago sa pintuan ng silid ngunit ayaw itong pagbuksan ng
dalaga. Tumayo siya at pumunta sa asotea, nakita ang bangka malapit sa kanilang bahay at
nagulat siya ng makita ang isang lalaking papalapit sa kanya.)

Ma.Clara: Crisostomo!

Ibarra: Ako nga. Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita anuman ang aking
maging kapalaran. Nagpunta ako rito para tuparin ang pangakong iyon bagama’t ikaw ay hindi
tumupad sa ating sumpaan. Palalayain na kita.

Ma.Clara: Patawarin sana ako ng alaala ng aking ina sa sasabihin ko sayo. Natuklasan ko sa gitna
ng aking karamdaman ang aking tunay na pagkatao. Ang kinikilala kong ama ay hindi ko tunay
na ama. Hindi ako maaaring magpakasal sa iyo sapagkat ibubunyag ang lihim na iyan.
Matutuklasan ang naging kataksilan ng aking ina at masisira ang dangal ng kinikilala kong ama.

Ibarra: Kailangan mo ng katibayan.

Ma.Clara: Totoo ang lahat ng aking sinabi. May sulat na iniwan ang aking ina. Ibinigay sa akin
ng taong nakakabatid ng aking lihim ang sulat na ito kapalit ng sulat mo sa akin. Totoong
pinagtaksilan kita. Ngunit alang-alang sa alaala ng akingina, napilitan akong ipagpalit ang sulat
mo nang hindi ko nalalaman kung saan nila iyon gagamitin. Wala akong maaring gawin kundi
ang magtiis upang patuloy na maitago ang lihim ng aking pagkatao. Kailangan kong makipag-
isang dibdib upang hindi maibunyag ang aking lihim. Ngayon, magagawa mo pa kaya akong
libakin?

Ibarra: Maria, isa kang anghel.


Clara: Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako.

Ibarra: Ikakasal ka na.

Clara: Oo. Iyon ang gustong mangyari ng kinikilala kong ama. Minahal at inalagaan niya ako
kahit hindi niya tungkulin kaya’t bilang ganti ay kailangang sundin ko siya. Ngunit hindi ko
malilimot ang naging sumpaan natin.

Ibarra: Ano’ng ibig mong mangyari?

Clara: Madilim ang hinaharap. Ngunit gusto kong malaman mo na minsan lamang ako umibig at
hindi na ito maaangkin ninuman. Ano ang manyayari sa iyo?

Ibarra: Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito.

Clara: Paalam, Crisostomo.

( Nagbalik na siya sa bangka kung saan naghihintay si Elias para itakas siya.)

Elias: Dadalhin ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Ihahatid ko doon ang
salapi ninyo na itinago ko. Magagamit ninyo iyon sa pangingibang bansa.

Ibarra: Mangingibang bansa?

Elias: Sa ibang bansa ay makakapamuhay kayo ng tahimik. Marami kayong kaibigan sa Espanya
at matutulungan kayo para kayo’y mapatawad.

Ibarra: Iniligtas mo ang buhay ko ng dalawang beses sa kabila ng kasawian ng iyong angkan sa
aking angkan. Marapat lamang na ibalik ko sa iyo ang inyong yamang nawala. Sumama kayo sa
akin sa ibang bansa at magturingan tayong magkapatid. Tayo’y kapwa sawimpalad sa sarili
nating bayan.

Elias: Hindi ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mamatay.

Ibarra: Pero bakit pinaaalis n’yo ako?

Elias: Sa ibang bansa ay maari pa kayong magtagumpay. Kung daranasin ninyo ang ibayong
hirap ay baka dumating ang araw na itakwil ninyo ng sariling bayan.

Ibarra: Hindi totoo ‘yan! Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng bayan.
Elias: Hindi ninyo ko nauunawaan. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang bayan sapagkat wala pa
kayong dinaranas na paghihirap. Subalit isang araw na maranasan ninyo ang hirap, gutom at pag-
uusig, naniniwala akong itatakwil ninyo ang bayang ito. Humingi ako ng tulong sa inyo para sa
mga sawimpalad, ngunit hindi ninyo ako pinakinggan. Sila ang inyong pinanigan. Ngayon ay
tinutugis na nila kayo at itinuturing na kaaway.

Ibarra: May katwiran ka, Elias. Ako’y taong umaayon sa takbo ng panahon. Malinaw na sa akin
ang lahat ngayon na ang ating bayan ay may nabubulok na sakit na kailangan ng panlunas. Isang
kanser ng lipunan na kailangang gamutin at sugpuin. Akong nagtatanggol sa bayan ay isa na
ngayong pilibustero. Tatlong daan taong silang nagpasasa sa atin habang tayo’y naging sunud-
sunuran sa kanilang pang-alipusta. Nagyaon ay halos nawawalan na tayo ng pagasa …
nawawalan na tayo ng pananalig sa Diyos. Wala nang natitira kundi hingin natin ang ating
karapatan at lakas.

(Pinagbabaril silang dalawa, ang tubig sa lawa ay naging pula)

Scene 16: Pagtatapos

(Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra.Ang isip ay nasa


kawalan ng sandaling iyon. Dinatnan siya ni Padre Damaso sa ganoong kalagayan.)

Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para
masaksihan ang kasal mo. (Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May sakit ka na naman ba,
anak? Bakit namumutla ka?

[Walang imik si Maria Clara]

Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang
nangyayari sa’yo.

Maria Clara: Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang
aking ama para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban, umasa
at manalig. Ibig kong mabuhay para marining kahit paano ang mga bagay tungkol sa kanya pero
ngayon patay na siya. Bakit pa ako mabubuhay at magtitiis?

Padre Damaso: Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay…

Maria clara: Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Wala
namang gusto ang ama ko kundi malalaking ugnayan sa mga nasa poder. Pero ngayong patay na
siya, walang sinumang tatawag sakin ng asawa. Kumbento o sementeryo lamang ang aking
pagpipilian.

Padre Samaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang
mabigyan ka ng mabuting kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahil mahal kita.

Maria Clara: Mahal mo palay ako’y wag mong hayaang ako’y malungkot habambuhay. Patay na
siya. Ibig ko na ring mamatay o maging madre.

Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay na
misteryong nakakubli sa mga pader ng kumbento. Matanda na ako, Maria. Hindi na kita
mapangangalagaan, pati ng kaligayahan mo. Humiling ka ng iba pa. Mahalin ang binata kahit
sino man sya.. wag lang ang kumbento..

Maria Clara: Ang kumbento o ang kamatayan!

Padre Damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw
ni Padre Damaso) Ayokong mamatay ka… magmamadre ka! Diyos ko! Talagang narito ka nga
nagpaparusa ka. (umalis nang malungkot)

You might also like