GMRC 4 Exam

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

WESTERN PACIFIC COLLEGE, INC.

“A Premiere Institution of Global Education”


Tigayon, Kalibo, Aklan
Tel. No. (036) 268-3647
Marka:

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


GMRC IV

Pangalan: __________________________________ Baitang: ________ Petsa: ____________


PAGSASANAY I. PAGPIPILIAN

A. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na tanong ukol sa


pasilidad at palikuran na dapat pagka-ingatan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Paano ka makatutulong para makamit ang pagkakaroon ng isang kaaya-ayang kapaligiran?
a. Magkunwaring hindi nakita ang tambak na basura sa kusina.
b. Makipagkaibigan sa mga tambay na naninigarilyo at nag-iinuman.
c. Makibahagi sa Clean and Green Program ng barangay.
d. Huwag pansinin ang itinakdang curfew hour.
2. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang kaaya-ayang kapaligiran, MALIBAN sa:
a. Pagsunod sa “No Parking Area, No Car Policy”.
b. Makalat na kalye.
c. Luntiang kapaligiran.
d. Maayos at malinis na drainage system.
3. Magkapatid sina Ara at Dana at iisa ang kanilang silid-tulugan. Maayos si Ara sa gamit
samantalang si Dana ay magulo sa kaniyang mga kagamitan. Minsan, naiinis na si Ara dahil
hindi siya mapakali sa tuwing makalat ang kanilang silid. Kung ikaw si Ara, ano ang iyong
gagawin?
a. Aayusin ang mga gamit at kakausapin si Dana na tumulong mag-ayos ng kanilang silid-
tulugan.
b. Isusumbong si Dana sa nanay.
c. Aawayin si Dana.
d. Hahayaan lang ito.
4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapanatili ng katahimikan sa
pamayanan?
a. Magdamagang sesyon ng kantahan sa videoke.
b. Malakas na pagpapatugtog ng radio.
c. Nag-iinuman at nakikipag-away sa kalye.
d. Masayang nakikinig ng musika na hindi nakakagambala sa kapitbahay.
5. Ano ang nararapat ugaliing gawin tuwina matapos gumamit ng mga pasilidad tulad ng
paliguan o palikuran?
a. Iwanan ng marumi.
b. Linisin mabuti
c. Dagdagan pa ang kalat.
d. Ipaubaya sa tagapaglinis.
6. Ang mga susumusunod ay mga gawaing nagpapakita ng maayos at ligtas na kapaligiran
MALIBAN sa:
a. Pagreresiklo ng mga basura .
b. Pagsamasamahin ang mga basura sa isang lalagyanan.
c. Pagsunod mabuti sa mga batas at ordinansa sa komunidad.
d. Pagsunod n mabuti sa curfew hour.
7. Sa madalas ninyong paggamit ng palaruan matapos ng klase nasasakhihan mo ang walang
habas na pagpitas ng mga bulaklak ng dalawa mong kaibigan, ano ang nararapat mong
gawin?
a. Hayaang ipagpatuloy na lamang.
b. Gayahin na lamang.
c. Sawayin ng magalang.
d. Sabihan na lamang magtira ng kaunti.
8. Nakita mong hindi maayos ang pagkakalagay ng mga aklat sa silid-aklatan. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Ipagbigay alam sa librarian.
b. Ipaayos na lamang sa kumuha ng aklat.
c. Huwag na lamang pansinin.
d. Punahin ng lubos librarian.
9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa mga pasilidad ng paaralan para sa
lalong kapakanan ng nakararami MALIBAN isa:
a. Masinop na ginagamit ang mga utilities tulad ng ilaw at tubig.
b. Tinatangkilik ang programang Gulayan sa Paaralan.
c. Pinipitas ang mga bunga't bulaklak ng walang pahintulot.
d. Isinusulong ang progamang School-Inside-A-Garden (SIGA) sa pamamagitan ng
pagtatanim.
10.Alin sa mga sumusunod na tagpo ay nagpapamalas ng wastong paggamit sa mga pasilidad
at kagamitan ng paaralan MALIBAN sa:
a. b. c. d.

PAGSASANAY II. TAMA O MALI


PANUTO: Isulat ang T sa patlang kung sinsasabi sa pangungusap ay tamang gawi sa
pasilidad at M naman kung hindi.

________1. Hindi ko binuhusan ng maayos ang inidoro.


________2. Tahimik na nag-aaral sa loob ng silid-aralan.
________3. Ginugulo ang mga libro at pinupunit.
________4. Sinusulatan ang pader ng palikuran.
________5. Ibinabalik ng maayos ang mga libro pagkatapos gamitin.
________6. Pinapatilihing malinis ang banyo bago umalis.
________7. Tinatapon ang tisyu sa inidoro.
________8. Iniingatan ko ang mga gamit sa palaruan upang magamit pa ng maayos ng
aking kamag-aral.
________9. Tumatayo ako sa padulasan kahit may ibang naglalaro.
________10. Hindi ako nag-iiwan ng basura sa palaruan ng parke.
PAGSASANAY III. SURIIN MO
Panuto: Isulat sa kahon ang tamang gawi sa looob ng silid-aklatan at hindi dapat
gawin sa silid-aklatan.
Tamang gawi sa silid-aklatan Maling gawi sa silid-aklatan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Inihanda ni:

Bb. JULIET T. REYES


Guro sa GMRC

Iniwasto ni:

G. ROCEL E. FUERTE, LPT


Acting Principal

You might also like