Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

1

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

PANIMULA

Bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay ang makisalamuha sa kapwa at ito ay


nagaganap sa pamamagitan ng pakikipagkomunikasyon. Hindi tayo maaaring mabuhay na mag-
isa kailangan natin ang isa’t isa upang tayo ay umiral. Ang komunikasyonx ay galling sa salitang
Latin na “communis” nangunguhulugang para sa lahat, berbal man o di-berbal.

Tayong mga Pilipino ay namumuhay sa lipunan na aktibo ang komunikasyon kaya’t tayo
ay kinikilala sa buong mundo sa katangiang ito. Maraming beses nang napatunayan na madali
tayong magkaroon ng kaibigan kahit minsan pa lamang tayong pumunta sa isang lugar at ito ay
natalakay na sa mga naunang kabanata.

Sa ating pakikipagkomunikasyon, napakahalagang makuha at maunawaan natin ang


mensaheng nais ipaabot ng ating kausap nang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Maraming
tao ang hindi nagkakasundo dahil sa maling pagpoproseso ng impormasyon na ibinahagi o
tinanggap kaya’t mahalaga na malawak an gating kaalaman sa paglalahad at ang tamang pag-
unawa nang maiwasan ang pagtatalo.

Napakalaki ng maitutulong ng kabanatang ito sa ating paglinang sa kasanayang


makakuha ng angkop ng impormasyong maaari nating ibahagi at ang tamang paraan ng
pagpoproseso nito,

A. Ang Panaliksik at Komunikasyon

Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na


humahantong sa kaalaman. Di-lamang itinutumbas sa tesis, disertasyon, papel pantermino o
artikulo sa journal. Isang batayang gawain hindi lamang sa loob ng akademya at laboratoryo,
kundi pati sa labas nito, maging sa pang-araw-araw na pamumuhay (Salazar, 2016) Pagsasaliksik
- minimithi ang ”pagtatamo ng karunungan” na batay sa masusing “pagsusuri ng ebidensya” at
tungo sa “higit na matatag na direksyon sa pananaw at pamumuhay ng tao”.(Almario, 2016a.
p.2)

Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,


empiriko, at kritikal na pag- imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon
o ugnayan ng mga natural na penomenon. Idinagdag nina Atienza (1996) at Lartec (2011), ang
pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral
tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.
Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang pananaliksik ay isang
pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto
sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing
maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
2

Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng


mga hindi pa nalalaman. Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng
paghahanap ng teorya. Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang sistematiko at
siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag- oorganisa, at
pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.

Ang kahusayan sa pagsulat ng isang mainam at mabisang pananaliksik ang isa sa mga
kinakailangan sa pagtatamo ng magandang edukasyon.

Ang pananaliksik ay bunga ng isang maingat at masinop na pag-aaral at pagsisiyasat tungkol sa


isang paksa. Isa itong mahalagang kasangkapang pang- intelektwal kaya ninais ng yunit na ito na
maturuan ang mga mag-aaral na mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa pagtuklas ng ilang
bagay, mapaunlad ang kakayahang mag- organisa nang lohikal at masanay ring maging
mapanuri sapagkat kailangang piliin ang mga makabuluhang aklat na gagamitin sa nasabing
pananaliksik.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

 Mailahad ang kahulugan ng pananaliksik mula sa pananaw ng iba’t ibang mananaliksik.

 Matukoy ang mga bahagi ng isang pananaliksik.

 Makapagsulat ng isang mahusay na papel ng pananaliksik.

Ang Pananaliksik

Binigyan ng pakahulugan ang pananaliksik ng mga sumusunod:

Aquino (1974). Isa itong maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang


impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan.

Manuel at Medel (1976). Isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon


para malutas ang isang partikular o tiyak na suliranin sa isang siyentipikong paraan.

Parel (Sanchez, 1980). Isa itong sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang


pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik.

E. Treece at J. W. Treece (1977). Isa itong pagtatangkang makahanap ng mga solusyon


sa mga suliranin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
3

Atienza (1996). Isa itong matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na


pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspeto ng
kultura at lipunan.

Mga Uri ng Pananaliksik

1. Eksperimental. Gumagamit dito ng laboratoryo upang tuklasin ang katotohanang bunga ng


mga datos na nakalap para sa isang mahalagang paksa o problema.

2. Palarawan (Descriptive). Ang pagsasagawa ng mga sarbey at pagpapakahulugan sa mga


nakalap na mga datos ay isang palarawang pananaliksik. Inilalarawan dito ang resulta at
pakahulugan sa mga datos na nakalap at nagpapaliwanag sa mga katotohang hinahanap.

3. Pangkasaysayan (Historical). Nauukol ito sa pag- aaral sa mga bagay o isyu ng nakaraan.

4. Case Study o Pag-aaral ng Isang kaso. Ginagamit ang pananaliksik na ito upang malaman ang
nangyari sa isang tao o pasyente. Halimbawa nito ay ang pag-aaral sa ugali ng isang mag-aaral
na palaaway.

5. Normative o Nababatay sa Pamantayang Pananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral ay


ihahambing sa isang umiiral na pamantayan.

Katangian ng Pananaliksik

 Ang pananaliksik ay sistematiko. Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na


dapat sundin tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa kung anumang layunin ng pananaliksik.

 Ang pananaliksik ay empirikal. Dapat maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraan at


baryabol na gagamitin sa pananaliksik, gayundin ang mga datos na makakalap, ay katanggap-
tanggap. Hindi ito dapat maging isang teorya lamang o kaya nama’y gawa-gawa lamang.

 Ang pananaliksik ay mapanuri. Ang mga datos na nakalap sa pananaliksik ay dapat suriin
nang mabuti upang hindi magkamali sa pag-iinterpret ang mananaliksik. Madalas na ginagamitan
ng estadistika ang pagsusuri upang masabing analitikal ang pananaliksik.

 Ang pananaliksik ay obhektibo, lohikal at walang pagkiling. Anuman ang lumabas na resulta
sa pananaliksik ay hindi dapat mabago o mabahiran ng personal na saloobin ng mananaliksik.

 Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib o istatistikal na metodo. Nakalahad sa


numerikal na pamamaraan ang mga datos at ginagamitan ng istatistika upang maging mas
akyureyt ang resulta. Madalas na ginagamitan ng porsyento, ratio at distribusyon ang paglalahad
ng mga numerikal na datos.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
4

 Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. Ang isang pananaliksik ay naglalaman ng mga
datos na nakalap ng isang mananaliksik na nagmula mismo sa kanyang paghahanap at pagtuklas
dahil kailangan na ang mga datos ay galing sa praymari sorses. Hindi ito galing sa pag-aaral ng
ibang mananaliksik.

 Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali. Kailangang pagtiyagaan ang bawat


hakbang na gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang akyurasi ng mga datos na makakalap,
pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at ibayong pag-
iingat dahil kung hindi ay hindi magiging matagumpay ang pananaliksik at hindi magiging
matibay ang mga resulta at konklusyon.

 Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon. Bawat


hakbang na gagawin sa pananaliksik ay dapat na maisagawa nang tama upang maging tama rin
ang resulta.

Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Upang makadiskubre ng bagong kaalaman.

2. Upang maging solusyon sa suliranin.

3. Upang umunlad ang sariling kamalayan sa pali-paligid.

4. Upang makita ang kabisaan na umiiral.

5. Upang mabatid ang lawak na kaalaman ng mga mag-aaral

Katangian ng Isang Mananaliksik

Ang mananaliksik ay may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang – alang upang
maging matagumpay sa gagawing pananaliksik. Kailangan din niyang magtaglay ng mga
katangiang makatutulong para maging maayos at organisado ang gagawing pananaliksik.

 Masigasig. Napakaraming impormasyong makukuha sa gagawing pananaliksik


subalit kailangang pagtiyagaan at pagsikapang makuha ang mga aklat, dyornal, magasin,
tesis, at

disertasyon na makatutulong sa paksang pag-aaralan.

 Masinop. Pagkatapos makuha ang lahat ng impormasyong kailangan sa gagawing


pananaliksik, sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon.

 Masistema. Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang


lahat ng kanyang gagawin sa pananaliksik.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
5

Mapamaraan. Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik. Kung hindi


niya mahanap ang impormasyon, kailangang gumawa siya ng paraan para makita o
makuha ito.

 Magaling magsiyasat. Ang mga impormasyong nakuha ay tinitimbang nang mabuti


kung nararapat o di- nararapat isama. Sinusuring mabuti ang interpretasyon ng mga datos
kung mayroon itong kaugnayan o may kabuluhan sa paksang pinag- aaralan.

 May pananagutan. Ang mga awtoridad o eksperto, at ang mga manunulat na ginamit sa
pananaliksik ay dapat kinikilala.

Etika ng Mananaliksik

Ang mananaliksik ay kinakailangang umiwas at mag-ingat sa plagiarism o pangongopya ng


gawa ng iba. Kinakailangang maging tapat siya sa kanyang sarili sa lahat ng kanyang isinusulat.

Batid natin na madali nang makahanap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik dahil sa
makabagong teknolohiya, ngunit nararapat niyang ipakilala o ipabatid sa mga mambabasa ang
sangguniang pinagmulan ng kanyang nakalap na mga datos na isinama niya sa ginawang
pananaliksik.

Narito ang ilan sa mga Etika ng Mananaliksik:

1. Paggalang sa karapatan ng iba - kinakailangang igalang ang mga tagatugong


gagamitin, anuman ang kanilang pangkat o antas na kinabibilangan.

2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang konpidensyal - kinakailangang tingnan na ang


lahat ng mga datos na nakalap mula sa pakikipanayam ay gagawing konpidensyal.

3. Pagiging matapat sa bawat pahayag - kailangang naaayon sa pamantayan ng pagsulat


ang anumang pahayag sa kabuuan ng sulating pananaliksik. Hindi ito nararapat baguhin
para sa pansariling interes.

4. Pagiging obhektibo at walang kinikilingan - dapat walang kinikilingan ang


mananaliksik, kailangang maibigay ang nararapat sa sinumang sangkot sa pananaliksik.

Mga Hakbang sa Pananaliksik

1. Pagpili ng tamang paksa. Dapat isaalang-alang ang interes ng mananaliksik. Suriing


mabuti kung napapanahon, at makabuluhan ba ang paksa. Gawing limitado, at tiyak ang
isang napakalawak na paksa.

2. Paghahanda ng balangkas. Inihahanda rito ang istruktura ng buong organisasyon ng


isasagawang pananaliksik.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
6

3. Paghahanda ng bibliyografi. Masusing hinahanap, pinipili, at kinakalap ng


mananaliksik ang aklat, magasin, jornal o anumang babasahin na maaaring pagkunan ng
mga impormasyon para sa isasagawang pananaliksik.

4. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal. Binabasa at mahusay na pinag-


iisipan ng mananaliksik ang mga datos o impormasyon na kanyang nakalap mula sa mga
babasahin gaya ng aklat, magasin, dyornal, at iba pa.

5. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas. Kinakailangang ayusing mabuti ng


mananaliksik ang kanyang mga nakalap na datos.

6. Pagsulat ng pananaliksik. Isinusulat nang mahusay ang pananaliksik batay sa ginawang


paghahanda. Nakasalalay sa mananaliksik ang tagal o panahon na gugugulin sa
pananaliksik.

7. Pagrerebisa ng papel. Iwinawasto rito ang mga maling nagawa sa paggamit ng salita
upang magkaroon ng kawastuhan ang ginawang pananaliksik.

8. Pagsulat ng pinal na papel. Ito ang pinakakabuuan ng isinagawang pananaliksik na


tinatawag ding manuskripto.

Pagbuo ng Konseptong Papel

Ang isang maayos na konseptong papel ay kinakailangang magtaglay ng mga


sumusunod na bahagi:

1. Panimula o introduksyon. Ito ang bahaging nagpapaliwanag sa paksa at kung paano


ito tatalakayin.

2. Katawan. Kinakailangan itong maglaman ng mga ideya o impormasyong nais


ibahagi sa mga mambabasa.

3. Kongklusyon. Pagtatapos ng isang sulatin nang may pagbubuod at paglalahad.

4. Mga sanggunian. Mga ginamit itong referensya o sanggunian na pinaghalawan ng


mga impormasyon sa isinulat na konseptong papel.

Pagsasaayos ng mga Datos

1. Pagtatala

Paraan ito ng pagsusulat ng anumang bagay na napakinggan, nakita, nabasa,


o anumang balak gawin. Ginagamit ito upang maiwasan ang pagkakamali bunga ng
pagkalimot, o hindi pagkatanda sa mga bagay-bagay.

2. Pagbabalangkas

Ang balangkas ang nagsisilbing batayan ng manunulat sa pagtalakay ng paksang


napili. Ito ang nagbibigay ng direksyon sa manunulat kung paano tatalakayin ang
paksang kanyang napili.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
7

Uri ng Balangkas

a. Balangkas na paksa - gumagamit ng mga salita o kataga


b. Balangkas na pangungusap - binubuo ng mga pangungusap

3. Direktang Sip
Pagbuo ng Konseptong Papel

Ang isang maayos na konseptong papel ay kinakailangang magtaglay ng mga

sumusunod na bahagi:

1. Panimula o introduksyon. Ito ang bahaging nagpapaliwanag sa paksa at kung paano

ito tatalakayin.

2. Katawan. Kinakailangan itong maglaman ng mga ideya o impormasyong nais

ibahagi sa mga mambabasa.

3. Kongklusyon. Pagtatapos ng isang sulatin nang may pagbubuod at paglalahad.

4. Mga sanggunian. Mga ginamit itong referensya o sanggunian na pinaghalawan ng

mga impormasyon sa isinulat na konseptong papel.

Pagsasaayos ng mga Datos

1. Pagtatala

Paraan ito ng pagsusulat ng anumang bagay na napakinggan, nakita, nabasa, o anumang


balak gawin. Ginagamit ito upang maiwasan ang pagkakamali bunga ng pagkalimot, o
hindi pagkatanda sa mga bagay-bagay.

2. Pagbabalangkas

Ang balangkas ang nagsisilbing batayan ng manunulat sa pagtalakay ng paksang napili.


Ito ang nagbibigay ng direksyon sa manunulat kung paano tatalakayin ang paksang
kanyang napili.

Uri ng Balangkas

a. Balangkas na paksa - gumagamit ng mga salita o kataga

b. Balangkas na pangungusap - binubuo ng mga pangungusap

Direktang Sipi

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
8

Tuwirang pagkuha/pagsipi ng sinabi o ipinahayag ng isang tao. Maaaring ikowt ang


sinabi ng isang tao lalo’t may malaking ambag ang kanyang mga tinuran sa ginagawang
sulatin o pagpapahayag.

4. Sinopsis

Pagsulat ito sa sariling pangungusap ng isang pahayag, artikulo, o teksto. Maikli lamang
ito ngunit hindi kailangang mabawasan ang tunay na kahulugan ng orihinal.

5. Presi

Isang maingat na pag-unawa sa tekstong binasa ang ginagawa sa presi. Pinananatili nito
ang pangunahing kaisipan at pananaw ng sumulat ng orihinal. Hindi ito dapat pasukan ng
sariling opinyon o palagay ng taong naglalagom.

6. Parapreys

Ipinaliliwanag dito ang mahihirap na bahagi ng teksto na maaaring may gawing


pagdaragdag upang higit na maunawaan ng babasa ang nilalaman ng orihinal. Kailangan
ang paggamit ng magagaan at madaling maunawaang mga salita ngunit hindi dapat
malayo sa mga kaisipan at pananalita sa pagpapaliwanag ng nilalaman ng orihinal.

7. Abstrak

Isang maikling lagom ito ng pinal na papel. Kinakailangang maglaman ito ng


introduksyon, paglalahad ng suliranin, sakop at limitasyon ng pag-aaral, paraan ng
pananaliksik, kongklusyon at rekomendasyon. Pahapyaw ring tinutukoy rito ang
nilalaman ng bawat kabanata upang mailantad ang kabuuan ng simula. Ang halimbawa
nito ay mga abstrak ng tesis o disertasyon.

8. Pagsasalin sa Filipino ng mga Sipi

Batid natin na karamihan sa mga artikulo na ginagamit sa pananaliksik ay nasusulat sa


wikang Ingles kung kaya’t kinakailangang may kakayahan ang manunulat na isalin sa
Filipino ang mga ito. Dito mapatutunayan ang kanyang kakayahan sa pagasasalin at
paggamit ng wika. Isang multilinggwal at bilinggwal na tao ang may espesyalisasyon sa
ganitong gawain.

Mga Bahagi ng Papel ng Pananaliksik

Kabanata 1 - Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
9

Panimula. Nagpapaliwanag ang bahaging ito ng malawakang paglalarawan ng pag-aaral


at bumabanggit ng mga sitwasyon o pahayag ng mga awtoridad upang ipaliwanag kung
bakit isinasagawa ang pananaliksik.

 Sanligan ng Pag-aaral. Sa bahaging ito ibinabahagi ang dahilan ng pagsasagawa ng


pag-aaral. Binabanggit dito ang mga impormasyon hinggil sa lugar tulad ng lokasyong
hiyograpikal, kultural, demograpikong katangian, politikal, ekonomiko at iba pa.

 Balangkas Teoretikal. Nagsasaad ang bahaging ito ng mga dahilan kung bakit
humahanap ng mga panibagong datos ang mga mananaliksik upang suriin, ipaliwanag, at
lagumin. Nagbibigay rin ang bahaging ito ng balangkas na nagsasaad ng teorya ng mag
may-akda na pinagbabatayan ng pag- aaral upang maipakita ang kaugnayan ng mga
baryabol sa pag-aaral.

 Balangkas ng Konseptwal at Paradigma ng Pag-aaral. Nagsasaad ito ng konsepto o


ideya ng mga mananaliksik hinggil sa isinasagawang pag-aaral. Dapat magkaroon ng
paradigma ng pananaliksik na kinabibilangan ng Pinagbabatayan (Input), Proseso
(Process), at Kinalabasan (Output). Nararapat ipaliwanag ng mananaliksik ang paradigma
ng pag-aaral.

 Paglalahad ng Suliranin. Ito ang nagsasaad ng direksyon upang masagot ang mga tiyak
na mga katanungan.

 Palagay/Hinuha. Bahagi ito ng pananaliksik na kailangang patunayan o


suriin. Tinatanggap ang palagay bilang katotohanan batay sa obserbasyon
o batay sa umiiral na mga konsepto at batay sa naunang isinagawang pag-
aaral.

 Haypotesis. Pangungusap na isinasagawa kung naglalahad ng istatistikang


paghahambing at naglalayong matiyak ang kaugnayan sa pagitan ng mga baryabol.

 Kahalagahan ng Pag-aaral. Iniisa-isa rito ang kahalagahan ng pag-aaral sa kanyang


target na awdyens.

 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral. Inihahanay rito ng mananaliksik ang limitasyon


ng kanyang pag-aaral. Binabanggit dito ang bilang ng tagatugon at ano lamang ang
saklaw ng pag- aaral.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
10

 Pagpapakahulugan sa mga terminolohiya. Binibigyan ng katuturang operasyunal ang


mga salitang gagamitin sa pananaliksik. Ipinaliliwanag ito ayon sa pagkakagamit sa pag-
aaral.

Kabanata 2 - Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

 Kaugnay na Literatura. Nagtataglay ang bahaging ito ng mga binasang aklat, artikulo,
dokumento at iba pang sanggunian na may kaugnayan sa isinasagawang pag- aaral.
Ipinahahayag ang ideya ng bawat awtor at apelyido lamang ng awtor ang isinusulat matapos
ang pahayag gayundin ang taon ng publikasyn o pagkalimbag ng pinagkunang sanggunian.

 Kaugnay na Pag-aaral. Ito ang mga kaugnay na pag-aaral na binubuo ng mga ideya mula sa
mga binasang tesis at disertasyon na may kaugnayan sa kasalukuyang pag- aaral. Katulad din
ng isinagawa sa kaugnay na literatura, ipinakikilala ang mga awtor sa mga sangguniang
ginamit.

 Sintesis. Nagsasaad ito ng pagkakatulad ng kasalukuyang pag-aaral sa mga naunang pag-


aaral.

Kabanata 3 - Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik

 Paraan ng Pananaliksik. Nagpapaliwanag ang bahaging ito ng disenyo ng partikular na


paraan na ginamit sa pananaliksik.

 Mga Pokus ng Pag- aaral. Dito inilalarawan ng mananaliksik ang populasyon ng kanyang
mga tagatugon na sasagot sa mga talatanungan at kung paano sila pinili. Ipinahahayag din
dito ang paraan ng pagpili at bilang ng kukuning tagatugon.

 Mga Instrumentong Pampananaliksik. Dito inilalahad ang instrumentong gagamitin, kung


ito ay nangangailangan ng istandardisado o pangkaisipang pagsubok. Tinutukoy rin dito ang
iba pang kagamitang may malaking kaugnayan sa ikapagtatagumpay ng ginawang
pananaliksik.

 Tritment ng mga Datos. Pagsusuri ng mga datos sa pamamagitan ng matataas at kompleks


na istatistikal na pamamaraan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
11

Kabanata 4- Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

 Pamamaraan ng Pagkolekta sa Datos. Paglalahad nang detalyado sa disenyo ng


pananaliksik upang maipaliwanag ang validasyon nito. Ang mga hakbang sa
pangangalap ng mga datos ay dapat sundin sa paggamit ng alinman sa mga paraan:
paglalarawan, pangkasaysayan, at eksperimental.

 Pagsusuring Eksperimental. Nagpapakilala ang bahaging ito sa uri ng datos na ginamit


sa pag-aaral. Ang paggamit sa istatistika ay dapat naaangkop sa mga makakalap na datos
para sa isasagawang pag-aaral.

Kabanata 5- Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

 Lagom. Ito ang kabuuan o buod ng isinagawang pag-aaral.

 Kongklusyon. Halaw ito sa buod ng mga kinalabasan at naaangkop sa mga tanong na


siniyasat ng mananaliksik.

 Rekomendasyon. Nagpapahintulot ito ng malayang pag-iisip ng manaliksik ngunit


kailangang may kaugnayan ito sa kongklusyon.

B. Pagpili ng Batis o Hanguan ng Imposmasyon

PRIMARYANG BATIS

Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan dito. Ito rin ay naglalaman ng
nang imporamasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag- usapan sa kasaysayan.
Nagpoprodyus sa panahon kung kailan nagaganap ang pangyayari o saglit lamang pagkatapos
nito. Halimbawa: Dyaryo, mga letrato, mga liham, mapa, likhang sining (ginagawa sa panahon
ng pagkaganap ng pangyayari).

SEKONDARYANG BATIS

Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng pangyayari. Karaniwang gumagamit ng


pangunahing batis bilang sanggunian. Ang ganitong uri ng mapagkukunan ay isinulat para sa
isang malawak na madla at isasama ang mga kahulugan ng disiplina tiyak na mga tuntunin,
kasaysayan na may kaugnayan sa paksa, makabuluhang mga teorya at prinsipyo, at mga buod ng
mga pangunahing pagaaral o mga kaganapan na may kaugnayan sa paksa. Halimbawa: Dyaryo,
mga libro, dyornal, pananaliksik at iba pa.

IBA’T IBANG PARAAN SA PAGHANGO NG BATIS NG IMPORMASYON

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
12

1.Pagtatala

-Ang ibig sabihin ng pagtatala ay ang pag-iisa-isa ng mahahalagang impormasyong kinalap o


kinuha sa iba’t ibang sanggunian katulad ng aklat, diyaryo, magasin at iba pa. Maaari din na ang
impormasyon ay kinalap sa pamamagitan ng panayam o pagtatanong sa mga taong may sapat na
kaalaman sa paksa.

2.Paggamit ng internet

-Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga
kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon
katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng
kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng
publiko.

3. Debrief

-Matapos ang pagkuha ng mga impormasyon ay maaaring umpisahan na ang pagkakaroon ng


diskusyon hinggil sa mga impormasyon na nakalap. Maaaring makatulong sa pag-uusap na ito
ang paggamit ng mg graphic organizer upang Makita ang mga impormasyon na magkakaugnay
at mga impormasyon na dapat nang hindi isama.

4.Mga Koneksiyon

-Magiging malinaw ang pananaliksik kung malalaman ang koneksiyon nito sa buhay. Sa
ganitong paraan ay maaaring makatulong ito upang mas maunawaan ang mga impormasyon at
aral na makukuha habang nagsasaliksik sa particular na paksa.

Hanguang Elektroniko o Internet

Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at


pinakamabilis na hanguan ng mga informasyon o datos. Sa isang pindot lamang ng daliri ay may
mayamang inpormasyon ka nang makukuha. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon
ng serbisyong postal, telepono, at silad-aklatan. Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng
liham-elektroniko o e-mail sa alin mang panig ng mundo.

Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon sa


pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa
malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telepono. Kung ang internet ay
maaaring pagkunan ng impormasyon o datos, nangangahulugan lamang na malaking tulong ito
sa pananaliksik.

May ilan lamang katanungan sa kawastuhan ng paggamit nito, gaya lamang ng mga sumusunod:

• Gaano kahalaga ang informasyong manggagaling sa internet?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
13

• Ano-ano ang sukatan ng kahalagahan nito?

Narito ang mga ilang payo hinggil sa bagay na ito:

Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?

A. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa
institusyon ng edukasyon o akademiko.

Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu

B. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa


komersyo o bisnes.

Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org

www.yahoo.com

C. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan.

Halimbawa: www.makaticity.gov

www.tourism.gov

Sino ang may akda?

- Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet nang sa
gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay kalakip ng
impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at kwalifikasyon. Kung
gayon, maaaring iverifay ang mga impormasyon hinggil sa kanilang pagkatao. Kung wala ito,
mahirap paniwalaan ang kanilang akda.

Ano ang layunin?

Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais bang
magbahagi ng informasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng
pagpasok ng mga informasyon sa internet. Samaktwid, maaari rin itong magamit sa pagpapakalat
ng maling propaganda at mga pansariling interes.

Paano inilahad ang impormasyon?

Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias at
prejudice ang teksto.

Makatotohanan ba ang teksto?

Alamin kung ofisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay
maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung ang website ay maaaring

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
14

ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa ibang nang matimbang
kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi.

Ang impormasyon ba ay napapanahon?

Mainam kung ang informasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng


pinakahuling revisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi.
Gamitin ang mga payo o tips na nailahad sa pag-eevalweyt ng mga informasyon o datos.
Mahalaga ito upang maging akyureyt ang pagsulat ng pananaliksik

C. Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon

Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong upang ito’y mas lalo


pang maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga salita
(Anderson, 1998). Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa ay parang pagtatanong na
nakalimbag mula sa teksto at pagbabasa na may pangunawa na nagiging dahilan upang ang mga
tanong ay masagot. Samantala ang pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha ng mga
impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong maintindihan ang bawat bagay.

MGA LAYUNIN SA PAGBASA:

1) Nagbabasa upang maaliw.

2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito.

3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.

4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.

5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba sa
kulturang kinagisnan.

Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S. Gray na siyang
kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag-unawa, Reaksyon at Assimilasyon
at Integrasyon.

Pagbasa

Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na teorya. Ito ay ang:

1) Bottom-up

Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist
na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran at sa paglinang ng komprehension sa pagbasa.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
15

2) Top-down

Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayang
maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa
tungo sa teksto.

3) Interaktib

Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito,
ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa
lamang.

4) Iskema

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Bawat


bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima.
Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang
ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.

Pagpapaunlad ng Pagbasa

Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at naglalayong umunlad
ang kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang mga kaayusan ng pangungusap ay
kontrolado at sumusunod sa takdang criterion para sa pagkasunod-sunod.

 Iskiming

Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang materyales ay
isinulat ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito ba ay naglalaman ng
impormasyon.

 Overviewing

Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw.

 Survey

Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng materyales.

 Iskaning

Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan hanapin ang mga
impormasyon na kanyang gusting malaman.

 Previewing

Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
16

 Kaswal

Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na tinitingnan ang
bawat salita na ibinibigay.

 Pagtatala

Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niyamaintindihan o
napakahirap na salita.

 Re-reading o Muling Pagbasa

Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit ang pagbasa upang sa
ganoo’y ito ay mas lalong maintindihan.

D. Pagsusuri ng Batis o Hanguan ng Imposmasyon

Para sa maraming tao, itinuturing natin ang kasalukuyang panahon bilang panahon ng
impormasyon o information age. Dahil sa mabilis na pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon
– mula sa mga pahayagan, magasin, libro, radyo, telebisyon, kompyuter at sa internet. Ngunit
paano tayo nakasisiguro na ang lahat ng impormasyong ating nakukuha ay kapaki-pakinabang,
wasto at mapagkakatiwalaan?

Ang pagkukumpara ay ang proseso ng pagsusuri ng dalawa o mas madaming tao, bagay o ideya
upang makita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba nila. Subalit, madalas ginagamit ang
salitang pagkukumpara upang ipakita ang pagkakapareho samantalang ang pag-iiba para ipakita
ang pagkakaiba.

Ang katotohanan o fact ay isang klase ng impormasyon na walang kaduda-duda at maaring


mapatunayan na totoo. Ang mga ito ay bihirang nag-iiba sa magkakaibang pinanggagalingan ng
impormasyon.

Halimbawa:

“Mayaman sa protina ang karne” ito ay isang katotohanan na maaring mapatunayan. Maari
mong tanungin ang iyong nutritionist o kaya’y magbasa ng mga libro ukol sa nutrisyon.

Ang mga facts o katotohanan ay isang klase ng impormasyon na mahalaga sa iyo sa pagpaplano,
paggawa ng mga desisyon, at iba pang mahahalagang mga gawain.

Paano mo mapapatunayan na ang isang klase ng impormasyon ay isang fact at may katotohanan?

Kung hindi nagbabago ang mga impormasyon kahit magkakaiba ang pinanggalingan nito,
siguradong katotohanan ito. Halimbawa, maraming tao ang nagsasabi na malamig ang klima sa
Baguio, Tagaytay at Malaybalay kung ikukumpara sa ibang bahagi ng Pilipinas, kung kaya’t

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
17

maaari nating sabihing katotohanan ito. Ngunit hindi sapat ang mga pahayag na ito. Upang
mapatunayan mo na talagang malamig sa mga lugar na nabanggit, maari kang magtanong sa mga
eksperto kagaya ng PAGASA. Maari ka ring magpunta sa mga lugar na ito upang malaman kung
ito ay totoo o hindi.

Ang mga opinyon ay pahayag na base sa mga saloobin at pagpapalagay. Maaaring mag-iba ang
mga ito sa pinagmumulan ng impormasyon at hindi ito maaring mapatunayan.

Heto ang ilang mga halimbawa ng opinyon:

♦ Pumupunta lamang sa Pilipinas ang mga dayuhan para magnakaw ng ating

natural resources.

♦ Magnanakaw lahat ang mga politiko.

♦ Mas ligtas maglakbay sa bus kaysa sa barko.

Lahat ng ito ay opinyon dahil hindi naman sila napatunayan na totoo at hindi naniniwala ang
lahat ng tao na ito ay totoo. Dapat matuto kang kumilala ng katotohanan at opinyon dahil kung
hindi, madali kang malilinlang sa mga maling impormasyon.

Halimbawa:

Kung mayroon kang kaibigan na nagsabing hindi bagay sa iyo ang t-shirt o damit na suot mo,
maari mong isipin na ang sinabi niya ay isang katotohanan at hindi na isuot ang damit na iyon.
Ngunit dapat mong isipin na isang opinyon ang kanyang sinabi at hindi katotohanan. Maaring
may kaibigan kang nagsabi na bagay sa iyo ang damit na yon. Iba-iba ang opinyon ng mga tao sa
isang bagay. Hindi ibig sabihin nito na ang iba ay totoo at ang iba ay mali. Hindi mapapatunayan
na totoo ang mga opinyon, ngunit hindi ibig sabihin na ito ay mali. Kung tutuusin, mas mahirap
ngang makilala kung ang opinyon ay totoo. Maraming napapaaway na mga tao dahil sa
magkaibiang opinyon sa mga bagay-bagay. Upang maiwasan ito, dapat subukan mong irespeto
ang opinyon ng ibang tao, huwag isipin na tama ito o mali sa halip tingnan ito bilang personal na
pagkiling o paniniwala tungkol sa mga bagay at impormasyon.

Ang bayas o pagkiling ay isang inklinasyon o pagkagusto na pumipigil sa isang pinagmumulan


ng impormasyon na maging wasto.

Halimbawa:

Hindi ka dapat maniwala sa lahat ng sinasabi ng salesman tungkol sa produkto dahil mukha
naman talagang bayas siya dito. Kailangan niyang magsabi ng mga kanais-nais na bagay tungkol
sa produkto na ito upang ganahan kang bumili sa kanya. Minsan, ang isang pinanggagalingan ng

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
18

impormasyon ay talagang tutok sa pagprotekta ng isang opinyon na nawawala na ang kanyang


abilidad sa pagtingin ng katotohanan.

Ang taong iyon ay sinasabing may bayas. Maari itong mangyari sa isang tindero na nais
makabenta, sa isang politiko na nais manalo sa darating na eleksiyon, sa isang pahayagan na nais
magkaroon ng maraming mambabasa, isang magulang na nais lamang protektahan ang kanyang
mga anak, atbp.

Kahit sino ay maaaring maging bayas kapag mayroon itong motibo o layunin na nasasaisip.
Mahalaga na may kaalaman ka sa bayas o pagkiling sa isang impormasyon upang hindi ka
madaling malilinlang sa mga nakukuha mong balita. Ngunit madali bang matuklasan ang mga
pagkiling lalo na kapag wala ka masyadong alam sa pinanggalingan ng impormasyon?

E. Pagbubuod at Pag-uugnay ng Impormasyon

Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng papapaikli ng anomang teksto o babasahin.


Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at atutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay
hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang isasamang sarili
mong opinyon o palagay tungkol sa paksa.

Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit
nakatotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda (The Silent Learner, 2017).

Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang
binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat
padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi.

Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori,
maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad
(The Silent Learner, 2017).

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD

Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang magugnay ng
impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o Sinopsis.

 Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na


“parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag."
 Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng
piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD

 Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
19

 Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang


kaisipan ng talata.
 Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
 Gumamit ng sariling pananalita.
 Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

KATANGIAN NG PAGBUBUOD

 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.


 Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng sarili nating mga salita.
 Ito ay pinaikling teksto.

Ang pag-uugnay ng impormasyon naman ay ginagawa upang mas maintindihan ang tekstong
nais ipahayag. Dito maaari tayong maglagay ng sarili nating opinyon. Maari tayong magsadula
dito para mas malawakang maintindihan ang impormasyon na ikinakalap.

Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-
uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang pang-ugnay naito
ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.

1) Pang-angkop - ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.

Halimbawa: mapagmahal na harimabuting kapatid

2) Pang-ukol - ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.

Halimbawa: sa ayonsa/kay Ng hinggil sa/kay Kay/kina ukol sa/kay Alinsunod sa/kay para sa/kay
Laban sa/kay tungkol sa/kay

3) Pangatnig sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.

4) Pagbibigay sanhi/bunga

Halimbawa: Pumasa siya sa naganap na pagsusulit sa LET dahil sa kanyang pagpupursiging


mag-aral.

5) Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o pagtutol.

Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat.

Pagbibigay-Interpretasyon Sa Mapa, Tsart, Grap At Talahanayan

A. Tsart – Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng


hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
20

B. Mapa – ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay nagtuturo sa
mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay direksyon.

C. Piktograp – Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon o


produkto. Mahalaga na maging magkakasinlaki ang mga larawan. Ang kalahati o hinating
larawan, kalahati rin ang bilang nito (50%), ang mga datos na 55-90% ay pinakakahulugang
buong larawan.

D. Guhit na Grap o Layn Grap – Binubuo ng iba’t-ibang anyo ng linya. Ito ay ginagamit sa
pagsukat ng pagbabago o pag-unlad. Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang
pagtutumbas. Gamit ang linya at tuldok tinutukoy ang interbal, bilis, bagal o tagal ng mga bagay
(salik) na nakatala sa bawat gilid.

E. Bar Grap – Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at
linya upang tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo o pahiga ang mga
datos na sinisimbolo ng bar.

F. Bilog na Graph o Pie Graph – Itoý sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon
sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
21

Mungkahing Gawain:
MGA Repleksyong Papel
NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL

Panuto: Manood o magbasa ng mga balita patungkol sa mga napapanahong isyu at gawan ito ng
repleksyong papel. Nakapaloob sa gagawin ang mga suhestiyon kung paano masusulosyunan ang
mga isyung kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan.

Aralin 1: Pangkalahatang Tanaw sa mga Isyung ng Bayan :Pagkilala sa Isyu

I. Positibong naidulot ng k-12

l linangin “ang malalim na pag-unawa ng mga mag-aaral…” sa mga:

a. Isyu

b. Hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pampulitika, karapatang pantao, pang-


edukasyon, at pananagutang pansibiko.

Sa ganitong diwa:

Ø ang yunit na ito ang masaklaw na balik aral sa mga suliraning lokal at nasyonal ng mga
mamamayang Pilipino (noon at sa kasalukuyan).

Sa simpleng salita:

Ø layunin ng araling ito na palawakin pa ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga


suliraning lokal at nasyonal upang maging makabuluhan at malaman ang kanilang
pakikipagtalastasan sa wikang sarili, sa iba’t ibang konteksto at paraan.

Sa pangkalahatan:

Ø ang malalim na pag-unawa sa mga sanhi at bunga, at mga puno’t dulo ng mga suliraning
lokal at nasyonal na magbibigay ng “laman” sa mga tatalakayin sa iba’t ibang paraan ng
pakikipagtalastasan.

Kailan nga ba nagiging isyung panlipunan ang isang isyu?

• Isang pampublikong usapin ang isyung panlipunan.

• Nakaaapekto ito hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo
ng nasabing lipunan.
• Karaniwan, ang mga isyung panlipunan ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap
ng lipunan.
• Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga
istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan.
• Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan at kultura
sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
22

• Walang maituturing na iisang depenisyon ang suliraning panlipunan, subalit lubusang


mauunawaan ito gamit ang Sociological Imagination.
Ayon kay C. Wright Mills (1959) ang Sociological Imagination ay isang kakayahang
makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang
ginagalawan kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at
interaksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan.

Gamit ang kasanayan sa Sociological Imagination, bilang bahagi ng lipunang iyong


ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na ang mga personal na isyung nararanasan mo ay
may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin maikakaila na mayroon kang
mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong kinakaharap ng lipunan sa
kasalukuyan

Halimbawa:

1. Ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa usaping Pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan


at mga karatig lugar.

- Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung
susuriin ang isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok ng huli ay bunga ng malawakang
suliraning pantrapiko.

Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay ng hindi lamang personal na isyu ang
dapat harapin kundi isang isyung panlipunan na nakaaapekto sa isang indibidwal.

Ano ba ang kaibahan ng Isyung Personal at Isyung Panlipunan?

DAPAT TANDAAN:

• Pampublikong bagay

• Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan

• Ito ay nakaaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan

• Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung


panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay.

• Isyung personal - sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya -
ang solusyon ng isang isyung personal ay nasa kamay ng indibidwal - maituturing ito na
pribadong bagay na dapat solusyunan sa pribadong paraan.

Halimbawa:

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)
23

- Ang mga hamon at isyung pangkapaligiran o ang makalat na bakuran ay isang halimbawa
ng isyung personal, kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng
kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura ito ay maituturing na isyung
panlipunan o ito ay may masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya ng isang lugar
kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura.
- Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaring maghanapbuhay ay
may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal, subalit kung
sa isang lipunan mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho,
maaari itong ituring na isyung panlipunan, maaaring maging kongklusyon na may
kakulangan sa lipunan o istruktura nito na nagdudulot ng kawalan ng trabaho ng
maraming mamamayan dito

Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung panlipunan subalit makikita
ang epekto sa personal na buhay ng isang tao.

Halimbawa:

DIGMAAN. ito ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito
maging sa personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at karanasan.

PANDEMYA. Hindi maikakaila ang epekto ng pandemya sa kasalukuyang panahon hindi


lamang sa buong mundo kundi pati na rin sa bawat indibidwal.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)

You might also like