Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

ALITUNTUNIN AT PAALALA SA GAGANAPING PALADIANS’ SENIORS BALL 2024

(Ang mga Alituntunin na ito ay masidhing sinasang-ayunan ng LPIHS Graduating Class PTA, SY 2023-2024 sa pamumuno ni G. Polly Razalan na napag-usapan at pinagtibay
sa ginanap na pagpupulong ng mga Grade 12 PTA Officers at Seniors Ball Organizers noong ika-1 ng Abril 2024)

1. Ang PALADIAN “SENIORS” BALL 2024 ay dadaluhan ng mga tagapayo, kawani at mga mag-aaral na nasa Grade 12 ng Luis Palad
Integrated High School. Ito ay nakatakdang ganapin sa ika-10 ng MAYO 2024 sa Queen Margarette, Lucena City sa ganap na ika-
4 ng hapon. Ang lahat ng dadalo ay kinakailangang nasa lugar ng pagdarausan isang oras bago magsimula ang pagdiriwang. Ito ay
tatagal lamang hanggang ika-10 ng gabi.
2. Hindi pinahihintulutan ang mga mag-aaral na magsama ng kamag-anak o kaibigan sapagkat walang nakalaang lugar na kanilang
mapupuwestuhan. Magpasundo na lamang halimbawa sa 7/11 pagkatapos ng okasyon.
3. Walang sasakyang nakalaan para sa mga dadalo. Kinakailangang ang mga dadalo ay magpahatid at magpasundo sa oras na itinakda.
Mangyari lamang na tandaan ang kulay ng sasakyan, kunin ang pangalan ng driver, cellphone number at plate number at isumiti ito
sa inyong mga tagapayo ganun din ang mga pangalan ng mga sasakay isang araw bago ang pagdiriwang upang makasiguro kami
sa inyong kaligtasan.
4. Mahigpit na IPINAGBABAWAL ang mga sumusunod sa lugar na pagdarausan ng okasyon.
a. Vandalism
b. Paggamit ng Vape o E-cigarette, paninigarilyo, pagdadala ng inuming nakalalasing o mag-aaral na nakakainom sa oras ng okasyon
at bawal na gamot (marijuana o drugs).
c. Pagdadala ng mga lanseta, icepick o anumang sandatang nakamamatay.
Ang sinumang mahulihan o makitaan ng mga ipinagbabawal na ito ay papatawan ng kaukulang kaparusahan at hindi na papahintulutang dumalo at tumuloy sa
okasyon.
5. Mga PAALALA ng dapat isagawa ng mga kalahok:
a. Hindi sapilitan ang magarbong ayos para sa okasyon. Kumuha na lang ng sariling tagapag-ayos o kayo na mismo ang mag-ayos
sa inyong sarili upang hindi na pumila ng matagal sa mga parlor nang maiwasan ang pagkaantala at mahal na bayad rito.
b. Kumain muna bago umalis ng bahay upang hindi sumama ang pakiramdam.
c. Ang pagkain ay ihahain sa ganap na ika-6 ng hapon. Mangyari lamang na ingatan ang meal stub na ibibigay sa inyo ng inyong
adviser.
d. Bawal kumain ng “chewing gum”, kung kakain man ay lumabas ng bulwagan at pagkatapos ay itapon ito sa basurahan at huwag
idikit sa kung saan-saan.
e. Bawal galawin, sirain o kunin ang anumang mahahalagang bagay na nasa Queen Margarette. Ibayong pag-iingat ang dapat gawin
upang hindi makabasag ng pinggan o baso. Anumang pagkasira o pagkawala ng mga bagay na nasa lugar ng pagdarausan ay
babayaran ng katumbas na halaga nito.
f. Bawal pumunta sa kung saan-saang panig ng Queen Margarette, kung saan lamang ang itinakdang lugar ay doon lamang dapat
manatili.
g. Bawal ang KAGULUHAN LALO NA KUNG NAGSASAYAWAN TULAD NG TULAKAN, HIYAWAN AT HAGISAN. Ito ay isang pormal
na pagdiriwang, mangyari lamang na umakto at gumalaw na naaayon sa okasyon.
h. Ingatan ang mga personal na bagay tulad ng cellphone, camera, pera at mga alahas. Walang pananagutan ang pamunuan sa
anumang pagkawala ng mga bagay na nabanggit. Ugaliing ihabilin kung aalis sa upuan.
6. Ang napagkasunduang halaga na babayaran ng bawat isa ay P500.00 na nakalaan para sa merienda at hapunan ng mga mag-aaral.
Ito ay nakatakdang bayaran sa PTA Officers (TVL Room) mula sa Lunes, April 1, 2024 hanggang April 10, 2024. Kapag lumampas
na ng April 15, 2024 ay pinal na ang bilang at lista ng mga dadalo. Wala ng maaaring humabol at makiusap.
7. Ang nararapat na kasuotan ay ang mga sumusunod:
a. Long sleeves with or without coat, slacks at necktie para sa mga LALAKI.
b. Long gown or dress para sa mga BABAE.
*Anumang kasuotang naayon sa okasyon ay pinahihintulutan huwag lamang bumili o umupa ng mahal na coat, cocktail o gown. Ipinagbabawal
ang pagsusuot ng “daring/revealing na damit”. Sakaling may mga kababaihang “daring” ang suot, sila ay lalagyan ng balabal. Ipinagbabawal din
ang “cross-dressing”.
8. Tamang DISIPLINA ang dapat pairalin sa ganitong uri ng lugar at okasyon. Kayo naman ay may sapat nang kaisipan upang mabatid
ang tama at mali. Iwaglit na ninyo sa inyong sarili ang PASAWAY na kaisipan.
9. Anumang paglabag sa mga alituntuning nabanggit ay may kaukulang parusa depende sa uri nito at kailangang managot sa pamunuan
ng Queen Margarette at sa Paladians’ Seniors Ball Committee.
ANG PAMUNUAN
(Binubuo ng G12 ADVISERS katuwang ang Graduating Class PTA Officers, SY 2023-2024)

PAHINTULOT NG MAGULANG
G/Gng/Bb. ________________________________________
(Pangalan ng Adviser)

Pinahihintulutan ko po ang aking anak na si _____________________________________________ ng __________________na dumalo


sa gaganaping Paladians’ Seniors Ball sa Queen Margarette, Lucena City sa May 10, 2024 sa ganap na ika-3:00 ng hapon.
Nauunawaan po naming na walang pananagutan ang paaralan sa anumang pangyayari na lalagpas sa itinakdang alituntunin at pag-iingat
ng mga guro at tagapayo.
Sa katunayan ng lahat ng ito, lumagda kami sa ibaba nito.

________________________________________ _______________________________________
Buong Pangalan at Lagda ng Magulang Petsa

Contact Number ng Magulang ________________________ Contact Number ng Mag-aaral ____________________________


Pangalan at Pirma ng Gurong Tagapayo: ____________________________

You might also like