Learning Plan Esp 7 Lesson 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ST. CLARE COMMUNITY FOUNDATION SCHOOL, INC.

Leviste, Laurel, Batangas sccfsi@yahoo.com|043-831-738|0917-507-8010

LEARNING PLAN

SUBJECT ___ESP___ GRADE LEVEL___7__

TOPIC: PAGTUKLAS AT PAGPAPAUNLAD SA MGA ANGKING TALENTO AT KAKAYAHAN


QUARTER: ___1ST__WEEK: _3_LESSON NO. __3_

NAME OF SUBJECT TEACHER: MARYL E. AGOJO/ IVY-JANE UMANDAP

OBJECTIVES Sa pagtatapos ng aralin sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7, 80% ng mga mag-aaral


ay inaasahang

1. Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad


ng kanyang mga talento at kakayahan.
2. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa talento at kakayahan.

3. Natutuklasan ang kanyang mga talento at kakayahan.


PERFORMANC Maipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at
E STANDARDS kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan,hilig at
mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

Clarean Values Natatangi- pagiging iba sa lahat o sa nakararami.

Materials Materials:Powerpoint presentation


Reference: Open education resources, K TO 12 GRADE 7 LEARNING
MATERIAL ESP

Page 48-50
Day 1 and 2 I. Preparatory
PROCEDURE A. Motivation

Ang guro ay magpapakita ng mga kilalang tao na may kanya kanyang angking
NOTE:
talento at kakayahan. Ang mga bata ay sasabihin kung sino ang ipinapakita sa
The whole larawan at ano ang talento at kakayahan ng bawat isa.
lesson may take
1 or 2 days 1.
2.

3 4.
ST. CLARE COMMUNITY FOUNDATION SCHOOL, INC.
Leviste, Laurel, Batangas sccfsi@yahoo.com|043-831-738|0917-507-8010

5.
II. Development of the Lesson
A. Presentation
Ikaw? Tanungin mo nga ang iyong sarili kung ano ba ang iyong talento at
kakayahan na sa tingin mo ay angat ka sa ibang tao?

“Ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan. Ito ay


isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad ng isang
biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.”
B. Lesson Proper

Ang guro ay tatalakayin ang pagtuklas at pagpapaunlad ng talento at


kakayahan ng bawat isa.

MGA DAPAT TANDAAN

Talento

-Ayon sa Webster Dictionary, ito ay ginagamit na kasingkahulugan ng


biyaya at kakayahan. Ito ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at
paunlarin. Tulad ng isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.

Ayon kina Thorndike at Barnhart, mga sikolohista, sa kanilang


“Beginning Dictionary”, ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan.
Sa kabilang dako, ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual
power) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa
musika o kakayahan sa sining. Madalas sinasabi ng mga sikolohista na ang
talento ay may kinalaman sa genetics o mga pambihirang katangiang minana
sa magulang.

Kakayahan

-Ito naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kaniyang intellect o


kakayahang mag-isip. Sa gayon, ang kahusayan sa isang larangan ay ayon sa
kaniyang kakayahang intelektuwal. Si Brian Green, isang atleta, ay isa sa mga
naniniwala sa teoryang ito. Gayunpaman, ayon sa kaniya ang pagtutuon ng
atensiyon nang marami sa talento sa halip na sa kakayahan ay isang hadlang
tungo sa pagtatagumpay. Ayon sa kaniya mas mahalagang bigyan ng tuon ang
kakayahang magsanay araw-araw at magkaroon ng komitment sa
pagpapahusay sa taglay na talento. Ang mga bagay na ito ay higit na kaugnay
ng kakayahang intelektuwal kaysa talento.

Ang kakayahang intelektuwal ay nasusukat sa pamamagitan ng mga


pamantayang pagsusulit. Ayon sa kaniya, mahirap sukatin ang talento, madalas
nasasabi lamang nating may talento ang isang tao batay sa nasaksihan natin o
naitalang tagumpay nito. Mahalaga sa isang atleta ang pagpapaunlad ng
ST. CLARE COMMUNITY FOUNDATION SCHOOL, INC.
Leviste, Laurel, Batangas sccfsi@yahoo.com|043-831-738|0917-507-8010

kakayahan kung kayat mahalaga na malaman niya ang kaniyang pagmumulan


(baseline) sa kaniyang gagawing pagsasanay, upang maabot ang kanyang nais
na marating.

Sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Teens, napakaganda


ng ibinahagi ni Sean Covey tungkol sa pagtuklas ng talento. Ayon sa kaniya,
bawat tao ay may talento at kakayahan. Kadalasan nga lamang ang nabibigyan
natin ng pansin ay yaong mga makaaagaw atensiyon tulad ng mala anghel na
pag-awit o ang makapigil hiningang pag-ikot pataas ng isang siklista. Maraming
mga kakayahan na bagamat di napapansin ay mahalaga tulad ng:

 kakayahang patawanin ang iba

 kakayahang makinig

 gumuhit

 magsulat ng tula

 maging mapagbigay

 mapagpatawad o maging kaibig-ibig sa iba.

Walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento. Ang bawat tao ay may
kani-kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang mga tinedyer. Ang iba ay ang
tinatawag na late bloomer. Kaya hindi dapat ikasira ng loob ang sa tingin natin
ay napakasimple nating mga kakayahan. Iyong tandaan,espesyal ka, dahil ikaw
ay likha ng Diyos.

Kailangan nating tuklasin ang ating mga talento at kakayahan. Matapos lumilok
ni Michael Angelo ng isang napakagandang obra ay tinanong siya kung paano
niya ito ginawa. Tumugon siya na ang obra ay nasa bato mula pa sa simula,
kinailangan lamang niyang ukitin ang mga labis na bahagi nito. Tulad din ng
isang obra, ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin buhat nang
tayo’y isilang. Tayo ang gagawa ng paraan upang tuklasin ang mga ito. Lahat
ng sitwasiyon at okasyon ay oportunidad sa pagtuklas. Maaaring ito ang iyong
proyekto sa Agham, awdisiyon sa koponan ng basketbol, term paper sa
Filipino, paligsahan sa pagtula, pagsasanay sa iskawting. Kung sa bawat
gawain o pagkakataon na ibibigay sa atin ay magbubuhos tayo ng ating
atensiyon, panahon, lakas at talino, matutuklasan natin ang ating mga talento at
kakayahan at ang hangganan ng mga ito.

C. Generalization/Value integration
 Sa iyong palagay paano mo maipapamalas ang iyong talento at
kakayahan?
 Bilang isang kabataan ano ang mga dapat mong gawin upang
mapaunlad mo pa ang iyong talento at kakayahan?

D. Agreement/Assignment

Panuto:Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1. May talento ba ang bawat tao? Pangatuwiranan.

2. Magkasinghulugan ba ang talento at kakayahan? Patunayan.


ST. CLARE COMMUNITY FOUNDATION SCHOOL, INC.
Leviste, Laurel, Batangas sccfsi@yahoo.com|043-831-738|0917-507-8010

Day 3 Sagutan ng tama at maayos ang mga nasa workbook.


(Things to Do)
Day 4 Pagpapatuloy ng aralin at pagbibigay pa ng iba pang Gawain na may
Discussion of kinalaman sa paksa.
things to do
Day 5 Maghanda sa maikling pagsusulit.
Quiz

Prepared by:

Maryl E. Agojo

Ivy-Jane Umandap

Approved by :

Ms. Catherine Cruz Ed. D

You might also like