Si Jesus Ang Daan John 14 1-6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Si Jesus ang Daan

1“Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. 2Sa bahay
ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang
ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik
at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon. 4At alam na ninyo ang daan
papunta sa pupuntahan ko.”
5Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming
malalaman ang daan?”
6Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa
pamamagitan ko.

Tayo ba ay nababalisa?( Troubled heart ) maaring ang kabalisahan ng iba rito ay tungkol sa kalusugan, o
maaaring ang iba ay sa mga pinagdaraanang problema sa pamilya, or problema sa gastusin, financial
problem ang madalas sa atin na dahilan ng pagkabalisa.

Bago ang pagpako sa Panginoong Hesus, ito yong pinaka lowest point na nangyari sa kanyang buhay na
naranasan ang kalungkutan at kapighatian bago ang krus.

Datapuwat sa lahat ng sinabi niya, Datapuwat sa lahat ng itinuro niya na hindi magtatagal Siya ay lilisan
na sa piling nila, pero ni isa sa mga disipulo niya wala man lang nagbigay aliw o comfort sa kanya.

Imbes na aliwin ang Panginoong Hesus dahil sa kanyang nalalapit na paglisan, Yong mga disciples ay
nagtatalo kung sino ang magiging dakila sa kanila sa kaharian ng langit. Kaya sa mga talatang nabasa
natin nagsasabi na ito yong pinaka malungkot at nakakabagabag sa mga disipulo niya.

Ngunit datapuwat ang Panginoon ay hindi niya iniisip ang sarili niya, kundi ang pagmamahal niya sa mga
disipulo niya, kaya siya ang nagbigay ng aliw o comfort sa kanila. At ano ang dahilan nito? Ito ay dahil sa
iniisip niya ang kalagayan ng kanyang mga disipulo pag-alis niya.

Ang pundasyon ng talata na nabasa natin ver.1-6 ay tungkol sa aliw o comfort, kaya nga sabi ng
Panginoong Hesu Kristo, pag-alis niya ay dadalangin Siya sa Ama para isugo naman niya ang Espiritu
Santo sa Kanyang pangalan. At ano po ang paglalarawan sa Espiritu Santo? Ito po ay tinawag niyang
Comforter, mang-aaliw, patnubay, gabay.

The Holy Spirit is the one who will give comfort, Kung titignan po natin sa lahat ng salita na gagamitin
para isalarawan ang Espiritu Santo, ang ginamit ng Panginoong Diyos ay ang salita na comfort. Diba
pwedi niyang tawagin ang Espiritu Santo ng Ang Karunungan or Ang Katuwiran, ngunit ang ginamit
mismo ng Panginoong Diyos para itawag sa Espiritu Santo ay the Comforter.

Ver1 Ang Kautusan

V1 Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin.

Sabi ng Panginoon huwag na kayong mabalisa, ibig sabihin nagaganap na or nangyayari na ang kanilang
pagkabalisa. Kumbaga noong sinabi niya ito ang ibig niyang sabihin tumigil na kayo sa pagiging balisa
ninyo.
Dahil ang Panginoong Hesu Kristo ay Diyos, alam niya po ang lahat, kilalang kilala ng Panginoong Hesus
ang mga disipulo niya. Alam Niya ang mga iniisip nila, alam Niya ang nasa puso nila, alam Niya ang
bumabagabag sa kanila, alam Niya kung bakit balisa sila.

Mayroon kasi Siyang sinabi sa chapter 13:33 sabi Niya: Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo
akong makakasama, hahanapin ninyo ako ngunit sasabihin ko sa inyo ngayon ang sinabi ko noon sa mga
Hudyo, Hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko. So sa panahon na iyon hindi sila makakapunta,
Ngunit sinabi Niya kay Pedro, darating din ang panahon na makakasunod kayo.

At dahil ng sinabi ito ng Panginoon sa kanila, marahil ay ito ang unang dahilan kung bakit nabalisa sila.
Isipin ninyo mga kapatid, marahil may mga disipulo na magsasabi, Lord iniwan namin ang lahat para
sayo, at ngayon iiwanan mo kami dip oba? Marahil ganon ang tumatakbo sa isip ng mga disipulo.

Isa pang dahilan ay marahil nalaman nilang isa sa kanila ang magkakanulo sa Panginoong Hesus. At eto
pa nalaman nila, narinig nila sa mismong bibig ng Panginoon, na si Apostol Pedro ay idedeny niya ang
Panginoong Hesus ng tatlong beses. Kaya nga pagdating sa talatang ito, ang utos ng Panginoong Hesus,
huwag na kayong mabalisa, do not let your heart be troubled.

Parang tayo lang mga kapatid, ano ba yan Lord habang sumasamba ako, at nagba bible study ako,
dumadami ang problema ko, patindi ng patindi ang pagsubok mo. May mga panahon na pupunta tayong
magsamba, hindi na tama ang puso natin diba? Balisang balisa na tayo.

Ano ba yan Lord, sa dami ng katotohanang nalalaman ko padami ng padami ang problema ko na para
bagang wala ng Diyos na tumitingin sa atin diba. Kaya lumabas yong kanta ni Gary V na Natutulog ba ang
Diyos. Siguro napapangiti tayo ngayon, pero siguro nasasabi natin yan sa ating sarili natutulog ba ang
Diyos?

Kaya mga kapatid ganon na ganon tayo sa mga disipulo, ano ang sabi ng Diyos? Huwag na kayong
mabalisa, sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin, ano ibig sabihin? Naniniwala
kayo sa Diyos, sumasampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin, sabi ng Panginoong
Hesu Kristo.

Kumbaga ganito ang sinasabi niya, kung naniniwala kayo sa Diyos, sumasampalataya kayo sa Diyos na
hindi ninyo nakikita dahil Siya ay Espiritu, at wala kayong problema na sumampalataya sa hindi niyo
nakikita, sinasabi ng Panginoong Hesu Kristo sa kanila, believe also in me, sumampalataya din kayo sa
akin.

Kakaiba ang panahon na iyon ng sinabi niya ito, bakit? Noong panahon na iyon nasa harapan nila ang
Panginoong Hesu Kristo, if they believe in the Almighty God which they did not see, more so they should
believe the Lord Jesus Christ which they can see.

Kaya ano ang importanting katotohanan ang dapat makita natin sa sinasabing ito ng Panginoong Hesu
Kristo?
1. Ang pagiging Diyos Niya, He is of co equal in nature ng pagka Diyos. Kaya kung may magsabi sa inyo na
si Kristo ay tao lang, itong talatang ito ang magpapatunay na siya ay Diyos. The Lord Jesus Christ is stating
His equality in nature with the Father. Kaya nga kung sumasampalataya kayo sa Ama, dapat
sumampalataya din kayo sa anak.
Kung babasahin natin ang book of John particularly sa John 10:30 sinasabi niya na ang Diyos Ama at anak
ay iisa, they are both God. Different person pero one true God. Na ito ang sinasabi niya sa kanila na Siya
ay Diyos katulad ng Diyos Ama.

So imbes na magkaroon sila ng pusong balisa, iniutos sa kanila na sumampalataya sila sa Diyos at sa
Panginoong Hesus.
Ano po kaya ang dahilan kung bakit nababalisa tayo, mayron po bang nababalisa dito, feeling natin
parang iniwan na tayo, feeling natin mag-isa na tayo, para bang nanahimik siya, at dahil diyan mas lalo
tayong nababalisa. Ano kaya ang dahilan? Alam niyo kung ano ang isang posibling dahilan kung bakit
nababalisa tayo,

Ito ay dahil nawala na yong tuon natin sa Panginoong Diyos, ang tuon nalang natin ay sa sarili natin at sa
problema natin. Like the disciples ang tuon nila sa sarili nila at hind na sa Panginoong Hesus, hindi na sa
mga turo Niya.
Dahil diyan ano ang naging laman ng puso nila, ang pagiging balisa nila.

Katulad natin, marahil kapag matindi na ang pagsubok na dinaraanan natin, nakakalimutan na natin
lahat, nakakalimutan na natin ang katotohanan, nakakalimutan na natin ang sinabi ng Panginoong Diyos
sa banal na salita Niya. At dahil diyan ang puso natin napapalitan ng laman.

Ang isang baso ng malinis na tubig, subukan mong buhusan ng maruming tubig, anong mangyayari? Di
magtatagal magiging marumi Narin lahat yong isang baso.
Ganon tayo pag ang tuon natin ay nasa sarili na natin, ano ang mangyayari? Balisa, bagabag, ang
mangyayari sa mga puso natin.

Kaya ating tanungin sa sarili natin bakit kaya nababalisa tayo, ano ang dahilan ng pagiging balisa natin. Or
marahil maaring ganito.
Ang mga problemang dinaraanan natin, ang mga pagsubok na dinaraanan natin na nagiging balisa ang
tugon natin, ay paraan ng Panginoong Diyos para tawagin tayo? Or paraan ng Diyos upang ipakita ng
Diyos ang tunay na laman ng puso natin, diba?

Kasi ang daling sabihin na naniniwala tayo, easy to say I believe, pero sa pamumuhay natin parang hindi
tayo naniniwala, we do not really believe, kaya nga hilingin natin sa Panginoon mga kapatid.
Lord tulungan mo kami Lord, baguhin mo ang puso naming, Lord we believe, but help us with our
unbelief.

2. Ang Pangako

Kapansin pansin ang habag at pagmamahal ni Hesus sa mga disciples, dahil hindi nagtatapos sa utos.

Sabi Niya, V2 sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko bang pupunta
ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?

Alam niyo po mga kapatid, ng sinabi ng Panginoong Hesus ito, Siya ay nagbibigay ng malinaw na pangako.
At kung hindi ako nagkakamali isa ito sa una niyang pangako, sa mga marami Niyang pangako, ito yong
isa sa mga una.
Ng sinabi ng Panginoong Hesu Kristo sa bahay ng aking Ama, in my Father’s house ano kaya ang ibig
sabihin nito, Kung babasahin natin ang Juan 2:13-16 ganito ang sabi:
13 Malapit na ang Paskwa ng mga Judio Kaya’t pumunta si Jesus sa Jerusalem. 14 Nakita niya sa Templo
ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. 15 kumuha siya ng
lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga
baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa.
16 Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong
gawing palengke ang bahay ng aking Ama!

Ng sinabi ito ng Panginoong Jesu Cristo ano ang tinutukoy na bahay ng kanyang Ama? Walang iba kundi
ang templo, in John chapter 2 ang Father’s house ay ang templo, ito ang sinasabi niyang Father’s house
the temple, Tignan niyo muli sa John 14, ang tinutukoy ba niyang bahay ng Ama diyan ay ang Templo?
Hindi po, hindi po yan ang templo, at para maunawaan natin
basahin natin ang Hebreo 9:23-24
23 Ang mga bagay sa sambahang iyon ay larawan lamang ng mga nasa langit, at kinakailangang linisin sa
pamamagitan ng mga handog. Ngunit higit na mabubuting handog ang kinakailangan sa paglilinis ng mga
bagay sa sambahang nasa langit. 24 Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa isang Dakong Banal na
ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay na sambahan. Sa langit mismo siya pumasok at ngayo’y nasa
harap na siya ng Diyos at namamagitan para sa atin.

Ano ang matutunan natin dito sa Hebreo mga kapatid? Na may mga bagay dito sa lupa na kalarawan ng
nasa langit, there were things on earth which are copies of which are in heaven, Kopya kumbaga sa
sapatos or relo’s ito ay replica. Yon po ang sinasabi, yon ang matutunan natin sa Libro ng Hebreo, yong
nilinis ng Panginoong Jesus noon na templo ay man made copy of heaven itself.

At ano ang sinasabi ng Panginoong Jesu Cristo ng binanggit niya sa Libro ng Juan 14 na siya ay babalik sa
bahay ng kanyang Ama, walang iba kundi ang tunay na langit, hindi yong templo ng panahon na iyon.
Bakit po natin pinapaliwanag na Mabuti ito, siguro sasabihin niyo obvious naman na heaven yan diba?
Yes, pero later mauunawaan natin kung bakit nililinaw natin ito.

Ngayon ano makikita natin sa bahay ng aking Ama ay maraming silid, kung hindi ito totoo sasabihin ko ba
sa inyong pupunta ako roon, upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan. Kung titignan natin ang
banal na kasulatan, makikita ninyo na ang langit ang ginagamit minsan sa pagsasalarawan ay ang
kaharian, bakit kaharian ang gamit sa pagsasalarawan, dahil ito ay may hari at mayroong mga
sumusunod sa hari, kaya ginagamit minsan ay kaharian or kingdom,

Kung minsan naman ang langit ay isinasalarawan sa paraiso, bakit paraiso, dahil sa tindi ng ganda niya,
they call it paradise because of its beauty. At kung minsan naman makikita niyo na ang langit ay
tinatawag ding bahay, house, bakit? Dahil katulad ng isang bahay may nakatira na isang pamilya, kayat sa
talata natin ngayon ang tawag ay bahay ng aking ama.

Alam niyo po ang kontexto nito bago pa man maisulat ito, mayroon isang pamilya na nakatira sa isang
bahay, sa isang tahanan, at kapag nag-asawa na ang anak ng Ama na iyon, ano ang ginagawa ng Ama?
Nagdudugtong ng isang silid, ang tawag satin parang apartment, kayat ano ang nangyari? Kung
maraming anak ang ama sa panahon na iyon, pag nag-asawa ang anak niya, palaki ng palaki ng palaki
ang tahanan nila or ang bahay nila.
Ang sabi sa bahay ng aking ama ay maraming silid, ipinapakita dito,ang isang paglalarawan mga kapatid
na sa langit may napakalaking bahay ang Diyos Ama, heaven is very very large and has many dweling
places. Pero alam niyo pagpunta niyo ng langit, hindi niyo kailangan ng mapa, isa lang ang bahay eh, ang
kailangan mo doon floor plan, parang sa mall diba, pagpunta mo doon tignan mo saan ba dito yong
Jolibee. Ganon ang langit parang isang malaking bahay na may maraming silid. Ini-imagine ko nga ang
hitsura ng langit ang ganda.

Kaya kung talagang tagapagligtas mo ang panginoong Jesu Cristo, magkakasama tayo roon, we will be in
one large house Amen?

Ano pa yong sinabi sa bahay ng aking Ama ay maraming silid, kung hindi ito totoo bakit ko pa sasabihin
sa inyo, bakit kaya dinugtungan pa, pwedi naman niyang sabihin sa bahay ng aking Ama ay maraming
silid period. Marahil yong mga disipulo niya nahihirapan ng intindihin kasi nababalisa na sila.

Parang tayo lang, sa dami ng problema natin, sa dami ng pagsubok natin, sasabihin mo alam ko na yang
langit matagal pa yan, ang kailangan ko yong ngayon, pwedi ko bang pambayad ng tuition ko yan? Pwedi
ko ba ihain sa lamesa ko yan? Ang tindi ano diba ganon tayo, ang nakakalungkot we say we believe, but
we don’t leave that we believe. Kaya nga sinasabi dito ng Panginoong Jesu Cristo ang importanting
katotohanan patungkol sa kanya.

Kaya sinabi ng Panginoong Jesu Cristo sa bahay ng aking Ama ay maraming silid kung hindi ito totoo
sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?
Anong makikita natin sa mga talata na yon? The Lord right now is preparing that place for you Amen?

3. Ang katotohanan

At alam na ninyo ang daan papunta sa pupuntahan ko. Sinabi sa Kanya ni Tomas, Panginoon, hindi po
namin alam kung saan kayo pupunta, paano namin malalaman ang daan.
Alam niyo itong ver4 it is an important thing or truth that a Christian should know, at alam niyo na ang
daan papunta sa pupuntahan ko sabi Niya, kung naunawaan lang ito ng mga disciples, it should have
comforted them so much.

Alam niyo sa panahon natin ngayon marami ang hindi alam ang daan, yong iba naliligaw, at yong iba
sinasadyang manligaw pa ng mga tao.

Story of bishop na nakikidebate:

Sabi ni Tomas Panginoon hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang
daan? Kapansin pansin ang sinabi ni Tomas, bakit ganito ang sinabi niya, datapuwat 3 taon na niyang
kasama ang Panginoong Jesu Cristo, it’s like parang may amnesia itong si Tomas Kasi kakasabi lang ng
Panginoong Jesus kung saan siya pupunta diba, kakasabi lang na siya ay pupunta sa bahay ng kanyang
Ama, saan ba ang bahay ng kanyang Ama diba sa langit, ngunit datapuwat kakasabi lang ng panginoong
Jesus, ganito parin ang sinabi ni Tomas, marahil si Tomas ay very honest sa kanyang sarili, alam niyang na
coconfuse na siya pero hindi niya itinago, sinabi niya ito.

Maaring si Tomas ay hindi pa niya kilalang buo ang panginoong Jesus sa panahong iyon, Gaya ni Felipe
sabi niya Sa John 14:8 Lord show us the Father and that will be enough for us, anong sabi ng Panginoong
Dahil sa Gracia at pasensiya ng Panginoong Jesus sumagot siya, sabi niya ako ang daan ang katotohanan
at ang buhay, walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Ilang beses ng sinabi ng panginoon
Jesus, kung titignan natin ang Juan 10:9, sabi niya : ako ang pintuan; ang sinumang taong pumasok sa
akin ay siya’y maliligtas at papasok at lalabas at makakasumpong ng pastulan.

Ng sinabi ng panginoong Jesus ito denedeklara niya ng importanting bagay na siya lang ang daan
patungo sa langit, patungo sa Ama, wala ng iba pa. hindi niya sinabi na isa siya sa mga daan, kundi sinabi
niya ako ang daan, wala na pong ibang daan.

Let us pray:

You might also like