Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

School: BIDING ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: IV

DAILY LESSON LOG Teacher: HYACINTH P. BAYUDAN Learning Area: ARALING PANLIPUNAN
Teaching Dates and Time: May 15 AND 17, 2023 (WEEK 3) Quarter: IKAAPAT

MONDAY WEDNESDAY
11:05- 11:45 11:05- 11:45

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa kanyang Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa kanyang mga karapatan
mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino. at tungkulin bilang mamamayang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa kanyang Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa kanyang tungkulin
tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng kanyang karapatan. bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng kanyang karapatan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin
(Isulat ang code sa bawat
kasanayan)
Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino
II. NILALAMAN
(Subject Matter)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa
Pagtuturo
2. Mga pahina sa Kagamitang
Pang Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula Modules Modules
sa LRDMS
B. Iba pang Kagamitang Panturo Audio/Visual Presentation Audio/Visual Presentation
IV. PAMAMARAAN
Ang mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ay magbabasa ng “Flat –
based interactive reading materialS for Grade 4 na pinamagatang Ang mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ay magbabasa ng “Flat –based interactive
“Jimboy and the Dadapilan” reading materialS for Grade 4 na pinamagatang “Jimboy and the Dadapilan”

Hanapin sa WORD HUNT ang sampung salitang may kinalaman sa iyong Ano ang mga likas na karapatan nating mga tao?
A. Balik –Aral sa nakaraang Aralin
o pasimula sa bagong aralin pagkamamamayan.
(Drill/Review/ Unlocking of
difficulties)

Ano-ano ang mga salitang nahanap?


B.Paghahabi sa layunin ng aralin Tignan ang mga larawan. Tingnan ang mga larawan. Tukuyin ang mga bilang ng mga karapatan ng mga mamamayan.
(Motivation)

Ano ang ipinapakita nito?

C. Pag- uugnay ng mga Larawan 1. Ang sanggol sa sinapupunan ng isang ina ay may karapatang Ang karapatan ay kalayaan na tinatamasa ng bawat tao na tinitiyak ng mga batas sa
halimbawa sa bagong aralin mabuhay. lipunang kanyang ginagalawan. Ang Pilipinas ay isang demokratiko na nagkakaloob ng
(Presentation) Larawan 2. Ang isang taong nasasakdal ay hindi maaaring makulong agad ng malalawak na karapatan ng mga mamamayan sa bisa ng saligang batas.
hindi dumadaan sa tamang proseso ng paglilitis. Karapatan niyang ipagtanggol
ang kanyang sarili.
Larawan 3. Bilang batang katulad mo ay may marami ding mga karapatan gaya
ng paglalaro.
D. Pagtatalakay ng bagong Ang Karapatan ay anumang bagay o paglilingkod na tinatamasa ng isang tao ng Ayon sa aklat nina Hector S. De Leon at Hector M. De Leon, Jr., may tatlong uri ng mga
konsepto at paglalahad ng naaayon sa batas. Bilang isang demokratikong bansa, ang Pilipinas ay lubhang Karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa. Ang mga ito ay ang likas na
bagong kasanayan No I pinapahalagahan ang karapatan ng bawat mamamayan. Ang mga karapatang karapatan, karapatang konstitusyonal at mga karapatang kaloob ng binuong batas.
(Modeling) ito ay nakasaad sa Kalipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) sa Artikulo III,
Seksyon 1-22 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas.
Ang karapatan ng mamamayang Pilipino ay nauuri sa tatlo:
 ang karapatang likas,
 ayon sa batas, at
 konstitusyonal.
Ang karapatang Konstitusyonal ay napapangkat naman sa sibil, politikal,
panlipunan at pangkabuhayan at karapatan ng nasasakdal.
Mayroon ding Kalipunan ng mga Karapatan ng mga Bata na batayan ng mga
Karapatan ng mga bata sa buong mundo. Ito ay binuo ng Samahan ng
Nagkakaisang mga Bansa (United Nations).
E. Pagtatalakay ng bagong Karapatang Likas – Ito ay mga karapatang tinatamasa ng isang tao mula pa sa Karapatang Konstitusyonal
konsepto at paglalahad ng kanyang pagsilang. Ito ay mga karapatang isinasabatas ng Kongreso. Ang mga karapatang ito ay hindi maaaring
bagong kasanayan No. 2.  Karapatang mabuhay. alisin sapagkat ito ay bahagi ng saligang batas ng ating bansa.
( Guided Practice)  Karapatang makamit ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng 1. Ang karapatang politikal ay ukol sa kaugnayan ng mamamayan sa pamahalaan at sa mga
pagkain, pananamit, tirahan, pahinga, at mga gamot. gawain nitong politikal tulad ng sumusunod:
 Karapatang bumoto at makilahok tuwing mayroong halalan.
 Karapatang malinang at matugunan ang pangmateryal, pangkaisipan, at
 Karapatang magpetisyon.
pang-espiritwal na pangangailangan.
 Kalayaang magsalita, maglimbag, at magtipon-tipon.
 Karapatang makamit ang katiwasayan sa panahon ng pagkakasakit.
 Karapatang bumuo ng samahang hindi labag sa batas.
Karapatang Batas – anyo ng mga karapatan na likha ng Kongreso. Ang mga  Karapatang gumanap ng tungkuling pampubliko.
karapatang ito ay maaaring alisin, baguhin, limitahan, o palawakin ayon sa  Karapatang alamin ang mahahalagang impormasyon ukol sa pamamalakad ng
hinihingi ng panahon o pagkakataon. Ang mga halimbawa nito ay ang mga pamahalaan.
sumusunod:
 Karapatan sa tamang pasuweldo 2. Ang karapatang sibil ay tumutukoy sa pagtamasa ng mamamayan sa kapayapaan at
 Karapatan sa pagmamana ng ari-arian kaligayahan sa buhay tulad ng sumusunod:
 Karapatang mabuhay.
 Karapatang magsalita at ipahayag ang sarili.
 Karapatang hindi mabilanggo dahil sa pagkakautang.
 Karapatang magkaroon ng tirahan at ari-arian.
 Karapatan laban sa sapilitang paglilingkod.
 Karapatan na mabigyan ng pantay na proteksiyon sa batas.
 Karapatan sa hindi makatuwirang pagdakip at paghalughog.
 Karapatan sa mabilis na paglilitis.

3. Ang karapatang panlipunan ay isang Karapatan na makakatulong sa pangangalaga sa


kapakanan ng mamamayan sa isang lipunan na kanyang kinabibilangan. Ito ay ang mga
sumusunod:
 Karapatang pumili ng relihiyon.
 Karapatang maglakbay
 Karapatan sa lihim na komunikasyon at korespondensiya.

4. Ang karapatang pangkabuhayan ay makakatulong sa pangangalaga sa kapakanan ng


kabuhayan ng mga mamamayan tulad ng sumusunod:
 Karapatan sa Edukasyon
 Karapatang pumili ng propesyon o hanapbuhay.
 Karapatan sa pagmamay-ari.
 Karapatang bayaran ng wasto sa pribadong ari-arian na ginamit ng pamahalaan.
 Karapatang makinabang sa likas na yaman.
 Karapatang maging ligtas sa maruming kapaligiran at pagawaan.

5. Ang karapatan nang nasasakdal ay isang karapatang sibil. Pinangangalagaan nito ang
isang nasasakdal laban sa isang kasalanan sa pamamagitan ng makatarungang paglilitis.
Kasama sa karapatang ito ay ang mga sumusunod. Karapatang marinig sa hukuman.
 Karapatang malaman ang kaso laban sa kanya.
 Karapatang kumuha o pumili ng magaling na abogado.
 Karapatang tumanggap ng sapat na tulong.
 Karapatang magkaroon ng testigo.
 Karapatan sa madalian at walang kinikilingang paglilitis.
 Karapatang makaharap sa umaakusa at mga saksi.
 Karapatan laban sa malupit at hindi makataong pagparusa.
 Karapatang maituring na inosente o walang kasalanan hanggang hindi pa napapatunayan
sa korte.
 Karapatan laban sa dalawang ulit na kaparusahan sa iisang kasalanan.
 Karapatang magbayad ng piyansa upang pansamantalang makalaya.

F. Paglilinang sa Kabihasan Tukuyin kung anong karapatan ang nalabag sa bawat sitwasyon.
(Tungo sa Formative Assessment 1. Binuksan ni Tina ang liham na dumating para sa kaniyang kapatid dahil wala ito sa bahay.
( Independent Practice ) 2. Pinilit ng mga pulis na maghanap ng mga ebidensiya sa bahay nina Dencio kahit wala
silang dalang search warrant.
3. Si Jack ay pinaghahanap ng mga pulis dahil sa kasong pagnanakaw kaya nang matagpuan
siya ng mga ito ay pinagbubugbog siya.
4. Si Dodo ay napagbintangang naglustay ng pera ng opisina. Naging mabilis ang paglilitis
kaya siya ay agad napawalang-sala.
5. Hindi pinayagan si Dan na magpiyansa nang siya ay ikulong sa kasong pananakit.
G. Paglalapat ng aralin sa pang Bilang isang mag-aaral, mahalaga bang malaman mo ang iyong mga karapatan? Bilang isang mag-aaral, mahalaga bang malaman mo ang iyong mga karapatan? Bakit?
araw araw na buhay Bakit?
(Application/Valuing)
H. Paglalahat ng Aralin Ano-ano ang mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino? Ano ano ang mga karapatang konstitusyonal?
(Generalization) Ano ang karapatang likas? Karapatang batas? Magbigay ng mga halimbawa Magbigay ng mga halimbawa ng mga karapatang ito.
nito.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng karapatan ang inihahayag ng pangungusap.
1. Ayon sa kasalukuyang Saligang Batas, may Karapatan ang bawat Pilipino na A - kung ito ay likas na karapatan,
makapamuhay nang malaya at may dignidad. Ano ang kasalukuyang Saligang B - karapatang sibil,
Batas na umiiral? C - karapatang politikal
A. Saligang Batas ng 1987 D - karapatang panlipunan at pangkabuhayan
B. Saligang Batas ng 1988 E - kung karapatan ng nasasakdal.
C. Saligang Batas ng 1986 _____1. Binigyan si G. Juan ng pampublikong abogado para ipagtanggol siya sa kaniyang
D. Saligang Batas ng 1989 kaso.
_____2. Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni Shiela na bumoto sa kanilang lalawigan.
2. Ang karapatan ng mamamayan ay nauuri sa tatlo: ang karapatang likas, _____3. Hindi pinigil ng kaniyang ama si Iska na sumapi sa relihiyon ng kaniyang
karapatan ayon sa binuong batas at __________. Ano ang ikatlo? napangasawa.
A. Karapatang nababawi at hindi nababawi _____4. Nasunod ang pangarap ni Yen na maging guro.
B. Karapatang pandayuhan at pangkatutubo _____5. Ibinigay ng pamilya Mendoza kay Amy ang pagmamahal na kailangan niya.
C. Karapatang panghinaharap at pangkasalukuyan
D. Karapatang konstitusyonal.

3. Alin sa sumusunod ang HINDI paglabag sa karapatan ng isang mamamayan?


A. Binuksan ni Angel ang liham na para sa kanyang kapatid.
B. Pangungutya ni Ben kay Lisa dahil ito ay may Kapansanan.
C. Nagtatag ng samahan sina Aries at kanyang mga kaibigan upang makatulong
sa paglinis ng kanilang barangay.
D. Pinigil ng guro ang kanyang mag-aaral ng nagreklamo ito tungkol sa mataas
na singil sa tubig ng kanilang paaralan.

4. Bumili ng bagong cellphone ang tatay ni Amy para magamit niya sa kanyang
pag-aaral. Dahil sa kasabikan ay araw-araw niya itong nilalaro. Wasto ba ang
ginawa ni Amy? Alin ang tamang sagot?
A. Oo, binili ito para sa kanya.
B. Oo, karapatan niyang maglaro.
C. Hindi, baka masira ang cellphone
D. Hindi, binili ito para magamit sa kanyang pag-aaral.

5. Si Mang Isko ay isang mangingisda. Ito ang kanyang pinagkakakitaan upang


matustusan niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya at para mabuhay
sila. Sa kagustuhan niya na marami ang kanyang makuhang isda, gumamit siya
ng ipinagbabawal na dinamita. Tama ba ang kanyang ginawa? Alin ang
pinakatamang sagot?
A. Tama, karapatan nilang mabuhay.
B. Tama, para marami siyang makuhang isda.
C. Hindi, dahil sinisira niya ang tahanan ng mga isda.
D. Hindi, karapatan niyang mabuhay ngunit tungkulin niya na alagaan ang mga
likas na yaman ng bansa.
J. Karagdagang gawain para sa Gumawa ng isang taludtod na tula na may kinalaman sa pagpapahalaga sa mga Gumawa ng isang taludtod na tula na may kinalaman sa pagpapahalaga sa mga napag-
takdang aralin napag-aralang mga karapatan. Lagyan ng sarili mong pamagat. aralang mga karapatan. Lagyan ng sarili mong pamagat.
(Assignment)
Prepared by:
Checked by:
HYACINTH P. BAYUDAN
Teacher II ROWENA C. BANDIOLA
School Principal I

You might also like