Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI MARIA VIRGINIA TAMIANA y SAPLAN NA IBINIGAY

SA PAGSISIYASAT NI PSSG JYSELLE CASTRO MERCULLO DITO SA TANGGAPAN NG CIDG PFU-


TARLAC, CAMP MACABULOS, TARLAC CITY, NGYON IKA-17 NG PEBRERO 2020, SA GANAP NA
IKA-1:00 NG HAPON, SA HARAP NI KHERWIN CAIBANG TAMIANA (ASAWA). SA PAMAMAGITAN NG
MGA TANONG AT SAGOT.
X-------------------------------------------------------------x
(Ang nagsasalaysay ay pinahiwatigan o pinaalalahanan ng lahat ng kanyang mga karapatan alinsunod sa
itinadhana n gating Bagong Saligang Batas).

MGA TANONG AT SAGOT


01. TANONG - Ginang Maria Virginia Saplan Tamiana, ikaw ba ay magsasabi ng buong
katotohanan at pawang katotohanan lamang sa pagsisiyasat ito?
SAGOT - Opo.

02. TANONG - Ikaw ba ay handang magbigay ng iyong malaya at kusang loob na salaysay?
SAGOT - Opo.

03. TANONG - Maaari mo bang sabihin sa pagsisiyasat na ito ang iyong tunay na pangalan at
iba pang mapagkikilanlan sa iyong tunay na pagkatao?
SAGOT- Ako si Maria Virginia Saplan Tamiana, 36 taong gulang, may-asawa at
naninirahan sa Zone 5, Sitio Buno, Brgy. Matatalaib, Tarlac City.

04. T- Ano naman ang dahilan at ikaw ay naririto sa aming tanggapan at nagbibigay ng
iyong malaya at kusang loob na salaysay?
S- Upang maghain ng reklamo.

05 T- Ano ba ang nais mong ireklamo at sino naman itong nais mong ireklamo?
S- Ang ginawang panloloko sa akin ng mag-asawang ROMMEL ERMITANIO RIGOR at
MA. CRISTINA VILLAMIL RIGOR at ang pinsan nilang si JOY NUCUM SAPASAP.

06 T- Saan at kailan naman nanyari ang sinasabi mong panloloko sa iyo?


S- Sa loob ng aking bahay sa Zone 5, Sitio Buno, Brgy. Matatalaib, Tarlac City noong
ika-9, 15, 19, 20, 24, at 29 ng Nobyembre 2019.

07 T- Maaari mo bang isalaysay ang buong pangyayari?


S- Si JOY NUCUM SAPASAP at MA. CRISTINA VILLAMIL RIGOR ay magpinsan na
kakilala ng aking ina. Sila ay palagian kong nakikita tuwing pupuntahan ko ang aking
ina sa kanyang bahay na hindi kalayuan sa aking tinitirhan. Na ayon sa aking ina at
sa aking pagkakaalam, sila ay palagiang katransakyon ng aking ina tungkol sa
pagpapautang ng pera sa kung saan sila ay kumikita sa pagpapatong ng interest sa
mga humihiram dito. Sila ay palagian na kumukuha sa aking ina na kanila daw
ipapautang sa iba upang tumubo ng 20% interest. Hanggang sa noong ika-29 ng
Oktobre 2019, ay humiram sa akin ang aking ina ng halagang Php20, 000.00 upang
ibigay kay Cristina at Joy. Hindi lingid sa magpinsan na sa akin galing ang perang
ibinigay sa kanila ng aking ina. At sa araw na iyon, sa hindi ko inaasahan ay palihim
akong kinausap ni Cristina sa mismong bahay ng nanay ko. Sabi niya gusto daw niya
akong tulungan para kumita ng malaki. Tulad sa nanay ko, mag-invest daw ako ng
pera sa kanya at kikita daw ako ng 20% kada dalawang linggo sa bawat halaga na
ibibigay ko sa kanila. Sinabihan din niya ako na wag ko daw banggitin sa aking ina na
kinausap niya ako ukol dito. Noong araw na iyon ay hindi ko pa pinansin ang kanyang
alok ngunit napaisip din ako sapagkat sino ba naman ang taong ayaw kumita ng
malaki.

5. T- Ano pa ang mga sumunod na nangyari?


S- Noong ika-9 ng Nobyembre 2019 oras na alas-dos ng hapon bigla nalang sumulpot
sa aking tinitirhan si Cristina at ang asawa nitong si ROMMEL ERMITANIO RIGOR.
Dito ay masinsinan akong hinikayat ng mag-asawa na mag-invest ng pera sa
kanila.Sinabi ko na wala naman akong pera,kung meron man ako hawak nap era yun
ay ang perang pambili namin ng asawa ko ng sasakyan. Sabi nila sa akin gamitin ko
daw muna ang pera para kumita habang wala pa kaming nahahanap na mabiling
sasakyan. Na kung i-invest ko daw muna sa kanila ay kikita ako ng 20% interest sa
loob lamang ng dalawang linggo. Dahil sa napakagandang alok nila at galing sa
pakikipag-usap ay nakumbinsi nila ako. Agad akong nagtiwala at sa araw din na iyon
(November 9, 2019) kahit na alam kong ito ay ikagagalit ng aking asawa. Ako ay
nagbigay sa kanila ng perang nagkakahalaga na Php49, 000.00 na nangakong
ibabalik kasama ang interest sa Nobyembre 23, 2019. Ako at si Cristina ay may
nilagdaang kasulatan bilang patunay na siya ay nakakuha sa nasabing halaga sa
araw na iyon. Lumagda din ang aking tita na si Isabelita Aquino De Jesus bilang
saksi. (Affiant shown to this investigator copy of acknowledgement receipt dated
November 9, 2019 signed by both parties and witness Isabelita Aquino De Jesus)

Karugtong ng Sinumpaang Salaysay na Reklamo MARIA VIRGINIA TAMIANA y SAPLAN….


Pahina 2..
X------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X
6. T- Ano pa ang sumunod na nangyari?
S- Noong Nobyembre 15, 2019 humigit kumulang ala-una ng hapon, dumating si
Cristina sa aking bahay. May dala siyang pera na ipinakita sa akin. Singil daw niya
yun. Ngunit dahil sa wala pa sa usapan na magbabayad siya sa akin sa araw na iyon
kayat hindi niya ito binigay sa akin sa halip siya ay nagsabi na dagdagan ko daw ang
pera upang muling madagdagan ang aking kikitaing interest at ito naman daw ay
maibabalik hanggang sa Nobyembre 30, 2019. Dahil sa tiwala, sa araw na iyon ay
nakakuha siya ng halagang Php119, 000.00. At muli ay may nilagdaan kaming
kasulatan bilang patunay na siya ay may nakuha ng ganung halaga sa akin sa araw
na iyon saksi ang aking tita na si Isabelita Aquino De Jesus. (Affiant shown to this
investigator copy of acknowledgement receipt dated November 15, 2019 signed by
both parties and witness Isabelita Aquino De Jesus)

7. T- Ano pa ang sumunod na nangyari)


S- Noong Nobyembre 19, 2019 humigit kumulang alas-dos ng hapon muli na namang
dumating si Cristina sa aking bahay at nagsasabi na naman ng pera na halagang
Php30, 000.00. Sa tiwala kung ako ay kikita ay muli niya akong nakumbisi na
magbigay sa kanya ng pera. Ngunit dahil sa kulang ang aking pera noong araw na
iyon ay halagang Php18,000.00 lamang ang aking naibigay at kinabukasan ika-20 ng
Nobyembre 2019 sa oras na ala-una trenta, sa loob ng aking pamamahay, matapos
ng tanghalian ay ibinigay kong muli ang halagang Php12,000.00 upang makompleto
ko ang hinihingi niyang Php30,000.00. Kami ay may nilagdaang kasulatan bilang
patunay na siya ay may nakuha ng ganuong halaga sa akin sa magkasunod na araw
na iyon at isang saksi na si Isabelita Aquino De Jesus na aking tita. (Affiant shown to
this investigator copy of acknowledgement receipt dated November 19 and 20, 2019
signed by both parties and witness Isabelita Aquino De Jesus)

8. T- Ano pa ang sumunod na nangyari?


S- Noong Nobyembre 24, 2019 humigit kumulang alas-dos ng hapon dumating sa aking
bahay si Cristina at kumuha na naman ng halagang Php70,000.00. Binigyan ko parin
siya kahit na wala pa siyang naibabalik sa akin sa mga nauna niyang nakuhang pera
sa akin. Dahilan niya ay hindi pa kompleto mga singil niya at yung ibang singil ay
pinapaikot pa niya ito. At muli ay may nilagdaan kaming kasulatan bilang patunay na
siya ay may nakuha ng ganuong halaga sa akin sa araw na iyon kasama ang saksi na
si Isabelita Aquino De Jesus. (Affiant shown to this investigator copy of
acknowledgement receipt dated November 24, 2019 signed by both parties and
witness Isabelita Aquino De Jesus)

9. T- Ano pa ang sumunod na nangyari?


S- Noong Nobyembre 28, 2019 dumating si JOY NUCUM SAPASAP, pinsan ni Cristina
sinasabi niya na pinapunta siya ni Cristina para muling kumuha ng Php70, 000.00 at
muli ay binigyan ko siya noong araw na iyon. Ang At kinaumagahan Nobyembre 29,
2019, ang mag-asawang Cristina at Rommel ang dumating sa aking bahay at muling
nakakuha ng halagang Php102, 000.00. Kami ay may mga nilagdaang kasulatan
bilang patunay na sila ay may nakuha ng ganuong halaga sa akin sa araw na mga
iyon. Lumagda din ang aking tita na si Erah Monica Delos Nieves Ramos at ang aking
pamangkin na si Sophia Asio bilang mga saksi. (Affiant shown to this investigator
copy of acknowledgement receipt dated November 28 and 29, 2019 signed by both
parties and the witnesses)

10. T- Magkano naman po ang kabuuang halaga na nakuha sa iyo ng mag-asawang


Rommel at Cristina at ang pinsan nilang si Joy?
S- Umabot po sa halagang Php440, 000.00.

11. T- Bukod sa inyong mga nilagdaang kasulatan sa pagkakakuha nila sayo ng mga
sinasabi mong halaga, may iba ka pa bang katibayan na maipapakita sa akin?
S- Opo. (Affiant shown to this investigator copies of pictures during her transactions with
spouses Rommel and Cristina and their cousin Joy)

Karugtong ng Sinumpaang Salaysay na Reklamo MARIA VIRGINIA TAMIANA y SAPLAN….


Pahina 3…
X----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X

12. T- Pansamantala ay wala na akong itatanong sa iyo, mayroon ka bang ibang ibig
idagdag o bawasan sa salaysay mong ito?
S- Meron po. Noong Disyembre 3, 2019, ako ay nagpadala ng demand letter sa mag-
asawang Ma. Cristina V. Rigor at Rommel E. Rigor upang paalalahanan sa kanilang
perang nakuha sa akin. (Affiant shown to this investigator copy of demand letter dated
December 3, 2019 addressed to Ma. Cristina V. Rigor and Rommel E. Rigor)

Ito ay hindi lamang basta-basta pera. Ito ay dapat na ipambibili namin ng sasakyan ng
aking asawa. Ngunit dahil sa nagtiwala ako sa kanila, sa pangakong ito ay maibabalik
agad, ako ay madaling naloko at ito ngyun ang dahilan ng hindi namin
pagkakaintindihan ng aking asawa at ng aking ina.

At nalaman ko pa na ang mag-asawang Rommel at Cristina ay nagpapagawa ng


kanilang bahay ngyun.

13. T- Handa mo bang lagdaan ang salaysay mong ito na binubuo ng tatlong pahina?
S- Opo

WAKAS NG SALAYSAY : February 17, 2020 / 1:00PM

Maria Virginia S. Tamiana


Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ___ day of February 2020 at Tarlac City, Philippines.

Administering Officer

You might also like