Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ikatlong Pamanahunang Pagsusulit

Araling Panlipunan 7
Ikatlong Markahan

Pangalan: __________________________________________________ Puntos: ________________________


Taon at Pangkat: ____________________________________________ Petsa: _________________________

I. MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_________ 1.

_________ 10. Humimok ng muling pagbabasa ng veda upang maging batayan ng pang-araw-araw na pamumuhay
ng mga Indian.
a. Theodor Herzl c. Swarmi Danayand Saraswati
b. Bal Gangadhar Tilak d. David Ben-Gurion
_________ 11. Kailan iniluklok bilang hari si Faisal?
a. Agosto 15, 1921 c. Agosto 16, 1921
b. Agosto 23, 1921 d. Agosto 10, 1921
_________ 12. Sino ang unang Punong Ministro ng Republika ng Israel?
a. Abdul Aziz c. David Ludwig
b. Don Stephen Senanayake d. David Ben-Gurion
_________ 13. Ano ang kilusang naitatag ni Keshab Chunder Sen?
a. Arya Mahila Samaj c. Bramo Aslam
b. Anjuman-e-Khawatin-e-Islam d. Bharat Mahila Parishad
_________ 14. Sino ang nanguna sa paghimok sa kababaihan na gumagawa at bumibili ng asin na huwag bayaran
Ang buwis bilang pagprotesta sa pamahalaang Ingles?
a. Keshab Chender Sen c. Sheika Fatima
b. Sarojini Naidu d. Reyna Rania Al-Abdulla
_________ 15. Anong bansa ang nagkaroon ang kababaihan na ipahayag ang mga isyu tunkol sa kanila noong 1994?
a. Pakistan c. Sri Lanka
b. India d. Bangladesh
_________ 16. Sa anong paraan nakaaapekto ang kolonyalismo sa ekonomiya ng mga bansang sakop nito sa Timog
at Kanlurang Asya?
a. Nagbigay ng oportunidad para sap ag-unlad ng local na industriya.
b. Nagdulot ng pagbaksak ng presyo ng mga lokal na produkto.
c. Binigyan ng malaking suporta ang pagsasaka ng mga indigenous na tao.
d. Pinahusay ang kalagayan ng mga manggagawa sa mga pabrika.
_________ 17. Ano ang pangunahing layunin ng mga bansang imperyalista sa pagtangka nilang sakupin ang mga
teritoryo sa Timog at Kanlurang Asya?

Page 1 of 6
a. Magpalawak ng kanilang impluwensiya sa pandaigdigang komunidad.
b. Protektahan ang mga karapatan ng mga lokal na tribu.
c. Itaguyod ang pagpapahalaga ng lokal na kultura.
d. Makakuha ng control sa likas na yaman at mapalakas ang kanilang kapangyarihan sa rehiyon.
_________ 18. Ano ang pangunahing epekto ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya sa panahon ng
kolonyalismo?
a. Pagbubuo ng mas malalim na pagkakakilanlan at pagkakaisa sa bansa
b. Pagpapalakas ng impluwensya ng mga dayuhan
c. Pagkakaroon ng mas maraming alitan at hidwaan sa rehiyon
d. Paglalakas ng kontrol ng mga kolonyalista sa ekonomiya ng mga bansa
_________ 19. Paano nakatulong ang nasyonalismo sa pagpapalaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
mula sa pang-aalipin ng mga dayuhan?
a. Sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga dayuhan
b. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa mga dayuhan
c. Sa pamamagitan ng digmaan at pag-aaklas
d. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa pang-aalipin bilang isang katunayan ng kapalaran
_________ 20. Ano ang implikasyon ng mga digmaang pandaigdig sa mga bansang Asyano sa larangan ng
ekonomiya?
a. Pag-usbong ng panibagong mga industriya
b. Pagbabawas ng populasyon sa mga urbanisadong lugar
c. Pagtaas ng antas ng edukasyon at kaalaman
d. Pagkakaroon ng malawakang pagkasira sa imprastruktura

_________ 21. Paano nakaimpluwensya ang mga digmaang pandaigdig sa kultura at identidad ng mga bansang
Asyano?
a. Pagtangkilik sa mga dayuhang kultura at estilo ng pamumuhay
b. Pagpapatibay sa mga tradisyonal na gawi at kaugalian
c. Pagpapalaganap ng mga paniniwalang pang-relihiyon
d. Paglinang ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakakilanlan
_________ 22. Ano ang pangunahing epekto ng sosyalismo sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista?
a. Pagtanggi sa kolonyalismo
b. Pagpapalaganap ng kapitalismo
c. Pagpapalakas ng pagkakaisa ng bansa
d. Pagpapalakas ng monarkiya
_________ 23. Anong hakbang ang maaaring gawin ng mga kababaihan upang mapalakas ang kanilang
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya, at karapatang pampolitika?
a. Pagsali sa mga women's rights rallies at protesta
b. Pagtanggi ng mga kababaihan na lumahok sa pulitika at negosyo
c. Pagpapalakas ng tradisyonal na mga papel ng kasarian sa lipunan
d. Pag-aaral ng mga babae sa mga kurso at propesyon na dating inaakala ay para lamang sa mga
lalaki

III. TAMA O MALI


Panuto: Basahin ang pahayag ng bawat bilang at isulat ang salitang TAMA kung katotohanan ang isinasaad ng
pangungusap at MALI kung hindi tama ang pahayag na isinasaad.
.
_________ 24. Pagbabago sa ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng kalakal ang isa sa epekto ng unang
yugto ng imperyalismo at kolonyalismo.

Page 2 of 6
_________ 25. Ang bansang Portugal at Spain ay hinangad na sakupin ang mga bansa sa Asya upang tanghaling
pinakamakapangyarihang bansa sa mundo.

_________ 26. Lahat ng mga transpormasyong naganap sa Timog at Kanlurang Asya sa panahon ng pananakop ng
mga Kanluranin ay nakapagpabuti sa kanilang pamumuhay.

_________ 27. Ang kawalan ng respeto ng mga Ingles sa kinagisnang kaugalian at tradisyon ng India ang naging
dahilan ng ginawang pag-aalsa ng mga sundalong Sepoy laban sa mga ito.

_________ 28. Ang pagpatay kay Mohandas Gandhi ang pangyayaring pumukaw sa damdaming nasyonalimo ng
bansang India.

_________ 29. Ang Treaty ay tawag sa isang sistema kung saan ang isang bansa ay naghahanda na maging malaya at
nagsasarili ay mapapasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.

_________ 30. Ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iran ang nag-udyok sa mga mamamayang Iranian na
magkaroon ng malawakang pag-aalsa at pagkilos upang humingi ng kalayaan.

_________ 31. France Conference ang tawag sa kasunduang nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain
ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya.

_________ 32. Malawakang pagkasira sa mga pamayanan at ari-arian ang isa sa mga naging epekto ng digmaan sa
Iran noong ito ay inatake ng Russia at Great Britain.

_________ 33. Nakilala ang Iraq bilang "Republika ng Takot" dahil ang mga pagbabago ng pamahalaan ay madalas
na humahantong sa karahasan.

_________ 34. Muling nabuo ang bansang Israel dahil nagsagawa ng malawakang pag-alsa ang mga Hudyo at
kanilang mga tagasuporta laban sa mga German Nazi.

_________ 35. Noong 1990 naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power sa bansang Nepal. Ang EDSA
Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986 ang nagsilbing inspirasyon nila sa pagsagawa nito.

_________ 36. Ang dahilan upang hindi naging madali ang pagkamit ng mga kababaihan ng kanilang mga karapatan
sa Kanlurang Asya ay dahil marami pa rin sa mga kababaihan dito ang hindi nabigyan ng sapat na edukasyon upang
ipagtanggol ang kanilang sarili.

_________ 37. Ang kanilang relihiyon, kultura at mga paniniwala na mas angat sa lipunan ang mga kalalakihan ang
nagsilbing balakid sa mga kababaihan ng Arab Region upang hindi marinig ang kanilang mga hinaing.

_________ 38. Nakamit ng mga kababaihan sa bansang Bangladesh ang kanilang mga karapatang ipinaglaban dahil
naimpluwensiyahan ng samahan ang kanilang pamahalaan lalo na sa pagpapatupad nito ng mga polisiya kabilang ang
pagbabawal ng ilang mga nakagawiang tradisyon.

III. VENN DIAGRAM


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Gawin ang sumusunod:

39-40. Paghambingin ang kolonyalismo at imperyalismo.

Page 3 of 6
41-42. Magbigay ng pangyayaring naganap sa Timog at Kanlurang Asya sa panahon ng nasyonalismo.

Nasyonalismo Nasyonalismo
sa Timog Asya sa Kanlurang
Asya

43-44. Ano ang dahilan ng pagsiklab ng una at ikalawang digmaang pandaigdig?

Unang Ikalawang
Digmaang Digmaang
Pandaigdig Pandaigdig

45. Ano ang pagkakaiba ng demokrasya at pasismo?

Demokrasya Pasismo

Page 4 of 6
46. Paghambingin ng katayuan ng mga kababaihan sa India at Sri Lanka.

Kababaihan sa Kababaihan sa
India Sri Lanka

IV. SANAYSAY
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Pagbatayan ang rubrik sa pagsagot.

47-48. Sa pagpasok ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya, nagdulot ba ito ng pagbabago sa kultura, ekonomiya,
at politika ng mamayaman sa Asya? Bakit? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

49-50. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita o maipapamalas ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling
bayan sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Rubrics para sa bilang 47-50.


Kategorya Puntos
Nilalaman(May sapat na 1
impormasyon o detalye ang
kabuuan ng kasagutan)

Presentasyon(Maayos at 1
malinis ang pagkakasulat)

Kabuoan 2
Page 5 of 6
GOODLUCK!!

ANSWER KEY

I. MARAMIHANG PAGPILI
1. B II. TAMA O MALI
2. D 24. Mali
3. A 25. Tama
4. C 26. Mali
5. C 27. Tama
6. A 28. Mali
7. B 29. Mali
8. A 30. Tama
9. A 31. Mali
10. C 32. Tama
11. B 33. Tama
12. D 34. Mali
13. C 35. Tama
14. B 36. Tama
15. C 37. Tama
16. B 38. Tama
17. D
18. A III. Venn Diagram
19. C
20. D 39-46. Answers may vary.
21. D IV. SANAYSAY
22. C
23. D 47-50. Answers may vary.

Page 6 of 6

You might also like