Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Division of Lapu-Lapu City

CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION

INSTRUCTIONAL PLAN IN ESP-7

Pangalan: Leonora E. Lavesores Posisyon/Designasyon: Master Teacher


Petsa: November 25, 2022 Asignatura: EsP Baitang: 7 Markahan: Oras: 1 Hr
Ikalawa
Mga Kasanayan: Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at Code:
tunguhin ng isip at kilos-loob ESP7PS-IIa-
(Hango sa MELC)
5.2
CSE Entry Point NONE

Susi ng Pag-unawa na Lilinangin:


Mahalagang mauunawaan ng mga mag-aaral ang wastong gamit at tunguhin
ng isip at kilos-loob upang makapagpasya ng tama.
1. Layunin

Kaalaman
Napagtitimbang-timbang ang ang pagpapasyang ginawa batay sa gamit at
tunguhin ng isip at kilos-loob
Kasanayan
Nakagagawa ng tamang pagpapasya batay sa gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob
Kaasalan
Naisasabalikat ang pananagutan sa ginawang pagpapasya na naaayon sa
wastong gamit ng isip at kilos-loob.
Kahalagahan
Napapahalagahan ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pamamagitan
ng paggawa ng tamang pagpapasya.
2. Nilalaman Isip at Kilos -Loob: Katangian, Gamit at Tunguhin
A. Sanggunian: Aklat sa Esp 7, Q2-Modyul 1, Learning Materials,
3. Mga Kagamitang Pampagtuturo
Teaching Guide, Curriculum Guide
B. Mga Kagamitan: Multi-media presentation , Pictures, Manila Paper,
Glue, Scissor, Pentel pen
4. Pamamaraan
-Pagbati
-Panalangin
4.1 Panimulang Gawain (5 mins.)
-Pagtatala ng lumiban sa klase
- Pagbabahagi sa mga layunin ng paksa
4.2 Mga Gawain/Estratehiya (15 A. Pagbabalik-Aral
mins.)
- Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa mga mahahalagang natutunan nila
mula sa nakaraang aralin at Iugnay ang kasalukuyang aralin.
B. Pagganyak
- Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan

I
- Itanong:
1. Ano ang naiisip ninyo habang tinitingnan ang larawan?
2. May pagkakataon ba na nahihirapan kayong magpasya?
3. Ano ang nagiging gabay ninyo upang magkaroon ng tamang
pagpapasya?
C. Gawain
Panuto: Masusing basahin ang maikling kwento sa ibaba na may kaugnayan
sa paglalapat ng wastong gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.Kumpletuhin
ang data retrieval chart batay sa ibinigay na sitwasyon at sagutin ang mga
gabay na katanungan.

Data Retrieval: Itala ang inisip at ginawa ni Pedro batay sa ibinigay na


sitwasyon at iguhit ang puso ( ) kung ito ay naayon sa tunguhin at gamit at
kilos-loob, at lagyan ng ekis ( X) kung hindi. Gawin ito sa isang buong papel
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging reaksiyon mo matapos mabasa ang kwento?
2. Bakit napagdesisyunan ni Pedro na iligaw ang ama sa kagubatan? Tamaba
ang kanyang inisip? Ipaliwanag
3. Ano ang nagpapabago sa pasya ni Pedro upang hindi na tuluyang iwanan
ang Ama sa kagubatan? Nasisiyahan ba siya sa kanyang naging pasya?
4.3 Pagsusuri (10 mins.) Ipaliwanag
4. Paano naipapakita ng Ama ni Pedro ang kaniyang pagmamahal sa anak, sa
kabila ng kaniyang nalalaman na iiwanan siya nito sa gubat? Naaayon ba sa
sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ang ginawa niya? Ipaliwanag
5. Bilang isang mag-aaral, Paano mo mapapahalagahan ang iyong mga
magulang gamit ang tunguhin ng isip at kilos-loob? Magbigay ng halimbawa.

4.4 Pagtatalakay (14 mins.)


Talakayin sa klase ang sumusunod:
⮚ Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t
patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang
naaayon sa katotohanang natuklasan

⮚ Ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay


isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay
pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Kung
kaya’t ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan

⮚ Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman


magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap lamang ang pagpili sa
masama kung ito ay nababalot ng kabutihan at nagmumukhang mabuti at
kaakit-akit.
⮚ Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap
ang isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi
masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao.

⮚ Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos


ayon sa kanyang kalikasan… ang magpakatao. Kailangang gamitin ang
isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang
kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.

⮚ Ipapanuos sa klase ang video tungkol sa Isip at Kilos Lo-ob

( https://www.youtube.com/watch?v=IpwjheFR5oU)
Mga Katanungan:
1. Ano ang kaugnayan ng isip at kilos-loob?
2. Paano nakatutulong ang isip at kilos-loob sa pagsusuri sa mga
4.5 Paglalapat (6 mins.) pagpapasyang ginawa?
3. Sa iyong palagay, naniniwala ka ba na bagama’t may pagkakataong
hindi nagagawa ng tao ang tama kahit pa alam niya ito, may kakayahan pa rin
siyang mag-isip ng paraan upang baguhin at paunlarin ito? Ipaliwanag
Panuto: Gabay ang katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob, ilahad
ang maaring kilos o aksyon na iyong gagawin batay sa mga sitwasyong
inilantad sa ibaba.

4.6 Pagtataya (6 mins.)

Panuto: Isasabuhay ang natutunan mula sa aralin. Magnilay at bigyan mo ng


bagong paglalarawan ang sarili bilang isang mag-aaral na nagpapasya ayon
4.7 Takdang-Aralin (2 mins.) sa wastong gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Bumuo ka ng
“Panibagong Ako”sa pamamagitan ng isang tula. Gawin ito sa isang long
bondpaper.
4.8 Paglalagom/Panapos na Gawain Laging Tandaan: Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at
karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan
tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
5. Mga Tala
6. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya?

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain sa remediation?

C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang lubos na nakakatulong? Paano ito nakakatulong?

F. Anong suliranin na aking naranasan ang nasolusyunan ng akong punong-guro o


tagamasid?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na maaari kong maibabahagi sa aking kapwa
guro?

Inihanda ni:

LEONORA E. LAVESORES
MT I - EsP

Adapted by:

MARY GRACE B. ROSEMA


ESP Teacher

Checked by:

STELLA MARIS A. BELARDO


MT1-AP

Noted by:

MARCELINA A. NACORDA
School Principal 1

You might also like