Pananalitang Pangwakas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANANALITANG PANGWAKAS - KINDERGARTEN

Isang mapagpalang araw sa ating lahat mula sa ating mga panauhin


ngayong umaga, Madam Tess Cortez, ang ating parent supervisor na
syang unang naging kaagapay ko sa pagsisimula ko bilang school head,
kay Sir Dennis A. Bermoy, mula HGP, ALS at unang graduation ko sa
Malad ay laging ramdam ang suporta, sa ating butihing punong barangay,
Kapitan Hector Africa, kahit kailan di kami pinababayaan sa programang
pampaaralan kasama ang aming Konsehala Ganda, sa Committee on
Education, Konsi Analyn Dimayuga, sa ating SPTA at Graduation officers,
mga magulang, at sa ating mga MOVERS, at sa aking kasamang 8
masisipag na guro lalo na sa guro sa Kindergarten, Mam Krisia Reyes.

----------------------------------------------------------------------------------------------------
Una sa lahat, nais kong batiin ang ating mga mag-aaral sa kanilang
matagumpay na pag-abot sa unang hakbang ng kanilang pag-aaral. Ang
tema natin ngayong taon, "Kabataang Pilipino para sa Matatag na
Kinabukasan para sa Bagong Pilipinas," ay napakaganda at napapanahon
sapagkat ang labindalawang batang ito ay bubuo sa bilang ng 21st century
learners na kasamang haharap sa bagong Matatag Curriculum.
Akala ko ay nakamamangha na ang aking karanasan bilang guro sa Junior
High School, Senior High School at maging sa ALS, pero nang makita ko at
ma-obserbahan ang Kindergarten, naisip ko kung ako kaya ang guro , kaya
ko kaya? siguro kako ay "back to square one" . Kung kaya naman mas
humanga ako sa propesyon na meron ako, lalo na sa pagtuturo sa
Kindergarte, hindi lang basta pagtuturo ang ibibigay mo, gayundin ang
iyong puso, lalo na ang pasensya, dapat pusong mapagpasensya’’dahil sa
kulit nila, dapat kaya at laging kaya.
Mga magulang, ang bawat boses ng inyong mga anak, bawat tawa at
kwento, nakakatawa at nakakahanga sa ating pandinig kahit kandautal na
sasabihing may star sya galing sa madam. Na may bago silang alam, na
may bago silang natuklasan, na may bago silang kaibigan… sapat yun
para tayo ay lumaban para sa championship ng buhay ng ating mga anak.
Nakikita ko ang inyong sakripisyo at pagmamahal sa mga bata, mga
paghatid at pagsundo, pagpapadala ng kanilang babaunin, at pag tsek ng
ginawa nila, kayo, tayo bilang mga magulang ang excited. At kahit ilan pa
ang ating anak, lahat sila ay di mapakali sa tuwa pag Kinder na sila.
Pagbati po at pagsaludo sa inyong matiyagang pag-agapay sa kanila.
Isa sa mga pinakamagandang alaala ko ay ang makita ang masayang mga
mukha ng ating mga bata habang nire-recite nila ang days of the week,
habang nagiging "weather forecaster" sila sa pagturo ng klima sa araw-
araw, habang natututo silang bumilang, makilala ang tunog ng alpabeto,
kulay, at hugis. Napakasarap sa pakiramdam na makita ang kanilang mga
mata na nagniningning sa tuwa at kasiyahan.
Sa ating guro sa Kindergarten, lalo na kay Teacher Krisia, maraming
salamat sa inyong walang kapantay na tiyaga at pagmamahal. Ang inyong
sistema sa pagtuturo at pusong ina na may 100 percent na pasensya ay
tunay na kahanga-hanga. Kayo ang dahilan kung bakit ang ating mga bata
ay may matibay na pundasyon para sa kanilang kinabukasan.
Sa ating best 12, maraming salamat sa inyong mga ngiti at pagbati tuwing
umaga, kahit na minsan ay hindi sabay-sabay: "Good morning Madam
Jasmin," "Mabuhay Mahal Tana," na kahit minsan ay hindi
magkaintindihan, ay talagang nakakakiliti sa puso. At sa paulit-ulit ninyong
pagmamano, mga 3 beses ata sa isang araw, kaya lalo na lamang pumuti
ang hibla ng aking buhok!
Sa huli, Isang maligayang pagbati at well wishes sa inyong susunod na
yugto sa Grade 1, kung saan haharapin ninyo ang matatag curriculum na
maghahanda sa inyo para sa isang magandang kinabukasan.
Tandaan ninyo, mga bata, na kayo ang kabataang Pilipino para sa matatag
na kinabukasan ng bagong Pilipinas. Muli, maraming salamat sa inyong
lahat, at Congratulations!
PAMBUNGAD NA MENSAHE – GRADE 6
Magandang araw sa inyong lahat! Sa ating mga minamahal na panauhin,
mga mag-aaral, mga magulang, mga guro, at sa buong pamayanang
Malad Elementary School, isang mainit na pagbati ng pagbubunyi at
pasasalamat!

Bilang inyong school head, napakasarap balikan ang bawat araw na


pinagsamahan natin. Hindi ko malilimutan ang oras na ginugol ko sa
pagbabasa kasama ang ating mga Grade 6 gamit ang 3 baso ng
comprehension level, takot na kayo pag may bason a pagkatapos
magbasa. Ang mga kwentuhan natin ay nagbigay sa akin ng pagkakataon
na mas makilala ko ang inyong mga kakayahan at talento. Natutuwa ako
na makita kayong lumalago, hindi lamang sa akademiko, kundi pati na rin
sa pakikisalamuha sa isa’t isa, mula February 1 sa aking pagdating
hanggang ngayon sa araw ng pagtatapos.

Sino rin ang hindi makakalimot sa ating basketball fight sa distrito? Hindi
lang ito simpleng laro kundi isang patunay ng inyong disiplina, teamwork, at
sportsmanship, kahit nasisiko na at kumukulo na ang loob, natutuhan pa rin
ang salitang pasensya, kasama ang mga gurong buong pwersang
nagpapaalala. Nariyan din ang Math Festival, kung saan ipinakita ninyo
ang talino at galing sa mga numero. At syempre, ang ating unang
pagsasama-sama sa pagpa-practice ng Radio Broadcasting upang ang
pitong bata ay sumubok sa mikropono, nagpakita ng dedikasyon, at
nagtagumpay sa Schools Division Press Conference 2024. Nanalo hindi
lamang sa patimpalak kundi ang inspirasyong maliit man ang Malad,
malaki ang potential ng mga batang willing matuto, at pagkatapos nito, lagi
kong naririnig sa bawat sulok ng paaralan, ang DZRJ, Ronda Radyo!

Sa mga magulang, wala akong masasabing higit pa kundi isang malaking


pasasalamat. Ang inyong "almost 100% attendance" sa mga meetings at
aktibidad ay nagpapatunay ng inyong suporta at pagmamahal sa ating
paaralan. Lagi kayong nariyan, hindi lamang sa mga pagpapalinis ng
kapaligiran kundi pati na rin sa bawat masayang mukha tuwing may
aktibidad sa ating paaralan. Sa Gandang Ginang at Gwapong Ginoo,
totoong kayo ay kuminang. Salamat po sa inyong walang sawang suporta!

Hindi rin matatawaran ang buhos ng suporta mula sa ating Sangguniang


Barangay, lalo na kina Brgy Capt. Hector Africa at Committee Chairperson
Analyn Dimayuga. Ang inyo pong visible presence ay nagbigay inspirasyon
at lakas sa ating mga mag-aaral, na lahat ng bahagi ng kanilang
komunidad, ay kasama nila sa pagtuklas ng mga bagay sa lipunan. Tunay
na ang inyong suporta Kap at Konsehalla ay isang mahalagang sangkap
sa kanilang magiging tagumpay at pagiging mas responsableng
mamamayan ng Bagong Pilipinas.

Sa mga guro, lalo na sa masipag na adviser na si Sir Christian Macalalad,


isang taos-pusong pasasalamat. You know very well your responsibilities.
Sa lahat ng kasamang guro, hindi kayo tumitigil upang maibigay ang lahat
ng competencies na itinakda ng Kagawaran. Ang inyong dedikasyon ay
nagsilbing gabay upang maabot ng ating mga mag-aaral ang kanilang
kahandaan para sa susunod na baitang.

Sa ating mga magsisipagtapos, ang aking taos-pusong pagbati! Hiling ko


ang inyong tagumpay sa susunod na key stage ng inyong pag-aaral.
Isabuhay ninyo ang mga magagandang asal at aral na natutunan dito sa
Malad Elementary School. Dala ninyo ang pangalan ng ating paaralan,
taglayin ito ng may buong dangal at taas-noo sa pagtuntong sa high
school.

Sa inyo, mga batang bayani ng bagong Pilipinas, ang aking mainit na


pagbati at buong pusong paghanga! Hindi pa tapos ang catch-up Fridays ni
DepEd, pero start catching your stars, sa labas ng Malad Elementary
School!
Muli, isang maligayang pagtatapos sa inyong lahat. May God Bless your
life journey and Congratulations, Batch 2024.

You might also like