Q4 Kahulugan at Kahalagahan NG Karapatang Pantao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao

Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay.


Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay
nang may dignidad bilang tao. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa
ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad
ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na
nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya
nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang
pagkakaroon ng karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan
pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao.

Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga
pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga
pangangailangan o kumitil sa ating buhay ng walang dahilan ay lumabag as ating karapatan
bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating
karapatan.

Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang pagkilala
sa karapatan ng iba ay nagsasaad ng ating obligasyon na igalang ang karapatan ng lahat ng
tao. Ang karapatang pantao ay kinapapalooban ng mga responsibilidad at tungkulin sa kapwa
at sa pamayanan. Ang bawat indibidwal ay may tungkulin na tiyakin na ang pagtamasa sa
sariling karapatan ay may pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba.

Historikal na Pag-Unlad ng Konsepto ng Karapatang Pantao

PANAHON KAGANAPAN
539 B.C.E Cyrus Cylinder
Isang uri ng lagayan na kung saan makikita ang mga kauna
unahang deklarasyon ng mga karapatang pantao ng mga
mamayan. Ito ay isinulat ni Cyrus the Great, ang kauna unahang
hari ng bansang Persia (na mas kilala ngayon bilang Iran), para sa
kanyang mga sundalo na nasa Babylonia. Tinagurian rin ito
bilang “world’s first charter of human rights.”
1215 Magna Carta
Isang dokumentong naglalahad ng ilang Karapatan ng mga taga-
England. Sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa
Magna Carta. Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang
walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito,
nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
1628 Petition of Right (England)
Ito ay naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw
ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa
pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng
batas militar sa panahon ng kapayapaan
1787 Bill of Rights
Inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-Batas ng
kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of
Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791. Ito ang nagbigay
proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan
at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa
1789 Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
Matapos magtagumpay ang French Revolution na wakasan ang
ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI, inilagdaan ang
Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman
ng mga karapatan ng mamamayan.
1864 First Geneva Convention
Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na
Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva,
Switzerland. Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na
may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mganasugatan at
may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
1948 Universal Declaration of Human Rights
Itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa
pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong
Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng
naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong
tinawag na Universal Declaration of Human Rights.

Paalala: Ang karapatang pantao ay ang mga Karapatan na hindi kailanman nawawala sa isang
tao at mayroon na siya nito sa oras na isinilang siya sa daigdig. Ang mga karapatang ito ay
para sa lahat at hindi isinasaalang-alang ang kulay,lahi,kasarian,at paniniwala ng isang tao.
Ang mga karapatang ito ay magkakaugnay,magkakasama at hindi nawawalan ng pagkiling
maliban na lamang sa pagkakaroon ng Due Process.

Katangian ng Karapatang Pantao

1. Universal
2. Inalienable
3. Indivisible
4. interdependent

Uri ng Karapatan

1. Natural Rights
Ito ay mga karapatang likas sa tao o karapatang kakambal ng isang tao
pagkapanganak. Halimbawa nito ay Mabuhay ng puspos, magkaroon ng sariling
pangalan, identidad o pagkakakilanlan at dignidad, paunlarin ang iba’t ibang aspekto
ng pagiging tao gaya ng pisikal, mental at espiritwal.

2. Constitutional Rights
Ito ay mga karapatang nagmula sa konstitusyon na bahagi ng pambansang batas at
napagkasunduan ng lahat.
Halimbawa nito ay ang mga karapatang nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

3. Statutory Rights
Ito ay mga karapatang itinadhana ng mga batas at nakaayon sa sitwasyong
panlipunan. Ito ay ang mga karapatang kaloob ng batas na pinagtibay ng kongreso o
tagapagbatas.

Kategorya ng Karapatan
Ang mga karapatang tinatamasa ng mga tao o pangkat ay maaaring makategorya sa lima. Ito
ay ang Karapatang Sibil, Pampolitika, Pang-ekonomiya, Pang-kultura at Karapatan ng mga
Akusado.

1. Karapatang Sibil (Civil Rights)- Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na
malaya at mapayapa. Halimbawa nito ay karapatang magkaroon ng matiwasay at
tahimik na pamumuhay, kalayaan sa pagsasalita, pag-iisip, pag-oorganisa,
pamamahayag, malayang pagtitipon, pagpili ng lugar na titirhan at karapatan laban sa
diskriminasyon.
2. Karapatang Pampolitika (Political Rights)- Nabibilang dito ang karapatan na
makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumuno at proseso ng pamamahala
sa bansa gaya ng pagboto, pagkandidato sa eleksiyon, pagwewelga, at pagiging kasapi
ng anumang partidong politikal.
3. Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan (Economic Rights)- Nagpapatungkol
ito sa mga karapatan sa pagpili, pagpupursige at pagsusulong ng kabuhayan, negosyo,
hanapbuhay at disenteng pamumuhay nang ayon sa nais, nakahiligan, at nagustuhang
karera. Naglalalaman rin ito ng karapatan na magkaroon ng ari-arian, maging
mayaman, at gamitin ang yaman at ari-arian sa anumang nais batas ito ay naayon sa
batas.
4. Karapatang Kultural (Cultural Rights)- Nakapaloob dito ang karapatan na makibahagi
at lumahok sa pagsasabuhay, pagpapatuloy, at pagpapalawak ng sariling tradisyon,
gawi, at pag-uugali. Karapatan ng tao na ipakita sa iba ang katangian ng kinalakihang
kultura bilang bahagi ng isang grupo, tribo, o lahi na iniingatan ang mga tradisyong
nakagawian hangga’t ang mga ito ay sakop ng Saligang Batas.
5. Karapatan ng mga Akusado (Rights of Accused)- ito ay karapatang itinadhana ng
Konstitusyon ng Pilipinas upang maprotektahan ang Karapatan ng mga akusado o
nasa kulungan. Ang mga halimbawa nito ay karapatang pagpapalagay na siya ay
walang sala hangga’t hindi napapatunayan ang kasalanan at may karapatan laban sa
di-makataong parusa.

You might also like