Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Mga Taga-Efeso 2:8 RTPV05

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob


ng Diyos kayo ay naligtas sa
pamamagitan ng pananampalataya; at
ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos
at hindi sa pamamagitan ng inyong
sarili;
Mga Taga-Efeso 2:9-10
hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t
walang dapat ipagmalaki ang sinuman. [10]
Sapagkat tayo’y nilalang ng Diyos; nilikha sa
pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin
ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang
layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una
pa man.
Mga Taga-Galacia 2:20 RTPV05
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si
Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang
ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa,
mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos
na umibig sa akin at naghandog ng kanyang
buhay para sa akin.

2 Timoteo 3:16-17 RTPV05


Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos,
at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa
pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa
likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid
na pamumuhay, [17] upang ang lingkod ng
Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa
lahat ng mabubuting gawain.

Mga Taga-Colosas 4:2 RTPV05


Maging matiyaga kayo sa
pananalangin, laging handa at
nagpapasalamat sa Diyos.
1 Mga Taga-Tesalonica 5:17 RTPV05

palagi kayong manalangin,


Lucas 18:1 RTPV05
Isinalaysay ni Jesus ang isang
talinhaga upang ituro sa kanila na
dapat silang laging manalangin at
huwag mawalan ng pag-asa.

Lucas 11:1 RTPV05


Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar.
Nang siya’y matapos, sinabi ng isa sa kanyang
mga alagad, “Panginoon, turuan nga po ninyo
kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa
kanyang mga alagad.”

Lucas 11:2-3 RTPV05


Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo’y
mananalangin, sabihin ninyo, ‘Ama, sambahin
nawa ang iyong pangalan. Nawa’y maghari ka sa
amin. Bigyan mo kami ng aming kakainin sa
araw-araw.

Lucas 11:4 RTPV05


At patawarin mo kami sa aming mga
kasalanan, sapagkat pinapatawad
namin ang bawat nagkakasala sa
amin. At huwag mo kaming hayaang
matukso.’”

Mateo 6:9-10 RTPV05


Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa
langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. [10]
Nawa’y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang
iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
11] Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain
sa araw-araw;

Mateo 6:12-13 RTPV05


at patawarin mo kami sa aming mga
kasalanan, tulad ng pagpapatawad
namin sa mga nagkakasala sa amin.
[13] At huwag mo kaming hayaang
matukso, kundi iligtas mo kami sa
Masama!’
Lucas 11:5-6 RTPV05
[5] Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay nating
isang hatinggabi, isa sa inyo’y nagpunta sa isa
ninyong kaibigan at nakiusap, ‘Kaibigan, bigyan
mo muna ako ng tatlong tinapay. [6] Dumating
kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala
akong maihain sa kanya!’

Lucas 11:7-8 RTPV05

At ganito naman ang sagot ng kaibigan mong nasa


loob ng bahay, ‘Huwag mo na akong gambalain!
Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng
aking mga anak. Hindi na ako makakabangon para
bigyan ka ng iyong kailangan.’ Sinasabi ko sa inyo,
hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagiging
magkaibigan, babangon siya upang ibigay ang
hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito.
Lucas 11:9-10 RTPV05
[9] Kaya’t sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at
kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y
makakatagpo; kumatok kayo at kayo’y
pagbubuksan. [10] Sapagkat ang bawat
humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap
ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay
pagbubuksan.
Lucas 11:11-12 RTPV05
[11] Kayong mga ama, bibigyan ba
ninyo ng ahas ang inyong anak kung
ito’y humihingi ng isda? [12]
Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan
kung siya’y humihingi ng itlog?
Lucas 11:13 RTPV05
[13] Kung kayong masasama ay marunong
magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga
anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa
langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga
humihingi sa kanya!”
Santiago 4:2 RTPV05
[2] Mayroon kayong minimithi ngunit hindi ninyo
makamtan, kaya't papatay kayo kung kailangan,
mapasainyo lamang iyon. May mga bagay na
gustung-gusto ninyo ngunit hindi ninyo maangkin,
kaya kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi
ninyo nakakamtan ang inyong minimithi dahil hindi
kayo humihingi sa Diyos.

Santiago 4:3 RTPV05


[3] Athumingi man kayo, wala rin
kayong natatanggap dahil hindi tama
ang inyong layunin. Humihingi kayo
upang mapagbigyan ang inyong
kalayawan.

1 Juan 5:14 RTPV05


[14] Hinditayo nag-aatubiling lumapit
sa kanya dahil alam nating ibibigay
niya ang anumang hingin natin kung
ito’y naaayon sa kanyang kalooban.

You might also like