Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5:

Ang Paglalayag ni Miguel Lopez de Legazpi


I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
● Maipakilala ang buhay at mga nagawa ni Miguel Lopez de Legazpi.
● Maunawaan ang mga pangunahing layunin at motibasyon ng
paglalakbay ni Legazpi patungong Pilipinas.
● Makabuo ng isang masining na pagtatanghal na nagpapakita ng mga
pangyayari at epekto ng ekspedisyon ni Legazpi.
II. Paksang Aralin
A. Paksa
● Ang Paglalayag ni Miguel Lopez de Legazpi
B. Sanggunian:
1. Lahing Dakila Ikalawang Edisyon 5
C. Kagamitan
● Laptop, PowerPoint Presentation, Telebisyon, White board marker at
Cartolina
III. Pamamaraan
A. Pang araw-araw na gawain
● Panalangin
● Pagbati
● Pagpuna sa kapaligiran
● Pagtatala ng liban
● Balitaan (Nagbabagang Balita)

B. Pagganyak (Share Mo To)


Ang guro ay magpapakita ng isang larawan ng barko at tatanungin ang
mga mag-aaral hinggil dito.
Matapos ay kanilang sasagutin ang susunod na tanong:
1. Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataong maglakbay saan ninyo
gustong pumunta at bakit?

C. Pagtatalakay

Miguel Lopez de Legazpi


• Siya ay tinaguriang “Unang Gobernador”, na may titulo na
“Adelantado ng Maynila”
• Inatasan ni Haring Felipe II noong 1559 na pumunta sa Pilipinas
• Naging katuwang niya si Padre Andres de Urdaneta na isa sa mga
nakaligtas na manlalayag at alam ang daan patungong Pilipinas
• Nakipag Sanduguan sa mga Tribo sa Pilipinas
• Nakipaglaban at sinakop ang ibang parte ng Pilipinas kabilang na ang
Cebu at Maynila.

• Konteksto ng Paglalakbay ni Legazpi


Ang paglalakbay ni Miguel López de Legazpi noong 1565 ay bahagi
ng pangkalahatang pananakop ng Espanya sa mga bagong teritoryo at
ang pagpapalawak ng kanilang impluwensiya sa Asya.
• Pangunahing Layunin
Layuning makakuha ng kalakal at mapalawak ang lupain para sa
Espanya. Kasama rito ang paghahanap ng mga kalakal tulad ng spices
at pagtuklas ng bagong lupain upang maisakatuparan ang kolonyal na
hangarin ng Espanya.
• Motibasyon ni Legazpi
Ang pangunahing motibasyon ni Legazpi ay ang palawakin ang
impluwensiya ng Espanya sa Asya. Kasama rito ang pang-
ekonomiyang interes, kultural na pagpapalaganap ng Kristiyanismo, at
pagsasakop sa mga bagong teritoryo.
• Hamon sa Paglalakbay
Kinahaharap ni Legazpi ang mga hamon mula sa mga lokal na tribu at
kagubatan ng Pilipinas. Ang mga tribo at komunidad ay may sariling
sistema ng pamamahala at kultura na hindi madaling magpasuko sa
dayuhan. Bukod dito, ang kalikasan ng Pilipinas, tulad ng mga
kagubatan at kalupaan, ay maaaring maging hadlang sa kanyang mga
layunin.

IV. Paglalapat:
Pangkatang Gawain:
1. Ang klase ay ipapangkat sa apat
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng mga gawain upang itanghal sa klase.
3. Bago makuha ang gawain ay kailangan masagot ng kinatawan ng grupo ang
isang bugtong.
4. Pitong minuto (7) ang ilalaan bawat pangkat upang matapos ang gawain.
Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4
INTERVIEW ROLEPLAY TV SHOW TABLEAU
Kung ikaw ay Kung nais mong Gumawa ng isang
bibigyan ng Gumawa ng isang mapanuod ang Tableau patungkol
pagkakataong skit patungkol sa ginawang mga sa mga karanasan
makausap si paglalakbay nila hakbang na ni Miguel Lopez
Miguel Lopez De Miguel Lopez de paglalakabay ni de Legazpi bilang
Legazpi Anu-ano Legazpi at ang mga Miguel Lopez de isang Manlalayag.
ang mga nais kasamahan nito. Legazpi, sa
mong itanong sa paanong paraan
kanya? mo ito nais
matunghayan?

Rubriks:
Paksa o Tema - 10 puntos
Nilalaman at Kaalaman - 10 puntos
Organisasyon - 10 puntos
Estilo ng Presentasyon - 10 puntos
Interaktibong Bahagi - 10 puntos
Kabuuan: 50 puntos
V. Paglalahat
1. Ano ang mga pagsubok na kinaharap ni Miguel Lopez de Legazpi sa
kanyang ekspedisyon, at paano ito maihahambing sa mga pagsubok na
kinakaharap ng mga modernong manlalakbay o eksployer sa kasalukuyan?

VI. Pagtataya ng Aralin:


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag kay Miguel Lopez de Legazpi sa kanyang titulo bilang unang
gobernador sa Pilipinas?
a) Adelantado ng Manila
b) Unang Gobernador
c) Datu ng Maynila
d) Hari ng Pilipinas
2. Sino ang katuwang ni Miguel Lopez de Legazpi na isa sa mga nakaligtas na
manlalayag at alam ang daan patungong Pilipinas?
a) Ferdinand Magellan
b) Hernando Cortes
c) Andres de Urdaneta
d) Juan Sebastian Elcano
3. Ano ang layunin ng paglalakbay ni Legazpi noong 1565?
a) Maghanap ng ginto sa Pilipinas
b) Magpalawak ng impluwensiya ng Espanya sa Asya
c) Makipagkalakalan sa mga lokal na tribu
d) Maghanap ng bagong kolonya para sa Espanya
4. Ano ang pangunahing motibasyon ni Legazpi sa kanyang paglalakbay sa
Pilipinas?
a) Pang-ekonomiyang interes
b) Pag-ibig sa kalikasan
c) Pagpapalaganap ng Islam
d) Pangangalakal ng mga hayop
5. Ano ang isa sa mga hamon na kinaharap ni Legazpi sa kanyang paglalakbay sa
Pilipinas?
a) Sobrang kasaganahan ng pagkain
b) Madaling pakikitungo ng mga lokal na tribu
c) Kahirapan sa paglalakad sa kagubatan at kalupaan
d) Mabilis na pagtanggap ng Kristiyanismo ng mga lokal na pamayanan
Takdang Aralin: Sa isang malinis na papel, bumuo ng sanaysay. Ano sa iyong
palagay ang pinakamainam na reaksiyon o gawin ng mga katutubong Pilipino sa
pagdating ng mga Espanyol?

Inihanda ni:
John Wilson S. Godezano
Guro

You might also like