Week 4 Module

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Name:_____________________________________________________Grade & Section:______________________

WEEK 4
SCIENCE 3
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____ 1. Nakararanas tayo ng malakas na hangin at malakas na ulan sa ganitong uri ng panahon.
a. maulan b. mabagyo c. mahangin d. maulap
_____2. Nagbabago ang panahon araw-araw.
a. Hindi b. Oo
_____3. Sa ganitong uri ng panahon, ang araw ay sumisikat nang maliwanag at ang mahinang umihip ang hangin.
a. maaraw b. maulap c. mahangin d. mabagyo
_____4. Sa ganitong uri ng panahon, ang kalangitan ay natatakpan ng mga ulap.
a. mahangin b. maaraw c. maulap d. maulan
_____5. Kapag patuloy ang pagbuhos ng ulan sa araw at mga ulap ay madilim sa langit. Siguradong _________ ang
panahon.
a. maulap b. mabagyo c. mahangin d. maulan
Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI kung mali. Sumulat ang iyong sagot sa patlang bago ang
numero.
________1. Ang panahon ay ang init o lamig ng hangin.
________2. Ang mga ulap ay mga patak ng tubig na lumulutang sa hangin.
________3. Kapag ang mga bubong ay natangay at ang mga puno ay nabunot dahil sa malakas na hangin at malakas
na ulan, mahangin ang panahon.
________4. Kung walang ulan, ang lupa ay magiging masyadong tuyo para tumubo ang mga halaman.
________5. Mahalagang malaman ang mga uri ng panahon.

FILIPINO 3
Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong. Sa bilang 1-4 ay isulat ang titik ng tamang sagot at sa
bilang 5 naman ay ibigay ang hinihingi. Bilugan ang tamang sagot.
Mamaya Na
Isang Sabado, dinaanan ni Tilong ang pinsan at kaklaseng si Lala. Susubukan nila ang bago niyang bisekleta. Ngunit,
abala si Lala sa pagguguhit ng larawan para sa Filipino 3. Hindi muna sasama si Lala dahil uunahin niya ang takdang
aralin sa Filipino. Susunod na lang daw siya kung matatapos na ang gawain. Kinumbinsi ni Lala ang pinsan na sabay
nilang gagawin ang aralin sa bahay nila subalit ang sabi ni Tilong ay, “mamaya na”.
Dumating ang Lunes. Sa silid-aralan sa asignaturang Filipino 3 ay isa-isang pumunta sa harapan ang mga kaklase nina
Tilong at Lala. Nagsalita tungkol sa kani-kanilang iginuhit na mga larawan at ipinagmalaki ang bawat gawa. Nang
tinawag na si Tilong ng guro ay hindi siya tumayo. Wala siyang dalang gawain na maipapakita at maipagmamalaki sa
klase.
Mga tanong:
1. Kung ikaw si Tilong, ano ang dahilan bakit ayaw mong tumayo sa harap ng klase?
A. naiwan mo ang iyong ginawa B. hindi maganda ang ginawa mo
C. nahihiya kang magsalita sa harap D. hindi mo nagawa ang takdang-aralin
2. Ano ang dahilan at walang naipasa si Tilong sa klase?
A. Wala siyang kagamitan pangguhit. B. Naubos ang oras sa pagbibisekleta.
C. Hindi niya alam ang takdang-aralin. D. May ginawa siyang mas importante.
3. Kung ikaw si Tilong, paano mo maiiwasan ang malagay sa ganitong sitwasyon?
A. Makinig nang mabuti sa guro. B. Hindi na lang papasok upang hindi mapahiya.
C. Makinig sa sinabi ni Lala at gawin ang takdang-aralin. D. Ipagpatuloy ang pabibisekleta kasama ang kaibigan.
4. Alin ang madalas mong ginagawa kapag nasa bahay?
A. naglalaro ng kompyuter B. natutulog maghapon C. nagbabasa at nag-aaral D. nanonood ng telebisyon
5. May mga panahon bang hindi mo nagawa ang pinapagawa sa iyo? Ano ang nangyari? Isulat sa papel ang iyong
sagot..__________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________.
_________________
ARALING PANLIPUNAN 3
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang nangungunang produkto sa South Cotabato ?
a. pinya b. saging c. isda d. abaka
2. Maliban sa pagtatanim,ano pa ang industriya sa South Cotabato?
a. panghayupan b. pangisdaan c. pagmimina d. wala
3. Nangunguna ang Sarangani sa produksiyon ng _____ sa buong rehiyon.
a. abaka b. niyog c. tuna d. pinya
4. Ano ang lugar sa rehiyon 12 ang kinilalang nga “Tuna Capital” ng Pilipinas?
a. General Santos b. Sarangani c. Cotabato d. Sultan Kudarat
5. Ano ang pangunahing produkto ng General Santos ?
a. tuna b. saging c. pinya d. kape
MTB – MLE 3
Panuto: Suriin ang graphic organizer. Bumuo ng talata gamit ang mga panandang salita hango sa mga
kaisipang nakalahad.
Name:_____________________________________________________Grade & Section:______________________
WEEK 4
SCIENCE 4
Directions: Identify what is being asked in the statement below. Then answer the riddle by identifying the
pictures shown. Write your answers on the space provided.

1. I can tell the direction of the wind if it is going to east or west, north or south. What am I? __________
2. I stand in pole, can tell both the speed and direction of the wind. What am I? __________
3. If you feel warm or feel cold, tell me and I will give you the accurate readings of the temperature. Who am I?
______
4. During storm I can move fast but during fair weather I can softly move. What am I? _____
5. When the rain pours, I can measure the amount of it in a specific period of time. What am I? ________
Directions: Read the measurement of each of the thermometer illustrated below. Write the temperature in
Celsius under each thermometer. Use your science notebook as your answer sheet.

FILIPINO 4
Paborito ni Allen
Juvy G. Clavillas
Matalinong bata si Allen. Paborito niya ang mga asignaturang Ingles, Matematika, Filipino, Arts, at Agham. Mahilig
din siyang magbasa ng dyaryo tulad ng Philippine Star, Daily Inquirer, Balita Ngayon, at Tonite. Maliban sa
pagbabasa, nangongolekta rin siya ng mga laruan na robot, eroplano, kotse, baril, at bola. Paboritong pagkain naman
niya ang Adobong Manok, Sinigang, Pinakbet, at Pritong Bangus.
Pamagat:__________________________________________________
Tauhan:___________________________________________________
Tagpuan:_____________________________________________
A. Paboritong Asignatura: D. Mga laruang kinokolekta:
1. ______________________________ 1. ______________________________
2. ________________________________ 2. ________________________________
3. _________________________________ 3. _________________________________
4. ____________________________________ 4. ____________________________________
5. ___________________________________ 5. ___________________________________
B. Mga hilig basahin E. Paboritong Pagkain
1. ___________________________________ 1. ___________________________________
2. _____________________________________ 2. ____________________________________
3. ____________________________________ 3. ____________________________________
4. ____________________________________________ 4. _____________________________________
5. ___________________________________________ 5. ____________________________________

ARALING PANLIPUNAN 4
Piliin ang angkop na tungkulin ng mamamayan na inilalarawan sa bawat sitwasyon sa pamamagitan ng
pagguhit ng simbolo sa iyong papel.

_______________1. Masayang nakikilahok si Marie sa programang “Tapat Ko, Linis Ko” ng kanilang barangay.
_______________2. Hindi pumayag si Jojo sa udyok ng kaniyang mga kaibigan na mangupit sa tindahan ng kaniyang
tito.
_______________3. Buong galang at pagmamalaking inaawit ni Rosa ang pambansang awit sa tuwing ito ay kanyang
naririnig.
_______________4. Sa tuwing bumibili ng sapatos si Luna ay palagi niyang pinipili ang mga yari sa Marikina dahil
bukod sa magaganda na ay matitibay pa ang mga ito.
_______________5. Si Henry ay sumali sa isang samahan na nagtataguyod ng turismong Pilipino upang
makapaghikayat ng dayuhang turista sa bansa.

EPP 4
Ang sumusunod ay mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng MALWARE sa computer. Isulat
ang Oo kung tama Hindi kung mali.
1. Pag-update ng computer at software
2. Paggamit ng account na hindi pang-administrator
3. Pagdadalawang-isip bago mag-click ng mga link o mag-download ng anumang bagay
4. Pagdadalawang –isip bago magbukas ng mga attachment o larawan sa email
5. Hindi pagtitiwala sa mga pop-up window na humihiling na maingat sa pagbabahagi ng files.
Ang sumusunod ay mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng malware sa computer. Sagutan
ang tseklist sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) kung naisasagawa at ekis (X) kung hindi.
_______1. Pag-update ng computer at software.
_______2. Paggamit ng account na hindi pang-administrator.
_______3. Pagdadalawang-isip bago mag-click ng mga link o mag-download ng anumang bagay.
_______4. Pagdadalawang-isip bago magbukas ng mga attachment o larawan sa email.
_______5. Hindi pagtitiwala sa mga pop-up window na humihiling na mag-download ng software.
_______6. Pagiging maingat sa pagbabahagi ng files.
_______7. Paggamit ng anti-virus software.

You might also like