Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

NOLI ME TANGERE

Kabanata 7: Suyuan sa Asotea

Narrator:
Hindi mapalagay si Maria Clara buhat ng makagaling sa simbahan kasama ang
kanyang Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa ay agad itong nagyaya na umuwi agad
ng bahay. Naramdaman ni Maria Clara ang pagdaramdam ni Tiya Isabel
sapagkat naniniwala ito sa kanyang pagkamadasalin. Sinadya niyang iparinig
ang huling panalangin,

Maria Clara:
Patawarin ako ng Diyos na higit na nakakaunawa ng aking kalooban bilang isang
babae.

Narrator:
Pagkagaling sa simbahan, nagtungo si Maria Clara sa Asotea ng kanilang
tahanan at nanahi. (nakaupo si Maria Clara habang nagtatahi)

Hinintay ni Maria Clara ang pagdating ni Ibarra at ang pagdalaw nito sa kanilang
bahay. Alumpihit, kinakabahan at namumutla siya sa tuwing may magdaraang
sasakyan sa tapat ng kanilang bahay, sa pag-asam na ito na ang kanyang
hinihintay. (Kinakabahan si Maria habang nakatingin sa labas habang abala sa
kanyang ginagawa)

Maria Clara:
Bakit kaya wala pa siya? (Tanong niya sa kanyang sarili)
Narrator:
Si Tiya Isabel ay abala sa pag-iimis ng kalat na dulot ng nagdaang kasiyahan
samantalang panay ang buklat ni Kapitan Tiago sa kanyang mga papeles.
(nakaupo si Kapitan Tiago habang nagbabasa)
Napansin ni Kapitan Tiago ang pamumutla ng mukha ng anak.

Kapitan Tiago:
Mas makabuti nga sigurong magbakasyon ka muna para makalanghap ng
sariwang hangin. Saan mo gustong magbakasyon? Sa Malabon o San Diego?
Narrator:
Natigilan si Maria Clara dahil sa sinabi ng ama. Lalo pa siyang kinabahan nang
marinig ang bayan ng San Diego.

Kapitan Tiago:
Ang mabuti pa siguro’y bumalik na kayo ng Tiya Isabel mo sa Beateryo at kunin
na ang lahat ng iyong damit. Hindi ka na babalik doon kaya magpaalam ka nang
tuluyan sa mga kaibigan mo.

Tiya Isabel:
Sa San Diego na lamang dahil mas malaki ang bahay doon at isa pa’y malapit na
ang pista.

Narrator:
Lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya nang may tumigil na sasakyan sa harap
ng kanilang bahay at naulinigan ang boses ni Ibarra.

Kapitan Tiago:
Ikaw pala, Don Crisostomo!

Narrator:
Patakbo na nagtungo si Maria Clara sa silid dasalan. Napangiti na lamang sina
Kapitan Tiago at Tiya Isabel dahil sa iginawi ng dalaga.

Nabigla si Maria Clara nang bumungad sa kanyang harap ang tiyahin habang
sinisilip niya si Ibarra at ang ama habang paakyat sa hagdan mula sa maliit na
butas ng susian ng kanyang silid. Sa tuwa ay nahalikan at niyakap nya ang
matandang babae. Labis galak ang kanyang naramdaman at namamalas ito ng
matandang babae. Pinag-ayos siya nito ng bihisan upang maharap na ang
bisitang binata.

Agad siyang pumasok sakanyang kwarto at nagpaganda.


(Ngumiti sa siya habang nagpapaganda)
Crisostomo Ibarra:
Magandang araw po, Tiya Isabel.
(Magalang na sabi ni Crisostomo)

Tiya Isabel:
Magandang araw din sa iyo iho!
(Nakangiting bati niya pabalik sa binata)

Crisostomo Ibarra:
Nandito po ba si Maria Clara?(Tanong niya kay Isabel habang nilinga-linga ang
paligid)

Tiya Isabel:
Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali.(Nakangiting sambit niya at
tumalikod na)

Narrator:
Tumango si Ibarra at umupo sa silya habang tinatanaw si Tiya Isabel na
papalayo na.

Tiya Isabel:
Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito.(Masaya habang kinakatok ang pintuan ng silid
ni Maria Clara)

Maria Clara:
Pasok po kayo, Tiya Isabel.

Tiya Isabel:
Iha, nariyan na si Crisostomo! Paghihintayin mo pa ba siya?(Nakangiting sambit
naman ni Tiya Isabel)
Maria Clara:
Hindi na po, Tiya Isabel. (Lumabas si Maria Clara at tinungo ang kinaroroonan ni
Ibarra)

Narrator:
Sa Asotea napadpad ang magkasuyo at doon nag-usap. Sa umpisa’y tahimik
ang dalawa at nagpapakiramdaman dahil sa matagal na hindi pagkikita.

Crisostomo Ibarra:
Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara. (Kumikinang ang
matangsambit niya kay Maria habang naghuhumaling sa taglay nitong ganda)

Maria Clara:
Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mgasalita.
Marahil,maraming magagandang babae sa ibang bansa na nahulog
sapambobola mo.(Nambobolang sabiniya habang nakasimangot)

Crisostomo Ibarra:
Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang?(Nakatingin sa mga
matani Maria at ngumiti)

Maria Clara:
Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo?(Pabiro niyang sabi)

Crisostomo Ibarra:
Dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa pinakamagandang
babae na nakilala ko.

Maria Clara:
Asus! Binola pa ako.(Mahinang hampas niya sa balikat ni Ibarra at kasalukuyang
nakangiti)

Crisostomo Ibarra:
Labis akong nangulila sa iyo, Maria.(Marahang hinaplos ang balikat ni Maria)

Maria Clara:
Higit akong nangulila, Crisostomo. (Malungkot na sabi niya at ipinatong ang
kanang kamay niya sa kamay ni Ibarra mula sa kanyang balikat)

Narrator:
Ilang sandali sila nagkatitigan bago binitawan ni Ibarra si Maria Clara at may
hinugot mula sa kanyang bulsa.

Crisotomo Ibarra:
Naalala mo pa ba to?(Kuha niya sabay pakita kay Maria na nakangiti)

Maria Clara:
Oo naman!(Gulat niyang tinignan ang hawak ni Ibarra)
Yan yung binigay ko sayo nung naglalaro tayo. Nilagay ko yata sa sombrero
mo.(Ngiting sabi niya at dahan-dahang ibinalik ni Ibarra iyon sa kanyang bulsa)
Ito kaya, naalala mo pa ba to?(Kinuha niya ang sulat mula sa kanyang gilid)
Ito yung sulat na ibinigay mo sa akin bago ka pumunta sa ibang bansa.

Narrator:
Tumingin kay Maria Clara si Crisostomo bago niya tignan ang sulat na nasa
kamay ng dalaga.

Maria Clara:
Itinago ko kasi to. Dahil ito nalang ang ala-alang naiwan mo sa akin noong
umalis ka.(May bahid nalungkot niyang sabi)

Narrator:
Ang kanilang suyuan ang tanging baon nila sa paghihiwalay ng ipadala si Maria
Clara sa Beateryo at nang magtungo naman si Ibarra sa ibang bansa upang
mag-aral. Isang liham pamamaalam ang iniwan ni Ibarra kay Maria Clara.
Tuyong dahon naman ng sambong ang inilagay ng dalaga sa loob ng sombrero
ng binata nang hindi ito sakitan ng ulo. Ang biro ni Ibarra ay iyon lamang ang
tanging naibigay sa kanya ng dalaga. Sa Asotea rin binasa ni Maria Clara ang
liham kaya nais laktawan ang sa palagay niya’y bahagi ng liham na hindi totoo.

Maria Clara:
Lagi mo ba ako naaalala? O sadyang naging makakalimutin ka na dahil sa mga
magagandang dilag na nakikilala mo sa iyong paglalakbay?

Crisostomo ibarra:
Paano kita maliliimutan gayong ang tinig mo’y naririnig ko sa Alemanya? Inusal-
usal ko ang iyong pangalan kahit saang dako ako mapadpad. Walang lugar na di
kita kapiling.

Narrator:
Natuwa si Maria Clara sa narinig.

Crisostomo Ibarra:
Ilang parusa na ang tinanggap ko mula sa aking kompesor na nagsabing
kalimutan kita, ngunit hindi ko pa rin magawa.

Narrator:
Bigla ang pamumutla ni Ibarra na alalahaning araw ng mga patay kinabukasan.

Crisostomo Ibarra:
Nakalimot ako sa aking tungkulin.
Patawarin mo ako kung ako ay magpapaalam na.(Malungkot nyang sabi)
Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay.
Hanggang sa muli, mahal ko.(Aastang tatalikod na pero pinigilan siya sa kamay
ni Maria)

Maria Clara:
Sandali! (Malungkot na sambit nya)
Narrator:
Pumitas ng bulaklak si Maria Clara at ibinigay ito kay Crisostomo.

Maria Clara:
Ialay mo ito sa iyong mga magulang. (Ngiti muling sambit ni Maria Clara)

Crisostomo Ibarra:
Maraming salamat, mahal ko. (Tinaggap ang bulaklak at niyakap si maria)

Narrator:
Aalis si Ibarra habang si Maria Clara naman ay malungkot na tinatanaw ang
papalayong bulto ni Crisostomo.

Maria Clara:
Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo. (Sambit niya sa hangin at nakangiting
tinanaw muli ito)

Narrator:
Nalulungkot man si Maria Clara ay hindi na niya pinigilan ang pag alis ni Ibarra.
Muling nagbalik sa silid dalanginan si Maria Clara at doon siya dinatnan ni
Kapitan Tiago habang lumuluha.

You might also like