Kabutihang Panlahat: Kabutihang naayon sa moralidad ng tao at
likas na batas moral. Lipon: Pangkat (Lipunan) Communis: Common (Komunidad) MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT:
Ang paggalang sa indibidwal na tao.
Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. Ang kapayapaan. MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT:
Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang
panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba. MGA KONDISYON SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT:
Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong
makakilos nang Malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal, at kapayapaan. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.
“Pangkalahatang kondisyong binabahagi para sa kapakinabangan
ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.” -John Rawls “Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakaisa.” -Santo Tomas Aquinas “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” -John F. Kennedy Barkadahan: Sa samahang katulad nito inihalintulad ang isang lipunan. Kultura: Mga nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng isang pamayanan. Lipunang Pampolitika: Paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Pamahalaan: Mukha ng estado sa internasyonal na larangan. Pamamahala: Isang kaloob ng mga tao sa kapuwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa pamumuno at pangangasiwa. Subsidiarity: Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpaunlad sa kanila. Solidarity: Pagkakaisa. Tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng akmang estraktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan. Pananagutan ng Pinuno: Pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Pananagutan ng Mamamayan: Maging mabuting kasapi sa lipunan at makilahok sa mga pampamayanang gawain. Ang Tunay na Boss: Kabutihang Panlahat ang tunay na boss sa lipunan. Lipunang Pang-Ekonomiya: Pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Ito rin ay ang pangangasiwa sa patas nan a pagbabahagi ng yaman ng bayan. Ang Pag-Aari: Kapag ang tao ay hidi nakakakuha ng bagay, bumababa ang kaniyang halaga bilang tao at kailangang isipin ang dahilan ng paggawa at pag-aari. Hindi para sa tingin ng iba kundi para sa pakinabang. Oikos: Bahay Nomos: Pamamahala Pantay: Pagbibigay o pagtanggap ng pare-parehong benepisyo. Patas: Pagbibigay at pagtanggap ng benepisyo depende sa pangangailangan at kalagayan ng isang tao. Proportio: Ang angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao. (Santo Tomas de Aquino) “Bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibanmg lakas at kahinaan.” -Max Scheler Lipunang Sibil: Kusang-loob nap ag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa. Gabriela: Isang grupo ng mga kababaihan sa Pilipinas noong 1984na naging pampolitikang Partido. Mga Batas na Naisakatuparan ng Gabriela:
Anti-Sexual Harassment Act of (1995)
Women in Development and Nation-Building Act (1995) Anti-Rape Law (1997) Rape Victims Assistance and Protection Act (1998) Anti-Trafficking of Persons Act (2003) Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2004) Media: Nagpapaalam ng mga kasalukuyang nangyayari sa paligid natin. Mass Media: Sabayang paghahatid ng balita sa iisang pagkakataon. “Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanan na kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito.” -Papa Juan Pablo II, 1999 Simbahan: Sagradong lugar ng pagsamba at pagbibigay-pugay sa diyos. Mga Anyo ng Lipunang Sibil:
Pagkukusang-Loob: Walang pumipilit sa mga kasapi upang
makisangkot. Bukas na Pagtatalastasan: Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla. Walang Pang-Uuri: Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi. Pagiging Organisado: Patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng pagkakataon. May Isinusulong na Pagpapahalaga: Hindi pansariling interes ang isinusulong nito kundi kabutihang panlahat.