Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

FILIPINO

Baitang 7 Yunit 15
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Ibong Adarna
Talaan ng Nilalaman
Introduksyon 3
Basahin Natin 5
Sagutin Natin 6

Aralin 1: Kalagayan ng Bansa sa Panahon ng Pagsulat ng Akda.......................... 7


Layunin Natin 7
Pag-aralan Natin 7
Sagutin Natin 10
Subukan Natin 11
Isaisip Natin 11
Pag-isipan Natin 11

Aralin 2: Motibo ng May-akda sa Pagsulat ng Ibong Adarna.............................. 13


Layunin Natin 13
Pag-aralan Natin 13
Sagutin Natin 17
Subukan Natin 17
Isaisip Natin 18
Pag-isipan Natin 18

Aralin 3: Kahulugan at mga Katangian ng Korido............................................... 20


Layunin Natin 20
Pag-aralan Natin 20
Sagutin Natin 22
Subukan Natin 23
Isaisip Natin 23
Pag-isipan Natin 23

Aralin 4: Pag-unawa ng Mahahalagang Kaisipan sa Ibong Adarna....................... 25


Layunin Natin 25
Pag-aralan Natin 25
1
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sagutin Natin 27
Subukan Natin 27
Isaisip Natin 27
Pag-isipan Natin 28

Aralin 5: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna........................................... 29


Layunin Natin 29
Pag-aralan Natin 29
Sagutin Natin 30
Subukan Natin 31
Isaisip Natin 31
Pag-isipan Natin 31

Gawin Natin 32
Rubrik sa Pagtataya 33
Paglalagom 34
Dapat Tandaan 35
Payamanin Natin 36
Susi sa Pagwawasto 36
Sanggunian 39

2
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pindutin ang Home icon para
bumalik sa Talaan ng Nilalaman
BAITANG 7 | YUNIT 15

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

A ng panitikan ay nagmula sa salitang “pang-titik-an.” Ito ay mula sa salitang-ugat na


titik na nangangahulugang literatura at mayroon lamang unlaping pang- at -an. Ito ay
sumasalamin sa kultura, tradisyon, damdamin, o kaisipan sa buhay ng mga manunulat.

Maaaring mauri ang panitikan batay sa paraan ng pagsasalin at anyo. May


dalawang uri batay sa paraan ng pagsasalin, ang pasalin-dila at pasulat. Ang
pasalin-dilang panitikan ay tumutukoy sa mga akdang pinasalin-
salin lamang sa bawat henerasyon at sa pamamagitan lamang ng
bibig ng tao. Ang ilang halimbawa nito ay ang mga epiko,
alamat, awiting-bayan, kasabihan, salawikain, bugtong at iba
pa. Samantala ang pasulat na panitikan ay ang mga akdang naisulat o
naisatitik. Sinasabing sa dalawang uri nito, mas mainam ang mga
akdang pasulat sapagkat ang pasalin-dilang panitikan ay maaaring
mabago o malimutan sa paglipas ng panahon ngunit ang pasulat na
mga akda ay napapangalagaan.

Kung batay naman sa anyo, mayroong ding dalawang uri, ang


tuluyan at patula. Tuluyan ang isang panitikan kung ito ay nasusulat
sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan. Ilan sa
mga halimbawa nito ay anekdota, alamat, maikling kuwento, sanaysay,
dula at iba pa. Samantala, sa patula naman ay ang mga akdang binubuo
ng mga saknong at taludtod na maaaring may sukat at tugma. Ang mga
halimbawa nito ay ang mga tulang liriko gaya ng oda, pastoral o dalit; at
tulang pasalaysay gaya ng epiko at ang tinatawag na korido.

Ang korido ay isang uri ng tulang pasalaysay na mula sa impluwensiya


ng mga Kastila. Ito ay mayroong walong pantig sa isang saknong, At
binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag.

Sa yunit na ito, sisimulan natin ang pagtalakay sa isang


korido at itinuturing na isa sa obra maestra ng Panitikang
Pilpino, ang Ibong Adarna. Kapag sinabing ang isang akda
ay isang obra maestra, ito ay nagtataglay ng mga katangiang
di makikita sa iba pang akda at ito ay sadyang hinahangaan
dahil sa kakaibang pagkakagawa at disenyo kaya naman sa
pagbabasa ng mga ganitong akda gaya ng Ibong Adarna, kinakailangang 3
Copyright © 2018 Quipper Limited
alamin at galugarin ang kaligiran ng pinagmulan nito, gayundin ang mga pangyayari noong ito ay
nalikha. Kailangang maging bahagi ng ating pagtuklas sa mga pangyayari sa ating babasahing akda
ang layunin ng sumulat nito partikular na kung bakit ito naisulat. Kung gayon, kasabay ng pagtuklas
natin sa misteryo ng Ibong Adarna sa mga susunod na aralin ay ang pagtuklas muna natin sa
kasaysayan nito.

Ayon sa ensiklopedya ng Cultural Center of the Philippines mula sa tomo ng literatura, ang buong
pamagat ng korido na kinikilala ngayong Ibong Adarna ay Sauta at Buhay Na Pinagdaanannang
Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nang Haring Fernando at Nang Reina Valeriana sa
Kahariang Berbania. Hindi kilala ang may-akda nito ngunit pinangalanan si Marcelo Garcia nang
ilimbag ito noon sa Limbagan nang La Democracia sa Maynila. Ang kuwento nito na tungkol sa
paghahanap ng isang mahiwagang ibon ay mayroon ding bersiyon sa Kapampangan, Bicolano,
llocano, and llongo. Patunay ito ng paglaganap ng korido sa buong bansa bilang bahagi ng secular na
panitikan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

Kaugnay nito, sa pagtatapos ng pagtalakay natin sa bawat aralin sa yunit na ito; mailalahad natin ang
ating pananaw ukol sa motibo ng may-akda sa bisa ng mga binasang bahagi ng akda, naibibigay ang
kahulugan at katangian ng korido, naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan sa akda, naibabahagi
ang sariling ideya sa kahalagahan ng Ibong Adarna.

Halina’t basahin at talakayin sa susunod na bahagi ang isang pasilip o pahapyaw na pagtalakay sa
nilalaman ng Ibong Adarna.

4
Copyright © 2018 Quipper Limited
Basahin Natin

Isang Pasilip sa Kuwento ng Ibong Adarna


Ang Kaharian ng Berbanya ay pinamumunuan ni Haring
Fernando at ni Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong anak, ang
panganay na si Don Pedro, ang ikalawa na si Don Diego at ang
bunsong si Don Juan. Masaya at masagana ang buhay ng mga
tao sa Berbanya ngunit isang gabi ay nagkaroon ng
napakasamang panaginip ang hari, dahilan upang siya ay
maratay sa malubhang karamdaman. Ayon sa manggagamot,
ang awit lamang ng mahiwagang Ibong Adarna na matatagpuan
sa Piedras Platas ng Bundok Tabor ang makapagpapagaling sa
hari. Kaya naman nagpasya ang mga prinsipe na hulihin at
dalhin sa ama ang nasabing ibon. Pinangunahan ng panganay
na anak na si Don Pedro ang paglalakbay. Narating ni Don
Pedro ang puno ng Piedras Platas ngunit hindi niya nakita at
nahuli ang Ibong Adarna sapagkat siya ay naging bato at
hindi na nakabalik sa kaharian. Kaya naman nang lumipas
ang ilang buwan, sumunod na naglakbay si Don Diego.
Narating rin ni Don Diego ang mahiwagang puno at
nasilayan ang ganda ng ibon subalit sa kanyang pakikinig sa
boses nito, nakatulog rin ng mahibing si Don Diego at gaya ni Don Pedro,
siya ay naging bato.

Lumipas ang mga buwan na hindi bumalik ang dalawa kaya naman nagpasya na si Don Juan na siya
na lamang ang susubok na humuli sa ibon para sa kanilang mahal na ama. Subalit sa una ay ayaw
siyang payagan ni Haring Fernando sapagkat nag-aalala ito na may mangyaring masama sa kaniyang
bunsong anak gaya na lamang ng nangyari sa kaniyang panaginip. Ngunit desidido si Don Juan na
iligtas ang ama at hanapin ang mga kapatid kaya naman binasbasan na siya ng hari kahit ito ay nag-
aalinlangan. Hindi tulad ng dalawang kapatid, si Don Juan ay nanalangin muna upang humingi ng
gabay sa Poong Maykapal. Tumulong siya sa isang matandang ketongin na nasalubong niya sa
paglalakbay, ibinigay niya ang natitira niyang nag-iisang tinapay. Bilang ganti, pinayuhan siya ng
matanda sa mga dapat niyang gawin upang makaiwas sa panganib na dala ng kaniyang gagawing
paghuli sa mailap at puno ng hiwagang Ibong Adarna. Pinayuhan rin siya ng matanda na huwag
dumiretso sa puno ng Piedras Platas pagkarating sa Bundok Tabor subalit tumingin sa ibabang bahagi
ng bundok at may masisilayang bahay. Ang bahay na ito ay pinalalagian ng isang ermitanyo na
magtuturo ng paraan upang mahuli ang ibong adarna.

Ginawa ni Don Juan ang lahat ng pinayo ng matandang ermitanyo at hinarap ang lahat ng pagsubok.
5
Copyright © 2018 Quipper Limited
Nahuli kaya ni Don Juan ang mahiwagang Ibong Adarna? Mailigtas niya kaya ang mga kapatid na
naging bato? Gagaling na kaya ang hari? At higit sa lahat, posible kayang mangyari ang masamang
panaginip ng hari?

Iyan ang ating aalamin sa mga susunod pang yunit ng pagtalakay sa obra maestrang Ibong Adarna.

Sagutin Natin

1. Ano ang kahariang pinamumunuan nina Haring Fernando at Donya Valeriana?


2. Sino-sino ang mga anak nina Haring Fernando at Donya Valeriana?
3. Bakit nagkaroon ng malubhang sakit ang hari?
4. Ano ang makagagamot sa malubhang sakit ng hari ayon sa manggagamot?

6
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 1
Kalagayan ng Bansa sa Panahon ng
Pagsulat ng Akda

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang kalagayan ng
Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol at ang kaugnayan nito sa obra
maestrang Ibong Adarna.

Pag-aralan Natin
Ang Pananakop ng mga Espanyol
Ang kasaysayan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa ay nagsimula noong taong 1565 nang
dumating si Miguel Lopez de Legaspi at nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu, bagama’t ang unang
ekspedisyon na nagdala sa mga Espanyol sa kapuluan ng Pilipinas ay sa pangunguna ni Ferdinand
Magellan noong Marso 16, 1521.

Ang tatlong pangunahing layunin ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

1 Palaganapin ang Katolisismo

Palawakin ang kapangyarihan ng Espanya sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga


2 sakop na mga bansa.

Paghahanap ng pampalasa, masaganang likas-yaman, at mga hilaw na materyales


3 upang matustusan ang kanilang mga pangangailangang pang-ekspedisyon.
7
Copyright © 2018 Quipper Limited
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA
ESPANYOL

Dahil sa layunin ng mga Espanyol na


mapalaganap ang Katolisismo, nagkaroon ng
reoryentasyon sa pamumuhay ng mga
katutubo kung saan pinalitan nila ang mga
panitikan ng ating mga ninuno at inilahad ang
mga panitikang ang naging sentro nito ay ang
prayle at simbahan. Ang pamumuhay ng mga
katutubo ay dinominahan ng relihiyon at
malaki a ng naging epekto nito sa panitikan.

Ang panitikang laganap bago ang pananakop ay pabigkas


kung kaya walang nadatnang nakasulat o nakalimbag na anyo ng panitikan ang
mga Espanyol noon.

Binubuo ang sinaunang panitikan ng mga oral na tradisyon tulad ng mga salawikain, bugtong, at
maiikling tula na may sinusunod na sukat at talinghaga. Ito ang ginamit na batayan ng mga
misyonerong prayle para pag-aralan ang wika ng katutubo at sila ang unang nagtala ng mga piling
kathang oral na ginamit para sa layuning ito.

Ipinagbawal nila ang paglaganap ng katutubong panitikan lalo na ang mga tradisyong may kinalaman
sa naunang relihiyon ng mga katutubo na Pagano. Sinabi ng mga prayle na ang mga ito ay mula sa
demonyo at dapat ipagbawal. Kasabay nito ay ang pagpapalaganap at pagtuturo sa katutubo ng mga
relihiyosong panitikan o babasahin. Bunga nito ang pag-usbong ng mga tulang lirikon na may
impluwensiya ng relihiyon gaya ng mga awit, korido at mga pasyon. Sa larangan naman ng drama ay
namayani ang duplo, karagatan, komedya o moro-moro, mga dulang panrelihiyon, senakulo, at
sarsuwela. Ang mga paksa nito ay tungkol sa Diyos, sa mga santo at santa, kung paano maging isang
mabuting Krsitiyano, mga nobena, awiting pansimbahan at iba pa. Moralistiko din ang karamihang
tema ng mga akda at mayroon pa ring elemento ng relihiyon.

Sa kabuuan ayon sa talang sinulat ni Jose Villa Panganiban, et.al sa aklat na pinamagatang Panitikan
ng Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng Espanyol ay may tatlong katangian:

 May sari-saring kaanyuan at pamamaraan

 Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon

 Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa o tradisyong Espanyol. 8
Copyright © 2018 Quipper Limited
Kaya naman naging mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang relihiyong
Katolisismo sa bansa. Isa sa pinakatanyag na uri ng panitikang nagbibigay-halaga sa diwang
Kristiyanismo ay ang mga tulang Romansa. Sinasabing ang ganitong uri ng panitikan ay hindi lang
mga prayle ang nakaimpluwensiya sa mga katutubo. Mula sa mga karaniwang Espanyol gaya marahil
ng mga kawal, manlalakbay, opisyales, at iba pa maaaring nagmula ang mga kuwentong romansa.
Maaaring nagdala sila ang mga nakalimbag na kopya ng tulang romansa sa Espanyol at sa Europa.
Maaari ding naipasa nila sa mga katutubo sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan o
pagbabahaginan ang mga kuwentong romansa na tinanggap naman at nagsimulang lumaganap sa mga
katutubo. Ang mga tulang Romansa ay madalas na nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa
isang Birhen o Santo.

Ayon kay B.S. Medina, Jr., naging tanyag at naging masigla ang mga tulang romansa noong ika -18
dantaon nang matuto ang mga katutubo ng alpabetong Romano. Kasabay nito ay paglaganap din ng
mga nakalimbag na kopya ng mga tulang romansang ito sa Espanyol na binabasa ng marunong
bumasa
at ipinamamahagi sa iba sa pamamagitan ng kuwentuhan o mismong pagpapahiram ng mga kopya sa
iba. Kung kaya maging ang mga hindi marunong magbasa ay nakatunghay din sa mga ito.

Ang mga kuwentong ito ay kalimitang pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihang


karaniwang kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa at mga maharlikang tao kung saan ang
pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kanyang mataimtim na pananalig at matiyagang
pagtawag sa Diyos.

Dahil sa pamamayagpag ng mga tulang romansa mula sa Europa, nagkaroon ng interes ang mga
Pilipino na kumatha ng kanilang bersiyon. Lumaganap sa buong kapuluan ang mga kuwentong
romansa. Nagkaroon ito ng dalawang uri, ang awit at korido. Patunay rito ang maraming awit at
korido na matatagpuan sa ibang rehiyon at nakasulat sa iba-ibang wika ng Pilipinas.

Kitang-kita pa rin sa mga awit at korido ang impluwensiya ng mga kuwentong romansa mula sa
Europa. Tungkol pa rin ito sa pakikipagsapalaran at kabayanihan mga prinsipe at prinsesa, iba pang
maharlika, at kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kaniyang mataimtim na
pananalig at matiyagang pagtawag sa Diyos. Sa kabila nito, iniangkop nila ang ilang elemento nito sa
mga bagay na mas makakaugnay ang mga kababayan noon.

ANG NAGING SILBI NG AWIT AT KORIDO SA MGA PILIPINO

Dahil lubhang mahigpit ang sensura noong panahon ng Espanyol, hindi lahat ng mga akdang
pampanitikan ay maaring maisulat at mailathala lalo pa kung ito ay laban sa pamamahala ng mga
Espanyol. Isa sa mga pinahintulutang mailathala noon ay ang mga awit at korido. Kaya naman, sa
namayani at nakilala ng marami ang mga temang sinasaklaw ng awit at korido.

9
Copyright © 2018 Quipper Limited
Naging pangunahing silbi ng mga awit at korido ang
maging libangan ng ating mga ninuno noon.
Nagdulot ito ng kasiyahan o kaaliwan sa kanila ang
pagtunghay sa mga kuwentong ito.

Sa katunayan ang akdang Ibong Adarna ay


itinuturing na panitikang pantakas sapagkat ang
mahihirap na Pilipino na lugmok sa hirap at paniniil
ng mga Espanyol ay pansamantalang nakatatakas sa
kanilang tunay na kalagayan sa sandaling mabasa o
mapanood nila ang akdang ito at mailagay sa kanilang sarili sa pakikipagsapalaran ni Don Juan na
siyang pangunahing tauhan sa akda. Bagama’t na itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang
akdang ito, sinasabi ng maraming kritiko na umaangkop naman sa kalinangan at kultura ng mga
Pilipino ang nilalaman nito. Masasalamin sa akda ang mga natatanging matibay na pananampalataya
sa Poong Maykapal, mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na pagtingin o
paggalang ng mga anak sa magulang, paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa mga nangangailangan,
pagtanaw ng utang na loob, mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan, pagkakaroon
ng matibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhat at marami pang iba.

Kaya naman, ang Ibong Adarna ang pinakatanyag na koridong nalimbag at naisulat sa Pilipinas,
sinasabi ring ang mga sipi nito ay ipinagbili sa mga perya na karaniwang isinasagawa tuwing
kapistahan ng mga bayan-bayan at itinatanghal sa entablado.

Sagutin Natin
1. Paano nga ba lumaganap ang panitikan ng Espanyol sa ating bansa?
2. Ano ang nilalaman ng mga awit at Korido?
3. Saan nagmula ang mga tulang Romansa?

10
Copyright © 2018 Quipper Limited
Subukan Natin
1. Ibigay ang mga layunin ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas.
2. Sa papaanong paraan nakatulong ang mga awit at korido sa mga mambabasang Pilipino?

Isaisip Natin
Sa iyong palagay, ano ang kinalaman ng pag-alam sa kasaysayan ng panitikan noong panahon
ng pananakop ng mga Espanyol sa pag-unawa sa nilalaman ng Ibong Adarna?

Pag-isipan Natin
Suriin ang mga salitang nakasalungguhit sa mga pahayag ukol sa kasaysayan ng Pilipinas noong
panahon ng Pananakop ng mga Espanyol. Lagyan ng katagang IBONG ADARNA ang kahon kung
wasto ang salitang nakasalungguhit; kung mali naman, isulat sa kahon ang angkop salita kapalit nito.

1. Layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang relihiyong Katolisismo.

2. Ang karaniwang paksain ng mga panitikan noong panahon ng Espanyol

ay pagiging makabayan.

3. Ang mga tulang Romansa ay kadalasang tumatalakay sa

pakikipagsapalaran at kabayanihang kinasasangkutan ng mga prinsipe

at prinsesa na nagtatagumpay dahil sa kanilang pananampalataya sa

Diyos.

4. Ang Florante at Laura ay naging pinakatanyag na korido sa Pilipinas.

5. Si Ferdinand Magellan ang nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu.


11
Copyright © 2018 Quipper Limited
6. Ang mga tulang Romansa ay nagmula sa Europa.

7. Layunin rin ng mga Espanyol na palawakin ang kapangyarihan ng

Espanya sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga sakop na mga bansa.

8. Moralistiko rin ang karaniwang tema ng mga awit at korido.

9. Karaniwan sa mga katutubong panitikan ng ating mga ninuo ay oral na

tradisyon o pasalin-dila lamang.

10. Itinuturing na panitikang pantakas ang Ibong Adarna ng mga mahihirap

na Pilipino na lugmok sa hirap at paniniil ng mga Amerikano.

12
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 2
Motibo ng May-akda sa Pagsulat
ng Ibong Adarna

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang ang sariling pananaw tungkol
ad
sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda.

Pag-aralan Natin
Masasabing hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa
rin natutukoy kung sino ang sumulat ng akdang
Ibong Adarna. Sinasabing ng ilan gaya ni Pura
Santillan-Castrence na ito ay sa kadahilanang ang
akdang ito ay hinango lamang mula sa Europa.
Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng iba na
hindi maituturing na kabilang ang akdang ito sa
Panitikang Pilipino subalit mapapansin na
sumasalamin ang nilalaman ng akdang ito sa
kultura o kaugaliang Pilipino.

Natalakay natin sa unang aralin na ang obra


maestrang Ibong Adarna ay mabibilang sa mga
Tulang Romansa mula sa Europa. At kung
uugatin ang kasaysayan, tinatayang noong
Medieval Ages nakilala ang mga tulang romansa
sa Europa samantalang taong 1610 naman ito
nakarating sa Pilipinas.
13
Copyright © 2018 Quipper Limited
Samakatuwid nang ito ay naging tanyag sa Pilipinas, ano kaya ang motibo ng may-akda nito at higit
sa lahat, ano kaya ang layunin ng mga Kastila bakit ito ipinalaganap sa bansa noong panahong
nagsisimula pa lamang sila sa tuluyang pananakop sa Pilipinas.

Narito ang ilang maaaring motibo ng may-akda batay na rin sa ating pasilip na kuwento sa akda:

Mapapansin na sa bahaging iyan ng


pasilip sa akda, isa sa motibo ng
Hindi tulad ng dalawang kapatid, si Don Juan ay may-akda ay ang palitawin ang
nanalangin muna upang humingi ng gabay sa pagiging Kristiyano kung saan
Poong Maykapal. masasalamin ang pagpapahalaga sa
pananampalataya sa Poong
Maykapal.

Sa bahaging ito naman, ipinapakita


na nais rin ng may-akda na Kaya naman nagpasya ang mga prinsipe na
palutangin ang pagpapahalaga sa hulihin at dalhin sa ama ang nasabing ibon.
pagmamahal sa mga magulang at Pinangunahan ng panganay na anak na si Don
ang mataas na pagtingin o Pedro ang paglalakbay.
paggalang ng anak sa kaniyang
magulang.

Tumulong siya sa isang matandang ketongin na Isa pa sa motibo ng akda batay na


rin sa bahaging ito ay ang
nasalubong niya sa paglalakbay, ibinigay niya
ang natitira niyang nag-iisang tinapay. Bilang pagpapakita ng kahalagahan ng
ganti, pinayuhan siya ng matanda sa mga dapat pagtulong sa mga nangangailangan
at ang pagtanaw ng utang ng loob
niyang gawin upang makaiwas sa panganib na
dala ng kaniyang gagawing paghuli sa mailap at gaya na rin ng ginawa ni Don Juan
puno ng hiwagang Ibong Adarna. sa matandang leproso.

14
Copyright © 2018 Quipper Limited
Kapansin-pansin naman sa bahaging
ito na ipinakita nag pagtitiyaga ni
Don Juan sa harapin ang mga
pagsubok, masasabing sinasalamin Ginawa ni Don Juan ang lahat ng pinayo ng
rito ang motibo ng may-akda na matandang ermitanyo at hinarap ang lahat ng
palutangin ang pagkakaroon ng pagsubok.
tibay at lakas ng loob na harapin
ang anumang pagsubok sa buhay.
(Maaari ka ring magbahagi ng
pananaw ukol dito)

Sa kabuuan, ang korido ay hitik sa mga gintong aral ang akda na nagpapatunay na maaaring ang
paglalahad ng mga mensaheng ito ang motibo ng may-akda. Hindi man natin matukoy ang partikular
na sumulat dahil sa ito ay sinasabing ngang hango sa ilang mga kuwentong-bayan sa Romania,
Denmark, Austria, Alemanya at Finland. Subalit, mapapansin natin na sa pagbabasa ng akda gaya ng
pagbabasa sa pasilip na bahagi ng akda, mayroong mga katanungang pumapasok sa ating isipan na
sadyang sumasagot sa tunay na motibo ng may-akda o ng mga Espanyol sa pagpapalaganap ng
akdang ito sa Pilipinas.

Masasabing ang mga motibong ito ay may malaking epekto sa mga Pilipino, higit sa pagpapalaganap
ng relihiyong Kristiyanismo. Tunay na ang motibo ng akdang ay palitawin ang pagbibigay-halaga sa
Katolisismo at palutangin ang mga gintong aral na sasalamin sa mabuting pag-uugali.
Sa pamamagitan nito, maaari kang maglahad ng iyong mga pananaw sa bawat motibong kapansin-
pansin sa ilang bahagi. Mahalagang ibahagi mo ang iyong pananaw upang maipakita ang naging bisa
ng mga motibo ng may-akda sa iyong pang-unawa.

Samantala, dapat nating malaman na iba ang pagtukoy sa motibo ng may-akda sa layunin ng mga
tekstong binabasa. Mayroong iba’t ibang layunin ang mga akda, maaari itong maging tekstong
sumusunod:

1. Impormatibo. Uri ng tekstong nagbibigay ng bagong kaalaman o impormasyon ukol sa isang


pangyayari, paksa o paniniwala.

2. Argumentativ. Naghahain ng mga argumento at nilalayong maglahad ng posisyon o pananaw


ukol sa isang isyu o paksa.

3. Persweysiv. Layunin ng tekstong ito na manghikayat sa mga mambabasa.

4. Deskriptiv. Layunin ng tekstong ito ay maglalahad ng paglalarawan partikular sa katangiang


pisikal.

5. Narativ. Layunin nitong magsalaysay ng teksto ukol sa isang partikular na pangyayari o


paksa.
15
Copyright © 2018 Quipper Limited
Masasabing dahil sa iba’t ibang layunin ng teksto nabanggit, malaki ang kaibahan ng motibo ng akda
sa layunin ng isang teksto, masasabi kasing mas subhetibo ang motibo ng mga may-akda kaysa sa
kabuuang layuning sinsalamin ng akda ngunit ang dalawang ito ay may malaking kontribusyon sa
magiging bisa ng akda sa mga mambabasa.

Isa sa mabisang paraan upang matukoy ang layunin ng teksto ay ang pag-alam sa kontekstong
kinapapalooban ng akda ay ang pagsagot sa mga sumusunod na katanungan:

 Ano-anong pangyayari noong panahon na isinusulat ito ang maaaring nakaapekto sa may-
akda kung kaya niya ito isinulat?
 Ano-anong personal na salik ng may-akda ang maaaring nakaimpluwensiya sa pagsulat niya
ng akda?
 Ano ang naging silbi ng akda para sa mga mambabasa?

Batay sa mga katanungang iyan, maaari nating masagot ano ang kabuuang layunin ng akdang Ibong
Adarna at ang naging bias nito sa mga mambabasa:

 Para sa unang tanong na, ano-anong pangyayari noong panahon na isinusulat ito ang
maaaring nakaapekto sa may-akda kung kaya niya ito isinulat?
Matatandaan natin na tinalakay sa unang aralin na ito ay isinulat noong panahon na sumikat ang
tulang romansa sa Europa at dinala ito ng mga Espanyol sa ating bansa. Masasabing noong panahon
na dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang mga Pilipino ay may relihiyong tinatawag na
paganismo kung saan sila ay sumasamba sa maraming Diyos o Diyosa at kung saan sila ay
gumagawa ng mga seremonya bilang pag-aalay sa kanilang mga sinasamba. Subalit sa akdang Ibong
Adarna, nilayon nito na ipakita ang pagsamba sa iisang Diyos at ang pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo. Kaya naman masasabing ang isa sa pinakalayunin ng akda ay ang maging
impormativ o maglahad ng impormasyon ukol sa Katolisismo.

 Para sa ikalawang tanong na, ano-anong personal na salik ng may-akda ang maaaring
nakaimpluwensiya sa pagsulat niya ng akda?
Tinalakay natin sa mga unang bahagi ng araling ito ang mga motibo ng may-akda kaya naman ang
maaaring maging tugon sa tanong na ito para sa pagtukoy ng layunin ng akda ay ang mga ilang
personal na motibo gaya ng pagpapahalaga sa magulang at pagtulong sa nangangailangan. Batay sa
pasilip na kuwento sa obra maestro, masasabing ang may-akda ay personal na ninanais ibahagi ang
mabubuting kaugaliang nabanggit kaya naman isa sa matuturing na layunin ng akda ay ang maging
persweysiv, maging mapanghikayat sa mga mambabasa na isabuhay ang mga mabubuting ugaling
sinalamin ng akda.

16
Copyright © 2018 Quipper Limited
 Para sa huling tanong na, ano ang naging silbi ng akda para sa mga mambabasa?

Sa katunayan, mahirap sagutin ang tanong na ito


sapagkat iba’t iba ang nagiging bisa o silbi ng
akda sa bawat mambabasa. Maaaring ang akda
ay nakapagbigay ng impormasyon o naging
impormativ para sa ilan o kaya naman naging Sagutin Natin
persweysiv o mapanghikayat, at maaari ding
namang inilarawan nito ang kalagayan ng
bansa sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol o naging deskriptiv. Kaya naman sa 1. Bakit hindi ganap na maituturing na
kabuuan masasabi nating ang akdang Ibong bahagi ng panitikang Filipino ang
Adarna ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang
Ibong Adarna?
layunin sa pagbibigay ng epekto sa mga
mambabasa. 2. Ano-ano nga ba ang maaaring
motibo ng may-akda ng Ibong
Bilang paglalahat, masasabing mahalaga ang Adarna?
pagtukoy sa mga motibo ng may-akda at 3. Bakit maaring maiba ang motibo ng
layunin ng akda o teksto sa paglalahad ng may-akda at layunin ng akda?
pananaw ng mga mambabasa ng naging bisa
ng akda sa kanila. Maaaring sa pamamagitan
nito, lubusang maunawaan ng mga mambabasa
ang mensahe o kaisipan ng may akda na malaki
ang nagiging epekto sa kanilang pananaw sa
buhay.

Subukan Natin
1. Ano-ano nga ba ang mga katanungan na maaaring mabuo sa isipan upang matukoy ang
partikular na layunin ng akda?

2. Sa kabuuan, ano ang kahalagahan ng mga motibo ng may-akda at layunin ng teksto o akda?

17
Copyright © 2018 Quipper Limited
Isaisip Natin
Bakit mahalagang matutuhan ang paglalahad ng sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng
may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda?

Pag-isipan Natin

A. Basahin muli ang ilang mga bahagi ng binasang “Isang Pasilip sa akdang Ibong Adarna” at
ilahad ang iyong sariling pananaw ukol sa tinalakay na motibo ng may-akda sa bahaging ito.

Hindi tulad ng dalawang kapatid, si


Don Juan ay nanalangin muna
upang humingi ng gabay sa Poong
Maykapal.

Kaya naman nagpasya ang mga


prinsipe na hulihin at dalhin sa ama
ang nasabing ibon. Pinangunahan ng
panganay na anak na si Don Pedro
ang paglalakbay.

Tumulong siya sa isang matandang


ketongin na nasalubong niya sa
paglalakbay, ibinigay niya ang
natitira niyang nag-iisang tinapay.
Bilang ganti, pinayuhan siya ng
matanda sa mga dapat niyang gawin
upang makaiwas sa panganib na dala
ng kaniyang gagawing paghuli sa
mailap at puno ng hiwagang Ibong
Adarna.
18
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ginawa ni Don Juan ang lahat ng
pinayo ng matandang ermitanyo at
hinarap ang lahat ng pagsubok.

B. Alamin natin ang mga naging bisa para sa iyo ng pasilip na kuwento pa lamang ng akdang
Ibong Adarna. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Nahikayat ka bang basahin ang buong kuwento ng akdang Ibong Adarna?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay ano ang kabuuang motibo ng teksto para sa mga mambabasa?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3. Ibahagi mo ang iyong palagay sa susunod na mangyayari batay sa iyong nabasang pasilip na
kuwento ng ibong adarna?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Maglahad ng mga pangyayari o nilalaman ng akda ukol sa kaugnayan nito sa pagtatanghal ng


sabayang pagbigkas.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

5. Batay sa iyong nabasa, mahalaga kayang basahin at unawain ang akda?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

19
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 3
Kahulugan at mga Katangian ng Korido

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naibibigay ang kahulugan at
mga katangian ng “korido.”

Pag-aralan Natin
Ayon sa kasaysayan, naging mahigpit ang sensura o ang mga sumusuri ng mga akdang pampanitikan
noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol kaya naman hindi lahat ng mga akdang pampanitikan
noon ay maaaring mailathala sapagkat batay na rin sa unang aralin na ayon kay Jose Villa
Panganiban, et al. sa aklat na Panitikan ng Pilipinas, ang tatlong katangian ng panitikan lamang noon
ay sinasabing may sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, korido,
pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling-wika.
Karaniwang paksain ng mga akda noon ay panrelihiyon, at kung hindi man ay halaw sa anyo, paksa,
o tradisyong Espanyol.

Dahil sa temang sinasaklaw ng awit at korido ang mga ito ay namayani at higit na nakilala ng
marami.
Ayon sa aklat na Panitikang Pilipino ni Arthur Casanova.

Bago natin isa-isahin ang mga katangian ng korido. Alamin natin ang ilang pagkakatulad ng awit at
korido.

 Madalas ang mga awit at korido ay nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen
o sa isang santo.

 Ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihang karaniwang


kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa at mga maharlikang tao kung saan ang
pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kaniyang mataimtim na pananalig at
matiyagang pagtawag sa Diyos. 20
Copyright © 2018 Quipper Limited
Narito naman ang pagkakaiba ng awit at korido batay sa mga pamantayan.

MGA PAMANTAYAN KORIDO AWIT


Ito ay binubuo ng apat na Ito rin ay binubuo ng apat na
BATAY SA ANYO taludtod sa isang saknong na taludtod sa isang saknong na
mayroong sukat na mayroong sukat na
wawaluhing pantig (8). lalabindalawahing pantig (12)

MUSIKA Mabilis ang paraan ng Mabagal ang paraan ng


pagbigkas o ang himig ay pagbigkas o ang himig ay
tintawag na allegro. tintawag na andante.

PAKSA Tungkol sa pananampalataya, Tungkol sa bayani,


alamat, kababalaghan, mandirigma, at larawan ng
romansa, at pakikipagsapalaran buhay.

KATANGIAN NG MGA Ang mga tauhan ay mayroong Ang mga tauhan ay walang
TAUHAN kapangyarihan o kaya naman kapangyarihan subalit
nagtataglay ng mga humaharap rin sila sa
kababalaghan na maaring hindi matinding pakikipagsapalaran.
magawa ng karaniwang tao. Karaniwang ito ay
sumasalamin sa pangyayari sa
tunay na buhay.

MGA HALIMBAWA Ibong Adarna, Prinsipe Orentis Florante at Laura ni Francisco


ni Jose Dela Cruz, Rodrigo de Balagtas, Buhay ni
Villa ni Jose dela Cruz, Donya Segismundo ni Eulogio Juan de
Ines ni Ananias Zorilla, Don Tandiona, Doce Pares na
Juan Tianyoso at Ang Haring kaharian ng Francia ni Jose
Patay. Dela Cruz, Salita at Buhay ni
Mariang Alimango.

Ayon sa nabasa natin sa panimula ng yunit na ito, ang Ibong Adarna ay ang pinakatanyag na korido
sa ating bansa ngunit sa papaanong paaran ba natin mauuri ito bilang korido. Halina’t suriin natin ang
akda ayon sa sumusunod na kumbensyon ng isang korido:

Patunay na ang Ibong Adarna ay isang Korido

BATAY SA ANYO Ang akda ay binubuo ng apat na taludtod at kung bibilangin ang
pantig sa bawat taludtod, ito ay mayroong wawaluhing pantig.

MUSIKA Isinulat ang Ibong Adarna upang tulain o awitin. Maaari itong
21
Copyright © 2018 Quipper Limited
lapatan ng musika. Ang himig sa pagbigkas o pag-awit nito ay
mabilis o allegro.

PAKSA Kuwento ito ng pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe upang


hanapin ang Ibong Adarna gayundin ito ay nagtataglay ng
kuwento ng pag-ibig kung saan si Don Juan ay nagkaroon ng
ugnayan sa mga kababaihan at nahanap ang tunay na pag-ibig sa
piling ni Maria Blanca.

KATANGIAN NG Nagtataglay ito ng mga tauhan na may kakaibang kapangyarihan


MGA TAUHAN at mga tagpuan na malayo sa katotohanan. Ilan sa mga ito ay ang
kapangyarihan ng ibong Adarna na magpagaling ng karamdaman
sa pamamagitan ng pag-awit nito at ang pagiging bato ng taong
malagyan ng ipot nito. Ang kaharian na matatagpuan sa ilalim ng
balon at mga prinsesang binabantayan ng mga kagila-gilalas na
nilalang tulad ng higante at serpyente. Marami pang iba bukod sa
mga ito na mismong nagpapatakbo sa daloy ng kuwento.

IMPLUWENSIYA Sinimulan sa unang bahagi ang panawagan sa Birheng Ina na


NG RELIHIYONG gabayan ang pagsasalaysay ng kuwento ng Ibong Adarna.
KATOLISISMO Karamihan sa mga pangalan ay mga pangalang makukuha mula
sa mga Kristiyano o may katulad sa mga kuwentong Biblikal
tulad ng Maria Juana, Leonora, Pedro, Juan, at Tabor. Ang
pagkakakasal sa mga tauhan ay seremonyang pangkasal ng mga
Kristiyano at maging ang ginawang pagdarasal ng ibang tauhan
sa kuwento ay halimbawa ng Kristiyanong impluwensiya sa
korido.

Sagutin Natin
1. Ano ang aklat na isinulat ni Jose Villa Panganiban na tumatalakay sa panitikan
noong panahon ng Espanyol?
2. Ano ang kadalasang simula ng awit at korido?
3. Paano kinakanta ang korido?

22
Copyright © 2018 Quipper Limited
Subukan Natin

1. Isa-isahin ang katangian ng korido batay sa ilang pamantayan.


2. Magbigay ng ilang pagkakaiba ng awit at korido.

Isaisip Natin
Sa iyong palagay, paano masasalamin sa Ibong Adarna ang mga katangian ng isang korido?

Pag-isipan Natin
A. Tukuyin kung KORIDO o AWIT ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang K kung korido at
A kung awit.

_____ 1. Ang himig ay mabagal na tinatawag na andante.

_____ 2. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural at nakagagawa ng

kababalaghan.

_____ 3. Mayroong apat na taludtod na may wawaluhing pantig.

_____ 4. Tungkol sa bayani at mandirigma, karaniwang naglalarawan ng buhay.

_____ 5. Patungkol sa pananampalataya, pakikipagsapalaran at kababalaghan.

23
Copyright © 2018 Quipper Limited
B. Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bialng. Itiman ang bilog kung ito ay
nagpapakita ng katangian ng korido na masasalamin sa akdang Ibong Adarna.

1. Patungkol sa pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe at ang usaping pag-ibig

ni Don Juan sa mga kababaihan.

2. Ang Ibong Adarna ay mayroong kakaibang kapangyarihan at ang lugar kung

saan siya matatagpuan ay malayo sa katotohanan.

3. Kinakailangang mabagal tulain o awitin ang Ibong Adarna.

4. Sumasalamin sa pananampalataya lalo na sa unang bahagi ng Ibong Adarna.

5. Nagpapakita ang Ibong Adarna ng mga pangyayari sa totoong buhay.

24
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 4
Pag-unawa ng Mahahalagang Kaisipan sa
Ibong Adarna

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nagagamit ang mga larawan sa
pagpapaliwanag ng pag-unawa sa mahahalagang kaisipang nasasalamin sa napanood na
bahagi ng akda.

Pag-aralan Natin
Masasabing marami sa mga Pilipino ay may kakayahang bumasa ng
mga akda subalit iilan lamang ang kayang unawain ang nilalaman
o kaisipang nakapaloob sa kanilang binasa. Alam mo ba na ang
pag-unawa sa mga binabasa nating mga akda ay
napakahalagang kasanayan?

Ang pagbabasa, panonood at pakikinig ay ilan lamang sa mga


kasanayang makapagdaragdag sa iyong kaalaman at
magpupuno sa iyong ilang kakulangan kaya naman ang
lubusang pag-unawa sa iyong mga nababasa, napapakinggan o
napapanood ay sadya talaga importante.

Ayon kay Goodman (1969) ang pagbabasa ay nagiging makahulugan


kung may interaksyon ang mambabasa at ang teksto. Masasabing ang pag-unawa o komprenhensyon
ay isang masalimuot na prosesong pangkaisipan na maaring hindi kaagad-agad matutunan subalit ito
ay nahahasa kung patuloy na pag-aaralan at gagamitin.

Ano nga ba ang ating tinutukoy na pag-unawa sa mga mahahalagang kaisipan?


25
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ang pag-unawa sa mahalagang kaisipan ay ang pagbuo ng kahulugan habang nagaganap ang
interaksyon sa pagitan ng mambabasa o manonood at teksto. Ang isang taong mahilig magbasa o
manood ang siyang higit na nakatatamo ng kasanayan sa pag-unawa sapagkat madali niyang
nakukuha ang pangunahing detalye at ang kaugnay na detalye nito. Ang pagtukoy sa mga
mahahalagang kaisipan na nakapaloob sa mga akda ay masasabing nagpapakita ng lubusang
pagkaunawa.

Samakatuwid sa papaanong paraan natin mapapaunlad ang ating komprehensyon o pag-unawa sa


mga kaisipan ng ating mga binabasa o pinapanood? Gumamit tayo ng iba’t obang estratehiya gaya na
lamang ng mga sumusunod:

1. Pag-uugnay - iniuugnay ang anumang nabasa o napanood ng akda sa karanasan o dati ng


kaalaman ng mambabasa.

2. Paghuhula - Ginagamitan ito ng prediksyon o hula ng mambabasa ang bawat bahagi ng akda
kung ano ang mga mangyayari. Sa panimula ng pagbabasa, gitna o sa pagtatapos
nito.Nakakapanghikayat ang estratehiyang ito upang ipagpatuloy angpagbasa at higit na
maunawaan.

3. Masining na pagtatanong - Sa paraang ito, bumubuo ng mga pansariling katanungan ang


mambabasa na mayb kaugnayang sa akda. Napapalalim nito ang pang-unawa at napalilitaw
nang mabuti ang mga kaisipan.

4. Pagbuo ng mga biswal na imahe - Sa paraang ito nagagamit ng mga mambabasa ang
kanilang malawak na imahinasyon na kung saan nakabubuo sila ng mga imahe sa isipan ng
mga pangyayari mula sa nabasa o napanood na nakatutulong sa labis nilang pag-unawa.

Tatandaan natin ang pag-unawa sa ating binabasa ay malaking tulong sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay kaya naman marapat na ito ay linangin.

Narito pa ang ilang simpleng paraan sa pagtukoy ng mahahalagang kaisipan ng akda:

HABANG NAGBABASA o KUNG HINDI PAGKABASA o PAGKATAPOS


NANONOOD MAUNAWAAN MANOOD
SABIHIN Tukuyin ang problema Ikuwento sa sariling pananalita ang
sa sarili kung ano ang sinasabi binasa o napanood
ng may-akda

TANUNGIN Paalalahanan ang sarili kung Ibuod ang mga mahahalagang


ang sarili kung may punto ang ano ang gusto mong kaisipan
binabasa o pinanonood malaman

26
Copyright © 2018 Quipper Limited
ILARAWAN Balikan ang mga larawan Tanungin ang sarili ng mga nais
ang ipinapahayag ng may-akda upang matukoy ang kaisipan malaman at saka hanapin ang sagot
sa tanong

HULAAN Ilarawan sa isip kung ano ang mga


kung ano ang mangyayari kaisipang nais ipahayag ng
kuwentong binasa o pinanood

Sagutin Natin
1. Ano ang pag-unawa ng mahalagang kaisipan?
2. Ano ang dapat sabihin sa sarili habang nanonood o nagbabasa?
3. Ano naman ang dapat ilarawan?

Subukan Natin
1. Ano-ano ang iba’t ibang estratehiya na maaaring gamitin sa pag-unawa sa binabasa o
pinapanood?

2. Bakit mahalagang nauunawaan natin ang ating binabasa o pinapanood?

Isaisip Natin

Bakit mahalagang gamitin ang mga larawan sa pagpapaliwanag ng pag-unawa sa mahahalagang


kaisipang nasasalamin sa napanood na bahagi ng akda?

27
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
Balikan natin ang binasang “Isang Pasilip sa Kuwento ng Ibong Adarna” para sa lubusang pag-unawa
sa akda, sagutan ang mga katanungan sa tsart.

HABANG NAGBABASA KUNG HINDI PAGKABASA o PAGKATAPOS


MAUNAWAAN MANOOD
Ano ang sinasabi ng akda sa Ano ang bahagi hindi naging Ibahagi mo ang kuwento.
iyong sariling pananaw? malinawa para sa iyo?

Ano ba ang punto ng akda? Ano pa ang gusto mong Magbigay ng ilang mahahalagang
malaman sa akda? kaisipan na iyong napulot

Ilarawan ang ipinapahayag ng Bumuo ng mga larawan o Ano-ano pa ang mga nais mong
akda? imahe sa iyong isipan na malaman?
mangyayari sa akda

Maaari mo bang hulaan ang Ilarawan kung ano ang mga


mangyayari sa akda kaisipang nabuo mo matapos
lumikha ng mga sariling imahe sa
isipan.

28
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 5
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naibabahagi ang sariling ideya
tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.

Pag-aralan Natin
Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral tulad ninyo ang
Ibong Adarna dahil maraming mahahalagang aral sa
buhay mula sa akda ang matututuhan mula rito. Ang
mga aral na ito ay inyong mabibitbit at magagamit
bilang lunsaran sa pagharap sa mga iba’t ibang
karanasang inyong masasalubong habang umuusad
kayo sa buhay. Sa pag-unawa ng Ibong Adarna,
mabibigyang-halaga natin ang mga simbolo na
makikita sa akda - mga simbolo at imahen na
magpapalawak ng inyong imahinasyon kung gaano
kakulay ang korido maging ang buhay ng mga tauhan
sa akda. Upang higit kayong maengganyong basahin at
tutukan ang kuwento ng tulang pasalaysay na nasa
anyo ng korido, ang Ibong Adarna, tunghayan natin
kung ano ba ang mga dapat nating asahan at abangan
nang mas lumalim pa ang pagpapahalaga natin sa pag-
aaral ng akda. Pansinin din natin ang mga nakapahilig
na salitang ginamit sa paglalahad ng sariling ideya sa
pagpapahalaga ng akda.

29
Copyright © 2018 Quipper Limited
Kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna

1 Ang Ibong Adarna ay kakikitaan ng paraan ng pamumuhay ng mga Europeo.


. Sinasalamin ng mga korido ang pinaghalawan nitong kuwentong romansa sa
Europa, ang kanilang kultura at pananampalatayang Kristyanismo. Bukod dito, ang
ideya ng kaharian, kahiwagaan, karangyaan, at prinsesa’t prinsipe ay hiram lamang
mula sa kanluranin. Ngunit ang mga dalang aral at kultura ng akda maging ang
mga kasabayang panitikang panrelihiyon ay nanatili sa atin mula noong sinakop na
tayo ng mga Kastila hanggang sa kasalukuyang panahon.

2 Ang ilang mga aral na makikita sa Ibong Adarna ay hindi makikita o mababasa sa
. ilang pang panitikang may kinalaman sa relihiyon gaya ng lubos na pagpapahalaga
sa pamilya at magulang, pagiging isang mabuting kapatid gaya ni Don Juan,
pagmamahal sa Diyos, pagtanaw ng utang na loob sa katauhan ng matandang
Ermitanyo, pagtulong sa kapwa, pananalig at pagtitiwala, wagas na pag-ibig,
hiwaga ng buhay, sining ng pagpapatawad, katatagan sa buhay sa kabila ng
pagsubok, pagiging isang mahusay na tagapagpasunod, at pagtutulungan ng bawat
miyembro ng pamilya. Ilan lamang ito sa mga aral na maaring makita sa kabuuan
ng akda.

3 Bukod sa mga obra maestra gaya ng Florante at Laura, Noli Me Tangere, at El


Filibusterismo ang Ibong Adarna ay nagsilbing panitikang pantakas ng mga
.
Pilipino gaya nga ng inilahad sa nauna nang aralin. Makikita rin ang lawak ng
impluwensya ng daloy ng
kuwento nito gayundin ang
tauhan at paksa o tema sa mga
alamat, epiko, at sa iba pang
panitikan. Sagutin Natin
Kaya naman, inaasahan na makikita ninyo 1. Saan nga ba nagmula ang akdang Ibong
bilang mga mag-aaral ang kahalagahan ng
Adarna?
pag-aaral ng mga akdang gaya nito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sariling ideya. 2. Kanino natin hiniram ang ideya ng kaharian,
Maaaring ang iyong mga ideya sa pagbabasa
kahiwagaan, karangyaan, at mga prinsesa’t
ng akda ay nakaangkla sa mas malalim na
pang-unawa sa nilalaman ng Ibong Adarna prinsipe?
kung saan palulutangin ang kahalagahan nito
3. Magbigay ng ilang mga aral na makukuha
sa anumang pagkakataon.
sa Ibong Adarna.

30
Copyright © 2018 Quipper Limited
Subukan Natin
1. Sa kabuuan, bakit nga ba mahalagang pag-aaralan ang Ibong Adarna?

2. Paano ba natin makikita o masasalamin sa akda ang kahalagahan nito?

Isaisip Natin
Bakit mahalagang matutunang makapagbahagi ng sariling ideya o pananaw sa pag-aaral ng
Ibong Adarna?

Pag-isipan Natin
A. Kulayan ng pula ang kahon kung ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng Ibong Adarna
samantalang asul kung hindi.

1. Ang Ibong Adarna ay sumasalamin sa paraan ng pamumuhay ng mga


Europeo.

2. Maaaring matagpuan sa kahit anumang akda ang aral na makikita sa


akdang Ibong Adarna.

3. Ito ay nagsilbing pantakas ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol.

4. Nanatili sa atin ang mga aral na makukuha sa Ibong Adarna partikular


ang panitikang panrelihiyon.

5. Kakikitaan ng mga aral sa buhay gaya ng pagmamahal sa magulang,


pananamapalataya sa Diyos, pagiging makasarili at pagtulong sa kapwa.
31
Copyright © 2018 Quipper Limited
B. Magbigay ng limang pananaw mo ukol sa bakit mong pag-aralan ang Ibong Adarna.

Gawin Natin
Isagawa ang sumusunod. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay aatasan ng kani-
kaniyang gawain na aayon sa pinag-aralan sa aralin at iuulat ito sa klase. May nakalaan lamang na 10
minuto sa bawat pangkat (7 minuto para sa paghahanda at 3 para sa pag-uulat).

1. UNANG PANGKAT: Pumili ng isang artikulo na nagpapakita ng kalagayan ng korido


noong panahon ng Kastila.
2. IKALAWANG PANGKAT: Pumili ng mga saknong mula sa Ibong Adarna na
nagpapakita ng motibo ng Kastila sa kanilang pagsakop sa bansa.
3. IKATLONG PANGKAT: Sumipi ng isang halimbawa ng korido, suriin kung ang
ibinigay ba na katangian at kahulugan ni Casanova ay makikita sa nakuhang akda
4. IKAAPAT NA PANGKAT: Humanap ng video sa YouTube na tungkol sa Ibong
Adarna. Gamit ang natutuhang pamamaraan sa pagtukoy ng mahalagang kaisipan mula sa
napanood, magbigay ng isa o dalawang pangunahing kaisipan na nakuha mula rito.
Gumawa ng poster o gumuhit ng larawan na nagpapakita ng kaisipang ito.
5. IKALIMANG PANGKAT: Magtala ng mga rason kung bakit mahalagang pag-aralan
ang Ibong Adarna. Kapanayamin ang iyong mga magulang o mga lolo at lola upang
makuha ang kanilang opinyon sa kahalagan ng pag-aaral ng nasabing akda.

32
Copyright © 2018 Quipper Limited
Rubrik sa Pagtataya
Itiman ang angkop na bilog. (5 ang pinakamataas, 1 ang pinakamababa)

Pamantayan sa Pagbubuod 1 2 3 4 5
1. Mahusay ang nilalaman ng bawat ulat ng pangkat ukol sa iba’t
ibang gawain para sa Ibong Adarna.
2. Mayroong maayos na sistema sa pagsasagawa ng mga gawain.
3. May kaisahan ang bawat grupo sa paglalahad ng kanilang mga
naisagawa o nakalap na impormasyon.
4. Malikhain sa pagsasagawa ng gawain o ng kanilang
presentasyon.
Kabuuang puntos:

Interpretasyon:

16 – 20 : Napakahusay
11 – 15 : Mahusay
6 – 10 : Katamtaman
1–5 : Nangangailangan pa ng pagsasanay

33
Copyright © 2018 Quipper Limited
Paglalagom

Kalagayan ng Bansa sa
Panahon ng Pagsulat ng
Akda

Pag-unawa ng
Motibo ng May-akda sa
mahahalagang kaisipan sa
Ibong Adarna Pagsulat ng Ibong Adarna

Kahalagahan ng Kahulugan at mga Katangian


Pag-aaral ng Ibong Adarna ng Korido

34
Copyright © 2018 Quipper Limited
Dapat Tandaan

 Sinasabing nagmula ang awit at korido sa mga kuwentong romansa ng


Espanya at Europa na dala ng mga Espanyol na nagpuna sa Pilipinas.
Maaari itong lumaganap sa pamamagitan ng pagpapahiram ng mga kopya
nito sa iba o sa pagpasa ng kuwento nito habang nagkukuwentuhan.

 Maaaring ipalagay na ang pagkakasulat ng Ibong Adarna ay bilang tugon sa


kasagsagan ng mga tulang romansa noong panahon nito. Maaaring hilaw
ito ng may-akda sa mga kuwentong romansa mula sa Europa at isinulat ito
upang maitanghal o mabasa ng mga kababayan at magsilbing libangan nila.

 Ang korido ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod, at ng apat na


taludtod sa isang saknong. Ito ay nasa himig na allegro, at tungkol sa
pananampalataya, alamat, kababalaghan, romansa, at pakikiipagsapalaran.
Ang mga tauhan din nito ay nagtataglay ng kapangyarihang supernatural o
kayang magsagawa ng kababalaghan. Malayo sa tunay na buhay o
katotohanan ang mga pangyayari nito.

 Para matukoy ang mahahalgang kaisipan ng isang akda, balikan ang


tekstong binabasa o pinapanood at tukuyin ang problema nito, paalalahanan
ang sarili kung ano ang gusto malaman, o balikan ang mga larawan upang
matukoy ang kaisipan.

 Mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna dahil sumasalamin ito sa


kulturang Europeo o Kanluranin na pinaghalawan ng Ibong Adarna; may
mga aral na makikita rito na wala sa ibang panitikan; at nagsilbing
panitikang pantakas ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol.

35
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pagyamanin Natin
Ang sumusunod na mga articles at video links ay maaaring basahin at panoorin para sa karagdagang
impormasyon at malalim na talakayan.

 Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna


https://signvertise.info/?qz=6632

 Buod ng Ibong Adarna


https://www.youtube.com/watch?v=L66RMNuiJYU

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1 : Kalagayan ng Bansa sa Panahon ng Pagsulat ng Akda

Subukan Natin

1. Mayroong tatlong layunin ang mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas: (1) Palaganapin ang
Katolisismo, (2) Palawakin ang kapangyarihan ng Espanya sa pamamagitan ng pagpapalawak
ng sakop ng kanilang bansa at (3) Paghahanap ng pampalasa, masaganang likas-yaman, at
mga hilaw na materyales upang matustusan ang kanilang mga pangangailangang pang-
ekspedisyon.
2. Itinuturing na panitikang pantakas ang awit at korido sapagkat ang mahihirap na Pilipino na
lugmok sa hirap at paniniil ng mga Espanyol ay pansamantalang nakatatakas sa kanilang
tunay na kalagayan sa sandaling mabasa o mapanood nila ang akdang ito at mailagay sa
kanilang sarili sa pakikipagsapalaran ni Don Juan na siyang pangunahing tauhan sa akda.

Isaisip Natin

Sa aking palagay, sa pamamagitan ng kaalaman sa Kasaysayan ng Ibong Adarna,


mauunawaan natin ang nilalaman ng akda higit ang mensaheng nais iparating.

36
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 2: Motibo ng May-akda sa Pagsulat ng Ibong Adarna

Subukan Natin
1. Ang mga katanungan na itatanong sa sarili sa pagtukoy sa paksa ay (1) ano-anong pangyayari
noong panahon na isinusulat ito ang maaaring nakaapekto sa may-akda kung kaya niya ito
isinulat? (2) ano-anong personal na salik ng may-akda ang maaaring nakaimpluwensiya sa
pagsulat niya ng akda? At (3) ano ang naging silbi ng akda para sa mga mambabasa?
2. Masasabing mahalaga ang pagtukoy sa mga motibo ng may-akda at layunin ng akda o teksto
sa paglalahad ng pananaw ng mga mambabasa ng naging bisa ng akda sa kanila. Maaaring sa
pamamagitan nito, lubusang maunawaan ng mga mambabasa ang mensahe o kaisipan ng
may akda na malaki ang nagiging epekto sa kanilang pananaw sa buhay.

Isaisip Natin
Mahalaga na ibahagi ang pananaw o ideya sa motibo ng may-akda upang matukoy ang naging
kabisaan o epekto ng akda sa mambabasa. Maipapakita rin kung naunawaan ng mga
mambabasa ang mensahe o kaisipang nakapaloob sa akda.

Aralin 3: Kahulugan at mga Katangian ng Korido


Subukan Natin

1. Ang korido ay binubuo ng wawaluhing pantig, kinakanta ng mabilis o allegro, patungkol sa


pananampalataya, alamat, kababalaghan, romansa, at pakikipagsapalaran at ang mga tauhan
ay may kakaibang kapangyarihan o supernatural powers.
2. Ang awit at korido ay magkaiba sa paraan ng pagbigakas o pag-awit kung mabilis sa korido,
mabagal naman sa awit samanatala kung ang tauhan ay may tagalay na kapangyarihan o
kababalaghan, ang awit naman ay kalimitang sumasalamin sa larawan ng buhay.

Isaisip Natin
Masasalamin sa Ibong Adarna ang katangian ng korido sapagkat ang Ibong Adarna ay
wawaluhing pantig, inaawit ng mabilis at ang paksa ay patungkol sa pakikipagsapalaran ng
mga prinsipe at mayroong kapangyarihan gaya ng Ibong Adarna na may kakayahang
magpagaling.

37
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 4: Pag-unawa ng Mahahalagang Kaisipan sa Ibong Adarna

Subukan Natin
1. Ang mga estratehiya na dapat gamitin ay pag-uugnay, paghuhula, masining na pagtatanong, at
pagbuo ng mga biswal o imahe.
2. Tatandaan natin ang pag-unawa sa ating binabasa ay malaking tulong sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay kaya naman marapat na ito ay linangin.

Isaisip Natin
Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga larawan o imahe, lumalawak na imahinasyon ng mambabasa na
kung saan nakabubuo sila ng mga imahe sa isipan ng mga pangyayari mula sa nabasa o napanood na
nakatutulong sa labis nilang pag-unawa.

Aralin 5: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna

Subukan Natin
1. Mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna sapagkat maraming aral ang makukuha mula rito at
sumasalamin rin sa mga kaugalian at kultura ng mga Europeo na maaaring may kaugnayan sa
Panitikang Pilipino.

2. Makikita o masasalamin ang kahalagahan ng Ibong Adarna sa pamamagitan ng iba’t ibang


bahagi inilarawan sa akda. Higit ang mga katangiang makikita sa pangunahing tauhan ng Ibong
Adarna na si Don Juan.

Isaisip Natin
Mahalagang matutuhang makapagbahagi ng sariling ideya o pananaw ukol sa kahalagahan ng
Ibong Adarna sapagkat sumasalamin ito sa lubusang pang-unawa ng mambabasa sa akda.

38
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sanggunian
Alip, Eufronio M. The Ibong Adarna: A Filipino Metrical Romance.

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 7. Unang Edisyon. Lungsod ng Quezon: Phoenix


Publishing House, Inc., 2017.

Eugenio, Damiana L. Awit at Korido: A Study of the Fifty Philippine Metrical Romances in
Relation to Their Sources and Analogues. Los Angeles: University of California, 1965.

"Ibong Adarna." CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: Cultural Center of the
Philippines, 1994.

39
Copyright © 2018 Quipper Limited

You might also like